Day 26
6:39 am
Nagising si Cassey na mag-isa na lang sa higaan. Agad siyang bumangon at napaupo saka iginala ang kaniyang tingin sa kwarto upang hagilapin siya.
Ngunit, tanging ina niya lamang ang naroon at mahimbing na natutulog sa sofa.
Wala si Thomas—wala ang lalakeng mahal niya.
Hindi mapigilan ni Cassey na hindi maiyak. Agad na naglandas pababa ang luha niya sa kaniyang pisngi.
Pinagsisisihan niya kung bakit siya natulog kaagad kagabi na yakap-yakap si Thomas. Pinagsisisihan niya na hindi niya nilubos-lubos ang pagkakataong iyon habang naroon pa siya.
"Bakit mo 'ko iniwan?"
Bumalik siya sa pagkakahiga at tinakpan ang sariling mukha ng unan. Mahigpit niya itong yinakap at ibinuhos lahat ng sama ng loob niya habang pinipigilan marinig ng ina nito ang kaniyang malakas na paghikbi.
Thomas...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro