Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4 - Scribbles

Tumayo si Agatha sa harapan ng salamin.

Tiniklop ang kaniyang mga palad sa gilid ng kaniyang mga hita sabay bigkas ng mga katagang,  "Hi, good morning. My name is Agatha Cristina, and I'm 20 years old. My parents are—" nasapo niya ang kaniyang noo.

Saka siya muling umupo sa kaniyang kama at binasa ang kodigong kaniyang isinulat sa isang pahina ng notebook niya.

"My parents is... wait, palitan ko kaya. My mother is a street vendor and my father is a truck driver. I have no other siblings and I was raised by my loving parents in the city of Manila where we are still currently living by," napatikom siya ng bibig.

Saka muling pinunit ang pahinang naglalaman ng kaniyang mga nais sabihin sa kaniyang introduksiyon sa gaganaping job interview sa call center na kaniyang inaplayan.

Bakas sa kaniyang mukha ang kaba lalo na at halos mangalahati na rin ang natitirang pahina ng kaniyang notebook. Nasa basurahan na ang karamihan sa mga ito, nilamukos nang mabuti, at bawat isa ay naglalaman lang din ng parehas na mga parapo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro