CHAPTER TWO
Arlene's Point of View
“Umuwi na namang lasing si Daddy kagabi.” Nakayukong sabi ng isang babae sa katabi niyang lalaki. Taimtim na nakatingin ang lalaki sa kanya. Mukhang nalulungkot ang babae.
“Magiging maayos din ang lahat,” sabi ng lalaki at hinimas niya ang likod ng babae.
Malayo ako sa kanila pero naririnig ko nang malinaw ang kanilang pinag-uusapan. Bigla na lang akong nakarinig ng hikbi mula sa babae. Nag-angat ng tingin ang lalaki at luminga-linga. Parang tinitignan niya kung may nakakakita sa kanila.
Pamilyar, pamilyar ang mukha ng lalaki. Parang nakita ko na 'to pero hindi ko alam kung saan. Baka sa isa sa mga bar na napuntahan ko?
I admit, the guy is handsome. Mukhang may taste 'yong babae, good for her. Hintayin ko na lang na maloko siya. Lahat naman ng lalaki manloloko.
Bigla na lang naglaho ang pangitain na nakikita ko. Napunta 'ko sa isang rooftop. Malalim na ang gabi at umuulan nang napakalakas. Umuulan pero hindi ko dama ang bawat patak ng ulan sa aking balat.
Bigla na lang may napuntang magkasintahan sa harap ko. Basang-basa sila dahil sa ulan. Hawak-hawak ng lalaki ang braso ng babae. The raindrops are pouring through their face.
Malabo ang mukha nila, hindi ko makilala. Basta napansin ko na pulang-pula ang mukha nung babae. Hindi ko alam kung namumula dahil sa galit o dahil sa iyak.
Nagsisigawan sila nang sobrang lakas na parang sila ay nag-aaway. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-aawayan nila dahil parang nag-e-echo rin ang kanilang mga boses.
Bigla na lang akong napatakip sa aking bibig dahil hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ng babae.
She immediately grabbed something from her pocket. Para itong ballpen, tinanggal niya ang takip nito at tinusok sa kanang mata ng lalaki.
Sumirit ang dugo mula sa mata ng lalaki. Wala na 'kong ibang naririnig kundi sigaw. Kinuha ng babae ang bag ng lalaki at binuhos ito. Dinampot niya ang gunting at sinaksak sa gawi ng puso nito.
Kasabay ng pagsaksak niya ay ang pagdilim ng paligid. Wala akong marinig, para 'kong kinulong sa isang kahon dahil sa sobrang dilim.
Bigla na lang akong napadilat. Ramdam na ramdam ko ang pawis na tumatagaktak mula sa aking noo pababa sa aking leeg.
What happened?
I'm still wearing the cocktail dress. Anong nangyari? Sinusubukan kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi ngunit nabigo ako. I'm trying my best to regain my memory. Mas sumasakit lang ang ulo ko dahil sa ginagawa ko.
Umaga na at tirik na tirik na rin ang araw na nanggagaling mula sa aking bintana. Bumangon ako para kumuha ng tubig. My head is aching.
Nagtungo ako sa desk ko at binuksan ang laptop ko. I checked the last chapter that I wrote.
I grabbed his face and I crashed my lips into his. I kissed him passionately. I moved my body towards his. He grabbed my waist. That turned me on.
Hmm. . . ano kaya ang pwedeng isunod na scene? What if lagyan ko na lang agad ng 'they live happily ever after'.
Huwag na lang pala, baka isumpa ako ng mga readers ko. Nasa chapter eight pa lang ang story na sinusulat ko. I think it's too early to end the book.
I'm just staring at my laptop. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang susunod na kabanata. Kanina pa 'ko type erase nang type erase rito.
Tutal wala rin naman akong maisulat, bumalik na lang ako sa kama para humiga. As soon as my head hit the soft pillow, my phone rang. Sino na naman 'to, kagabi pa 'ko nabwibwisit ng phone na 'to.
I picked up the phone and answered the call. Bumungad sa 'kin ang boses ni Noreen. Sh*t, she's a nuisance.
“Teh!” sigaw niya sa kabilang linya.
“What? May kailangan ka ba, teh?” tanong ko sa kanya gamit ang aking mahinahon na boses.
I'm trying my best to sound calm.
I'm honestly pissed right now. But what choice do I have? She's my best friend kaya kailangan kong pahabain nang sobra ang pasensya ko.
“Siraulo ka ba, teh? Nagsasalita ka na parang walang nangyari kahapon, ah. Open up, I'm in front of your condo unit.”
I just sighed as I stood up to open the door. Noreen barged in like its her house. Agad-agad siyang kumuha ng mangkok at sinalin niya ang isang parang sabaw mula sa isang plastik na dala niya.
“Upo, kailangan mong magpalakas,” she said at hinila pa ang upuan. I just sighed then I sat down. She's my best friend but I'm really uncomfortable whenever she's around.
I mean, I do like her presence. But right now, it's making me uncomfortable.
I always pretend to be that nice person with a fun and bubbly personality. I just don't want to let her see that I'm just a plain and boring person. She's all I have, natatakot akong mawala siya.
She sat down in front of me. I smiled at her, she just rolled her eyes and moved the bowl towards me. I think its her signal. A signal saying that I need to eat it.
She always act like that whenever she's worried. Hindi siya maldita pero 'pag worried or pissed nagmamaldita siya. I wish I could do that too. I only release my real emotions whenever I'm alone.
I stared at the food for a moment. Hindi pala siya sabaw. It's a porridge with an egg. Kumain na 'ko. Pagkalunon na pagkalunon ko ay biglang tumunog ang tiyan ko.
Uhm, I think I'm hungry.
I continued eating until I finished it. Simot na simot ko ang bowl, it's a proof that I'm starving.
I looked up only to see that Noreen is staring at me. I just smiled, it's not a fake smile. It's a genuine one. I'm really grateful that she's always there for me.
“Okay ka na ba, teh?” she asked. Tinaas niya pa ang kilay niya na parang nagmamaldita.
I smiled then I nodded. She sighed and she took a small plastic from her shoulder bag. It's a medicine.
“Uminom ka, binantayan kita all night kasi sobrang taas ng lagnat mo,” she said and then she touched my neck and forehead. She's kinda creepy. Pagkatapos niya 'kong tarayan ay ngumingiti naman siya ngayon.
“Bumabalik na sa normal ang temp mo. Inumin mo pa rin ang gamot para gumaling ka na nang tuluyan.”
She stood up and grabbed a mug. Nilagyan niya rin ito ng tubig mula sa pitsel. She put down the mug in front of me. Agad ko namang ininom ang gamot at uminom na ng tubig.
“Tell me, ano bang nangyari, teh? Bakit bigla-bigla ka na lang tumaob kagabi? You're not even that drunk. I mean, hindi ka pa nga umiinom tapos para kang lasing na nahimatay. Good thing a guy helped me. Binuhat ka niya papunta sa taxi,” mahabang litanya niya.
Nagpro-process pa sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Even me, I really don't know why I collapsed last night.
“Uhm, maybe I'm super tired. . .” I paused, iniisip ko pa kung anong isusunod ko kasi mukhang hindi siya kumbinsido.
“Well, you do know that I always write in daytime while I go to a bar or a club every night.” I said while smiling awkwardly. She sighed while shooking her head.
“By the way, sino pala 'yong guy na bumuhat sa 'kin last night? Did you took his number?” I asked to change the topic. Gusto ko sana pasalamatan.
“Gav? Gab?” she said while scratching her head. Parang hindi pa siya sigurado sa sinasabi niya. I just laughed at her cause she's trying so hard on guessing the name.
Madaling makalimot ng pangalan si Noreen. Lalo na if she's not interested in that person.
“I don't know, okay! Inis pa rin ako sa 'yo cause you ruined my night, ugh! Malapit ko na sanang makuha ang number no'ng isang pogi sa dance floor,” sabi niya at sumandal pa nang padabog.
“Sorry,” nahihiyang sabi ko sa kanya.
Nagpaalam na siya dahil hinahanap na pala siya sa ospital. She grabbed her shoulder bag and walked towards the door. Before stepping out, she looked at me.
“H'wag na h'wag ka munang magpupunta sa mga bar ha,” she said and gave me a warning look.
I just smiled. She rolled her eyes. Lumabas na siya sa condo ko. Niligpit ko lang ang pinagkainan ko at bumalik na sa kama ko.
I stared at the ceiling. Bigla na lang akong ngumiti. Wala lang, naalala ko kasi ang effort na ginawa niya. I suddenly remembered that I forgot to thank her. I sighed and took my phone. I messaged her.
Naalala ko tuloy kung paano kami nagsimulang maging friends. She's the only person who approached me that time when nobody likes me.
May point ako sa buhay ko na no one likes me. Para 'kong isang outcast lagi. No one wanted to befriend me. To them, I'm just that weird girl. Hindi ko rin alam kung bakit nila 'ko tinatawag na weird.
Mag mula noon, palagi na kaming magkasama ni Noreen. I'm an orphan. Well, I think I have a sister but I don't know kung nasaan. Minsan nga naiisip ko na baka nasa utak ko lang talaga na may kapatid ako but in reality I don't have a family.
I have Noreen, I don't need someone as long as she's there. Ang plano talaga namin ni Noreen ay magiging ninang ako ng anak niya. She always wanted to have a family kung saan siya ang ilaw ng tahanan.
Feeling ko matagal pa 'yon. Look at her now, lagi siyang nakikipaghiwalay sa mga nagiging boyfriend niya.
I just stood up and then I sat down in front of my laptop. I'm still wearing the cocktail dress but I don't care. I just continued on writing my current novel. I badly want to finish this. Para naman mailagay ko na sa paid story.
Sh*t, I need money.
- - -
I slept around seven pm. I suddenly woke up, one am na ng madaling araw. Ngayon ko lang nalaman na hindi ko na pala kailangan ng alarm clock dahil sanay na ang katawan ko gumising ng maaga. Hindi na 'ko nag-alarm kasi plano kong sundin si Noreen.
But I guess my body betrayed me. I badly need an alcohol. So I decided to go to a near club. I put on a red lipstick and I used my favorite perfume.
I usually don't use perfumes. Mabango naman na 'ko pagkayari maligo. But in my case right now... ayoko namang umalis nang dugyot at mabaho.
By the way, I'm still wearing the short black cocktail dress. Yeah, what I'm doing right now is gross. Pero sandali lang naman ako. Uuwi rin ako agad, I don't have any plans on staying at the club
Pagkadating ko pa lang sa bar ay nagpunta agad ako sa bartender. I quickly ordered a vodka. As soon as he put it down in front of me, I drank it fast. I ordered a few more glasses. I drank enough to make me drunk.
Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na napansin na napunta 'ko sa dance floor. Sumabay ako sa mga katabi kong sumasayaw.
Sayaw ako nang sayaw habang nakapikit. All of a sudden, a guy snaked his hand around my waist and then he pulled me closer to him.
Lasing lang ako pero aware ako sa nangyayari sa paligid ko. Mas lalong aware ako na lalaki ang humawak sa 'kin. His veiny hand is huge.
“Hey babe, you smell like a rose,” he whispered using his husky voice. I just chortled while my eyes are still close.
Yeah, I smell like a rose. But your hand around my waist hurts me like a thorn.
I mean it, sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa 'kin. So I immediately removed his hand. Humarap ako sa kanya. He smiled at me. Kahit medyo madilim kitang-kita ko ang ngiti niya.
Wow, he's handsome.
I wrapped my hands around his neck. Dinikit ko ang ilong niya sa leeg ko kung saan ko winisik ang aking pabango. He also wrapped his arms to support me, mukha tuloy kaming nagyayakapan. He sniffed me. Gustong-gusto niya talaga ang amoy ko.
Kumalas na 'ko kasi nangangalay na 'ko. He smiled at me and we continued to dance. Nilapit niya ang mukha niya sa aking tenga.
“I really like your scent,” he mumbled. His voice sounds like he's seducing me.
After dancing for a few more minutes, nakaramdam na 'ko ng pagod. I pulled him close and gave him a long kiss as a goodbye. It looks like he likes it cause he pulled me close to deepen our kiss. I broke the kiss.
“Do you wanna continue this somewhere?” he asked. I just walked away as a response. He grabbed my hand.
“No, wait! Don't go, can I have your number?” he shouted dahil maingay ang music. I just chortled as I removed his hand.
Umuwi na 'ko kasi pagod na pagod na 'ko. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa rami ng vodka na ininom ko.
Pagkauwi ko ay humiga ako sa kama. Nakatulog agad ako, alcohol is the best sleeping pill.
- - -
Ang maliwanag na araw ang gumising sa 'kin. When I was about to stand up to go to my desk, I checked my phone first.
Unusual.
I don't know, hindi ko naman gawain ang mag-check ng phone sa umaga but I feel like I have to check it right now.
Oh, there's a text message from Noreen but I didn't bother to open it cause I received another text message.
A text message from an unknown number.
yeojacosmos
_____
nag-text siguro sa kanya 'yong guy ahehe. . . mukhang magkaka-lovelife na si mareng Arlene, sanaol
- alexcy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro