Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 24.4


3:43 am

Biglang bumangon ang ina niya at tumayo sa harapan ng dalaga. Dilat na dilat ang mga mata nitong lumuluha ng dugo at kulay dilaw. Ang mukha niya'y pumipihit sa kaliwa at ang mga buto sa binti niya ay tumutunog animo'y nababali sa tuwing gumagalaw ito.

Bawat paggapang ni Cassey papalayo ay ang paghakbang naman papalapit ng kaniyang namatay na ina.

Ngunit sadyang mabagal ang usad ng kilos ni Cassey, kaya naabutan siya nito at nahawakan ang kaniyang magkabilang binti. Napahiyaw siya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito na para bang bumabaon sa laman niya 'yong mga kuko ng kaniyang ina.

Bago pa siya makapagpumiglas ay hinila na siya nito at inihagis sa kabilang dako ng kwarto.

Tumama at nabatbat siya sa pader bago ang napakasamang bagsak sa sahig. Sa pagbagsak niya'y nahampas pa ang kaniyang mukha sa sahig na nagdulot ng pagdurugo sa kaniyang bibig. Napadaing siya at naiiyak na sa sobrang sakit ng kaniyang binting hindi pa tuluyang magaling na mas pinalala pa.

Nang hanapin niya ang kaniyang ina ay laking-gulat nito nang makitang papalapit na naman ito sa kaniya. Kung kanina ay may gilit lang ito sa leeg niya, ngayon ay wasak na ang mukha nitong inaagnas at inuuod.

Gusto niyang lumayo at tumakas, pero hindi na niya kayang galawin pa ang kaniyang katawan. Tuluyan na itong naparalisa na lubos na ikinatakot niya.

Patuloy lamang sa paghakbang ang ina niyang paika-ika. Sa bawat hakbang nito'y unti-unti siyang naagnas. Bawat hakbang nito ay napapasigaw si Cassey upang humingi ng tulong.

Isang kurap lang ay nasa harap na ni Cassey ang ina niya. Sobrang lapit nila sa isa't-isa at malapit nang magkadikit. Sa gulat ni Cassey napaatras siya't napadikit sa pader upang iwasang masalubong ang dilaw na mata ng kaniyang ina na nagdurugo pa.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagdasal na sana'y mawala ito. Ngunit ang dasal niya'y natigil nang makaramdam siya ng kung anong malambot sa kaniyang labi.

Pagdilat niya ay hindi na siya nakagalaw pa nang sinibasib siya ng halik ng kaniyang ina, hinahalikan ng nabubulok na labing may uod. Ang mga kamay nito ay nakapulupot sa leeg niya at sinasakal siya nang mahigpit na nagpapahirap sa kaniya sa paghinga.

Ang daliri ng kaniyang ina ay humaba at humaba pa at hanggang sa kusang pumasok ito sa kaniyang bibig. Tumigil na ito sa paghalik kay Cassey at nakakalokong tinitignan ang ang dalaga habang ito'y pinapasukan ng daliri sa bibig. Nasuka si Cassey habang umiiyak nang maramdaman niya ang matutulis nitong kuko na dumadaan sa lalamunan niya.

Sobrang laki ng bukas ng kaniyang bibig na hindi na niya magawa pang isara dahil sa halos lahat ng daliri ng kaniyang ina ay napasok na. Tumitirik na ang mga mata ni Cassey dahil sa hindi maipaliwanag na pagdurusa ang kaniyang natamasa, lalong-lalo na ang malaking laman na pumapasok sa katawan niya.

Wlang tigil naman sa pagdaloy ang mga luha sa kaniyang pisngi dahil sa bigat ng kaniyang kalooban at dahil na rin sa takot.

"Akin ka lang..." Sambit no'ng ina niya na may boses na parang hinukay mula sa kinailaliman.

Muli ay dumikit sa mukha niya ang inaagnas na mukha ng kaniyang ina. Tuluyang nabulok ang natitirang laman nito sa mukha at mala-uod na gumalaw at gumapang patungo sa kaniyang bibig at pumasok sa kaloob-looban niya. Tuloy-tuloy ang paggapang nito hanggang sa kalahati na sa katawan ng ina ni Cassey ang nakapasok.

Nandidilim na ang paningin ng dalaga dahil sa nakakakilabot na ginawa ng kaniyang ina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro