Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER ELEVEN


Arlene's Point of View

Don't ever cheat on me, please. I'm begging you, babe. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawawala sa 'kin.” Umiiyak na sabi ng babae habang nakayakap sa lalaki.

Nakaupo sila sa nakausling ugat ng isang malaking puno. Malayo ako sa kanila pero sapat lang ang distansya para makita ko sila at marinig. The guy is just nodding on every thing that the girl is saying.

I won't leave you. Till death do us part.” The guy vowed. He stroked her hair while hugging her.

Huwag na huwag mo 'kong iiwan. 'Pag iniwan mo 'ko, papatayin kita.

Napaupo ako habang hinahabol ang aking hininga. Bigla na lang rumagasa ang mga luha mula sa aking mga mata. I suddenly felt an emptiness in my soul.

I feel like I'm a thin can that doesn't have anything inside it. I abruptly felt loneliness

My feelings are unbearable to the point that I yelled. I screamed at the top of my lungs. Sigaw ako nang sigaw na parang nasisiraan na 'ko ng bait.

I'm secretly hoping that someone will hear me.

Sumigaw ako hanggang sa mapagod ako. Nang matigil akong umiyak ay para akong nasampal. I started to laugh. Tumawa ako nang tumawa dahil. . . hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla na lang akong nagising at napaupo. Pawis na pawis din ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nalungkot, umiyak, sumigaw, at ngayon ay tumatawa.

My head hurts at the same time I'm exhausted. I feel really sh*tty right now.

- - -

“Okay ka lang ba, Arlene?” Ate Irene asked while she's looking at me. I just smiled genuinely and nodded. She's currently on the passenger's seat while Denver is beside her.

Third wheel as usual.

What happened last night took all of my energy. I feel like a zombie right now. After losing my mind for a moment last night, I tried to return to sleep.

But I didn't get any sleep, tragic.

Now we're on our way to our house. According to Ate Irene, she didn't have any courage to face our home alone. That's why she didn't even thought on visiting the house to find some things that can lead us to our father.

Pagkaparada pa lang sa harap ng bahay ay nakaramdam agad ako nang mabigat na presensya. Hindi 'yong mabigat na parang may multo. Mabigat na parang gusto kong umiyak.

I have a melancholic feeling right now. Sabay pa kaming napabuntonghininga ni Ate Irene. Bumaba na kaming tatlo sa sasakyan. I stared at the house in front of me.

Katamtaman lang ang laki ng bahay. The house looks lively because of the bright colors. Hindi halatang walang nakatira dito, para kasing bagong pintura ang bahay. Nag-iisa lang din ang bahay sa gitna ng kabukiran.

I don't know why some of the house I've been with Ate Irene is always away from the other houses.

Kahit mukhang buhay na buhay ang bahay, kabaligtaran ang nararamdaman ko. Parang may tumutusok sa puso ko. Mabigat ang pakiramdam ko at parang gusto kong lumayo sa bahay na 'to.

“Magandang hapon po!”

Sabay-sabay kaming napasinghap sa narinig namin. Muntik ko nang sapakin ang lalaki na biglang sumulpot sa harapan namin.

“Arlene, he's Pamela's husband. His name is Ramon,” Ate Irene said.

Makikipagkamay sana 'ko kaya lang pinakita niya sa 'kin ang kamay niyang napakadumi. Mukhang kakagaling niya lang magtanim.

“Sige po Kuya Ramon, papasok na po kami sa bahay.” Ate Irene said politely.

Nagsimula nang maglakad sina Denver at Ate Irene patungo sa loob ng bahay. My legs suddenly froze, hindi ako makapaglakad.

Binuksan na ni Ate Irene ang pinto. Bago siya pumasok ay lumingon siya sa 'kin. Napalingon din si Denver dahil sa ginawa niya. I remained standstill.

“Arlene? Tara na,” she said and put an awkward smile on her face. Bigla na lang nakagalaw ang aking mga paa at naglakad nang mabilis patungo sa kanila.

The familiar scent of the house welcomed us. Medyo amoy luma pero nangingibabaw ang pamilyar na amoy ng bahay. Denver sat on a sofa at the living room.

Nakayuko lang ako habang nakasunod kay Ate Irene. Papunta kami sa sofa na inupuan ni Denver. Napahinto ako dahil huminto si Ate Irene. Napansin ko rin na kumuyom ang dalawang kamay niya.

“Mi, why are you suddenly look mad?”

Bigla na lang siyang umupo sa tabi ni Denver at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Naguluhan na dumikit si Denver kay Ate Irene at tinanong kung anong problema.

Anong nangyari sa kanya?

Tumingala ako, pagtingin na pagtingin ko pa lang ay nanghina na 'ko. Parang may humigop ng lakas ko. Agad akong napakapit sa isang lamesa na malapit sa 'kin.

It's a big family picture. Our family picture.

Malinaw na malinaw. Malinaw ang seryosong mukha ni Mommy. Magkatabi sila ni Daddy, nasa harap ni Daddy si Ate Irene at nasa harap naman ako ni Mommy.

Nakangiti kaming tatlo sa larawan. Bukod tanging si Mommy lang ang parang hindi masaya. Habang tinitignan ko ang mukha niya ay isa lang ang na-realize ko.

Magkamukhang-magkamukha kami.

Nasagi ko ang vase na nasa taas ng lamesa. Kasabay nang pagbagsak no'n ay ang pagbagsak ko sa sahig. Hinang-hina ako.

Sa sobrang kahinaan na nararamdaman ko ay bigla na lang akong nawalan ng malay. Madilim ang paligid at kahit anong gawin ko ay hindi ko maimulat ang aking mga mata. Tanging pagkakagulo lang nina Ate Irene at Denver ang naririnig ko.

Sawang-sawa na 'ko! Lagi mo na lang ginagawa 'yan!” Sigaw ni Daddy at naglalakad siya nang pabalik-balik.

Ginagamot ni Mommy ang sugat ko. Ang sakit-sakit ng sugat ko. Nadapa ako kanina sa park. Pinipigil ko ang iyak ko kahit humahapdi ang sugat sa bawat dampi ng bulak ni Mommy.

Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayok--,” hindi natapos ang sinasabi ni Mommy dahil biglang binato ni Daddy ang vase.

Tuluyan nang nalaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Takot na takot ako. Natatakot ako sa paligid ko. Tinakpan ni Mommy ang tainga ko.

Wala na 'kong ibang marinig kundi ang sarili ko na ngumangawa. Nakikita ko ang galit sa kanilang mga mukha kaya pumikit na lang ako.

Nakakatakot sila.

Lumipas ang ilang araw, buwan, taon na lagi na lang ganon. Si Ate Irene ay unti-unti ring nagbago. Ang kanyang pananamit, pananalita, at pati na rin ang pakikitungo niya sa 'kin.

Parang bigla na lang nagalit si Ate Irene sa buong mundo nang hindi ko malaman ang dahilan. Lagi niya 'kong sinisigawan saka parati na lang siyang nagkukulong sa kanyang kwarto.

Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko. Kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon na tanungin si Mommy ay nagtanong na ako.

Mommy. . . ano po ba talagang nangyayari sa inyo ni Daddy?” Nagtatakang tanong ko habang sinusuklay niya ang buhok ko.

Bigla niyang binaba ang suklay at umupo sa harapan ko. Huminga siya nang malalim at tumingin sa aking mga mata. Bigla na lang siyang umiyak.

Nataranta ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya hinagod ko na lang ang kanyang likod.

Anak, pagod na pagod na 'ko sa Daddy mo,” panimula niya. Nanatili lang akong tahimik at naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.

May ibang babae ang Daddy mo,” sabi niya at tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon. Paano nagawa sa 'min ni Daddy 'yon?

Kumulo ang dugo ko nang ipakita sa 'kin ni Mommy ang mga pasa niya sa leeg. Pilit niya itong tinatakpan ng kanyang mahabang buhok.

Mula nang mangyari 'yon ay parati ko nang inobserbahan si Daddy. Isang araw, sinubukan kong pilitin ang aking boyfriend na sundan si Daddy.

Babe, tara!” Aya ko kay Angelo sa pinuntahan ni Daddy. Sumunod naman agad sa 'kin si Angelo habang may hawak na camera.

Napunta kami sa isang restaurant. May hawak na camera si Angelo dahil gusto kong hulihin si Daddy kung may babae ba talaga siya.

Tinignan ko ang kabuuan ng restaurant at hinanap kung saan nakaupo si Daddy. My world suddenly turned upside down when I saw where he is.

My father. He's kissing a woman.

yeojacosmos

_____

please, prepare for the next chapter. . .

- Alexcy (◔‿◔)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro