Chapter Eleven - The Remedy for Fear
HINDI PA TAPOS MAGTIMPLA NG KAPE SI STACEY nang makarinig ng doorbell. Dinampot niya ang cellphone na malapit lang ang kinalalapagan. The screen brightened as she pressed the buttons on the side.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Halos maga-ala-una na.
Bumalik siya agad sa sofa kung saan binagsak ang shoulder bag. She put securely held the pepper spray and hid her hand on her back. Tinungo niya ang pinto at sumilip saglit.
Napaawang ang mga labi niya sa gulat. Dalawang lalaki ang nasa gate. Natatamaan ng malapit na poste ng ilaw ang mukha ng mga ito. Taas-noong nilakad niya ang daan papunta sa gate.
"Hi," seryosong bati sa kanya ni Marty. Lumipat ang tingin niya kay Renante. Madilim ang anyo ng lalaki habang nakaekis ang mga braso at nasa likuran ng binata.
"Hi," maingat na sagot niya sa pagbati ni Marty. "How did you get here so fast? Bakit nandito ka?" Nakuha pa niyang biruin ito. "We can chat."
"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong saad nito, matiim ang titig ng mga mata ng lalaki mula sa likod ng suot nitong eyeglasses.
Stacey swallowed a lot of self-control. Hindi pa rin naaalis sa isip niya ang suspetsang may posibilidad na si Marty ang stalker niya.
Nilipat niya ang tingin kay Renante. "Ikaw? Akala ko pauwi ka na?"
His eyes glanced at Marty before returning to her. Nakuha niya agad ang nais ipahiwatig ng binata. He was suspicious of Marty as well. At gusto siya nitong bantayan.
Damn.
She bit her lower lip as she looked away. Siniksik niya sa back pocket ang hawak na pepper spray. Wala sanang nakahalata sa mga lalaki na pailalim niya ngayong pinagmamasdan. Then she reached for the gate's lock. Sinusian niya iyon at pinagbuksan ang dalawa. The men stepped in.
"Guide him, Renante," aniya nang dumaan sa tapat niya ang binata.
Nagpatiuna ito sa paglakad para sundan ni Marty. Sinara ni Stacey ang gate pero hindi iyon ni-lock. Just in case she needed to run out of the house. Pagkatapos, sinundan na niya ang mga ito sa loob.
Nadatnan niyang nakaupo na ang dalawang binata sa sofa. Stacey stood by the door after closing it. Sinadya niyang sumandal sa tabi niyon. Just in case ulit na kailangan niyang tumakbo palabas ng bahay.
"Bakit naparito ka, Marty?" lukot ng mukha niya sa binata. "Anong oras na, ah? And this is a long way from your house, I suppose. Pwede mo naman akong i-chat kung kinakailangan."
"No," he hissed, standing up. Alertong napatayo na rin si Renante. "I'm going to confront you face to face. I'm not scared of you."
Aba, bakit parang galit pa ito sa kanya?
"What do you mean?" she became subtly aggressive. "Confront me about what?"
Dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa, may hinanap na text message para ipabasa sa kanya.
"My brother called," he hissed. "Someone killed our collie!"
Gumusot ang mukha niya. Gets niya na tungkol ito sa mga alagang aso ni Marty.
"Oh? Ano ang kinalaman ko rito?
"It says my bulldog comes next."
"Bulldog?" inis niyang angat ng tingin dito.
"Ano iyan?" hasik nito. "Kayo lang naman ni Kylie ang pinagbigyan ko ngayon lang ng number ko! I don't receive bullshits like that until I gave you my number!"
Naguguluhang hinablot ni Stacey ang inaabot nitong cellphone.
STAY AWAY FROM KYLIE, NERD. TOUCH STACEY ONE MORE TIME AND YOUR BULLDOG COMES NEXT.
Nagmula ang text message sa hindi kilalang numero.
Napapailing na binalik niya ang tingin sa nangigigil sa galit na si Marty.
"Who did you hire for this?" he hissed. "Hah?"
"Wala akong pinagbibigyan ng number mo! And I believe, hindi interesado sa iyo si Kylie. I saw her delete your number nung nasa café kami!"
"Eh ano ito? Why is my pets getting killed just because of the two of you?!"
Is this the doing of her stalker?
Pinilit niyang balikan lahat ng mga nadaanan at nakita sa pinuntahang café kanina.
Alam nito na nakipagkita siya kay Marty. Alam nito ang bahay ni Marty.
Posible rin na nakita sila ng stalker niya na magkausap kanina ni Marty.
Her eyes shifted to Renante.
It's impossible to be Renante. Wala siguro itong phone number ni Marty. At naghihintay ito sa kanya kanina sa tapat ng bahay niya. Ibig sabihin, wala sa lugar na iyon o sa bahay ni Marty ang lalaki.
Siya at si Kylie lang ang bagong nakakaalam ng cellphone number ni Marty.
Binalik niya ang cellphone ng lalaki. "I'll fix this. I'm sorry," lagpas niya rito.
Inagaw ni Renante ang cellphone ni Marty para mabasa ang pinakita nitong text message.
"Stacey, what is going on?" habol pa sana ni Marty pero hinarang na ito ni Renante.
"Is it you?" mainit na anas ni Marty kay Renante.
Renante remained cold yet his gaze was dark and controlled. "Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo, but I'd tell you the same thing—" Renante shoved Marty's phone against the lanky man's chest, "—if you try to hurt Stacey just because of that. Coward."
"Siguro sa inyo, maliit na bagay lang ang mga alagang hayop! But Petchie is family to me! To me and my brother! How dare you poison our dog!"
"You have no proof that we did that," kalmante pero madilim ang anyong sagot ni Renante sa lalaki.
Abala naman si Stacey sa paghagilap sa contacts niya. She needed to call Kylie. Habang tumatagal ang pagsagot nito sa tawag, lalo siyang hindi mapakali. Umiinit na kasi ang pagtatalo ng dalawang lalaki sa harapan niya. She muttered a curse and sat beside the table where the phone was. Tumawag siya sa landline nila Kylie.
This isn't Kylie's doing, right? gulong-gulo niyang isip habang pinapakinggan ang pag-ring.
She sighed in relief when someone picked up the phone. Hello?
"Hello po. Good evening." Fuck. She should have said good morning, but she's in a hurry to even correct herself. "Si Kylie po?"
Sino ho sila?
"Si Stacey ito. Kaibigan niya. Hindi matawagan ang cellphone niya kaya sana dito man lang makausap ko siya," mabilis niyang wika at sinulyapan ang dalawa. Naputol ang tangka ng mga ito na magbangayan nang marinig ang pagsasalita niya sa telepono. Now they were watching her with waiting eyes.
Sige ho, Ma'am. Saglit lang po.
She anxiously waited, the phone pressed tightly against her ear.
Nilingon ni Renante si Marty na nakatingin sa kanya.
"Bakit mo tinatawagan si Kylie? Hindi magagawa iyon ni Kylie. For sure may inutusan ka para gawin iyon sa aso namin."
Nilayo niya saglit ang phone sa tainga. "Why would I do that?" she blurted.
"Because you can! You're a soulless bitch!" he snapped.
"How dare you call her that," Renante shoved Marty.
Hindi na niya alam kung ano ang uunahin— aawatin ba niya ang dalawa o mag-aabang sa phone?!
"Admit it! She's exactly that, Renante!" Marty shoved back.
"And why would Stacey do what you're accusing her of?"
"I don't know! Kaya nandito ako! Para alamin!" pasugod na ito sa kanya nang hablutin ito ni Renante sa damit. Tinabig ito ni Marty at tinapunan ng matalim na tingin.
Hello?
Hindi alam ni Stacey kung makailang beses nang bati iyon ni Kylie bago niya napansin.
"H-Hello, Kylie?"
The two men stopped again and placed their attention on her.
Oh, Stace. Ano'ng oras na, ah?
She sighed. "I'm glad you're awake," aniya habang pinapakalma ang sarili sa kabila ng presensya ng dalawang lalaki sa harapan niya.
Of course, Stace. Hindi ba, I told you, may art commissions akong tatapusin tonight?
"Yeah," nakaw niya ng tingin sa dalawang lalaki. "May tatapusin ka nga palang art commissions ngayon."
Napatawag ka? You want to talk about your meeting with Marty? Okay lang ba kung bukas na lang? Naghahabol kasi ako ng deadline, eh.
"About that," timbang niya. Kailangang madaliin ni Stacey ang pagkausap sa babae. "Marty is here. In my house."
Natahimik saglit ang dalaga. He's there? Bakit? Are you alright? Is this an emergency call? What is happening?
"Please, calm down," buntong-hininga niya. "Something happened to his dog. Someone texted him a threat. Nagagalit siya sa atin dahil tayong dalawa lang ang bago niyang binigyan ng cellphone number niya."
"Ikaw lang ang sinisisi ko rito," ngitngit ni Marty pero inignora iyon ni Stacey.
Oh? So feeling niya, it's our fault? He thinks we can do that to him? Threat him? medyo nainis na ang boses ng kausap niya.
"Wala ka bang napagbigyang iba ng number niya?"
Natahimik ito. It was starting to take too long so Stacey repeated her question.
Tension was arising because Marty and Renante are getting confused why it was taking her too long to move on from the same question. Napaupo na si Renante sa tabi niya. He protectively fenced an arm and held on the arm rest in front of her. Nakaharang ang braso ng lalaki mula sa direksyon ni Marty.
Umayos na lang siya ng pagkakaupo sa sofa, patalikod kay Renante.
"Kylie?"
Fine! I'll confess! Takot nitong wika. I posted his number on Facebook. Of course, blocked siya sa post na iyon para hindi niya makita! I just did that because he's a creep!
Nasapo niya ang noo. "Ano ang pinost mo?"
Stacey...
"I'll check. Thanks."
I'm so sorry...
Binaba na lang niya ang telepono. Ayaw niyang marinig ang pag-iyak ngayon ni Kylie dahil may kailangan pa siyang harapin— si Marty. Dinampot na niya ang cellphone at maingat na tinulak ang braso ni Renante para makatayo siya.
She scrolled through her cellphone.
"You see, Marty. Pinost ni Kylie sa Facebook ang cellphone number mo."
Nagulat ito. "P-Pinost niya?"
"Oo. Dahil ang creepy mo raw. Ano ba kasi ang pinaggagagawa mo kay Kylie?"
Nahihiyang nag-iwas ito ng tingin habang hinahanap pa ni Stacey sa Facebook ang sinasabing post ng kaibigan.
She stole a sharp glance at Marty. "Marty," mariing usig niya rito.
Puno ito ng frustration nang mapabuntong-hininga at bumagsak paupo sa isang solohang sofa. Nahilamos nito ang mukha.
"So, she thinks I'm being a creep. That's the reason why I want your help, Stacey," mas kalmado na ito.
Nahanap na niya sa wakas ang tinutukoy ni Kylie na Facebook post. Naka-copy paste doon ang cellphone number ni Marty. At sinundan ng: - don't text this creepy guy who wants mine and Stacey's number!
Medyo nakaramdam tuloy siya ng awa para kay Marty. Stacey figured that Marty doesn't understand yet how kind of a late bloomer Kylie is. Sure, any adult can be a fan of anime or dress-up Loli-like. But Kylie is also a crybaby, and her fascination for anime and drawing is another outlet for her to satisfy her inner child... NBSB nga rin ito dahil wala sa isip ang sariling lovelife. Although Kylie seemed supportive of her friends' settling down or getting into a relationship, she didn't seem to want one for herself. Para kasi kay Kylie, para sa mga matured na tao ang mga relasyon. Malaking responsibilidad. Kaya nga kahit gawing negosyante o employee ang kaibigan, hindi nagtatagal at napunta ito sa digital art. Stacey was not implying that all artists are like that, but in Kylie's case, she could not work with other people who couldn't understand her childishness.
"I'm just asking her for a date. Gusto ko lang alamin kung taken na siya," paliwanag ni Marty. "But I still don't understand kung ano ang koneksyon niyan kaya may nakapuslit sa gate namin ng pagkaing makakalason sa aso namin, Stacey." Balik ng iritasyon nito.
"You want to know why?" harap niya sa lalaki.
"No," Renante said firmly as he stood behind her.
Tinaas niya ang isang kamay para patahimikin ito. "I'm sorry at nadadamay ka rito, Marty."
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki, naguguluhan at pilit na iniintindi kung para saan ang pagso-sorry niya.
"I have a stalker, Marty," amin niya rito. "At mukhang napagtrip-an ka niya dahil sa akin. Dahil nakita niya tayong magkausap, dahil nakalagay sa post ni Kylie na hiningi mo ang number ko."
"I just asked her for your number to see if tatawagan mo nga talaga ako tulad nung sinasabi ni Kylie," tayo ni Marty mula sa kinauupuan. "Gusto ko makasigurado kung ikaw talaga ang humihingi ng number ko. Kasi umaasa ako nun na palusot lang iyon ni Kylie para makuha niya ang number ko."
He pulled his phone out of his backpocket. "But I was wrong," nakayuko nitong dugtong.
Nahihiyang nagbaba na lang siya ng tingin. "I'll talk to Kylie again. Ipapabura ko 'yung post. She can be like that sometimes... Kaya nga siya ang baby ng... ng grupo namin."
Napunta kay Renante ang mga mata ni Marty. "Let's go."
"Go ahead," taboy ni Renante kay Marty.
"Go home, Renante," talikod ni Stacey para ilapag saglit sa mesita ang cellphone niya.
"Pasensya na, Stacey," narinig niyang wika ni Marty. She slowly turned to face his direction. She saw how sorry Marty looked. "Hindi ko alam na iyan ang sitwasyon mo. Is that the real reason why you want the attendance list?"
"Wala sanang iba pang makaalam nito," mahigpit na wika ni Renante sa lalaki.
"You're so protective of her," matamlay nitong ngiti. "Are you guys dating?"
Naiilang na nagkalingunan sila ni Renante. Then she awkwardly shook her head. "No!" lapit niya para samahan si Marty sa gate. "Hindi, no! We're just friends! Alam mo naman iyan, since college pa—"
"Talaga? Eh 'yung letter mo nga sa kanya—" lingon sa kanya ni Marty.
Stacey pushed him by the arm. Pinalabas na niya ito ng pinto. "Wala iyon!" panlalaki niya ng mga mata rito. "Wala na iyon!"
Nang matanaw na nakalayo na ang kotse ni Marty, at saka lang napansin ni Stacey ang sasakyan ni Renante. Nakaparada pa rin iyon sa labas, sa tapat ng gate. Tinanaw niya ang bungalow.
Bakit hindi pa rin siya lumalabas? nagtitimping sara niya ng gate para balikan ang binata.
Nadatnan niyang nakaupo ito sa sofa.
"Hoy, Mr. Villaluz," lapit niya rito. "Anong oras na. Go home."
"No," matiim nitong titig sa kanya. "I'll be sleeping over."
Namewang siya. "At bakit?"
"Your stalker is active again! You'll need me here!" sandal nito sa kinauupuan.
"Bakit hindi si Marty ang bantayan mo?" tungo niya sa counter para i-check ang naiwanang tinitimplang kape. "Mukhang siya na ang bagong trip ngayon ng gagong iyon."
Sa kabila ng matapang niyang anyo, sumisibol na naman ang agam-agam sa kanyang dibdib.
An innocent dog just got poisoned because of her. Marty was getting dragged into this because of her. How she wished what Marty said was right.
That she was a soulless bitch.
Hindi siguro siya makakaramdam ng ganitong panlalamig. Ng ganitong klase ng paninindig ng mga balahibo. Stacey didn't know that she was already frozen in place, guilt starting to creep into her system.
"My stalker won't dare to hurt me, Renante," matamlay niyang saad habang nakatingin sa lumamig nang kape sa harapan niya. Ni hindi niya nga iyon nahaluan man lang ng asukal. "That's why I don't need your protection."
"You think so?" tindig nito para lapitan siya. "After what he did to your car?"
"It's just a car. It's not me. He made sure I am not even inside the car."
"So, hihintayin mo pa na tuluyang mapatid ang pasensya niya? Na may gawin na siya sa iyo?"
Napasinghap siya nang biglang pihitin ni Renante paharap dito. He trapped her by pressing his body on hers against the counter. Walang silbi ang balak niyang itulak ito palayo nang mahablot ng lalaki ang mga pulsuhan niya. She struggled but he remained firm. Her defian eyes finally met his'.
"Stace," mahigpit nitong wika, "this is not the time to act so tough. You can't do this alone. You knew that from the start. I did not listen at first, but now, here I am."
Tears welled her eyes. "Kylie will help me."
"But your friend will get hurt if she tries! Gusto mo bang mangyari sa kanya kung ano ang nangyari kay Marty? It could be worse than a poisoned dog!"
"What about you?" she blurted. "You'll be hurt too! Panganib itong pinapasok mo! You better stay away from me, Renante," she lowered her voice as their gazes remained locked. "Or you'll be next on my stalker's list."
He displayed a dangerous mocking smirk. His underlook was deadly at its dark sexiness.
"Oh, really? Then let me piss him off."
Bago pa niya matanong kung ano ang ibig sabihin ni Renante, hinila na nito pababa sa braso niya ang isang sleeve ng suot niyang tank top.
"God, Renante—" singhap niya nang mahigpit na humablot ito sa braso niya.
He pulled his face close to hers. "We'll make him come out. Who knows? Before I climax, he might jump out swinging a knife to kill me. We'll catch him."
"He might kill you," she murmured under her breath.
"Your relief is more important," he murmured throatily, gazing down at her lips. "This is the remedy I can offer for your fear."
The confusion stirred her. How could he read behind her tough look that she was beginning to get scared? She searched for the truth in Renante's eyes, but all she found was dark mystery. An unsolved riddle and danger hinted by the spark of his eyes before her reflection took place. Damn, she looked so soft in his hold. Her lips parted to help her breathe in the midst of this heat.
Heat... This heat tickled the middle of her thighs. Being pressed this hard against Renante's body was exciting every part of her body, every fiber of her feelings.
Maingat na nilapit ng lalaki ang mga labi nito sa gilid ng kanyang mukha. She felt his lips as they gently pressed against her skin. All of a sudden, a strange inexplicable sense of comfort lowered her defenses.
This just relieved the fear breeding within her a few minutes ago.
God, she needed thiskind of relief right now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro