Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6


"Assalamu alaikum..." I approached him and smile.

The guy nodded and smiled kindly at me. "Walaikum assalam..." he responded.

"My name is Parvana. Would you like to buy our ramen?"

"Sure, Parvana." He smiled, showing a set of dimples. My heart fluttered at his beautiful smile and how kind he is to me.

"This way, please..." ani ko, habang iginigiya siya loob ng malaking tent na itinayo namin kagabi para sa aming booth.

"My name is Malik..." aniya habang sumusunod sa akin.

"Hi, Malik. I'm glad you came to drop by in our school."

"Uh... actually, I study here."

Napahinto ako at napatingin sa kaniya, bahagyang namimilog ang mga mata. "Really?"

"Yes."

I smiled more. "Praise Allah. He had brought you to me... finally. A Muslim friend."

Twin spots of crimson appeared on his cheeks. Namula din nang bahagya ang leeg nito.

"Naia."

Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likod ko. I haven't realized how close to me Zeus is when I turned. Mukha niya kaagad ang nakita ko. Umatras ako habang mabilis na kumakabog ang dibdib.

"Z-Zeus... Salaam."

"Sino yan?" itinango niya si Malik na nakatingin na ngayon sa aming dalawa.

"My friend, Malik." Sagot ko naman.

Nag-angat ng kilay si Zeus. "Kakakilala mo pa lang? Kaibigan mo na kaagad?"

"He's a Muslim." I said excitedly and pointed at his skullcap. "Look, a taqiyah."

"Tss." He hissed and pursed his lips. He doesn't seeme really happy seeing Malik.

Nawala tuloy ang ngiti sa mukha ko. "May problema ba?"

"Wala." He replied coldly. "Dalawahin mo nalang yun in-order naming pork ramen kanina."

"Oh. Okay!" then I turned to Malik. "Halika, Malik. Dito ka na maupo..."

Walang imik na bumalik si Zeus sa kaniyang kinauupuan kanina. I talked to Malik some more. Nalaman kong Grade 10 pa pala siya ngayon at transferee din siya, kagaya ko.

"So you'll have a chicken ramen, then?" nakangiti kong tanong sa kaniya habang inililista ang order niya sa notepad.

"Sure. Thanks." He replied.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatitig na nang madilim sa amin dito si Zeus. I offered him a smile, but he didn't smile back. He continued on glaring at us. I licked my lower lips nervously, wondering if I had done something wrong...

I smiled again at Malik before repeating his orders and then I went to where Yuri and some of my classmates are preparing the ramen.

"Dalawang pork ramen..." ani ko. "Tsaka isang chicken ramen."

"Kina Zeus ba yan?" nagtaas ng kilay sa akin si Nazrah nang binuhat ko na ang tray na may dalawang malalaking bowl ng pork ramen.

"Ah... oo."

"Ako na ang magdadala."

"Are you sure—"

"Akin na!"

Marahas niya itong kinuha sa akin, dahilan upang matumba ang isang bowl. The heat from the soup penetrated my uniform, and I immediately jumped back, my chest throbbing in pain. Nabitawan ko ang tray na hawak, dahilan upang bumagsak at mabasag ang dalawang bowl sa sahig.

"Parvana!"

Napatili ang iba sa malakas na tunog ng pagkakabagsak. I bit my lower lips and clutched my chest tightly. Sobrang hapdi noon dahil sa init ng sabaw.

May iilan din kaming customers na napatingin sa direksiyon namin, wondering what happened.

"Parvana? Ayos ka lang ba?" mabilis akong dinaluhan ni Michael. Namumutla na ako sa sobrang hapdi ng dibdib ko. I panted silently and nodded at him.

May kinuha siyang panyo at mabilis na pinunasan ang leeg ko pati na rin ang nabasang kamay. Nazrah paled as well. Bahagya siyang umatras mula sa amin.

"Anong nangyari?" Malik stood up from his seat and went to us.

"Aksidente lang..." ani Michael.

"Ayos ka lang ba?"

I nodded weakly, kahit na gusto ko nang maiyak sa sobrang hapdi na nanunuot sa dibdib ko. I could feel my skin burning.

"What did you do to her?"

"Zeus..."

Nag-angat ako ng tingin. A dark pair of eyes greeted me as he looked angrily from me to Michael who's now wiping my neck, and to Nazrah.

"Aksidente lang, Zeus..." wika ko sa mahinang boses.

"Get off her!" hinila ni Zeus si Michael mula sa akin.

"What the hell? I'm just trying to help her!" he shot back angrily.

"You're not helping her! You're harassing her!"

"Zeus..." kinabahan ako nang marinig ang galit na galit nitong tono.

"Who the hell are you to touch her neck?" he growled angrily. Halos pumutok na ang mga ugat nito sa sentido at namumula din ang leeg. He pursed his lips and clenched his fists.

"Ano ba, Zeus!" Zoey cut in, looking equally angry as well. "Makikipagsuntukan ka na naman? Uunahin mo pa yan? Kita mo na ngang napaso si Parvana, oh!"

Zeus turned sharply at her. Pero matapang si Zoey at nakipagtitigan din sa kaniya. He let out a curse before he turned to me and grabbed my arms.

"Tara sa clinic." He muttered under his breath.

Nagpakaladkad ako sa kaniya habang ang iba'y nakatingin sa amin na palayo na sa booth. Zeus tightly held my arms, walking fast. His scent caressed my nostrils, considering how close he is to me right now. Dahil mabilis siyang maglakad ay mabilis din kaming nakaabot sa clinic.

Basa halos ang dibdib na parte ng uniporme ko. I felt a huge wave of embarrassment when I realized that it made my white bra visible. Hinigit ko ang kamay mula sa pagkakahawak ni Zeus at tinakpan ang dibdib.

Nilingon niya ako. Tapos bumaba ang tingin niya sa nakakrus kong braso. Mas lalo pang nagdilim ang paningin niya. He pushed the door to the clinic without even knocking and walked as if he owns the place.

"Nasaan ang nurse?" tanong niya kaagad sa SA na nakaupo sa desk.

"Bakit?"

"Napaso siya." Itinuro niya ako.

Tumango ang SA at iginiya ako patungo sa isang maliit na silid. "Kami na ang bahala sa kaniya."

Zeus nodded. I smiled gratefully at him before I disappeared with the SA inside. Dun ko pa nakita ang nurse na may sinusulat sa kaniyang clipboard.

"Napaso daw po..."

The nurse nodded, her gaze falling upon my chest. She gestured me to uncover my chest using the tip of her pen.

"Can you remove your uniform?"

Nag-alangan ako. I stared at her. No one had ever seen my naked chest before. Even with a bra. Even my Mama Normillah. Baba's strict rules influenced me that no one should ever see your naked body but your husband.

"Ms. Bukhari? Para makita ko ang paso sa dibdib mo?"

"R-Right..." I stammered. Nanginginig ang mga daliri kong binuksan ang butones ng uniporme ko. I bite my lower lips and averted my gaze in embarrassment. Babae din naman ang SA at umalis na siya, kanina pa.

But the thought of someone seeing my bare chest is still making me uncomfortable. I feel like I am committing a sin.

"Tsk. Tsk." Napailing ang nurse nang makita niya ang namumula kong dibdib. Mas lalo itong humapdi nang mahalikan ng malamig na hanging galing sa aircon. She gestured towards the bed. "Maupo ka muna..."

I nodded my head and quickly cover my chest again habang may kinukuha pa ang nurse.

"We're gonna have to soak it with cool water. Wala ka bang extrang damit dyan?"

Nanghihina akong umiling. Hindi pa rin humuhupa ang panghahapdi ng dibdib ko.

The nurse pulled the green curtain. Nagulat ako nang makitang nakaupo pa rin si Zeus sa labas, seryosong nakatitig sa sahig. Mabilis siyang napalingon nang magbukas ang kurtina.

"Is that your boyfriend?"

"Hindi po!" maagap kong sagot sa nurse.

She chuckled. Tapos binalinga si Zeus na ngayon ay tumayo na.

"What's wrong?"

"We need some shirt. May extra ka ba dyan?"

Zeus turned to me, before he nodded his head. "Naiwan ko sa booth. Kukunin ko lang."

The nurse nodded and then turned to me again. Isinarado na niya ulit ang kurtina.

"You should also take ibuprofen to relieve you from the pain as well."

Tumango ako at tuluyan nang hinubad ang uniporme ko. I can't help but feel ashamed of myself. Inignora ko nalang iyon at binalingan ang nurse na ngayo'y hinahanda na ang gamot pati na rin ang cold compress.

She gently pressed it against my chest. Napapaatras ako sa sakit kaya ibinigay niya nalang ang cold compress sa akin.

"Press it against your skin for at least five minutes. Kukuha lang ako ng antibiotic ointment sa labas."

I nodded my head again. Ibinaba ko ang tingin sa mapula at mahapdi ko na ngayong balat at huminga nang malalim.

I am somewhat angry at Nazrah. And I am angry at myself for this negative feeling. I shouldn't loathe her. It was an accident. If anything, I should understand that she didn't mean it to happen. My parents didn't raise me to provide room for hatred and loathing towards my Muslim brothers and sisters.

I admit that I am not a perfect believer of the Islam faith. The least I could do is follow the Islamic maxim to live my life in peace. To not inflict pain to other people. Nazrah is my sister in faith. I shouldn't be feeling this way.

"Naia...?"

Awtomatikong lumipad ang braso ko sa dibdib nang marinig ko ang baritonong boses ni Zeus sa labas.

"I'll leave the shirt here..." he said quietly.

"S-Salamat, Zeus..." ani ko. Bigla nalang akong kinabahan. Hindi pa nakatulong na humahapdi ang dibdib ko. I winced in pain.

"Ginamit mo na ba yan na t-shirt?" narinig kong tanong ng nurse sa kaniya sa labas.

"Hindi po, Ms. Delilah."

"Good." Then I heard muffling sounds. Tumalikod ako nang marinig ko ang marahang pagbukas ng kurtina at lumapit ang nurse sa akin.

"Here's the shirt, Ms. Bukhari. Lalagyan ko lang ng ointment at gauze ang dibdib mo tapos pwede ka nang magbihis."

"Salamat po..." I mumbled.

I felt really uncomfortable when she started applying the ointment on my chest. Itinikom ko lang ang bibig ko at hinayaan siyang matapos. Then she wrapped my burn with the gauze and then gestured to the new shirt.

"Pwede ka nang magbihis..."

I nodded my head and grabbed the shirt. It smelled so much like Zeus. Manly yet the scent is not that strong. If anything, it smelled really pleasant. I studied the pale blue shirt. May nakaprint sa likod.

Ferrer 10.

Isinuot ko yun at matapos magsulat sa log book, nagpaalam na sa kanila. I thanked her sincerely before I stepped out of the clinic.

"Naia..."

Napatalon ulit ako sa gulat nang bigla nalang sumulpot si Zeus sa labas, dala ang bag ko. Itinaas niya ito nang bahagya.

"Ihahatid na kita sa gate."

"Pero kailangan ko pang bumalik sa booth—"

"Ms. Corazon already said that you can go home." Tinitigan niya ako nang masama, dahilan upang mapaatras ako. Is he mad that I am rebelling against him? "Ako na ang magdadala sa bag mo."

"Salamat sa shirt at sa tulong mo, Zeus..." I mumbled as I trailed after him.

Nilingon niya lang ako at hindi kumibo. Habang palapit kami sa labas ng gate ay biglang may lumapit sa kaniyang lalaki.

"Zeus! Kanina ka pa hinahanap sa booth natin!" angal nito.

"Ihahatid ko lang siya..."

I stared at the boy who stared at me, too. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Galit na si Ma'am sa iyo. President ka pa daw tapos ikaw yung bigla-biglang nawawala..."

I stared at him in shock. But Zeus ignored the two of us. Nilampasan niya ang nagrereklamong lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.

"Zeus!" I called him. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na President ka din sa inyo? Sigurado akong hinahanap ka na sa inyo..." nag-aalala kong wika sa kaniya.

"It's okay. They can handle." Came his frugal reply.

"Zeus..." alma ko.

"Are you really friends with that Muslim guy?" pag-iiba niya sa usapan.

"Of course!"

He pursed his lips and didn't say anything back. Basta nalang siyang pumara ng tricycle. Ibinigay niya sa akin ang bag ko.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi..."

I nodded my head gratefully at him. Nakatayo lang siya doon at nakapanuod sa aming tumulak na paalis. My chest throbbed in pain again. Ipinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili.

The literal burn cutting through my skin and my heart exploding at the same time is going to be my one-way ticket to death.

Mama Normillah worried about me when she found out what happened. Ginamot niya ulit ang paso ko. She said that it is best if we don't mention it to my Baba. He'll surely get mad and Allah knows what he would do to Nazrah.

"Just include her in your prayers, Parvana..." Mama Normillah said softly. "Pray that she'll find her way back to Allah."

I pursed my lips. It breaks my heart that some of my brothers and sisters have gone astray and have detached themselves from Allah. Is our God not enough for them? Why would they turn their back? Allah gave me everything I need in my life. I couldn't imagine my life without turning to Him at the end of the day and in every little thing I do.

Nakatulog ako sa gabing iyon na si Nazrah ang iniisip. I wonder if something... or someone have drove her way from faith. Kung anuman yun, sana ay mahanap niya ulit ang sarili niyang nagbabalik loob kay Allah.

"Ayos ka na, Parvana?" bungad kaagad sa akin ni Zoey kinabukasan.

I smiled at her. "I'm fine. Thank you for your concern, Zoey. The pain does not bother me that much, Alhamdulillah."

She sighed and pulled me into a tight hug. "I'm relieved."

Ngumiti ako. Praise Allah for having a genuine friend like her. She may not be my sister in faith, but Zoey is one of the people I will never forget in my life.

Tinulungan ko na sila ulit sa paghahanda ng ramen. Nakatingin lang si Nazrah sa akin, pero hindi na siya nagsasalita. I tried to smile at her, but she averted her gaze away and continued what she was doing.

"Huwag mo nang pansinin yang Nazrah na yan. Napagalitan nay an ng adviser natin kahapon."

"Huh?" kumunot ang noo kong hinarap si Zoey. "Pero hindi niya naman iyon sinasadya, ah?"

Zoey stared at me as if I had grown another head. Then slowly, she shook her head.

"You're too good for your own sake, Parvana..."

Hindi ko masyadong naintindihan ang pinapahay ni Zoey. Nagpatuloy nalang ako sa pagtulong sa kanila.

"Parvana!"

I turned to see Malik, smiling at me. Lumapit siya sa akin. "Ayos ka na ba?"

"It's good to see you again, Malik. Oo, ayos na ako..."

"Nag-alala ako sa iyo kahapon. Buti naman okay ka na."

I smiled at him again. Nakipagkuwentuhan ako saglit sa kaniya bago ako ulit bumalik sa trabaho. Mas dumami pa ata ang customers namin ngayon na siyang ikinatuwa din ng adviser namin at tumulong na rin siya sa pagsi-serve.

I haven't seen Zeus at the second day of the festival. Malamang ay busy rin siya kasi siya rin ang President sa section nila. I smiled to myself. He looks like he doesn't care a lot, but he's actually a responsible guy.

Nalabhan ko na ang shirt na ipinahiram niya sa akin kahapon. Kailangan ko nalang isauli sa kaniya kapag nakita ko siya ulit. Nakatago lang sa bag ko ang shirt niya, naghihintay na kunin ulit ng may-ari niya.

Nazrah avoided me as if I have a contagious disease. I want to talk to her but decided not to. I will talk to her when she's ready. She might feel a little uncomfortable talking to me when the incident just happened yesterday.

The third day of the festival came. Sa pangatlong araw ay pinabawasan na ang trabaho sa akin at pinatulong ang iba naming mga kaklase. I heard there's a basketball match in the gym. Gusto ko mang manuod ay hindi ko naman maiwanan ang mga kaklase ko dito.

"Nakita mo si Zeus kanina? Ang hot niya! Pawisan pa!"

Napalingon ako nang marinig ang pangalan ni Zeus sa dalawang sophomore na dumaan. Naghagikhikan silang dalawa at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Dumako ang tingin ko sa maingay na gym sa di kalayuan. Hindi ko naman makita ang mga manlalaro mula dito.

"Gusto mong manuod, Parvana? Ako na muna dito..." ani Michael.

I smiled at him. "Hindi, ayos lang ako. Salamat sa offer mo, Michael."

He nodded and then left afterwards. Inabala ko nalang ang sarili sa booth hanggang sa umabot na kami ng hapon.

"Guys! Manglilbre daw si Ms. Corazon!" anunsiyo ng classmate ko habang nagliligpit ako ng mga gamit.

Naghiyawan ang ilan at excited naman na nagtatalon. Zoey turned to me, grinning widely.

"Sama ka mamaya, Parvana?"

Nag-alinlangan ako. I have skipped the Maghrib prayer three times in a row. I am starting to feel guilty.

"Uh..."

"Ititext naman ni Ma'am ang mga magulang natin, eh. Kaya ayos lang!" she encouraged me.

Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya at nagpatuloy ako sa pagliligpit. No one bothered to help me. Lahat sila ay nagsasaya na dahil sa libre ni Ma'am.

"You're doing it again."

"Zeus!"

Gulat akong napatingin sa kaniya. Nakatitig siya sa akin, ang isang kamay ay nakahawak sa strap ng bag at ang isa nama'y nakatago sa bulsa ng kaniyang slacks. He stared at me more, before he sighed and put down his bag.

"Ayos lang ako dito..." nahihiya kong wika nang tulungan niya na naman ako.

"Why is no one helping you?" umigting ang panga nito habang inuusog ang lamesang ginamit namin.

"Masaya sila kasi manglilibre si Ma'am mamaya..." nakangiti kong wika sa kaniya.

"Are you coming with them?" marahas niya akong nilingon. I took a step and chuckled nervously.

"Ah... hindi na siguro. I want to be home early today."

"Good." He muttered under his breath before he started placing the kitchen utensils in a plastic basket.

Tahimik akong tumulong sa kaniya nang maalala ko ang shirt na ipinahiram niya sa akin.

"Yung shirt mo nga pala—"

"Keep it."

I stared at him, my brows knitting in confusion. "Keep it?" pag-uulit ko.

"Yeah..." he drawled lazily. "I want you to keep it..."

Ngumuso ako. Hindi ko naiintindihan kung bakit gusto niyang itago ang shirt niya. Mukha pa naman iyong bago at hindi gaanong nasusuot. Makapal ang tela at kahit nilabhan ko na ay naamoy ko pa rin si Zeus sa shirt.

"Are you sure?" I prodded.

Isang tango lang ang isinagot niya sa akin. I shrugged and then continued what I was doing. Halos kami lang dalawa ang nagtatrabaho dito. Kung hindi lang kami nakita ni Zoey ay kami na ata ang makakatapos sa pagliligpit ng mga gamit.

"Talagang ayaw mong sumama, Ms. Bukhari?" tanong sa akin ni Ma'am. Excited na ang mga kaklase kong umalis at tapos na rin kami sa pagliligpit.

I smiled at her. "Okay lang po, Ma'am. Gusto ko pong umuwi nang maaga ngayon."

"Ihahatid ko po siya, Ma'am..." biglang sabat ni Zeus, dahilan upang maghiyawan ang ibang mga kaklase namin.

Gulat na napatingin sa kaniya ang adviser namin. "Ihahatid mo si Ms. Bukhari, Mr. Ferrer?"

"Opo..."

Our adviser eyed him suspiciously, before she nodded her head. "Okay. Mag-iingat kayong dalawa. Itetext ko nalang ang Mama mo na pauwi ka na..."

"Salamat po, Ma'am..." nakangiti kong tugon sa kaniya. Then I turned to Zeus. "Tara?"

He nodded and then walked briskly. Sinabayan ko ang mabibilis niyang lakad. Kagaya noong pagkakataong ginabi kami, wala ng tricycle na naghihintay sa labas. Pumasok ulit kami sa eskinita para doon na sumakay ng tricycle sa kanto.

Nagnakaw ako ng silip kay Zeus habang naglalakad kami. He's very kind to me and he's proving that chilvary isn't dead, nor it is uncool. Even at this young age, I know that being the receiving end of his kindness means something. But I don't want to confirm it. Baka nag-aassume lang ako.

I bit my lower lips. If he'll continue being kind to me, I'll eventually like him. I'm afraid I might like him more than a friend. Though, I don't know the boundaries of liking someone as a friend and liking someone as a man. I've never felt this before and the mixed emotions are confusing me.

"Naia?"

Napakurap-kurap ako. Tumigil na pala siya sa paglalakad. I think he's asking me a question. Pumula ang mga pisngi ko sa hiya.

"Come again?"

He scratched the back of his neck and shifted the weight of his feet to the other. Tapos ay bumuga ito ng isang malalim na hininga. Just now, he looks as if he's in so much pain. Or confusion. Or worry. I couldn't name it.

"May itatanong sana ako sa iyo..."

I dare to meet his intense gaze. Tinutupok ako sa intensidad ng titig niya sa akin. We are under the mercy of the yellow light from the lamppost. It fell softly on half of his face, while the rest of his features are hidden in the shadow.

My heart fluttered. Allah must've really blessed him with good genes. He can make any girl melt in front of him with just his good looks and intense stare.

"A-Ano yun, Zeus...?" halos hindi ko na marinig ang boses ko sa sobrang kaba. I swallowed hard.

A muscle in his jaw clenched. Then he looked away for a moment before he returned his gaze at me. Zeus licked his lower lips. Umawang ang bibig nito konti bago lumabas ang tanong na kinikimkim niya sa ilalim ng dila.

"How can I convert to Islam and become a Muslim?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro