CHAPTER ONE
Arlene's Point of View
“Pasensya na, pasensya na sa lahat. I'm sorry sa nangyari na, sa nangyayari ngayon, at sa mangyayari pa lang. Pasensya na talaga. Gagawin ko ang lahat. Ang lahat ng aking makakaya. I'll make you think of me.”
He stepped closer to me. I took a step back. He looked at me with pain in his eyes. Yumuko siya nang panandalian. Inangat niya rin agad ang kanyang mukha. He formed a smile. Halatang-halata na peke ang ngiting iyon.
“Sorry, sorry kasi gusto pa rin kita. Pasensya na dahil kahit anong gawin ko ikaw pa rin ang gusto ko,” he whispered while walking towards me.
I froze. Unti-unti niyang binaba ang kanyang mukha para magpantay ang aming mga mukha. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng aking puso. It's deafening! Ngayon lang tumibok nang ganito kabilis ang puso ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto kong tumakbo palayo sa lugar na 'to kaya lang nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya sinampal ko siya.
No! Mali! Sh*t erase erase! She will not slap him! Her character is not a violent person, I never created one. Hinding-hindi ako gagawa ng isang bayolente na karakter sa aking mga libro.
I erased the last paragraph and created a new one.
Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto kong tumakbo palayo sa lugar na 'to kaya lang nanginginig ang mga tuhod ko. There's one thought that came into my mind.
I grabbed his face and I crashed my lips into his. I kissed him passionately. I moved my body towards his. He grabbed my waist. That turned me on.
I yawned. Finally! I clicked the publish button to upload the chapter. Marami na agad ang nag-view sa chapter na kakagawa ko at kaka-upload ko pa lang.
I mean, why do they want to waste their time in reading romance stories. Sa tingin ba nila a guy like him exist in real life?
Or maybe they want to have a relationship like that?
Oops! Sorry, walang ganon. I don't believe in true love. I stretched my arms and yawned again. Inubos ko na ang chips na kinakain ko. Kapag kasi ngumunguya ako habang nagta-type o nagsusulat ng storya ay mas nagfa-function ang utak ko.
Yes, I'm a writer. Isa akong manunulat kasi. . . kasi wala lang? Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya wala akong stable na trabaho. Nagkakaroon naman ako ng income sa pagsusulat ng mga novel kaya okay na 'to.
And I don't need a degree to be a writer. I just need to write and write and write. Magugulat na lang ako na nakatapos na 'ko ng isang nobela na may seventy thousand words.
That's my first novel, the one with more than seventy thousand words.
Speaking of that novel. I checked my profile in one writing platform. Which is the only platform that I'm using when I'm uploading a story. I currently have three complete novels and one ongoing.
The first novel that I created just reached three million reads. Wow! That's a lot of readers, and a lot of money too. Paid story siya kaya nagkakaroon ako ng pera dahil sa mga readers.
More reads means more money. Hindi ko pinangarap ang maging isang manunulat. I don't even like it. Nalulunod ako sa dami ng mga salita. Nagsusulat lang talaga 'ko dahil malaki ang aking kinikita.
Pinaka ayoko sa lahat ay ang mag-revise. Mas magkakaroon ako ng maraming pera 'pag naging isang physical book ang isa sa mga novel ko. Kaya lang I'm too lazy to revise it.
Did I mention that I'm a writer who writes romance novels? Yes, I don't believe in love pero ganon talaga. A lot of people believe that true love do exist. But I don't, I'm not a fool like them.
I repeat, I only love writing romance stories because of money.
Love is a dangerous thing. It can build you and destroy you at the same time. One moment he'll say na ikaw lang ang mahal niya then bigla na lang may iba na siya. Big yuck to cheaters.
Bitter ba? I'm just spitting facts. It's not just a fact, It's the reality. All men are jerks.
I closed my laptop and walked towards my bed. I put my hands in my pocket. I just stood there while admiring the painting at the top of my headboard.
Its a rose. A red rose with blood on its petals. Magkakulay ang dugo at ang rosas pero halatang-halata ang dugo sa bawat talulot nito. The blood is dripping.
Instead of lying on the bed, I walked towards the window. Kitang-kita ko ang mga sasakyan at mga taong naglalakad sa baba. Nasa mataas na floor ang condo ko kaya maganda ang view sa baba.
I saw a man and a woman walking. Their hands are intertwined. Tumingin sila sa isa't isa at ngumiti. I chortled.
“Lolokohin ka rin niyan.” I whispered then pulled the curtains to block the sunlight.
Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Pumasok na naman sa utak ko ang scene na nakita ko kanina. I chortled again.
Ang babae ay parang isang rosas. Napakaganda, walang kapintasan na masasabi. Kaya lang 'pag bumaling ka sa stem nito ay may makikita kang mga tinik.
Nakakasugat, hahawakan mo pa lang ay magkakaroon ka na agad ng sugat. Ang mga lalaki ay parang mga tinik. Mga tinik na walang ibang ibibigay sa 'yo kundi sama ng loob.
Alam naman ng lahat iyon pero umaasa pa rin sila na matatagpuan nila ang tinatawag na 'true love' at 'prince charming'. Well, I'm sorry to say this but we're not in a fairy tale or a disney movie. We're in the reality, where happy endings don't exist.
I still have 6 hours to rest before the real life starts. Yes, every night akong nasa bar at umiinom. Tas pag-uwi ko madaling araw na. Matutulog lang saglit at gigising na rin para magsulat ng kung ano-anong ka-corny-han na gusto ng mga readers.
Buti nga magaling akong magpakilig kahit hindi naman ako naniniwala sa pag-ibig. Thanks to my best friend na rin siguro. She always give me ideas.
I closed my eyes, I need to sleep.
- - -
I woke up because of a loud noise that my phone is producing. It's ringing, I grabbed it and answered the phone call. I'm half awake because of the st*pid phone call.
“Hey! Akala ko pupunta ka ngayon dito!” sigaw ni Noreen sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang maingay na tunog sa kabilang linya.
Noreen is my best friend, she told me last night na pupunta siya sa club ngayon. Wait! what? oo nga pala! Agad-agad akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo.
Bubuksan ko na sana ang shower kaya lang naalala ko na hawak-hawak ko pa rin ang phone ko. I hang up. Lumabas ako ng banyo at initsa ang phone sa kama ko. I don't even care if wala akong suot na kahit ano. I'm in a hurry. At isa pa, wala namang ibang tao sa condo.
I took a quick bath. I wore my short black cocktail dress and paired it with a nice black court shoes. I grabbed my bright red lipstick at nagpunta sa isang malaking vanity mirror sa right side ng kama ko.
I stared at myself for a moment. I formed a small smile. I look stunning. But mas maganda kung may kulay ang labi ko. So, I put on the red lipstick swiftly. I look. . . I look gorgeous. Nakalugay lang ang buhok ko. Hindi ko na kailangan ayusin ito nang sobra dahil hindi ko naman ito binasa no'ng naligo ako.
I pulled my dress up to make it shorter. It revealed a big butterfly tattoo at my upper right thigh. Napansin ko rin ang aking peklat sa tuhod.
I have no idea where I got that scar.
Lumabas na 'ko ng condo at tumawag ng taxi. Agad kong sinabi kung saan ako pupunta. The taxi driver drove fast and before I knew it, I arrived at my destination.
Pagpasok ko pa lang ay nakakabingi na agad ang maingay na musika. Sh*t! I left my phone! Sh*t! Sa lahat ng pwede kong makalimutan, cellphone pa! Buti na lang I have my wallet. But how will I find Noreen in this big sh*tty crowd!
First time ko pa naman sa club na 'to kaya I have no idea kung paano siya hahanapin sa lugar na 'to.
“Huy!” someone shouted at the left side of my ear. Nagulat pa 'ko dahil doon.
“Ang tagal mo, teh!” Noreen exclaimed and she rolled her eyes. Instead of rolling my eyes too, I just smiled. A big smile.
I just imagined that I rolled my eyes towards her.
“Hala sorry best friend! Nasobrahan ata ako sa tulog,” I said with a cheerful voice. Of course that's fake. Noreen Racuya is my best friend, I don't know kung kailan ko siya nakilala. I think school mate ko siya? I don't know, I can't even remember.
Noreen have a cheerful personality. Of course as her best friend, nakikisabay na lang ako. I always put this fun, cheerful, and bubbly personality in front of her. Hindi lang pala sa kanya, sa lahat ng tao na nakakahalubilo ko.
She's also a doctor. She's currently single and ready to mingle. She just go in a club to flirt with other guys whenever she's single. Kadalasan ang mga nilalandi niya ay nagiging boyfriend niya. Nagtatagal naman sila pero kadalasan naghihiwalay rin.
Like her past boyfriend, si Tristan. Tristan cheated on her. They broke up yesterday but me looking at her right now. . . it looks like nothing happened yesterday.
“Huy, teh! Tara na sa dance floor! Maghanap tayo ng target,” she gushed. She held my wrist and pulled me. Pagdating na pagdating namin sa gitna ay umindak agad siya.
She's wearing a very short denim shorts and a white crop top which is very unusual. It's definitely not her thing. Noreen is like a nun, palaging mahaba ang suot niya. Tulad ng mga pantalon, jacket, t-shirt na mahaba ang sleeves, at kung ano-ano pang mahaba. She always make sure na natatago ang balat niya.
Most of the time, she's wearing a white coat.
But looking at her right now, it seems like she's desperate to have a new boyfriend. Sumabay na lang din ako sa indak na ginagawa niya.
Mukhang nakahanap na siya ng target, she's looking at someone right now. Tumitingin din sa kanya 'yong guy. The guy looks decent, hindi siya masyadong umiindak tulad ng ginagawa namin. Kaya lang nabaling sa iba ang attention ko.
Someone tries to touch Noreen's butt so I immediately grabbed the hand of the guy and twisted it. Napasigaw naman ang lalaki dahil sa ginawa ko sa kanya.
I think I created a scene, nakatingin sa 'min ang mga tao na malapit sa 'min. I stared at him deadly and pulled him close.
“Don't you dare harass my best friend, I'll kill you.” I whispered to his right ear.
Bigla siyang namutla dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. I just spitted it out like its a normal thing to say.
Yes, I don't like guys! But I'm not serious when I said that I'll kill him.
Hindi! Hindi ko kayang pumatay.
“Huy teh, anong sinabi mo?” gulat na tanong sa 'kin ni Noreen. She asked me that while looking at the guy who's kneeling in front of us. I just smiled widely towards her.
“I'll get us some cocktails!” I said in a cheerful voice. Naglakad na 'ko papunta sa bartender na malapit sa 'min. Kahit sobrang lakas na ng music dito sa loob ng club ay naririnig ko pa rin ang paghingi ng dispensa no'ng lalaking muntik na siyang mahipuan.
Bilang babae na tambay sa mga bar at mga club, sanay na 'ko sa mga lalaking gano'n. Hindi ako nababastos dahil titignan ko pa lang sila ay natatakot na sila.
“Two cocktails!” sabi ko at saka umupo sa stool. Nagawa naman agad ng bartender ang drink. Kinuha ko na ito at akmang babalik kay Noreen kaya lang may humawak sa balikat ko.
“A-Arlene.” A voice of a man said using his stuttering voice. His hands in my shoulder feels so cold. I turned around to see kung sino 'yon.
The next thing I knew is the glasses of cocktails that I'm holding slipped out of my hands. Narinig ko ang pagkabasag ng mga ito. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mukha niyang namumutla. Feeling ko ay namumutla na rin ako.
Suddenly, everything went fast. Mabilis ang naging galaw ng mga tao sa paligid namin. Bigla na lang akong nahilo. Naramdaman ko na lang na lumagapak ang katawan ko sa sahig.
Everything went pitch black.
yeojacosmos
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro