Chapter Eight - The Key
IT WAS A REFRESHING SUNDAY MORNING. Two nights after the incident involving Stacey's car. Maagang gumising si Renante para mag jogging. Bumalik lang siya sa mansyon nang sabihan ng katulong na may bisita. Nadatnan niya sa salas ang kanyang Kuya Ronnie.
Ronnie looked too old for his age. Dito kasi pinagkatiwala ng ama nilang si Ronaldo ang kanilang mga negosyo. For some reason, his father seemed to trust his elder brother compared to him. All his life, he tried to be the best son for him. He studied well. He did not play around with girls or gone YOLO during his younger years. Sineryoso niya ang buhay at naging maingat siya sa bawat ginagawang desisyon dahil umaasa siyang mapapansin iyon ng ama. Umasa siyang makikitaan siya nito ng potensyal na mamahala sa iba nilang mga negosyo. But where did he go? Him building his own business.
VVatch is the name of the company. The logo would make anyone assume it's watch when there's two v's and it was pronounced as vatch. Manufacturer ang kompanya ng mga relo. Kumbaga, ang kompanya ni Renante ang tagasalo sa mga metal na hindi na magamit ng mother company ng kanilang pamilya na manufacturing ng mga bakal ang nature ng negosyo.
Walang buhay ang mga mata ng kanyang kapatid. Dalawang taon pa bago ito mag-forties pero sumisilip na ang namumuting hibla ng mga buhok nito. Nakasuot ng shorts at polo-shirt ang lalaki. Iyon ang attire nito tuwing maglalaro ng golf.
And if people thought playing golf was a past time for Ronnie, they were wrong.
Naglalaro lang naman ito ng golf sa ngalan ng negosyo. Para makipagbonding sa mga negosyante na posible nitong mapakinabangan. May kaunting pustahan dahil walang katapusan ang dahilan ng mga ito para maghanap ng pwedeng pagkakitaan ng pera.
Ronnie grimly threw a manila envelope on the coffee table.
"That's twenty-two flashdrives in total, Renante," Ronnie told him in a monotoned voice. "Lahat ng iyan galing sa cameras na hagip ang mga nangyayari sa Parking Lot 44 ng Elite Building. Satisfied?"
"What with the grumpy face?" tukso niya sa kapatid habang yumuyuko para damputin ang envelope.
"I have a golf game. And I am required to bring that to you just because you don't want people to realize that you're my brother."
Binuksan na niya ang envelope. Renante shrugged. "Because who wants to be the brother of a grumpy 38 year old senior citizen?"
Tumalim lang ang mga mata ni Ronnie sa kanya.
"What?" Renante lifted his eyes on his brother. "You know I'm not lying."
"Ano ba kasi ang balak mo sa videos na iyan? You want my downfall? You'll use that so that I'll have liabilities to pay for your girlfriend's fucking car?"
Hindi niya napigilan ang matawa. "Girlfriend?" silip niya sa laman ng envelope. "Who told you that she's my girlfriend?"
"You know what? I don't care," iwas ni Ronnie na pahabain ang usapan na may terminong girlfriend dahil alam nitong maalaska niya na naman ito dahil sa pagiging single. "Kung may reklamo kayo sa management, sa ating dalawa na lang sana ito. Tayong dalawa na lang at ng babaeng iyan ang mag-settle ng problema, alright? I don't want this getting publicized or anything na kapabayaan ito ng kompanya ko."
Sinara na ulit ni Renante ang envelope at binalik ang tingin sa kapatid. "Kuya, chill. Wala kang matatanggap na anumang reklamo related dito, okay?"
Nagdududang tingin lang ang binigay sa kanya ni Ronnie. "I'm going," talikod na nito.
"Hah," Renante smirked, watching his brother leave before heading to his bedroom.
Binuksan niya agad ang laptop at inisa-isa ang mga label na naka-tape sa mga flashdrives. Copying 22 videos in each drive and delivering them to him for less than a week? Hindi niya aaminin pero swerte siyang kapatid niya si Ronnie.
.
.
"OH NO," Kylie sadly gasped after hearing what happened to Stacey's car.
"Well," kibit-balikat na lang niya habang pinapanood ang pagpapawis ng cup ng frappe niya sa mesa, "iyan ang dahilan kaya worried na naman ako tungkol sa stalker kong 'yon."
"I'm so sorry, Stace," malungkot nitong saad. "Kami pang mga kaibigan mo ang hindi makahalata na may pinagdadaanan ka pala noon. I... I don't know about this stalker... that's so terrifying!"
"It's okay. Nakalipas na iyon," titig niya sa mata ng katabi. "Kaya ako nakipagkita sa'yo ngayon, kasi gusto kitang tanungin tungkol sa alumni party natin."
Interesadong pumihit ng upo si Kylie paharap sa kanya. "Sige. Makatulong sana sa prob mo ang mga masagot ko."
Stacey took in a deep breath. "Wala ka bang napansin sa mga kasama natin doon na kakaiba? May kakaiba bang tumingin sa akin? May napansin ka bang panay ang aligid sa akin?"
Umiwas saglit ng tingin ang babae para magconcentrate sa pag-iisip. Then, Kylie let out a groan.
"Naku, Stace. Wait lang ha?" Napalabi ito, bahagyang nagpakita ang dalaga ng frustration. Mukhang gustong-gusto talaga nito makatulong. "I am really trying to remember everything. Ang dami kasing ganap nung party."
Binalik niya ang tingin sa glass wall ng café. Tensyonadong napainom na lang si Stacey ng frappe. She licked her lips and turned to Kylie.
"Mache-check kaya natin ang attendance sheet nung party? Para malaman ko kung sinu-sino ang mga um-attend."
"I don't know kung nasaan iyon, but for sure, may idea si President Marty tungkol diyan," biglang pagsigla nito.
"Sige. Let's visit Marty," ngiti ni Stacey sa kaibigan bago pinansin ang cellphone sa bag na kanina pa nagva-vibrate. She released a groan upon reading the caller ID.
Medyo nag-alala si Kylie. "Renante?"
Pinatay niya ang tawag at binalik agad ang cellphone sa bag.
Matapos niya ako iwanan ng walang paalam nung pinatulog ko siya sa bahay, paparamdam siya ulit? Ang lakas ng loob um-attitude dahil hindi ko pinagbigyan nung... my God!
Naguguluhan si Kylie sa pag gusot-gusot ng mukha ni Stacey habang nagi-internal monologue. She shook her head and massaged her temple.
.
.
"DITO KA NA PALA ULIT NAKATIRA," wika ni Stacey habang nakasunod kay Renante. Naglalakad sila ngayon sa pasilyo ng mansyon ng mga Villaluz.
Iyon na lang ang nasabi niya para lang ilayo ang atensyon sa hitsura ng lalaki. Pinagmamadali siya nitong pumunta rito, tapos ngayong maaga ang dating niya, madadatnan pa niyang naka-boxers at puting t-shirt lang ang lalaki.
Tapos, yung boxers pa na suot nito, may stitching na pahulma sa crotch area.
And how could he walk around this house in that?! Like how?
There were maids around! His parents might see him looking like that!
What if there were surprise guests?!
Who cares? Look at those sexy thighs. Renante's strong legs. No wonder ang lakas tumulak ng mga balakang nito kapag bumabayo, bina-back-up-an kasi ng mga binting iyon at— woops. Change topic! Change topic!
Lingid sa kanya na nataranta ito kaya nagmamadaling sinalubong siya sa pinto nang masabihang dumating na siya. Alam na alam kasi ng lalaki na may pagkamainipin siya.
"Yes," he sighed. "Tapos na ang contract ko sa condo na tinitirahan ko noon."
She nodded. Pinili niya na manatili sa tunay na agenda ang topic.
"So, itong mga videos, kuha talaga sa parking nung mismong gabing iyon?"
Oo. Para lang nahuli ang stalker niya, nilunok niya ang pride at nagpaka-mature na lang. Hinarap niya ngayon si Renante dahil sabi nito, may kopya ito ng mga CCTV videos ng Elite building.
"Oo. Bawat camera na hagip ang pinaparadahan ng kotse mo, pinakuha ko ang kopya ng CCTV videos na na-record."
Binuksan ni Renante ang isa sa mga pinto. "Ladies' first," lahad pa ng kamay nito para ituro ang kwarto.
She stepped in and realized that it was Renante's bedroom. Inirapan niya ang lalaki na sinasara na ngayon ang pinto. Hinarap siya nito. He gave her a seemingly innocent shocked reaction.
"What?" maang-maangan pa nito.
Inismiran ito ni Stacey. "Talagang dito pa, ha?"
"What? My laptop is here," lagpas sa kanya ng lalaki para dumeretso sa study table nito. Nakaabang na roon ang bukas na manipis na laptop. Lalo pa siyang napa-wow sa loob-loob niya nang unahan siya ng binata sa nag-iisang upuan doon.
His fingers began moving on the keyboard.
Hay. Naga-assume na naman siya ng kung anu-ano.
Pero paanong hindi? Something almost happened to them the last time they were together!
"Ito 'yung video mula sa mismong camera na nasa tapat ng pinaradahan mong spot," paliwanag ng binata habang binubuksan ang video file. "On this mark, makikita mong nagpa-park ka na diyan ng kotse mo," adjust nito sa video para i-fast forward sa mismong parte na pumaparada na roon ang pula niyang Corvette.
Nasa monitor na ngayon ng laptop ang mga mata nila.
"And you're inside your car for..." kunot ng noo ni Renante, "...minutes."
Stacey sighed.
"Is that how long it takes for you to prepare?" lingon nito sa kanya. "Just to meet me?"
"Ang dami mong alam," abot niya sa keyboard para pilit na i-fast forward ang video. Bumakod ang mga braso niya kay Renante habang pinipigilan siya nito.
"Teka lang! Huwag mong i-fast forward!" awat nito habang nagbubuno sila. "We won't notice the smallest details if you do that!"
Napasinghap na lang siya nang hablutin nito ang mga braso niya at iyakap sa sarili nito. He locked his grasp of her wrists with one hand and replayed the part of the video they were originally watching.
Heto siya ngayon, nakayuko at nakayakap ang mga braso kay Renante. Their closeness felt surreal, their cheeks almost touched as she peered over his shoulder to watch the video. Kulang na lang, iluwa niya ang puso sa sobrang kaba. Nakatutok na ngayon sa monitor ang mga mata ng binata. Palihim nitong binubusisi ang bawat napapansin sa video.
"Is that car familiar?" pause agad nito sa video para matitigan niya ng mabuti ang kotseng napadaan sa likuran ng sasakyan niya.
"No," titig niya sa kotseng nasa video. She squinted her eyes to get a better look of it. She unconsciously pressed her breasts against the back of his shoulders while trying to get a closer look at the monitor. "Hindi ba natin makikita 'yung plate number nito?"
Nagtaka siya sa pananahimik ni Renante kaya nilingon niya ito.
Bad move. Their faces were now a few breaths apart. Their noses almost touched as his gaze from her face fell to her parted lips.
"Ah..." naghahagilap siya ng masasabi habang inaalis ang pagkakayakap kay Renante pero humigpit ang kamay nito sa mga pulsuhan niya. She managed to flick her wrist, set herself free and held on his shoulders for support as she pushed herself away from him. Dumulas ang mga kamay niya sa mga balikat ng lalaki bago siya tuluyang nakabitaw.
She stood straight and pulled the ends of the tank top she was wearing a bit lower, reading her hips.
"I was asking kung pwede ba natin makita ang plate number?"
"That's just one car," ani Renante. Tila balewala rito ang maliit na mga kilos na nagpapa-internal panic sa kanya. Mukhang mas apektado talaga siya kaysa sa binata. "Don't tell me lahat ng plate number ng napadaang mga kotse diyan, hahanapin natin kung sino ang may-ari?"
Stacey tried to recall that night while trying to calm her heart the fuck down.
"Ano... ang sabi nung mga guard, puting van daw yung sinasakyan nung nanira ng kotse ko," aniya, puno ng composure para pagtakpang mabuti ang totoong nararamdaman.
"Ah, yes. I saw it here," adjust nito sa video para ipanood sa kanya ang parte kung saan dumaan na ang puting van.
Nakita nila ang pagdaan ng puting van. Bumukas ang pinto niyon at may namato sa kotse niya kaya nabasag ang salamin sa likuran. Iyon lang at nakaalis na agad ang sasakyan nang pituhan ng nakakitang gwardiya.
"No wonder hindi nila nahabol," wika ni Renante. "Saglit lang dumaan yung van."
"Eh paano 'yung naputol na mga side mirror? Ang dami ring gasgas nung kotse ko," naguguluhang wika ni Stacey na nakasilip na naman mula sa likuran ni Renante. "Imposible na ganun ang damage ng sasakyan ko dahil lang sa isang hagis ng bato sa kotse ko?"
"I know you'll ask that," adjust na naman nito sa video. "And here's your answer."
Nagulat siya dahil mas naunang nangyari 'yung pamamato sa kotse niya. Umalis ang gwardiya para siguro i-inform ang nangyari sa kotse niya. Halos magti-thirty minute na bago may dumating na mga naka-hoodie. Kulay puti ang hoodie ng isa. Ang isa naman ay asul na may mga disenyo. Hindi makita ng maayos ang mga mukha nila dahil nakasuot din ng face mask ang mga ito. Doon na nila sinimulan ang pagsira sa kotse niya.
Napatiim-bagang na lang si Stacey.
"I assume," wika ni Renante, "pang-distract yung pamamato sa kotse mo, para walang makahuli sa dalawang ito na planong sirain ang kotse mo."
"Wala bang nagbabantay sa surveillance room ng building na iyan? Nakikita nila dapat yung video, 'di ba?"
"Most possibly distracted na 'yun, dahil sa unang nangyari. Yung pamamato sa kotse mo. Most possibly they are already discussing about what happened. Maybe, they are replaying the video to study it a bit. Para may ma-formulate sila na paliwanag kapag napagalitan sila. Inaasikaso na rin siguro nila ang pag-i-inquire kung sino ang may-ari nung kotse para ma-inform tungkol sa nangyari."
"Wow," lingon niya sa binata. "You are really good at this... this kind of things."
He just gave her a humble nod. Hay, bwisit. Dito siya nahuli ng bwisit na ito, eh.
Tumayo na siya ng tuwid. "Ibigay mo sa akin lahat ng videos. Gusto ko rin gumawa ng sarili kong investigation."
He grinned at her. "Okay, Stace."
Renante left his seat. Kinuha nito ang isang manila envelope at nilagay doon ang flashdrive na nakasalpak kanina sa laptop nito. He securely closed it and handed it to her.
"Nandiyan lahat. May labels ang bawat flashdrive. Parking Lot 44 yung pinaradahan mo. Take note of that," pagseseryoso nito.
She nodded. "Thank you."
Nagmamadaling tumalikod siya para tunguhin ang pinto. Hanggang dito na lang ang hihingiin niyang tulong mula kay Renante.
This might be the last time they'll meet. This should be.
"Hey, Stace. What's your hurry? Coffee muna tayo," wika ng lalaki habang sinusundan siya para ihatid sa pinto.
"I already had coffee," abot niya sa door knob.
"With whom?"
Mali yata ang pihit niya sa doorknob. Inikot niya iyon sa ibang direksyon pero tila mas na-stuck iyon.
"Iyan pa talaga ang una mong naisipang itanong. Kailangan bang may kasama ka kapag magkakape?" singhal niya rito.
Damn. Ang dali namang sabihing si Kylie ang kasama niya kanina. Bakit ang defensive niya?
"Pati ba naman pagtatanong ko, pag-aawayan natin?"
Her frustration with the door grew, she faced Renante. "Is the door locked?"
Lumukot ang mukha ng binata. "Of course not!"
Umusog siya para ito na ang magbukas ng pinto.
The door did not open.
"Don't worry, I have the keys. I always make sure na nasa bulsa ko yung mga susi—" natigilan ito nang ma-realize na boxers lang ang suot.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata.
"Seriously?" habol niya kay Renante na naghahagilap ngayon ng damit sa cabinet. "You don't know na boxers lang ang suot mo?"
"Marami akong iniisip, okay?" dahilan nito habang nagsusuot na ng pantalon.
At ano naman kaya ang iniisip nito? She was always clueless. Kaya siguro wala siyang espasyo para sa lalaki mula noon hanggang ngayon. Dahil sa sobrang dami nitong iniisip.
"Alam mo, kung detachable yang etits mo, mawawala rin iyan," sermon niya rito.
"Kung detachable itong eeetits ko, malamang tinago mo na para walang ibang makagamit," pang-aalaska nito sa kanya. "Para makaganti ka na sa akin."
"Nasaan na 'yung susi!?" pangungulit na lang niya rito.
He finally buttoned his pants and stared off to think. "Ah," alala nito, "sa labahan."
Ewan pero ang lakas ng loob niyang sundan si Renante sa loob ng built-in bathroom ng kwarto nito. Walang laman ang laundry basket nang makita nila. Napakamot ng batok si Renante.
"Kinuha nga pala kanina yung mga labahan," he murmured.
Gigil na nakuyom na lang niya ang malayang palad. Renanteeee!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro