4. Ang Dalawang Letra sa Unang Salita
Ang Dalawang Letra sa Unang Salita
Puro at busilak ang puso
Tanging kabutihan sa bayan ang nais mo
Iaalis mo ang hirap
Nagdudulot ka ng solusyon sa buhay
Gagawin mo ang lahat para sa mamamayan
Gusto mong guminhawa kanilang mga buhay
Pupunuin mo ng saya at ligaya
Nilalagay mo sa una ang kapakanan nila
Yehey! Dakila ka!
Tatratuhin mo naman kami ng maganda 'di ba?
Siguro? Ewan? Baka magbago ka pa.
Ramdam naman namin ito, na sa
Una lang masaya, sa dulo
Lolokohin mo rin pala
Uunahin mo ang sariling kapakanan
Lulunurin sa bahang utang
Limot na ang pangakong binitawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro