Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-Four - Gin

NAPABUNTONG-HININGA NA LANG SI RENANTE. Kakahingi ng dispensa sa mga nababangga ni Stacey, heto at naging tagapunas pa siya ng natilamsikang suit ng isa sa mga guest doon. He just pulled out the handkerchief peeking on his blazer's chest pocket, dabbed it on the wet part of the clothing and immediately left.

Hindi man lang ako hinintay ng babaeng iyon, he thought helplessly, incapable of getting mad at Stacey. I should be there when she talks to Ronnie.

Nagpatuloy siya sa paghahanap sa dalaga pero hindi niya ito mahagilap. Nang mapagod at halos mahilo kakapabalik-balik, sumandal siya sa pader. Pumuwesto siya malapit sa pinto.

Habang naghihintay, medyo nag-alala siya. Nagkita na kaya ang dalawa? Ano na kaya ang pinag-uusapan ng mga ito? Sigurado siyang itatanong ni Stacey kay Ronnie kung ano ang mga pinag-usapan nila ni Brian, kung ano ang kinalaman nito sa pinoproblema nila ngayon at kung bakit nakikialam ito.

Nasuklay niya paitaas ang buhok.

I hope Ronnie would shut his mouth about some things. Things not necessary to tell Stacey about. Renante let out a groan. Kung bakit ba naman kasi nawala siya sa paningin ko...

At doon na nagsimula ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari noon.

When Stacey told her about the stalker, Renante just shrugged it off. Sinabi niyang hindi siya naniniwala. Inasar pa niya ang dalaga ng, "Ikaw? May stalker? Sino naman mangi-stalk sa iyo eh nananapak ka? Irap mo pa lang, nambubugbog na, eh!"

"Seryoso ako!" mariin nitong bulong habang panay ang nakaw ng sulyap sa paligid. Takot ang dalaga na may ibang makarinig sa pinag-uusapan nila

Pero hindi siya nilubayan niyon nung nakauwi na siya ng bahay. He managed to convince Ronnie to help him discover who Stacey's stalker was. Ayon sa kanyang kapatid, wala na raw siyang kailangang gawin pa. Just to act normal and trust that the hired detective will do his job.

Hanggang sa pinatawag siya ng kapatid sa kwarto nito. Nasa kandungan ni Renante ang magkakapatong na mga litrato.

"Buti at tayo lang ang nakaalam nito!" sermon sa kanya ni Ronnie. "Buti at hindi mga kaibigan niya ang nakaisip na tumulong sa kanya, Renante!" Napabuntong-hininga pa ito. His brother could be dramatic sometimes. Wala lang naman itong emosyon o reaksyon kapag nasa labas na ng bahay nila."Paano na lang kung hindi tayo ang nakadiskubre nito? Baka siya pa ang ikulong ng mga pulis!"

Malungkot na nakatitig lang siya sa hawak pang litrato. He saw Stacey look around while putting a letter with a plastic rose in her bag. Pinakita iyon ng dalaga sa kanya nung nangulit na naman ito na tulungan niya. It was about weeks after Ronnie had a detective monitoring Stacey.

"Who is this girl for you, Renante? Yung totoo?"

"Sonny's friend--"

Hindi pinakinggan ng kanyang kapatid ang kanyang sagot. Nagtuloy-tuloy ito ng litanya, "Kung gusto mong magbago siya at mapabuti siya, don't entertain her bullshits. Iwasan mo ang pagpapapansin ng babaeng iyan sa iyo. We'll spare her this time, but if she dare to keep up with this shit..." he warned and trailed off. Senyales iyon ng paggamit ni Ronnie ng preno. Aware kasi ito kapag sumosobra na.

"What if... what if sa photo na ito, hindi niya ito nilalagay sa bag niya?" tanggol ng nanghihina niyang boses sa dalaga. "What if, kinukuha niya ito palabas ng bag niya?"

Napika na ang kanyang kapatid.

"My God, Renante. We hired the best detective in that agency! And you doubt evidences?"

Hindi siya makasagot, ni makatingin sa kapatid na nakatayo lang sa bandang likuran niya. Renante remained seated on the side of his brother's bed.

"Ginagawa ka lang niyang tanga! O baka naman halatang-halata na may gusto ka sa kanya kaya ang lakas ng loob niyang magpapansin ng ganyan."

"Gusto?" he felt alarmed. "Wala akong gusto sa kanya, no!" lingon niya rito.

Parang naging mapait ang panlasa niya.

"Oh really? Matapos mo akong abalahin ng ganito? Magde-deny ka pang hayop ka?"

"What's wrong with a little humanity?" baba niya sa hawak na litrato.

"You're just denying it because you're embarrassed of her right now."

"Alam mo namang si Sondra ang gusto ko, 'di ba?"

Hindi niya kinahihiya si Stacey.Kinahihiya niya ang sarili niya. He was supposed to be in love with Sondra. Why was he caring this much for someone else? Why was he acting this way?Is he already cheating? Is this cheating? Gusto na niyang matapos na ang mahabang panenermon ng kanyang kapatid.

"Eh bakit ang tagal-tagal na, hindi mo pa mapormahan si Sondra?Tingnan mo tuloy, nadidistract ka na ng kung sinu-sino."

Renante could not answer. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit parang kontento na siya na magkaibigan lang sila ni Sondra. Kung bakit parang walang sense of urgency na nagtutulak sa kanyang mas mapalapit sa kanyang kaibigan... hindi niya alam.

Napansin na nito sa wakas ang pananamlay niya. Ronnie sighed, his heart breaking for him as he sat on the side of the bed too.

"Look, Renante," he patted on his shoulder. "Loyalty is a choice. Kung hindi ka marunong manindigan sa una mong commitment, wala kang patutunguhan. That distraction? You'll only enjoy it at first. Gusto mo ba iyon? Paaasahin mo si Stacey sa feelings na hindi mo naman sigurado?Eh, si Sondra, subok mo na ang feelings mo para sa kanya. It's been years, right? You can't waste those years for just a someone you just met."

He just sighed. Hindi niya inaasahan ang ganitong interogasyon.

"Huwag puro ito—" turo nito sa kanyang dibdib, "—ang ginagamit. Use your head. Sayang naman ang tagal ng paghihintay mo kay Sondra, lahat ng effort mo para maging close kayo kung pabago-bago ka ng isip mo. Sayang naman, 'di ba? Kung magpapadala ka sa walang kasiguraduhan o mga distraction na iyan. Don't let that girl trick you in to changing your mind about Sonny, okay?That's not love. Tukso lang iyan."

"Why did I even bother to go through this?" suksok niya sa mga litrato pabalik sa pouch.

Ronnie smiled proudly.

To answer his question, maybe it was this nagging feeling that when you knew someone secretly likes you... you grow more intrigued of them?

.

.

"ITO BA ANG REASON NG PAGYAYA MO SA AKIN?" kalmadong saad ni Stacey habang nilalapag ng waiter sa mesa ang mga in-order nila. "Dahil kay X?"

Hindi umimik ang lalaki. Mukhang hinihintay muna nitong makaalis ang waiter bago magsalita.

"You're guilty, aren't you?" she snapped in a low voice. "Nakokonsensya ka dahil hindi ka naniwala noon sa akin."

"Akala ko kasi nagpapapansin ka lang," napilitan si Renante na sumagot.

Napipilitan o naghe-hesitate?

It was way back in college. Stacey had a stalker. At si Renante ang una at nag-iisang tao na hiningian niya ng tulong. Nung unang hingi niya ng tulong, hindi ito naniwala. Nakuha pa siyang asarin ng binata. Then, she gave it one last try. It was a week after she received that plastic rose and a creep letter with it.

And the only thing Renante told her that time was, "Then ask help from the police. Not from me."

Napalunok na lang si Stacey.

He probably told me that after he thought that I was lying about the stalker.

Pumuwesto siya sa isa sa mga mataas na cocktail tables doon. Hinayaan niyang daan-daanan siya ng mga waiter. Bawat isa ay humihinto para bigyan siya ng isang basong wine o salinan ng laman ang hawak niyang baso.

"Waiter!" she called, extending a hand to put her glass close to him.

Muling bumuhos ang alak sa baso.

In an hour, she already downed six glasses. Nilagok lang niya lahat. Why not? She's already used to drinking, and wines were too mild for her. Mas mabilis siyang magkaroon ng tama kung gin ang iinumin niya.

Yet, Stacey was starting to have a hard time following the people's movement with her eyes. They moved too fast for her they appeared like smeared colors. She blinked her eyes and everything suddenly went back to normal.

Pinigilan niya ang isang waiter may hawak itong tray na may laman. "Is that brandy?"

"Yes, Ma'am."

"Pahingi," alok niya sa hawak na baso.

"Uh, Ma'am, palitan ho muna natin itong baso niyo—" kuha nito sa hawak niya.

"No," bawi ni Stacey sa hawak. "Pour that in here."

Dahil sa riin ng utos niya, binalewala na lang ng waiter kung maling baso ang gamit niya para sa inumin. Sinalinan na siya nito ng brandy bago umalis. She returned to the cocktail table. Tinukod niya roon ang mga siko habang pinagmamasdan ang laman ng baso.

"I'm so terrible. I'm such a terrible person," she murmured. "I kept blaming other people and yet... it's me who ruined myself."

She smiled bitterly. "No wonder, my friends dumped me that easily and chose Sondra. No wonder, Kylie was being a snake to me... eyein on Renante. No wonder..." she sighed, eyes weakened as tears rimmed, "Renante stopped believing everything I say."

Stacey pouted and stared at the glass.

"But if he stopped believing in everything I say... Why is he still here, hm? Konsensya? Iyon na lang ba palagi ang iisipin kong dahilan ng mga ginagawa niya? Konsensya lang ba ang kayang maramdaman ni Renante?"

Pagak siyang tumawa.

"niya ako magugustuhan? Ang sama-sama ko palang tao. I'm a pretend. I'm a liar," she swallowed the hard lump on her throat. Yet it never left her. "Look," lingon niya sa paligid. "Renante probably already left me in this party."

At uminom na siya.

.

.

STACEY WAS ABOUT TO TAKE AN HOUR. Hindi maisip ni Renante kung bakit. Nakakakaba dahil baka nag-away na si Ronnie at ang dalaga. Iniwan ng binata ang pwesto at sinimulan ang paghahanap kay Stacey. But interruption came.

"Renante."

Napalingon siya sa pinagmulan ng boses.

His eyes narrowed. The guy is familiar.

He wore a white suit and approached him with such matured air.

Way too matured for a man in his mid-twenties.

"Guillermo," pagsasalubong ng mga kilay niya.

May kaduda-duda sa paling na ngiti ng binata. Now, he remembered, if he saw Yrina earlier, then Guillermo Cereza would not be that far.

"You're here," ngiti nito. "I heard about the new company. Congratulations. Sa wakas, nagsolo ka na rin ng negosyo."

Iniba niya ang usapan, "Nakita mo ba si Stacey?"

"Who's Stacey?"

"The woman I'm with. Sexy. Wearing this white, strapped dress..." iwas ng tingin niya dahil nagsisikap siyang alalahanin ang hitsura ng dalaga. "Beautiful hair. Red lips."

"Wow," magaang tawa ng lalaki sa kanya. "Really? You're expecting me to recognize someone with that kind of description?"

"You know what? Never mind," tapik niya sa braso nito bago umalis para ituloy ang paghahanap kay Stacey.

Unfortunately. Ronnie saw him first. Nang iwanan ni Renante si Guillermo, siyang sunod ng kapatid bago siya nito nahila. Napapihit siya paharap dito. He gave Ronnie a shove.

"Where's Stacey?"

"I don't know," relaxed nitong tugon.

He didn't like this. If Ronnie was this cool, then most probably, it was Stacey who lost the debate. Si Stacey ang natalo sa komprontasyong ginawa nito sa kanyang kapatid. Unless... they haven't met yet.

"You don't know?" paninigurado ni Renante.

"Yeah," he sighed, "that girl talked to me in the smoking room. Tumalikod lang ako saglit, umalis na."

Kinontrol niya ang sarili. "At bakit siya umalis ng walang paalam? What happened?"

"You should know," he challenged, a smirk on his lips. "I'm sure, you're the one who brought her here. You encouraged her to confront me."

Nagtimpi lang siya. He wouldn't made a scene in here. Now when he didn't know yet what exactly has happened.

"At ano ang mga pinag-usapan ninyo?"

"Why don't you ask her? You trust her more than your own brother, right?"

"Don't say that," mababa niyang wika.

"I'm saying it," mariin nitong saad. Despite the cool stature, Ronnie's eyes lit with annoyance. "Because you won't encourage her to interrogate me if you trust me more than that woman."

Nanahimik na lang siya. Hindi siya nakatalikod nang ituloy ng kanyang kuya ang pagsasalita.

"Seriously, Renante?" may pagkadismaya sa boses nito. "We're dealing with that woman again? Magpapaloko ka na naman sa kanya?"

He clenched his fist, heaved a deep breath and gave Ronnie a calculating glare before he left him.

Mas lalong kailangan niyang mahanap si Stacey ngayon. That woman had a knack of running away, and that's giving him the urgency to find her first.

.

.

STACEY SWAYED. Tinatahak niya ngayon ang pasilyo sa labas ng ballroom ng hotel na iyon. Nakaramdam siya ng init sa katawan, gumapang ang iritasyon sa kanya. Napatukod na lang siya ng isang kamay sa pader.

She swallowed deep breaths.

"Stacey. Stacey."

Alertong napalingon siya. Nakilala niya agad ang lalaking pasugod sa kanya. Mabilis na tinulak niya ang sarili palayo sa pader. She made big strides but was immediately caught by Renante. He yanked on her arm when she tried to set herself free. Pinihit siya ng binata palingon dito.

"Where are you going?" nag-aalala nitong saad. "Magkasama tayong pumunta rito! You can't leave alone, Stacey!"

"Oh, Renante," kalas niya sa pagkakahawak nito sa kanya, "I'll just go out to get more drinks."

"More drinks?" anas nito. "Nakakalimutan mo yata kung bakit tayo nandito."

"Nakakalimutan?" Stacey scoffed. "Of course not! At nagawa ko na ang kailangan kong gawin dito."

"So it's true," pagbaba ng tinig nito habang pinag-aaralan siya ng mga mata ng binata. "Nagkita na nga kayo ni Kuya."

Stacey spread a bitter smile on her lips. "Ah, yeah."

"At ano ang pinag-usapan ninyo?"

"Namin?" lasing na natawa siya. "Oh, nothing, Renante," she waved a hand. "Tinanong ko lang siya kung bakit niya kausap si Brian. He said he just wants an update about my stalker case and..." Ngumiti na lang siya. "Iyon."

"I don't believe you," hablot nito sa pulsuhan niya nang tatalikod na siya.

She knocked his hand off. "Of course, you don't believe me!" she blurted. "And you shouldn't!"

He tried to get a hold of her but she fought him off.

"Stacey!" he frustratedly caught her upper arms, clutched them and pulled her close to him. "Ano ang mga sinabi sa iyo ni Ronnie? Ano? Anong mga sinabi niya?"

"Nasagot ko na ang tanong mo, 'di ba?" singhal niya.

She just shook her head. Hirap na hirap na siyang makahinga. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tinutulak siya ng kalooban na humagulgol sa mga bisig ng lalaki.

She shouldn't. Stacey knew she shouldn't.

Pigil na pigil niya ang sarili, pero nasa kanyang mukha ang pagtatalo ng isip at damdamin. Hindi niya maikaila ang pagdurusa na pinagdadaanan sa loob-loob niya.

The alcohol. They must be to blame for making her this dramatic.

Renante tried to remain patient. "Nakipag-inuman ka ba kay Kuya para lasingin siya? At para kapag nalasing siya, sagutin niya lahat ng tinatanong mo nang hindi nagdududa sa iyo?"

"No!"

"Then what happened?" Renante was torn already. "You know what? Let's go." He grabbed her wrist. "Let's talk to Ronnie."

"No!" she blocked his way. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ni Renante. "You're not going to confront him about this! I'm... I'm just drunk! I drunk on my own and my own will, okay?"

"And why did you do that?" his eyes narrowed. "May mga nasabi siya, no?"

"Paulit-ulit, Renante?" sarkastiko niyang tabig sa makulit nitong kamay.

He tried to hold her arms but she pushed him by the chest. She almost fell back, out of balance. Mabilis siya nitong nasambot sa bewang, nahigit ang bewang para mapadikit sa binata. Their gazes locked.

Oh. How could Renante be this handsome even up close? Kahit na pinagsasalubong niya ngayon ang mga kilay nito... If only he wasn't restraining her arms, Stacey would mindlessly lift her hands. She would delicately feel his cheeks and jaws and eyebrows with her fingers...

Staring into his eyes felt so breathtaking she felt tears in her eyes.

"I want to go home!" buhos ng mga luha niya. "Gusto ko ng gin! Gusto ko mapag-isa! Gusto ko ng... ng maraming gin!" Napapaliyad na bagsak niya na mabilis na nasalo ng isa nitong bisig.

And in the back of Stacey's mind, paulit ulit ang pag-alala niya sa mga dahilan kung bakit tama lang na hindi nagkagusto sa kanya si Renante. Lahat ng mga sinabi ni Ronnie na sumapul sa kanya. Lahat ng mga abala na dinulot niya sa binata. Ang pagiging pabigat niya rito noon, at sinungaling at...

Sasabog na yata ang dibdib niya. Hindi na niya kakayanin.

Nanlalambot na tinulak-tulak niya ito palayo. But Renante persisted. Hindi siya nito maawat kaya sinampay siya ng lalaki sa balikat nito. Hindi na siya nanlaban pa. Sumuko na lang si Stacey at hinayaang buhatin nito at dalhin sa kotse.

"Are you sure you want some gin?" tanong nito sa mababa at kontroladong tinig nang ini-start na ang sasakyan nito. Ang kotse kasi ng binata ang gamit nila papunta sa party.

Stacey blinked. Nasa loob na pala sila ng kotse. She was already seated beside Renante. Naguguluhang napalingon siya rito. Tears tracked on her cheeks, making a trail that reached her jaws after they ruined her make-up.

"Gin..." mahina niyang bulong, sinusubukang alalahanin kung may sinabi ba siyang ganoon sa binata kanina.

Renante sighed in surrender. "Hindi na talaga mababago iyang pag-iinom mo, no?"

Nanatili siyang nakatitig sa binata. Lasing lang ba siya? O totoo ang pag-aalala na gumugusot sa mukha nito? Hindi si Renante 'yung tipo ng tao na salita ng salita, iyon siguro ang dahilan kung bakit buong buhay niya, misteryoso ang naging dating ng binata.

Naramdaman nito ang titig niya kaya napalingon. He sported a faint smile.

"I'll get you abottle. Just one bottle, Ms.Vauergard," diin nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro