Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER SIXTEEN


Arlene's Point of View

Tulala akong naglakad papunta kay Noreen. Nasa likod ko si Gabriel. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya nang mahigpit.

Sobrang saya ko. I'm so happy to the point that I don't know how to express it.

“Arlene! teka! Hindi ako makahinga,” nahihirapan na sabi ni Noreen. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap.

“Teh, ano bang na--,”

“Noreen! buhay siya! buhay siya!” Sigaw ko habang tumatalon. All of a sudden, I cried. This is the first time that I cried because of joy.

Sinabi sa 'kin ni Gab na buhay si Angelo! Hindi na 'ko nagtanong kay Gab kung nasaan si Angelo o kung anong ginagawa niya. I don't deserve to know it. Basta masaya na 'kong malaman na buhay siya.

At saka kahit naman malaman ko kung nasaan siya ay hinding-hindi niya na 'ko babalikan.

A lot of unfortunate things happened this past few weeks. That's why the moment Gabriel said that Angelo is alive, I was delighted.

Thank you so much, God.

Tumingin si Noreen kay Gab na nasa tabi na niya ngayon. Gab just shrugged his shoulders. Noreen was about to talk but Ate Irene appeared. She smiled at my friends.

“Hinahanap ka na ng mga pu--Gab? Gabriel! It's nice to see you again!” Nakangiting sabi ni Ate Irene kay Gab at naglahad ng kamay.

“Kumusta ka na po, Ate Irene?” Nakangiting tanong ni Gab kay Ate Irene habang nakikipag-shake hands.

Oh, I suddenly remembered something. Napunta na nga pala si Gab sa bahay namin. Dinaig pa si Angelo. Angelo never met my family.

“Catch up tayo mamaya, may aasikasuhin lang kami,” nakangiting sabi ni Ate Irene kina Gab at Noreen.

“Kaya mo 'to, teh. Magpakatatag ka,” Noreen said while hugging me. Gab just tapped my shoulder.

Oo nga pala. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko nang may kailangan pa pala akong gawin. I need to face my crimes.

Habang naglalakad kami papunta sa pulis ay kinakabahan ako. I'm nervous to the point that my hands are shaking.

Ate Irene noticed it. She held my hand and intertwined our fingers. She smiled and gave me an assuring look that everything is going to be alright.

We both entered the room. May bumungad na pulis sa 'min. Pinaupo ako sa harap ng isang pulis.

“Ma'am, lumabas po kayo kakausapin lang po namin siya.”

Tumingin ako kay Ate Irene na parang nagmamaka-awa na huwag niya 'kong iwan mag-isa.

“No, I'll stay.”

Natuwa naman ako dahil kahit anong gawin ng mga pulis ay hindi nila mapalabas si Ate Irene. Kaya sa huli, nakaupo sa isang gilid si Ate Irene rito sa silid.

“Pangalan?”

“Arlene. Arlene Rivera.”

“Ikaw ba ang pumatay sa iyong ama na si Paolo Rivera?”

Tumingin muna 'ko kay Ate Irene bago sumagot. Nakayuko lang si Ate Irene at parang ayaw marinig ang sasabihin ko.

I just nodded but the police officer said that I should say ‘yes’ or ‘no’. So I instantly answered ‘yes’. Hindi ko na tinangkang tumingin kay Ate Irene. Alam kong nasasaktan siya sa mga naririnig niya.

“Tatay mo ba talaga si Paolo Rivera?”

“Opo.”

“Matanong ko lang hija. Bakit mo pinatay ang iyong ama?” he asked. He even crossed his arms and leaned back to his chair. I don't know if this is a part of the investigation or he's just feeding his curiousity.

I think it's the latter one that's why I'm a bit hesitant to answer his question. But I have to answer it. Tumingin ako kay Ate Irene. Nakatingin din siya sa 'kin at parang hinihintay ang sasabihin ko. I took a deep breath and gathered my courage.

“Pinatay ko siya kasi sinira niya ang pamilya ko! Babaero siya! Pinagpalit niya kami sa ibang babae!” Hindi ko alam kung bakit pasigaw ko nasabi ang mga bagay na 'yon. May galit pa rin yata sa puso ko.

God, please help me.

“Excuse me po, kakausapin ko lang ang kapatid ko.” Ate Irene didn't wait for the police officer's permission. She quickly dragged me out of the room.

Tinulak niya 'ko paupo sa isang bench sa harap ng silid na siyang ikinagulat ko. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang aking mga kamay.

Why is she reacting this way?

“Arlene. . . ano bang pinagsasasabi mo?” She asked me confusedly.

“Ang dahilan kung bakit ko pinatay si Daddy.”

Tumulo ang luha niya no'ng sinabi ko 'yon. Umiling-iling siya habang umiiyak. Ngayon ko lang siya nakita na umiyak nang ganito kaya sinubukan kong punasan ang mga luha niya kaya lang hinawi niya ang kamay ko.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at umupo sa tabi ko. Naguguluhan ako. Gulong-gulo! Hindi ko alam kung bakit umaakto nang ganito si Ate Irene.

“Arlene. . . nagkakamali ka.” Bulong ni Ate Irene. Naguguluhan talaga ako.

“Mali? Saan mali--,” she cut me off.

“KAHIT KAILAN HINDI NAGTAKSIL SI DADDY, ARLENE!” Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Kitang-kita ko ang halu-halong emosyon ni Ate Irene. Galit, sakit, pagsisisi, at lungkot. 'Yon ang nangingibabaw sa pagmumukha niya ngayon. I shook my head. Hindi ako maaring magkamali dahil nakita ng dalawang mata ko kung paano niya halikan ang babae sa restaurant.

“Ikaw ang mali Ate Irene! Nakita ko mismo kung paano niya hinalikan 'yong babae sa restaurant! Palagi niya ring sinisigawan si Mommy at sinasaktan! Kasalanan niya kung bakit nasira ang pamilya natin!” pasigaw na sabi ko. Bakas na bakas ang gigil sa boses ko.

Bumabalik sa 'kin lahat ng sakit ng kahapon. Kung paano umiyak si Mommy sa harapan ko. No'ng pinakita ni Mommy ang mga pasa niya sa kanyang leeg. Kung paano sigawan ni Daddy si Mommy. . . lahat ng 'yon bumabalik.

Umabot na 'ko sa puntong ayaw na lumabas ng mga luha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Si Ate Irene ay tinititigan lang ako habang umiiling. Tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng luha sa kanyang mukha.

“Kasalanan ko 'to. Patawarin mo 'ko Arlene kung napabayaan kita no'ng mga panahon na 'yon. Ang sama kong Ate.” Sabi niya at yumuko.

“Wala kang kasala--,” she cut me off.

“Hindi totoo ang mga sinabi o pinakita sa 'yo ni Mommy, Arlene.” Bulong niya habang umiiyak.

Naguguluhan pa rin ako. Paanong hindi totoo?

“Mahal na mahal ni Daddy si Mommy kaya hindi magagawa ni Daddy ang mga sinabi mo.”

Wala akong maintindihan. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi niya.

“Si Mommy ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin, Arlene. Hindi ko alam kung paano niya nilason ang utak mo pero binaligtad niya ang storya. Tulad mo, natatandaan ko rin kung paano sigawan ni Daddy si Mommy. Palagi ko ring natutunghayan ang mga away nila.” Mahabang litanya niya habang umiiyak.

Hindi ko alam pero may namumuong luha sa aking mga mata.

“Nag-aaway silang dalawa dahil sa mga lalaki ni Mommy. . . maraming kabit si Mommy, Arlene.” Sinusubukan pang pigilan ni Ate Irene ang kanyang pag-iyak habang sinasabi ang mga 'yon pero nabigo siya. Mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak dahil sa mga sinabi niya.

Tulad niya, umiiyak na rin ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi. . . hindi totoo 'yon! Sinasaktan ni Daddy si Mommy. Sinisigawan ni Daddy si Mommy. Nakipaghiwalay si Daddy kay Mommy at iniwan kami ni Daddy. Iniwan kami ni Mommy dahil hindi niya kinaya ang lungkot no'ng iniwan kami ni Daddy.

Umiling-iling ako dahil hindi ko matanggap ang mga sinasabi ni Ate Irene.

“Arlene maniwala ka! Nagsisigawan sina Daddy at Mommy dahil pinag-aawayan nila ang mga kabit ni Mommy. Hindi nakipaghiwalay si Daddy kay Mommy, si Mommy ang may gusto no'n. Hindi tayo iniwan ni Daddy, Arlene. . . tayo ang nang-iwan sa kanya.”

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha dahil ayaw nang tumigil ng aking mga luha. Nasasaktan ako. Hindi ko na alam kung saan pa ba ako maniniwala.

Bigla na lang tumawa si Ate Irene. Tumingin ako sa kanya kahit lumalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luha. Namumula na ang kanyang mga mata kakaiyak. Pinagtitinginan na rin kami ng mga dumadaan na pulis dahil parehas kaming ngumangawa na parang bata.

“At saka sinasaktan? Kahit kailan hindi sinaktan ni Daddy si Mommy! Alam mo kung ano 'yong nakikita mo sa leeg ni Mommy? Hickey 'yon, Arlene! HICKEY NA GALING SA IBA-IBANG LALAKI!” Sigaw ni Ate Irene.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga sinabi niya. I was too dumb and naive to believe in all the lies she told me. Maraming mata ang nakatingin sa 'min ni Ate Irene pero hindi namin pinapansin. Hindi namin mapigilan ang aming iyak.

“My life became a hell the day that the court granted their annulment. Sinabi ko naman kasi kay Daddy na tutulungan ko siya para hindi matuloy ang annulment pero hindi siya pumayag. She loves our mother so much that he's willing to set her free.”

“Napabilis ang annulment nang dahil sa isang video. Isang gabi, narinig ko si Mommy na may kausap sa telepono. Based on what I heard, she's paying a girl to meet and kiss our father at a restaurant. Arlene. . . I have a strong feeling na ikaw ang nag-video.”

Unti-unti nang nagiging malinaw sa 'kin ang lahat. Ako ang naging. . .

“Ikaw ang naging susi niya Arlene para tuluyan na masira ang pamilya natin.”

yeojacosmos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro