Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata VII

---💛---

NAKARAMDAM ng gutom si Dulce nang magising sa ilang oras na pagkatulog. Alas dos na ng hapon. Bumaba siya at nagtungo sa kusina. Agad niyang napansin ang katahimikan sa buong kabahayan.

"Dita, umalis ba si Raphael at ang mga bata?" tanong niya sa kasambahay na naabutan niyang nagwawalis sa kusina.

Nahinto ito sa ginagawa at hinarap siya, nangungunot ang noo. "Hindi ko napansin, Ma'am. Pero kanina, inutusan ako ni Sir na patulugin muna ang mga bata. Baka naglilibot lang po sa mga lupain niyo."

Nagkasalubong ang mga kilay ni Dulce habang naghahanda ng sarili niyang tanghalian. Ang imahinasyon kinukulayan na ng dilim na kaisipan laban kay Raphael. Kapag Linggo ay hindi naman ito lumuluwas ng siyudad at tatambay lang ito sa bahay upang bigyang oras ang mga anak.

Baka may mas importateng okasyon na kailangan nitong puntahan? At may kinalaman doon ang Rosalindang iyon panigurado. Kumukulo na naman ang dugo sa kanyang mga ugat at muli siyang nag-init hindi dahil sa lagnat, kung hindi sa pagkakaka-aburido niya sa pinaggagawa ni Raphael.

Matapos kumain ay nagtungo siya sa likod ng kanilang bahay, tanaw ang malawak na lupaing sakop ng kanilang pag-aari. Dumiretso siya sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga at umupo doon. Dito nagpapahinga minsan ang asawa tuwing mag-aani sila ng mga prutas.

Nabibingi siya sa awit ng mga kuliglig sa itaas ng puno ngunit agad nasagap ng kanyang tenga ang mabibigat na yabag ng botas palapit sa kanya. Mabilis siyang napalingon sa kanyang likuran at napasinghap nang sumalubong sa kanyang tingin ang nangungunot-noong si Raphael.

"Maayos na ang pakiramdam mo?" tanong nito nang makalapit sabay alis ng sumbrero nito sa ulo.

"Lumabas ako upang makapagmuni-muni. Maayos naman na ang pakiramdam ko kaya huwag ka nang mag-aalala," ani Dulce at nagbaba ng tingin.

"Iyong mga bata?" pag-iiba nito ng usapan.

"Hindi ko nasilip pero mukhang tulog pa."

Tumango lang si Raphael at naputol na ang usapan. Nanatili ang kanyang mga mata sa kanyang paa at sa mga kayumangging dahon na naaapakan nito. Naramdaman niya ang paggalaw ni Raphael sa kanyang tabi at mula sa gilid ng mga mata, nakita niya itong umupo sa malaking ugat ng mangga, ang mga siko ay nasa tuhod nito nakapatong.

"Chineck mo ang mga mangga?" muling pagbubukas ni Dulce ng usapan.

"Hmm, oo. Tinitingnan ko lang kung namumunga na ba. Iyong kanilang Mang Theodor kasi may bunga na."

Napatango-tango lamang si Dulce at nag-isip ng maaaring maisagot na may kabuluhan naman kahit papaano. "Baka kailangan nating mag-spray?"

"Hindi na, nagsisimula nang mamunga iyong sa dulo."

"Gano'n ba, sige."

Muli, nilukob sila ng katahimikan. Tila nahiya pa ang mga kuliglig at binigyang respeto ang ganitong atmospera. Tanging ihip na lamang ng hangin ang kanyang naririnig.

Ilang minuto ang lumipas bago binasag ni Raphael ang kaayusan ng lahat. "Himala at pinapansin mo na ako."

Nahuli ni Raphael ang buong atensiyon ni Dulce dahil sa naging komento nito. Tuluyan siyang napalingon sa gawi ng mister. Nakatingin din ito sa kanya at may ngiti sa labi. Aaminin niya, naghuhumerentado ang puso at buong pagkatao niya tuwing nakikita niya ang ngiti nitong para sa kanya. Pero sa ngayon, may halong inis na ang lahat.

"Iniisip mo na namang hindi kita matiis?" diretsahan niyang tanong na may halong nauuyam na tono.

Nagbaba ito ng tingin at umiling-iling pero hindi nakatakas sa kanyang malinaw na paningin ang lalong paglapad ng ngiti nito.

"Wala akong sinabi, Dulce," depensa nito.

"Pero parang iyon naman ang pinaparating mo," sambit niya sabay irap.

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan."

"Ewan ko sa'yo. Ipokrito ka."

Rinig sa buong manggahan ang naging halakhak ni Raphael. Napahawak si Dulce sa kanyang dibdib sa pinaghalong gulat at galak sapagkat, sa tanang buhay niya, ngayon lamang ito tumawa ng ganun kalakas na siya ang kausap. Ganitong-ganito ito tumawa kapag labis ang tuwa sa mga pinaggagawa ng kambal nila. Tuloy, hindi niya mapigilang umasa na naman.

"Kung ipokrito ako, ba't ako pa ang minahal mo?"

Nanlalaki ang mga mata ni Dulce. Hindi niya inaasahang maririnig iyon mula sa asawa. Ano bang meron sa araw nito at ang daming nagaganap na hindi pang karaniwan? Kinikilabutan siya sa kaisipang baka malapit na siyang kunin ng Panginoon at pinapalasap na lamang sa mga huli niyang sandali ang sarap sa piling ng asawa.

Pero sa halip na pangunahan ng malalim na pag-iisip ay sinagot na lamang niya si Raphael. "Hindi ko rin alam. Ang tanga ko siguro para mahalin ka kahit hindi mo naman akong magawang mahalin."

Pareho silang natigilan sa sinabi niya. Nagtunog nanunumbat kasi ang tono ng pananalita niya. Hindi nakakibo si Raphael sa kanyang tabi at ang tawa nito ay hinigop na ng kaasiwaan sa pagitan nila. Siguro ay natamaan ito sa kanyang sinabi.

Marahang tumayo si Raphael at umabante. Tanging likod lang nito ang ipinakita sa kanya kaya hindi niya mabasa kung ano bang naiisip nito ngayon.

"Dulce, alam mo kung saan tayo nagsimula, kung hanggang saan lang tayo," ani Raphael, may diin ang pagbigkas nito sa bawat salita.

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagkapahiya.

"Alam ko. Alam kong ipinagkasundo lang tayo at may mahal kang iba pero ipinilit ko ang sarili sa'yo. Nakatatak na ang kwentong ito sa pagkatao ko," garalgal ang boses ni Dulce nang sambit ito, pinipigilang mamuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. "At heto tayo ngayon, pinipilit ang sarili nating maging buo para sa mga anak natin, kahit na pareho tayong unti-unti nang nauupos. Hindi ko alam kung anong tingin mo sa sitwasyon natin ngayon, pero Raphael," napahinto siya saglit nang tuluyang mabasag ang boses at may butil ng luhang lumandas sa kanyang kaliwang pisngi. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy, "Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko na sana munang magpakalayo. Gusto kong hanapin ang para sa akin. Gusto kong maging makasarili at hindi na isipin ang mga bata pero nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na dahil lang doon, maisasakripisyo ko ang kasiyahan nila. Hindi ba pwedeng lahat tayo ay maging masaya?"

Malalim ang naging paghinga ni Raphael habang ito ay nakapameywang, kasalukuyan pa ring nakatalikod sa kanya. Hindi niya makita ang mukha nito pero sapat na ang pagtaas-baba ng dibdib nito para malaman ni Dulce na nahihirapan din ito sa kanilang sitwasyon, sa pabalik-balik na komprontasyon.

"Paumanhinㅡ"

"Okay lang," humihikbing pagputol niya sa sinabi ni Raphael dahil alam na niya kung anong kasunod. "Narinig ko na iyan, Raphael. Huwag mo na sanang ulit-ulitin dahil masakit."

"Hanggang sa hindi matapos ang isyung ito o hanggang hindi ito mabura sa isip mo ay paulit-ulit lamang natin itong mapag-uusapan," ani Raphael sa mahinahong boses. "Kaya sana, Dulce, huwag na tayong magsumbatan. Alam kong may kakulangan ako sa'yo bilang asawa pero sana maintindihan mong hindi ganoon kadali ang hinihingi mo. Makuntento nalang tayo sa ganito, para sa mga anak natin."

Mabilis na pinahid ni Dulce ang mga butil ng luhang pumatak sa kanyang nang-aanghang na mga mata. Akala niya, wala na siyang maiiyak pa matapos ng halos araw-araw na pag-iyak pero hindi maubos-ubos ang luha niya. Imbes na doon pa magdrama sa duyan at hayaang dutdutin siya sa lupa ng mga salita at kaisipang nagbibigay pasakit sa kanya, tumayo si Dulce at walang kibong tinalikuran si Raphael.

Lumipas ang buong araw na hindi niya muling nahagilap si Raphael. At sa pagkakataong ito, imbes na bumaha ng pangamba ang kanyang sistema ay mas ipinagpapasalamat niya na wala ang asawa sa bahay dahil malaya siyang damayan ang sariling kalungkutan.

"Hindi ba talaga ako kamahal-mahal, Dita, at sa limang taon naming pagsasama ay wala man lang siyang nararamdaman sa akin?" tanong niya kay Dita sa pagitan ng mga singhot at pagpunas ng luha.

Tumikhim ang kanyang kasambahay at inabutan siya ng baso ng tubig.

"Kung sa akin lang din, Ma'am, gaya ng sabi niyo na..." Nahinto ang kasambahay sa pagsasalita, tila nanghihingi ng permisong magpatuloy kaya tumango si Dulce, "Na hindi kayo magawang mahalin ni Sir Raphael. Hindi ko rin talaga mawari kung bakit. Eh, sa tutuusin wala naman pong mali sa inyo. Mabait naman po kayo, maalaga, maganda, matalino, mapagmahal. At kahit minsan po, nakikita kong inaaway mo siya, may pinanghuhugutan naman po kayo. Siguro kay Sir Raphael na po talaga ang problema."

Natauhan siya sa naging litanya ng kasambahay na tinuring niya na ring kapatid. Tama ito. Wala sa kanya ang mali. Hindi siya nagkulang sa pagmamahal sa asawa. Sobra-sobra pa nga ang binibigay niya pero hindi man lang nito kayang suklian iyon. Nasa kay Raphael nga ang mali. Masyadong madamot ang letseng puso nito.

Nang kahit papaano'y gumaan ang kalooban niya ay nagpasalamat siya kay Dita sa pakikinig nito at nagpaalam nang aakyat ng silid.

Saktong patulog na si Dulce nang makauwi si Raphael. Pagpasok nito sa kwarto nila, napansin niya agad ang pasuray nitong paglakad at nang maupo ito sa kanyang tabi ay nakumpirma niyang lasing ang asawa dahil sa amoy nito. Natitiyak niya na ngayon na umalis ito upang makipag-inuman sa kaibigang si Fernando na siya rin nilang kapitbahay.

Isang angat lang nito sa sando at nahubad agad iyon ng asawa. Bumungad sa kanyang paningin ang matipuno nitong dibdib na namamawis dahil siguro sa init na dulot ng alak sa tiyan nito. Hindi naman na nabigla si Dulce sa nakita dahil araw-araw naman niyang nasisilayan ang pinong estraktura ng tiyan ng asawa. Umiwas na lamang siya ng tingin at hinayaan itong gawin ang kailangan nitong gawin hanggang sa mahiga sa tabi niya. Mukhang may kamalayan pa rin naman ito sa mga pangyayari sa paligid.

"Dulce," tawag ni Raphael sa namamaos na boses, ang katawan nito ay dahan-dahang umikot paharap sa kanya.

Umawang ang labi ni Dulce at mabilis na sumulyap sa kanyang kanan, sa gawi ng ni Raphael. Nanginginig ang kanyang kalamnan habang pinapakiramdaman ang pagdampi ng magaspang nitong palad sa kanyang tiyan, isang manipis na satin lang ang nasa pagitan ng kanilang mga balat. Umusog ito palapit, ang amoy-alak nitong hininga ay lumalapat na sa kanyang leeg, kinikiliti ang parteng natatabunan ng iilang hibla ng buhok.

"Kumain ka na?" tanong ni Dulce sa asawa, pilit pinapatay ang kung ano mang binubuhay ni Raphael sa kanyang makamundong kamalayan.

Napasinghap si Dulce nang tuluyang dumikit ang labi ni Raphael sa balikat. Ramdam niya ang lambot nito at ang paglatay ng init sa kanyang mga braso hanggang sa umabot sa tuktok ng ulo at ng kanyang mga paa, tila inaangkin ang buo niyang katawan.

"Raphael..."

Pinigilan niyang mapaungol nang umakyat ang labi nito sa ilalim ng kanyang tenga. Tumindig ang kanyang balahibo nang naglakbay pa ang labi nito paitaas hanggang sa tuluyan nitong sakupin ang buo niyang bibig sa isang mapusok at naghahanap na mga halik. Napapikit na lamang si Dulce at pinagpaubaya na ang sarili kay Raphael, sinusuklian ang kiliti at init na dala ng marahang halik at haplos ng asawa.

Masaya siya kahit papaano, dahil sa mga pagkakataong ito, ramdam na ramdam niya si Raphael. Ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanya habang sinasabayan niya ang makamundong sayaw na sinimulan nito. Ramdam niya pati ang kasabikan nito sa kanya, ang bawat ungol at pagtawag nito sa kanyang pangalan habang marahan nitong pinagsisiksikan ang sarili sa pagitan ng kanyang mga hita. Ramdam niya ang pagiging asawa nito sa kanya, kahit sa munting sandaling ito na magkatagpi ang kanilang kahubaran at sabay na inakyat ang langit sa lupa.

---💛---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro