Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 20.5

"H-hello?" nanginginig na wika ni Cassey, "Th-Thomas, ikaw b-ba 'yan?"

Bumigay ang mga mata ni Cassey at bumuhos ang mga luha nito. Ang pagka-miss niya sa lalake ay mas umusbong, gustong-gusto niyang marinig ang boses nito at ang madarama ang init ng yakap nito kahit ngayon lang.

"Thomas naman oh, kausapin mo 'ko please." Pagmamakaawa niya.

Ngunit wala siyang narinig ni isang boses mula kay Thomas. Blangko ang kabilang linya pero maririnig mo ang mabibigat na paghinga ng sinumang kausap ni Cassey.

"Thomas?" pagtatanong niya ulit, "Thomas ako 'to si Cassey—"

Bago pa matapos ng babae ang balak niyang sabihin  ay bigla na lang natapos 'yong tawag. Sa huli ay naiwang humahagulhol si Cassey sa loob ng kwarto na isinisigaw ang pangalan ng kaniyang yumaong sinta.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro