Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 22.9

Unti-unting naging usok ang demonyo at ito ay pumasok sa katawan ni Cassey gamit ang bibig nito. Kahit tumutol ang dalaga ay wala pa ring epekto 'pagkat matagumpay na nagawa ng demonyo na saniban siya.

Sa isang kurap na lang ay naiwang mag-isa na nakatulala si Cassey sa loob ng kwarto. Ang dating kulay ng mata nitong itim ay naging dilaw na. Wala na rin ang bakas ng takot dahil sa ngiting tagumpay na ang nakapaskil sa mukha niya.

Kontrolado na ng demonyo ang katawan niya.

Naglakad siya at tinungo ang bintana ng kwartong kinalalagyan. Nang makalapit ay hinawi nito ang kurtinang nakaharang saka tinignan ang sariling repleksyon. Saglit na nagkakatigan sila bago biglaang inuntog ni Cassey ang sarili noo sa bintana.

Unang hampas ay nabiyak ang salamin ng bintana at ito'y nahulog. Noo niya'y nasugatan at nagdurugo dahil sa nabaong mga bubog at dahil sa nahiwa na rin ito.

Umatras siya at iniwanan ang basag na bintana. Tinungo nito ang pader na may nakasabit na mga gintong medalya na parangal niya magmula pa no'ng elementarya, kasama nito ang mga larawan nilang magpamilya at kaibigan na nakasabit din sa pader. Gaya ng ginawa niya sa bintana ay inuntog niya rin ang sariling noo sa matigas na pader.

Paulit-ulit niyang pinag-uuntog ito hanggang sa mas bumaon pa iyong mga bubog na nakuha niya mula sa bintana. Walang habas at walang-tigil, ang noo niya'y mas lalong nagdurugo at nagsimulang gumuhit ang mga pamumula sa mga mata niya.

Nanggigil siya na sinasaktan ang sarili na tumatawa pa.

At sa huling pagkakataon ay biglaang tumakbo ang dalaga at tumalon sa bintana ng bahay nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro