Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter [2]

Ramdam na ramdam ni Cassey ang hapdi at sakit sa kung paano siya tinutupok ng apoy. Kahit nagpumiglas siya ay hind talaga i siya makakaiwas 'pagkat siya nga ay nakatali.

Hanggang sa dumating ang puntong naging desperada ito at tiniis niya ang lahat. Buong tapang niyang hinila ang kamay upang maalis ang kawit. Tiniis niya ang hapdi at sakit nito hanggang sa mapunit ang laman niya at natiris ang buto sa loob habang iniinda ang nakakamatay na apoy na sumusunog sa laman niya.

Pero wala pa ring silbi. Kahit anong gawin niyang paghila ay hindi talaga niya ito naaalis. Walang magawa si Cassey kung hindi ang magpalamon sa apoy. 

Habang sumisigaw si Cassey sa pagdurusa ay naramdaman niya kalaunan na unti-unting humuhupa ang init.

Pagdilat ng mga mata niya ay kitang-kita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang sarili; sunog ang balat at tumatagas ang mala-nana na likido mula rito. Sobrang nipis na ng kaniyang laman at may iilang parte na lumilitaw na ang kaniyang buto.

Pero agad niyang napansin na nasa ibang lugar na siya. Nakaupo na siya sa isang batong naghugis upuan at nakaharap sa isang mahabang bato na naghugis mesa na may mga bakas ng dugo. Sa kabila naman ay naroon ang isang bato rin na kasing-hugis ng inuupuan niya. At siya'y napapaligiran ng nagtataasang sumasayaw na apoy.

Sa kasamaang-palad, may kawit pa rin ang kamay niya at paa na nakakonekta sa mga bato, kaya kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makakatakas.

Hinang-hina na siya, nagugutom at nauuhaw. Pero ang mas iniisip niya sa pagkakataong iton ay ang kalagayan ng katawan niyang nasunog.

Sa kabila nito ay naisip niya ang kaniyang ina at ama na naiwan, ang kaibigang si Maria, at ang nobyo nitong si Thomas.

Makakabalik pa ba siya?

"Cassey Rodriguez."

Napaigtad ang dalaga nang biglang lumitaw si Lucifer sa harapan nito. Prenteng nakaupo ito sa bakanteng bato at direktang nakatitig sa kaniya ng matalim.

"P-pakawalan m-mo 'k-ko pakiusap. Wala akong kasalanan, g-gusto ko nang umuwi." Pagmamakaawa niya.

"Wala ka ngang kasalanan pero nagkasundo na tayo Cassey." Sagot ni Lucifer, "Kaluluwa mo, kapalit sa kahilingan."

"P-pero dinaya n'yo ako! Ang gusto ko ay makausap si Thomas! P-pero sandali lang kaming nagkausap dahil sa agad n'yo akong pinapatay!" Bulyaw nito kay Lucifer.

Tinawanan lang siya ng lalake, "Iyon talaga ang nararapat Cassey. Nakuha mo na ang iyong gusto kaya wala kaming dapat na patagalin pa. Hindi ka pa nga nakuntento at hiniling mo pang manatili ng buhay at gusto mo pang makapiling si Thomas."

"Oo! Na-naging desperada na ako. P-pero niloko n'yo pa rin ako!"

"Tumahimik ka na. Maniningil na ako Cassey."

At sa isang iglap ay walang pagdadalawang-isip na sinaksak ni Lucifer mukha ni Cassey gamit ang tangan-tangan nitong baston.

X E N O N ' S   N O TE

May mga tanong ba na hindi pa nasagot? Ikomento n'yo lang po.
Maraming salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro