CHAPTER SEVEN
Arlene's Point of View
“Sure ka ba talagang okay ka lang? Ihahatid ka na namin,” Ate Irene said in a worried tone. Paulit-ulit siya kaya naiirita na 'ko.
“I said I'm fine Ate, I just need to go home and rest,” I insisted. She smiled and nodded as a sign of defeat. Hindi niya maipipilit ang sa kanya lalo na ngayong gusto kong mapag-isa.
I was about to walk away but Denver grabbed my hand. I instantly turned my back to face him. I raised my left eyebrow because of what he did.
What kind of bullsh*t is this?
He smiled genuinely and took his wallet from his pocket. Kumuha siya ng kulay asul na pera at inabot sa 'kin. Of course I accepted it, I love money.
I didn't even bother to thank him. I walked away with a little smile on my face. Having money kinda cheer me up. I was about to put the money on my pocket but something stopped me.
I noticed that its two blue bills. I think he's not aware that he took two paper bills from his wallet. My smile widen.
Pumara na 'ko ng taxi nang may ngiti sa aking labi. As soon as I sat, I removed the smile on my face and replaced it with a poker face.
“Sa pinakamalapit na club kuya,” sabi ko. Mabilis namang unandar ang taxi para ihatid ako sa aking destinasyon.
Wala akong balak umuwi ngayong gabi, lulunurin ko ang sarili ko sa alak.
Marami pang bukas na mga establishments kahit gabi na. Kitang-kita tuloy mula sa bintana ng taxi ang magagandang ilaw mula sa mga building.
Habang nakatingin ako sa bintana ay naalala ko ang mga nangyari kanina. I sighed. The money cheered me up for a moment but here I am, confuse again because of those sh*tty memories.
I am certain that the memory flashed in my mind earlier is a part of my past. But one thing is making me curious.
Who is the woman in front of me?
Inuntog ko ang ulo ko sa bintana ng taxi dahil sumasakit lang iyon sa tuwing iniisip ko kung sino ang babae.
Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa club. I ran towards the bartender and ordered a drink. Umupo lang ako sa harap ng bartender. Wala akong balak sumayaw sa dance floor. Ang gusto kong gawin ay ang magpakalasing.
Kapag nalasing ba 'ko nang sobra ay makakalimutan ko ang alaalang iyon?
- - -
I woke up in front of my desk with a painful headache. Sanay naman akong gumising nang masakit ang ulo pero iba ngayon, doble ang sakit.
Nalunod nga siguro ako sa alak kagabi.
Nang mahimasmasan na 'ko ay napansin kong nakabukas ang laptop. No'ng una hindi ko maintindihan kung ano ang naka-type sa screen.
What the. . . Did I just wrote a chapter while I was drunk?
Maraming typo pero unti-unti ko rin namang naintindihan. I continued writing my ongoing novel last night.
This is a proof that I am a talented writer. I can't believe that I managed to finish a single chapter with more than three thousand words while I'm drunk.
I didn't bother to eat my breakfast. Nilinis ko ang sinulat ko kagabi, inayos ko ang mga typo. As soon as I finished polishing the chapter, I clicked the publish button.
Dumiretso 'ko sa banyo para maligo. Napansin ko kasi na puro mantsa ang suot kong damit. Lagkit na lagkit na rin ako kaya gustong-gusto ko na maligo.
Hindi ko na inisip kung ano ang ginawa ko kagabi kasi sumasakit lang ang ulo ko.
Basta nagpakalasing ako!
Habang naliligo ako ay bigla kong naisip ang mga alaalang pumasok sa isip ko kahapon. Hindi lang alaala ang bumalik, pati ang nararamdaman ko no'ng araw na 'yon.
Gusto ko mang kalimutan ang parte na 'yon ng nakaraan ko ay hindi ko magawa, kasi nagbalik na ito. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang magtanong.
Bakit sila nagsisigawan?
Bakit umabot sa puntong binato ni Daddy ang vase?
Sino ang babaeng gumagamot ng sugat ko?
Minabuti ko na lang na mabilisin ang aking pagligo kaysa mag-isip ng kung ano-ano.
Nagbihis ako ng pantulog at saka humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame hanggang sa antukin na 'ko.
I feel like I need to rest because of the memories that my mind absorbed last night.
Matutulog na sana 'ko kaya lang biglang tumunog ang cellphone ko. Someone texted me, I instantly checked it.
From: 09xxxxxxxxx
Hello! This is Denver, wanna hangout later? I'll pay for the drinks.
Denver? Ate Irene's husband?
To: Denver Cheater
Hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka ni Ate Irene? Yuck cheater.
Bagay sa kanya ang name niya sa contacts ko. Wala na talagang matinong lalaki ngayon. Akala ko pa man din loyal 'yang Denver na 'yan sa Ate ko.
From: Denver Cheater
Who the f*ck is irene? I'm the guy you met last night at the bar! You gave me your number and now you're telling me that i'm a cheater? D*mn i'm all yours
YUCK!
I immediately sent a text message telling him to f*ck off. After that, I blocked his number.
Hindi man siya ang Denver na asawa ni Ate Irene, I'm pretty sure that Denver is a jerk too. Magaling lang magtago ang Denver na 'yon ng mga katarant*duhan niya kaya hindi siya nahuhuli ni Ate Irene.
I'm sure that Denver is also a jerk because he's a guy. . . all men are jerks.
- - -
Nagdaan ang ilang araw na kumain, matulog, at uminom ang naging routine ko. Hindi rin ako nagbukas ng social media dahil ayokong mabasa ang pangungulit ng mga readers ko.
Hindi ko naituloy isulat ang nobela ko. Kahit ilang beses ako umupo sa harap ng laptop ko ay wala talaga akong gana. Kailangan ko ng pera pero ano namang magagawa ko kung wala talaga akong gana.
I'm currently putting some clothes on my backpack. Ate Irene texted me yesterday, she told me to prepare some things good for three days because we're going to investigate somewhere.
I finished packing up my clothes. Lastly, I put the red lipstick at the pocket of my backpack. Sinukbit ko na ang bag sa aking mga balikat. I'm good to go.
I included my laptop to my backpack. In case na magkaroon ako ng gana ituloy ang nobela.
I received a text message from Ate Irene. She told me that she's waiting at her car. I immediately left my condo and walked towards the parking lot.
“Hi!” she greeted me. Her husband just waved at me. I just created a fake smile and entered the backseat.
I didn't know that her sh*tty husband is going with us. He's not the Denver who texted me a few days ago but still, I don't like him.
“Where's Stella?” I asked when they entered the car. Denver is our driver and Ate Irene is beside him.
“Oh, this is a long trip Arlene. Hindi ko na sinama si Stella dahil maiinip lang 'yon.”
“So, where are we going? Bakit parang ang tagal naman natin sa pupuntahan natin at may dala-dala pa tayong mga damit?”
“You'll see.”
I didn't bother to ask her again. Umandar na ang kotse, binaling ko na lang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tumingin sa bawat gusali na nadaraanan namin.
Habang patagal nang patagal ang byahe ay nababawasan na ang mga gusali na aking nakikita. Napapalitan ito ng kabukiran at mga puno.
Pagkayari ng napakahabang kabukiran ay bumungad sa 'min ang bayan. Nadaanan ng sasakyan namin ang magulong palengke at ang ilang mga bahay.
Dire-diretso lang ang pagmamaneho ni Denver hanggang sa napadpad na naman kami sa isang kabukiran. Pagkayari ng ilang minuto ay napunta kami sa kabahayan. Pinahinto ni Ate Irene ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.
Bumaba si Ate Irene sa sasakyan at binuksan ang gate para maipasok ang sasakyan. Pagkapasok ng sasakyan ay sabay kaming bumaba ni Denver.
“Umupo ka muna, mag-uusap lang kami ni Denver.” She pointed her index finger somewhere near the pond. May lamesa at upuan malapit doon.
Where am I?
Naglakad ako papunta sa fish pond habang nagtataka kung nasaan ako. Habang papalapit ako sa fish pond ay napansin kong hindi lang ito basta fish pond, may grotto rin ito.
May mga nakapaligid na tuyong halaman sa fish pond. Mukhang patay na ang mga halaman dahil hindi nadiligan. Lumapit ako para tignan ang pond. Wala itong mga isda at ang dumi-dumi ng tubig.
There's a statue of the Virgin Mary. Tinitigan ko ito nang mabuti dahil parang may mali. After staring at it for a few seconds, I noticed it. Parang umiiyak ng dugo ang statwa. Natakot ako kaya napaatras ako.
Pumunta na lang ako sa upuan na tinuro ni Ate Irene. Puro lumot ang upuan. Luminga-linga ako para maghanap ng ibang pwedeng gawing upuan kaya lang iba ang nakita ko. Nakakita ako ng screen door.
Siguro back door 'yon.
Sandali kong tinapunan ng tingin si Ate Irene. Mukhang busy pa rin siya sa pakikipag-usap kay Denver. I sneaked in the back door while she's occupied.
Dirty kitchen ang bumungad sa 'kin pagpasok ko. Walang tao roon kaya nakahinga ako nang maluwag. Dire-diretso lang ang lakad ko na parang kabisado ko ang bahay.
Dinala ako ng aking mga paa sa sala. May isang malaking portrait ng mag-asawa na magkahawak ang kamay. It's a painting and it looks ancient.
Sa baba ng painting na nakasabit ay may lamesa. Maraming picture, iba-ibang pamilya. Even though there are a lot of family picture, one picture caught my attention.
It's a family of four but the face of the mother is covered with a masking tape. Tinitigan ko ang larawan. Napagtanto ko na ang katabi ng babaeng may takip ang mukha ay ang aking ama.
Tinitigan kong mabuti ang dalawang babae na nasa harap nila. It's me and Ate Irene when we were young.
A picture of my family.
Hindi ko makita ang mukha ng aking ina kaya napagdesisyunan kong tanggalin ang masking tape. Kaya lang bago pa dumikit ang aking kamay ay may umagaw na sa 'kin ng larawan.
“Sino ka? Bakit ginagalaw mo ang litrato-,” sigaw ng babae sa 'kin. Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil parang nakakita siya ng multo. Tinakpan niya pa ang kanyang bibig.
“Arlene.” Malumanay na tawag niya sa aking pangalan. I just gave her a poker face.
“Arlene, nagbalik ka na! Ako ito si Pamela, kababata niyo 'ko ni Irene.” She said and even held my hand. I just smiled at her.
I don't remember her at all.
“Mukhang nauna ka nang pumasok, Arlene.”
“Nako, Irene! Mabuti naman at nagkita na kayo ng iyong kapatid,” Pamela said to my sister.
“Nako Ate Pam! Nahirapan ako nang sobra bago ko mahanap 'yan.”
Hindi ko pinansin ang pag-uusap nila, tumingin ako kay Denver na sumulpot mula sa isang malaking pinto.
Maybe that's the main entrance.
May hatak-hatak siyang isang malaking maleta. Siguro pinagsama na nila ang gamit nila ni Ate Irene.
Pero ang laki naman yata ng maleta para sa ilang araw namin dito.
“Halika Arlene,” aya sa 'kin ni Ate Irene.
Naglakad sila ng babaeng nagngangalan na Pamela. I just followed them. Denver just sat at a sofa near the big portrait of a couple. Mukhang pagod na pagod siya sa pagbitbit ng maleta.
Siraulo siguro siya?
Hinihila niya lang ang maleta kanina. Walang nakakapagod sa ginawa niya. Galing naman niya umarte na pagod na pagod siya.
“Tamang-tama ang dating niyo, kakagising lang ni Ma'am Clara.” Pamela said while walking.
Pumasok kami sa isang malaking silid. Naglakad nang mabilis si Ate Irene patungo sa kama kung saan nakahiga ang isang matanda. Nag-usap sila ng matanda.
Hindi ko inintindi ang kanilang pag-uusap, luminga-linga lang ako sa kabuuan ng kwarto. Malaki ang kwarto, kaya lang mukhang luma ang disenyo nito.
“Arlene, lumapit ka rito,” sabi ni Ate Irene. Lumapit agad ako sa kanya. Ngumiti ako sa matandang nakahiga sa kama. Nanlaki ang kanyang mga mata at dinuro niya 'ko.
“Lumayas ka sa pamamahay ko! Demonyo ka!”
yeojacosmos
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro