1. Wan Dat Kupido
Wan Dat Kupido
chenachim
Book cover made by: TienyCupid
----
"I'm sorry, cupids. We need to conduct our job through virtual meetings." Napuno nang mga samu't saring bulong ang conference room. Sumenyas ang chief executive para mapatahimik ang lahat.
"Please, understand this changes, guys. We can cope up with it. Kailangan nating mag-adjust. Remember, sa Earth tayo naka-destino," dagdag pa niya. May isang nagtaas ng kamay, isang lalaking cherub.
"Kailan po maaaprubahan ang branch natin sa Mars?" tanong nito.
"Sorry, Cherubini. Hangga't wala pang tao sa Mars, wala muna tayong businesses doon. Atsaka, hindi ba, matagal nang kumpirmado na asexual ang mga aliens? Hindi natin sila makukumbinsi na ma-inlove. Maliit lang ang budget natin sa pana. Nag-report ang finance manager kanina lang, mataas ang konsumo natin sa diapers kaya umayos kayo." Tumaas ang kilay ni Tsip. "2-4 hrs lang dapat ang pagsuot natin ng diapers pero halos 5-7 hours ang nabubuno bago tayo makapag-match. We need to hurry up."
"Sir?" May isa muling nagtaas ng kamay. "Sa customer service po may tumawag. Nagrereklamo sa atin. Tayo raw ang dahilan kaya year of cheating ang 2021."
"Alam mo na, Sir," banggit ni Cherubini. "Pinamamadali mo po kasi kami, eh. Kung saan-saan na po namin nababato ang pana." Napakamot pa siya sa kulot niyang buhok.
"Ako pa talaga ang sinisisi n'yo sa maling trabaho. Kayo naman ang nasa field! Kayo nga 'tong nagmamadali makatapos ng trabaho para sabay-sabay na mag-binge watch ng k-drama. How responsible. May mga nababasa tuloy ako na laging nagsa-sana ol. Please do your work, guys."
Napayuko si Cherubini samantalang umiwas naman ng tingin ang iba. Pare-parehas na guilty at second lead syndrome pa mula sa huli nilang napanuod. Bahagya namang kumalma na si Tsip mula sa pagkakapula ng mukha dahil sa inis.
"Ano na nga ulit ang sinasabi ko? Ah-as I was saying kanina. Virtual meetings na ang set up sa susunod na mga araw. May pandemya kasi ngayon sa Earth at kailangan nating mag-comply sa mga health protocols nila doon. Lalo na sa mga pamantayan ng Philippines kahit sobrang confusing." Napahinga ng malalim si Tsip. "No choice tayo. Sa Pilipinas tayo naka-destino."
Lubos ang naging sama ng loob ng lahat dahil sa katotohanan na mahirap ang work situation nila sa Pilipinas at medyo hirap din sila sa pagsunod sa pabago-bago at tila redundant na protocols.
---
Dumating ang unang araw ng kanilang virtual work. Nai-send na ni Tsip ang link para sa kanilang online meeting. Dalawa pa lang sila ni Cherubini sa loob ng Suom, ang application na ginamit nila para sa gaganaping pagpupulong. Naka-off ang mic at camera ng Cherubini kaya nakatitig lang si Tsip sa picture ng kasama. Nakataas ang dalawang daliri- peace sign raw at nakalabas pa ang dila sa gilid ng labi nito. Nakaramdam siya ng pagkasukot kaya nilipat na lang niya ang tingin sa nabili niyang smartphone. Wala pa ring bagong chat mula sa Misenjer.
Nagtipa siya. "Pwede na kayo mag-join sa meeting. Ito ulit ang link: https:// wjsjsjwkak"
Makailang segundo lang, sunod-sunod ang pagtunog ng smartphone. Maraming mensahe mula sa iba pang mga kupido. Pagkabasa ni Tsip sa Misinjer, bigla na lang bumagsak ang kanyang mga balikat.
: Sir, mahina po signal dito sa amin.
: Power interruption po
: Bagal po ng DLPT
: Naputol po kable ng Cunvyrg
: Naubos na po data ko
Nag-reply siya ng "Like" sign sa GC nila. Nang makita ang notifications sa Suom, napahinga naman siya ng maluwag dahil marami pa ring dumalo.
"Good morning. Please open your camera." Kalmadong sabi ni Tsip. Ilang minuto pa siyang naghintay bago makapagbukas ang limang kupido sa dalawampu na nag-attend sa kanilang virtual meeting. Wala na rin siyang nagawa kundi magsimula na.
"Ganito ang procedure: may nakahanda na PowerPoint presentation kasama ang names ng mga kasalukuyang Single ang status sa epdi(dot)com. Then, I'll call each of you to decide,okay? Nasa inyo nakasalalay ang lovelife ng mga 'to."
"Sir," wika ng isa na naka-off cam at may plain orange na picture. "Reliable po ba ang mga information sa Epdi? Baka dummies or worse troll account pala 'yon."
Tumikhim muna si Tsip. "Sa Epdi muna tayo kukuha ng data. Na-filter naman ang mga ito at real account naman. Sa susunod na mga araw, magko-conduct na tayo ng research. Okay na tayong lahat, no? Let's start?"
Nag-flash ang Slide 1. Larawan ng mukha ng isang babaeng may dog filter at lalaking naka-cat ears sticker. Tatawag na sana si Tsip ng kupido nang biglang nagbukas ng audio si Serafina, ang tanging babaeng kupido sa team nila.
"Sir, akala ko po ba, bawal tayo mag-match ng hayop?" tanong nito.
"Bawal nga pero hindi sila hayop. Mukha lang siguro pero tao 'yan, Serafina. What's your decision?"
"Ahh... Eh..."
"Sir, may naisip po akong twist!" Si Cherubini ang nagsalita. "Mag-raise po sana ako ng suggestion. Nauuso po kasi sa Epdi ngayon ang one dot one dot."
"Please, explain it further, Cherubini."
"Sasabihin ni Sir Tsip pagka-flash ng slide ang 'one dot', then, tayong mga cupids naman ang magsasabi kung 'pagjojowain o pagtotropahin'"
"Interesting 'yan, Cherubini. Gawin natin?" Halata ang saya sa boses ni Serafina. Nagsipagbukas din ng audio ang iba pa dahil sa excitement. Sa wakas, hindi na sila gagamit ng pana na may mapurol na talim.
"Ehem... Ehem..."
"Ayy, nand'yan pa pala si Sir."
"Oo, nandito pa ako." Diretso ang labi ni Tsip habang nakatingin sa monitor.
"Gagawin po ba natin 'yon, Sir?" tanong ng ilan. Wala na ring nagawa pa si Tsip. Kung ganoon ang gagawin,baka mas mapadali pa ang trabaho nila.
Muli ay inulit niya ang pagprisinta ng PowerPoint presentation sa virtual meeting nila. Dalawa lang ang pagpipilian nila: jojowain o totropahin.
"Ano nga ulit ang sasabihin ko?" tanong ni Tsip kay Cherubini.
"One dot po."
"Ahh sige, wan dat."
"jojowain."
"wan dat."
Nagbukas ng audio ang isang kupido.
"Tatraumahin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro