CHAPTER FOURTEEN
Arlene's Point of View
Nasaan ako?
Nasa harap ako ng isang. . . paaralan. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Suot ko pa rin ang crop top at shorts na suot ko kanina no'ng nagpunta kami sa bahay ni Daddy.
Nananaginip ba 'ko?
Bukas ang gate ng paaralan kaya pumasok na lang ako. Public school naman ito kaya walang magagalit. Malalim na rin ang gabi kaya walang makakakita sa 'kin.
At isa pa, panaginip lang naman 'to.
Pagpasok na pagpasok ko sa paaralan ay nakita ko ang isang malaking puno. Wala sa sariling lumapit ako rito at umupo sa pwesto ng babae.
Nasaan kaya ang babae at lalaking laging nakaupo rito?
Napakapit ako sa isang nakausling ugat ng puno katabi ng inuupuan ko. Napapikit din ako kasi sumakit ang ulo ko. Unti-unting may pumasok na memorya sa aking utak.
“Hi Arlene! Tabi tayo,” energetic na bati sa 'kin ni Angelo.
He's my classmate. Transferee siya, medyo matagal na rin siyang nasa school. Napakapapansin niya. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaang maupo sa tabi ko.
Kapag kasi pinapansin ko siya ay mas lalo lang siyang umiingay. I put all of my attention towards the romance story I am writing.
“Nagsusulat ka?”
I just rolled my eyes. Why is he asking? Napaka-obvious naman na nagsusulat ako. Nilapit niya ang kanyang mukha sa papel na sinusulatan ko. Binasa niya ito.
“Love story na naman? Bakit hindi love story natin ang isulat mo?” Nakangisi na sabi niya at kinindatan ako.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo lang siyang napangiti dahil sa reksyon ko.
“Bakit ba ang ganda-ganda mo kahit nakakunot ang noo mo?” seryosong sabi ni Angelo. He's smiling genuinely towards me.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa long pad at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Wala naman akong isasagot sa tanong niya.
Minsan naiisip ko na baka may gusto siya sa 'kin.
Napailing ako dahil sa naisip ko. Ano naman kung may gusto siya sa 'kin? Wala naman akong gusto sa kanya. At isa pa, ayoko ng boys.
Wala naman akong issue sa mga lalaki. Ayoko lang talaga munang makipag-relasyon kasi mas gusto kong tapusin ang kwentong sinusulat ko.
I'm creating the guy that I want to be with. Kung kaya kong gumawa ng fictional character, hindi ko na kailangan ng lalaki.
Mga kaibigan ko nga puro fictional character, eh. I don't have friends. Pagkatapos mag-aral ay wala na 'kong ibang pinagtutuunan ng pansin kaya marami akong oras magsulat.
That's much better. I like living in the world that I created.
I flipped the paper of the long pad. Napuno na pala ng sulat ang sinusulatan kong papel. I got disappointed. Wala ng papel, nasulatan ko na lahat.
“Ang bilis mo naman kasi magsulat. Suking-suki ka yata ng long pad sa canteen, eh!” Pabirong sabi ni Angelo. I just rolled my eyes.
“Wait, bilhan kita.”
Bago pa 'ko makakontra sa sinabi niya ay tumayo na siya at tumakbo papunta sa canteen. Napangiti ako. Natampal ko ang sarili ko.
Bakit ako ngumingiti?
Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso ako sa harap ng salamin at tinignan ang aking sarili. Hindi ako mahilig manalamin dahil wala naman akong pakialam sa itsura ko.
Ngayon ko lang tinignan ang aking sarili sa harap ng salamin nang matagal. Ang ganda ko. Napakaganda ko pala.
Nang mapatingin ako sa aking labi ay napangiwi ako. Maganda ang hugis ng aking labi kaya lang maputla naman.
Bigla akong napadilat at hinabol ang aking hininga. Napatingin ako sa katabing ugat ng puno. Parang na-i-imagine ko si Angelo na nakangiti sa 'kin.
Ano ang mga alaalang 'yon? Parte ba ng nakaraan ko 'yon?
Bigla akong napatayo dahil sa aking naisip. Pagtayong-pagtayo ko ay parang naalog ang utak ko dahil bigla na lang akong nahilo at napasapo sa aking ulo.
“Angelo, sinasagot na kita. I'm now your officially girlfriend,” masayang sabi ko sa kanya.
Nakatayo kami ngayon sa harap ng malaking puno kung saan niya 'ko niligawan. Saksi ang puno na ito sa aming pagmamahalan.
Agad-agad akong niyakap ni Angelo at inangat sa ere. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya kahit hindi siya nagsasalita.
Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa mga alaalang iyon. Bigla na lang gumalaw ang aking mga paa. Dinala ako ng mga ito sa isang hagdan na papunta sa isang rooftop.
Napahawak ako sa gilid ng hagdan dahil bigla na naman akong nahilo. Mas malala pa yata ako sa lasing.
Sinampal ko si Angelo. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ang babae sa harapan ko. He got swayed by another girl and now he's trying to explain.
I don't need his sh*tty explanations. My life is really f*cked up. Sa lahat ng taong pwedeng makasakit sa 'kin hindi ko alam na sa kanya, sa kanya pala ako masisira.
“Arlene, please! Let me explain!”
Tinalikuran ko siya at umakyat papunta sa taas ng building. Nahihilo pa rin ako dahil marami ang nainom kong alak kanina pero sinikap kong umakyat nang mabilis. Sinundan niya 'ko hanggang makarating kami sa rooftop.
Napasinghap ako nang mabuksan ko na ang aking mga mata. Just like what I did in the memory, I climbed the stairs until I reached the rooftop. Malamig na hangin ang sumalubong sa 'kin nang buksan ko ang pinto.
There are no stars tonight and it's gloomy. Lumapit ako sa pinakadulo ng rooftop, pinatong at pinagsiklop ko ang ang aking mga kamay. Tinanaw ko ang kabuuan ng paaralan.
Bago pa sumakit ang ulo ko ay kusa ko nang ipinikit ang aking mga mata. Everything went pitch black.
I was about to open my eyes but some memories came in like a flowing water so I immediately shut it again. Medyo magulo ang mga ito.
Gunting. Dugo. Si Angelo. Isang lalaki. Ulan. Rooftop.
Dinilat ko ang aking mga mata dahil wala nang sumunod na memorya. Lumingon ako dahil may gusto akong kumpirmahin. As soon as I turned my back, I saw the door I've been.
Napangiti ako nang mapait dahil unti-unting sumakit ang ulo ko. This is the most painful headache my head gave me. Slowly, I closed my eyes and let the memory take over my head.
“Babe! Hayaan mo naman akong magpaliwanag, oh!” Nagmamaka-awang sabi niya sa 'kin
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa marating ang dulo ng rooftop. Bago ko pa maipatong ang kamay ko ay hinawakan niya ang braso ko.
“Bakit bibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag? Para ano? Para makapagsinungaling ka pa? Kitang-kita ng mga mata ko kung paano mo hinalikan ang babae sa restobar no'ng araw na 'yon!” Galit na galit na sabi ko at tinulak ko siya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at unti-unting ibinaba ang kamay niyang nakahawak sa 'kin. Napabuga ako ng hangin. I'm trying to stop my tears but I failed. Hindi naman siguro niya makikita na umiiyak ako dahil sa malakas na ulan. I'm furious and in pain right now.
Kulang na kulang yata ang nainom kong alak kanina.
“Pinaabot mo pa talaga ng ilang araw bago ka nagkaroon ng lakas ng loob para magpaliwanag! Pare-parehas lang kayong mga lalaki! Puro kayo g*go!” Sigaw ko sa pagmumukha niya. Sinadya kong sumigaw dahil ang ingay ng ulan.
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang reaction niya dahil nakayuko ako. Punong-puno ng galit at lungkot ang puso ko.
Sa tingin ko mababaliw na 'ko.
Hinawakan niya ulit ang braso ko. Ginawa ko ang lahat para matanggal ang pagkakahawak niya kaya lang mahigpit ito at nasasaktan na 'ko.
“How dare you! Paano mo nagawa sa 'kin 'yon!” Sigaw ko sa kanya. I'm hurt, physically and emotionally. Pagod na pagod na rin ako. What kind of bulls*t is this?
“Wait, let me--” I cut him off.
Pagod na pagod na 'ko. Lumalabo ang paningin ko dahil sa luha at sa malakas na ulan. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isip ko. Basta ang gusto kong gawin ay tumakbo palayo rito, palayo sa kanya.
“F*ck you! I don't need your f*cking explanation!” I shrieked. Mas humigpit ang hawak niya sa 'kin. Hindi ko matanggal ang pagkakahawak niya kaya gumawa ako nang paraan.
I swiftly grabbed a pen inside my pocket. Tinanggal ko ang takip nito gamit ang nag-iisang kamay at isinaksak sa kanya. I didn't aim it but the pen hit his eye. Napasigaw siya at nabitawan niya 'ko. Napahawak siya sa kanyang mata na ngayon ay may tumutulo na dugo.
I'm not yet contented. I quickly took his backpack. Wala sa sariling naibigay niya 'yon dahil mas naka-focus siya sa sakit na nararamdaman niya.
Ibinuhos ko ang mga gamit sa loob ng backpack. Nang mahanap ko ang bagay na hinahanap ko ay agad ko itong kinuha.
“Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para---AHH!”
Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Sinaksak ko siya sa puso gamit ang hawak kong gunting na napakalaki. Tumitibok nang mabilis ang puso ko at puro luha na ang aking mga mata.
Tumaob si Angelo sa harapan ko habang nakahawak ang kanyang isang kamay sa dibdib at ang isa pa sa mata. Nakatingin lang siya sa aking mga mata at halatang tinitiis ang sakit. Bigla siyang ngumiti habang nakatihaya.
“Mahal na mahal kita Arlene, tandaan mo 'yan.”
Napasalampak ako sa sahig. Ang parte ng sahig na inuupuan ko ay may dugo na rin niya. Sa puntong ito, alam kong mamamatay na siya dahil maraming dugo ang lumalabas sa katawan niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang malagutan ng hininga.
What have I done?
Napahawak ako sa ulo ko hanggang sa unti-unting nag-sink in sa 'kin ang mga nangyari. Simula nang. . . simula nang patayin ko ang aking ama bakit ang dali na lang para sa 'kin gawin ang mga bagay na ganito?
Unti-unting tumigil ang ulan kaya mas luminaw ang paningin ko. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tinignan si Angelo na wala ng buhay.
“I love you too, Angelo.”
Bumuhos na naman ang aking mga luha na parang bagyo. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na wala na ang lalaking pinakamamahal ko. Galit na galit ako. . . sa sarili ko.
Kung pinakinggan ko ba siya ay aabot kami sa ganito?
“ARLENE!”
Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino ang sumigaw. Malabo ang aking paningin dahil sa mga luha, unti-unti lang naging malinaw sa 'kin kung sino ang sumigaw nang tumakbo siya palapit sa 'kin.
It's Gabriel, Angelo's best friend.
“A-Arlene. . . anong ginawa mo?” Nauutal na tanong niya.
“Hindi ko al--,” I didn't finish my sentence.
If he find out that I killed his best friend, I'll end up behind the bars. Ayokong mabulok sa kulungan. Kinuha ko ang gunting na naibagsak ko kanina at tinutok sa kanya.
“Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Angelo!” I firmly said while giving him a death stare. Nanginginig siyang tumango.
Naglakad na 'ko paalis sa rooftop ng building. Bago ko malagpasan si Gabriel ay binulungan ko siya.
“If you ever talk about what you saw right now. You'll die. . . because I'll kill you.” I smirked and continued walking.
I think I look like a f*cking psycho right now because I'm smirking while crying.
Bago ako bumaba ay lumingon ako para tignan si Angelo sa huling pagkakataon. Napangiti ako nang mapait. Kasabay ng pagbaba ko sa hagdan ay ang pagbagsak na naman ng aking mga luha.
Pagkabukas ko ng aking mata ay hinabol ko ang aking hininga. Parang napunta ako sa isang time machine dahil sa memoryang naalala ko. The memory is vivid.
Tinignan ko ang gawi kung saan namatay si Angelo. Umagos ang aking mga luha kasabay ng pagbuhos ng ulan na parang nakikiramay sa 'kin.
I realized that I am no longer in a dream.
It's me. Ako ang pumatay kay Angelo.
Ang mga panaginip na akala ko ay nagkakataon lang, hindi pala. Isa pala iyong paalala sa aking madugong nakaraan. I badly want to laugh because all this time. . . all this time I'm the girl that I always see in my dreams?
Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makarating na 'ko sa apartment ko. Napaupo ako sa aking kama dahil hinang-hina na 'ko. Umuubo rin ako dahil naulanan ako.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pagtulala ay isa lang ang naisip ko. Pagkatapos ko Siyang talikuran ng ilang taon ay gusto kong humingi ng tulong sa kanya at manghingi ng tawad.
“Diyos ko, Diyos ko. . . patawarin Niyo po sana ako sa aking mga kasalanan.”
yeojacosmos
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro