Chapter 8
Chapter 8
Magulo ang mga kaklase ko at rinig ang ingay nila nasa labas pa lang ako ng classroom. I adjusted my niqab before heading inside the classroom. Zoey is sitting on my desk, typing something on her phone. Nag-angat siya ng tingin nang makita ako at nanlaki ang mga mata.
"Anong nangyari, Parvana?" kita ang kuryusidad sa mga mata nito.
Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya. Hindi rin naman niya makikita. And I can't even smile in this situation, because up until now, my heart is still aching.
"Anong tawag diyan? Ba't mo yan suot?"
"I just feel like wearing it, Zoey," I lied.
"Huh?"
Zoey wanted to ask. Tinitigan ko siya. Nakita niya siguro ang lungkot sa mga mata ko dahil itinikom niya ang kaniyang bibig at tumango. Umalis siya sa upuan ko pero hindi niya inalis ang tingin sa akin nang bumalik sa kaniyang upuan. She simply swallowed all the questions that she wanted to ask and then nodded her head.
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Nasanay kasi silang hijab ang suot ko at hindi niqab. Even Ms. Corazon stared a little longer at me when she called my name for the attendance.
"Paano ka kakain niyan?" tanong ni Zoey nang sumapit ang lunchtime namin. We were sitting under the shade of the Mango tree. Kumpara noon ay kami lang dalawa. Balita ko'y may debate ang mga Grade 12 students ngayon kaya medyo busy din sila Zeus.
"I'll eat just the same," I shrugged and then opened my lunchbox. Nakatitig lang sa akin si Zoey nang damputin ko ang kutsara. I lifted my face veil a bit to give way to the spoon and feed my mouth.
"Hindi mo pwedeng tanggalin yan habang kumakain?" nag-aalangan niyang tanong sa akin. Siya siguro marahil ang nahihirapan sa ginagawa ko ngayon.
I shook my head weakly. If I lift my face veil, it will reveal the bruises on my face. And the bruises on my face will tell her the untold stories happening in our household. It will lead to questions and speculations. Zoey, just the stubborn girl that she is, I'm sure will try to do something. It's better to keep it all to myself.
Mabagal akong kumakain. Medyo naiilang din ako sa ibang estyudanteng pinagtitinginan ako. Zoey bought the two of us a Grande size Frappuchino. Sumimsim ako mula dito nang marahan, pinipilit na pabutihin ang loob ko.
"Ms. Bukhari?"
Nag-angat kaming tingin dalawa ni Zoey nang biglang may lumapit. I instantly recognized her as the SA from the guidance office.
"Ikaw si Ms. Bukhari, diba?" nag-aalangan pa niyang tanong sa akin.
I nodded my head.
"Pasensiya na, hindi kaagad kita nakilala... nakatakip kasi ang mukha mo," tapos tumikhim siya at nahihiyang tumingin sa akin.
Tinanguan ko ulit siya, upang sabihin na nakikinig ako sa mga sinasabi niya. Sinuri niya ulit ang hitsura ko bago niya nag-aalangang itinuro ang direksiyon ng guidance office.
"Pinapatawag nga pala kayong dalawa ni Zeus sa guidance office after class."
"Zeus?" Zoey echoed.
"Sige. Salamat." I silently said. Umalis na ang babaeng SA pero hindi pa rin nawawala ang kuryosidad sa mga mata nito. Tinahak niya nang tahimik ang stone path pabalik sa guidance office. Binalingan naman ako ni Zoey.
"Bakit kasama si Zeus?"
"Kasi president siya ng classroom nila," I shrugged and continued eating.
"Ano ba kasing nangyari, Parvana?"
Hindi ako umimik. Zoey stared at me, then she sighed and dig a spoon to her rice.
"It's alright. You can tell me if you're ready to talk about it."
I muttered a thank you and dropped my gaze. Nang matapos kaming kumain ay naglakad kami pabalik sa classroom namin.
"Are you really required to wear that... I don't know, vile?" Zoey glanced at me again worriedly.
"It's called a niqab, Zoey." I smiled at her, despite not being able to see my curled lips. "And... a Muslim girl must cover herself once she reaches puberty. Our body is sacred. So is yours. My husband should be the only one to glorify my naked parts."
Sinabi ko lang iyon para tantanan na niya ako sa pagtatanong. Although it's true, I prefer wearing a hijab. I like smiling to people. To strangers. I think smile is the most contagious and can help lift the mood of others who are having a bad day.
Biglang bumukas ang pintuan ng clinic at iniluwa nito si Levi na tahimik lang na nakasapo sa kaniyang ulo. Biglang kumunot ang noo ni Zoey at binilisan ang paglalakad niya.
"Leviticus!" tawag niya. Napalingon sa amin ang kapatid ni Alas. Sumama ang tingin nito kay Zoey at masama rin ang tingin sa akin. Parang badtrip. "Anong nangyari sa iyo? Napa-away ka 'no?"
"It's just a headache," he muttered.
"Weh?"
"Headache nga," medyo iritado pa niyang sagot kay Zoey. Tapos dumako ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo. I smiled underneath the vile. Hindi ata niya ako nakilala.
"Sinong...?"
"Si Parvana." Zoey grinned and draped an arm around my shoulders. "Hindi mo siya nakilala 'no?"
"Your eyes are swelling," Levi pointed out. Napatuwid ako nang tayo lalo pa't sumilip din si Zoey sa mga mata ko upang kompirmahin ang tinuran ni Levi.
"Hala, oo nga. Ngayon ko lang to napansin, Parvana. Anong nangyari sa mga mata mo?"
"Napasobrahan lang sa panunuod ng anime kagabi," I shrugged. Then I turned to Levi. "Kumusta, Levi?"
"Uuwi ako ng bahay," he grumbled. "Pakisabi nalang ako kay Kuya na umuwi na ako kasi masakit ang ulo ko."
Zoey nodded and waved her hands when he walked away. Napailing nalang ako. Parehong-pareho talaga sila ng kapatid niya. Albeit Zeus is more mature than Levi, his brother doesn't talk like his age, too. Both are wisdom seekers and I'm sure, in Allah's will, they will become successful people in their lives because of their charm and wit.
Hindi na nakatiis ang iba kong mga kaklase at tinanong na ako kung anong rason ng pagsusuot ko ng niqab. I answered them vaguely as much as I can. Ayokong magduda sila sa akin, though some pointed out that my eyes are indeed red and swelling. Alhamdullilah that my Baba-jan did not end up giving me a black eye. That would be too noticeable.
Pagkatapos ng klase ko ay nagpaalam na ako kay Zoey at dumiretso sa guidance office. I was surprised when I saw Zeus was already inside. Naka-stretch ang isa nitong paa at nakatupi naman ang isa habang tamad na nakaupo sa sofa. Nakahalumbaba pa siya sa arm rest. His fingers are unconsciously drumming on his thighs as he hummed to himself.
I cleared my throat.
Umayos kaagad nang upo si Zeus nang marinig ako. I waved my hands at him weakly.
"Hello, Zeus."
"Naia... ikaw pala..." he eyed me warily. Nasa dulo na siya pero siniksik pa rin niya ang sarili sa pinakadulo at tinapik ang malaking bakante sa tabi niya. "Wala pa si Ma'am. Upo ka muna."
I chuckled softly. "It's okay. I'll take the chair," turo ko sa plastic na upuan sa tapat ng desk ni Ma'am.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbagsak ng mga balikat niya at mabagal nitong pagtango. Hindi niya inaalis ang titig sa akin nang maupo ako at inilagay ang aking mini backpack sa mga hita.
Walang nagsasalita sa amin nang ilang minuto. Zeus keeps on staring at me, and I pretend that I don't notice his intense stares that burns at the back of my skull. Kung saan-saan ko iginala ang tingin ko. Napabuntong-hininga ako nang sa wakas ay dumating na din ang aming guidance counselor.
"Nandito na pala kayong dalawa..." she said breathlessly as she entered the room. Medyo hinihingal si Ma'am at pinagpapawisan pa. Maging ako ay butil-butil na rin ang pawis dahil sa suot kong niqab.
"This is about the community services I mentioned last meeting," sumeryoso ang titig niyang dumako kay Zeus at numipis ang mga labi. "We can't suspend you, Mr. Ferrer. Apparently, you have an upcoming game and you can't miss it. Kinausap na ako ng coach mo. I will add the service hours that you're going to render to the soup kitchen instead."
"Soup kitchen?"
"Yes. The two of you will serve the soup kitchen in Monseratt. They need more volunteers to feed the homeless. You're going to serve there for at least a week, two hours per day."
I nodded my head. Si Zeus naman ay mukhang hindi interesado sa pakikinig. Tinupi lang nito ang manggas ng suot na uniporme, dahilan upang lumitaw ang muscles nitong hindi pa gaanong nad-develop. I glanced away before I could think of unworldly thoughts and listened to the guidance counselor instead.
"Nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Ferrer?"
He shrugged. "Anything's fine with me as long as I'm with Naia..."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alhamdullilah that I'm wearing a niqab today because my cheeks burned in embarrassment. Our guidance counselor stared at him disapprovingly. She shook her head and wrote something on the paper. Tapos ay ibinigay niya ito sa aming dalawa.
"Puntahan niyo lang ang soup kitchen na sinasabi ko sa inyo. The address is written on the paper and I'll tell them that you'll be there at around..." she glanced at the wall clock hanging above the window. "Five thirty..."
"Alright." Zeus pulled himself up. "Let's go, Naia."
I nodded my head. Nagpaalam na ako sa guidance counselor name samantalang si Zeus naman ay basta nalang lumabas. I sighed and then followed him outside. Sakto namang pagdaan ng isang pamilyar na mukha.
"Malik!"
Malik glanced at me. Mukhang galing pa ata ito sa cafeteria, base sa bottled water na dala nito at biscuit. He smiled at me.
"Ikaw pala, Parvana..."
"Saan ka?" I asked cheerfully.
"Bumili lang ako ng pagkain sa canteen—"
"O' tama na yang reunion niyo. May pupuntahan pa kami ni Naia." Sabat ni Zeus. Iniharang pa nito ang malaking katawan pang hindi ko makita si Malik.
Kumunot ang noo ni Malik pero wala naman siyang sinabi. He nodded his head at me and then walked away. I glanced at Zeus.
"May problema ba, Zeus?"
He grumbled something under his breath that I didn't quite catch. Napailing nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinundan ko siya ng may pagtataka.
Pumara si Zeus ng tricycle. Pinauna niya ako ng pasok at sumunod naman siya. Because of his colossal physique, bahagya akong nadudutdot kay Manong driver. Hindi lang ako nagsalita at umayos na lamang ng upo.
Sinulyapan ko si Zeus. Nakahawak siya sa bakal sa gilid ng tricycle at malayo ng tingin, mukhang may malalim na iniisip. Bahagyang nililipad ng hangin ang kaniyang buhok. He lazily dropped his gaze, and his eyelashes are meeting halfway before he glanced up again. Inipit ko ang pang-ibabang labi gamit ang ngipin at bumuntong-hininga.
I keep on noticing small details about him every time we're together.
Nag-iwas nalang ako ng tingin, still confused about how I am feeling. Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki? Not that I grow up with so many boys. Si Baba-jan lang ata ang lalaking palagi kong kasama. At ang mga kaibigan ko namang lalaki sa Aceh ay bihira. Most of them avoid women naturally.
"We're here."
Naputol lang ang pag-iisip ko nang magsalita si Zeus. Natataranta ko pang binuksan ang bag para sana kunin ang pambayad ko sa tricycle nang mag-abot na siya ng twenty pesos kay Manong.
"Don't bother, Naia." Zeus said and then climbed out of the tricycle.
Nag-alinlangan pa ako pero sa huli'y tumango nalang at lumabas na din. The small soup kitchen came into view. Maliit pero maraming tao. Mataas din ang pila na umabot sa labas. The beggars who just came inside the soup kitchen headed out with a smile on their faces and a bowl of steaming soup in hand.
Napangiti din ako.
Maybe this isn't so bad at all.
Nilingon ako ni Zeus, bahagyang umawang ang bibig. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang brasong papalapit sa akin. But it didn't touch my uniform. Huminto ang kamay niya sa ere, ikinuyom ito bago pa man tuluyang makahawak sa akin, at ibinagsak sa kaniyang tagiliran.
It's as if he's hesitating if he should touch me or not.
"Shall we go?" he said in almost a whisper.
Tumango ulit ako at nagpatiuna na sa paglalakad. Medyo kinakabahan pa rin ako sa presensiya ni Zeus. I don't know if he had already noticed it, but my mind is always going haywire when he's around or my heart would pound wildly inside of my chest as if begging to burst out.
Nang makapasok kami sa soup kitchen ay mas dumami pa ata ang mga tao. Some of them glanced at me pero agad ding ibinalik ang tingin sa halos hindi umuusad na linya sa sobrang dami ng tao. We waded our way through the crowd of people until we finally reached the annex where their kitchen is located. Mas busy pa ang mga tao doon.
A girl in white polo shirt glanced at smiled at us. "Kayo ba yung pinadala ni Mrs. Natividad dito galing sa Maryknoll High School?"
I nodded my head.
"Anong pangalan niyong dalawa? Tawagin niyo nalang akong Ate Yam."
"Parvana po..." sagot ko at bahagyang itinuro si Zeus sa likod. "Siya naman po si Zeus."
Bahagya pang nagulat si Ate Yam nang sinabi ko ang pangalan ni Zeus. She studied him for a while before a flash of recognition dawned on her face.
"Zeus? Yung bokalista?" she giggled, but not in a flirtatious way. She's amused. "Andami mong fans dito. Naku, matutuwa sila kapag nalaman nilang nag-volunteer ka."
Zeus coughed, as if something had blocked his throat all of a sudden. Napatingin ako sa kaniya. We shared a look.
"We didn't volunteer. We were punished." Pagkaklaro niya.
"Oh? Bakit naman?" tanong ni Ate Yam habang binubuksan ang isang kahoy na drawer.
"Magtatanan kasi dapat kami tapos nahuli nila." Seryosong sabi ni Zeus.
It was my turn to cough. Wala akong iniinom pero para akong nabilaukan sa sinabi ni Zeus. Ate Yam's face was in a mixture of shock and horror. Nagpalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa.
"N-Nagbibiro lang po si Zeus..." I quickly supplied.
"Ah..." Ate Yam chuckled awkwardly. "Talaga ba?"
"I can always make it true if I want,"
Ngayon ay sinamaan ko na talaga ng tingin si Zeus. Hindi niya ako pinansin at tinanggap ang binigay sa kaniya ni Ate Yam na puting unipormeng nakabalot pa sa plastic. Binigyan niya din ako. My heart dropped when I inspected the uniform.
"Ate Yam..." mahina kong wika.
"Bakit, Parvana?"
"Ah... kasi bawal po akong magsuot ng ganitong damit. Puro long-sleeves lang po ang sinusuot ko," nahihiya kong tugon sa kaniya.
"Huh? Talaga? May mga Muslim akong kaibigan na nagsusuot naman ng polo shirts."
"It's my Baba that prohibits me, not my religion actually..."
Napatingin sa akin si Zeus. Tapos ay binalingan niya si Ate Yam.
"Can't we have a uniform tailored just for her?"
"Uhm. Hindi ko alam eh. Tsaka isang linggo lang din naman kayo dito."
"Dalawang linggo ako," ani Zeus. Then he turned to me again. Parang siya pa ata ang mas namomroblema kesa sa akin.
"Ayos lang yan, Parvana. Ako na ang magsasabi sa facilitator. Ang importante nakalista ang pangalan mo. Huwag ka nalang magsuot ng uniform."
"Salamat, Ate Yam..." I whispered almost breathlessly.
Binalingan naman ni Ate Yam ang kasama ko. "Magbihis ka na, Zeus. May changing room doon sa dulo. Ikaw naman, Parvana, sumunod ka sa akin..."
I nodded my head and followed her. Si Zeus ay nagpunta sa ibang direksiyon. Kitang-kita ko ang pagkatigil ng dalawang babaeng halos ka-edad ko lang rin sa pagsi-serve ng sabaw nang makita nila si Zeus na dumaan. Sinundan nila ng tingin si Zeus at nang makapasok na siya sa changing room ay saka pa nagkurutan at nagtilian.
Ate Yam grinned. "At this rate, our number of volunteers will increase dramatically once they know that the mighty Zeus Ferrer is here."
May matataas na lamesang nakalinya kung saan nakalagay ang malalaking kaldero na may lamang sabaw at lugaw. Sa tabi ng mga kaldero ay disposable bowls at plastic spoons. Sa bawat malalaking kaldero naman ay ang nagsi-serve at ang mga nakalinyang palaboy-laboy na gustong malamanan ang kanilang tiyan.
"Dito ka, Parvana..." ani Ate Yam at iginiya ako sa panghuling linya kung saan wala pang nagsi-serve sa kanila. Kinuha niya ang malaking sandok at kumuha din ng isang disposable bowl. "Huwag mong masyadong punuin kasi baka mahirapan lang sila pagkalabas, marami pa namang tao. Isang bowl lang kada tao, okay?"
"Okay po..."
"Sige, maiwan na muna kita dito. Yun lang naman ang gagawin mo."
I nodded my head again. The man in front of me looked at me tiredly. May sugat pa ito sa pisngi na mukhang presko pa. Marumi ang suot niyang damit at maraming gasgas sa kaniyang braso.
"Magandang hapon po..." ani ko sabay dampot sa disposable bowl. I filled it with soup and gave it to him.
"Salamat..." he whispered then walked away with the soup.
Ang sumunod sa linya ay tatlong magkakaibigan na bata. Sumikip ang dibdib ko nang makitang ang papayat nila. Para na silang mga buto't balat. But that didn't stop them from making me smile. Makukulit kasi.
"Bakit ka po may takip sa mukha?"
"Dyosa ka po ba? Bawal makita ng mga mortal na tao?"
"Ang cool mo po!"
I chuckled and filled their bowls with the soup. I even patted the kid's hair.
"Magpakabusog kayo, ah?"
"Bye-bye, Ate Dyosa!" ani ng bata at nag-unahan na sa paglabas.
I smiled beneath the vile. Ang sumunod sa kanila ay isang nakasimangot na lalaking medyo malaki ang tiyan. Namumula ang kaniyang mukha. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay nanuot sa ilong ko ang amoy-tsiko niyang hininga.
He's drunk.
He squinted his eyes at me, then he scoffed. "Dalawang bowl sa akin, Miss."
"Pasensiya na po. Isang bowl lang po ang instruction sa amin, eh." Wika ko habang kumukuha ng bowl.
I yelped when he suddenly grabbed my arms tightly. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at tinitigan ako nang masama.
"Dalawang bowl palagi ang binibigay sa akin dito, ah? Sino ka ba?"
I tried withdrawing my arms from him but he is too strong.
"P-Pasensiya na po talaga..."
I finally yanked my arms away. Bumubundol pa ang puso ko sa dibdib sa sobrang kaba nang kunin ko ulit ang bowl at nanginginig ang mga kamay na sinalinan ito ng sabaw. Iniabot ko ito sa kaniya.
"Kulang pa ng isa." He grunted.
"Pero Manong..."
"Ayaw mo talaga akong bigyan? Akala ko ba ang soup kitchen na ito ay para makatulong? Bakit ang damot mo?"
Nagsitinginan ang iba sa direksiyon namin. Bahagya akong napaatras mula sa kaniya. Hindi ko alam kung ang namumula ba nitong mukha ay dulot ng matinding kalasingan o galit.
"Tsaka bakit nakatakip yang mukha mo, ha? Terorista ka siguro, ano? May lason siguro 'tong sabaw ano?"
"Manong, hindi po ako terorista..." halos naiiyak kong sabi.
My eyes widened in fear when he leaned and grabbed my veil. Sunod niyang hinatak ay ang braso ko dahilan upang mapaso ang isa kong kamay na lumapat sa katawan ng malaking kaldero.
"Ako ba niloloko mo—"
Humiwa ang tilian sa mga tao nang biglang may humila at sumuntok sa lalaki. The soup is now all over his shirt. Zeus stared angrily at him and with pursed lips, grabbed his collar and blow a punch on his face again. Umigting ang panga nito sa sobrang galit.
"Tangina ka. Huwag na huwag mo siyang matawag-tawag na terorista." He said in a low and dangerous voice. Halos pumutok ang ugat nito sa sentido at kumalat ang pamumula sa kaniyang leeg dahil sa sobrang galit.
My heart thumped in fear again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro