Day 24
3:30 am
Dilat na dilat ang mga mata ni Cassey habang nakatingin ng diretso sa kisameng blangko. Bakas sa mukha ang walang kaemo-emosyong pigura animo'y tinakasan na ng katinuan at kamalayan sa mundo.
Gusto niyang umuwi na, pero hindi pa pwede; gusto niyang balikan ang kwartong puno ng mga alaala kasama si Thomas. Ang kwartong saksi sa masasayang kaganapan sa buhay nila.
Gusto niyang iwan ang ospital dahil sa ayaw niya sa kaniyang stiwasyon ngayon na hindi makaalisdahil sa binti niyang nakabenda. Para siyang ikinulong sa ospital.
Gutom na gutom na siya, pero wala siyang ganang kumain. Sinubukan niyang sumubo no'ng hapunan ngunit isinuka lamang niya ito. Kaya ang pagkain niya'y hindi nagalaw at nanatili lamang sa mesa hanggang sa ito ay lumamig.
Kung saan-saan umabot ang malalim na pag-iisip ni Cassey. Mula pagkabata hanggang sa mamatay si Thomas at kasalukuyan. Parang sirang plaka ito kung magpaulit-ulit sa isipan niya na walang ibang magandang dulot kung hindi ang pahirapan siya.
"Thomas," tawag niya sa binata, "hirap na hirap na ako."
Umagos ang luha at ito ay dumaan sa sentido hanggang sa mabasa ang unan nito. Walang tigil siya sa pagluha at pilit na pinipigilan ang mga hikbing gustong kumawala dahil sa ayaw niyang magising ang kaniyang ina na natutulog sa isang sulok.
Hanggang sa makarinig siya ng tatlong katok mula sa pintuan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro