
Chapter 5
Chapter 5
"Alright, class. Dahil dalawang linggo na kayong magkakilala, siguro naman ay puwede na tayong mag-elect ng class officers? It's a preparation for our upcoming school festival."
Sinundot-sundot ako ni Zoey gamit ang ballpen niya, dahilan upang mapalingon ako sa kaniya. She lifted her phone a bit, showing me a picture of a model wearing a yellow bikini.
"Anong mas maganda? Ito?" she pointed to the screen, before swiping left. "O ito?"
Ang pangalawang litrato ay isang black one-piece bikini. I blinked at the screen.
"Are you sure you're asking the right person, Zoey?" I smiled kindly at her.
Ngumuso siya. "Just your opinion. Alam ko naman hindi ka nagsusuot ng mga ganito."
"Hmm. The second photo is better than the first."
"Bakit? Kasi hindi kita ang tiyan?" she kidded, tapos ay tumawa pa ito.
"I think Ms. Monterio here wants to nominate someone..."
Napatayo si Zoey nang di oras at pati ako ay bigla ring kinabahan nang tinawag na naman siya ng adviser namin.
"Any nominations, Ms. Monterio?" nagtaas ng kilay si Ms. Corazon sa kaniya.
"I... uh... I nominate..." dumako ang tingin niya sa pisara, tapos sa akin, tapos bigla nalang siyang ngumisi. "I nominate Parvana Bukhari!"
Nagulat ako sa sinabi ni Zoey. Tumango naman si Ma'am at isinulat ang pangalan ko sa pisara. Tapos ay pinaupo na niya ang kaibigan ko pero hindi pa rin nawawala ang matalim niyang tingin dito.
"Any other nominations?"
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang isinusulat ni Ms. Corazon ang dalawa pang na-nominate. I swallowed hard, my palms getting sweaty when someone closed the nomination.
Ms. Corazon nodded towards my direction. "Alright. Ms. Bukhari, can you present yourself in front of the class?"
I nodded my head and pulled myself up. Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanila.
"Salaam, everyone. I am Parvana Naia Bukhari and... uh, thank you for nominating me. Should I become the class president, I give you my word that I will do everything in faith and in truth, to serve you... that is all."
Nagpalakpakan sila nang bumalik ako sa aking kinauupuan. I let out a breathe of relief before I turned to Zoey.
"If you become our class president, you will become the first female Muslim president in our batch," she winked at me.
Napailing na lamang ako at itinuon ang atensiyon sa isa pang nagsasalita sa harapan.
"Now let's divide the house. Who's in favor for Ms. Bukhari?"
Nagulat ako sa dami ng mga nagtaas ng kamay. Even Nazrah and her friends suspended their right arms to the air too, all the while smirking at me.
"Oh... I guess majority of you would like her to become the president, huh?" Ms. Corazon didn't bother to count the numbers. "Alright. Let's give a hand to our new class president, Ms. Bukhari!"
Nagpalakpakan sila nang tumayo ako sa harapan at tinabihan si Ms. Corazon. Zoey winked at me again as we continued nominating the class officers for this school year.
"Sabi na sa iyo, diba!" Zoey giggled as we were packing our things. Pauwi na kaming dalawa ngayon. She was nominated as the Muse earlier and her partner is the tallest guy in our room, Daniel.
Natawa lang ako sa sinabi ni Zoey. Ms. Corazon entered the classroom and glanced at us.
"Officers, mag-meeting na kayo ngayon para sa magiging plano niyo para sa festival. Next week na yun,"
Tumango ako at binalingan si Zoey.
"I guess I'll go ahead, then?"
"Hindi ka sasali sa meeting?"
"Honey, muses are for display, not for brainstorming." She chuckled. "Wala rin naman akong magandang maic-contribute diyan sa meeting. So... ciao!"
Nilapitan ko na ngayon ang kumpulan ng mga newly-elected officers. Nazrah is the vice president. She smirked at me again when she saw me hesitantly approaching them.
Dahil wala nang bakanteng upuan ay kumuha nalang ako at itinulak iyon patungo sa kanila.
"So... anong plano?" nag-taas kilay si Nazrah sa akin bago ibinalik ang tingin sa kaniyang kukong may kulay.
Ngumiti ako sa kanila. "I really don't know much about festivals—"
"Alam ko na! Mag-kissing booth tayo!" bigla niyang wika. Tumahimik ako.
Our treasurer, Michael, laughed. "Kakapanuod mo yan ng mga movies. Tsaka, baka nakakalimutan mong Catholic school ito? Bawal yan!"
Ngumuso si Nazrah at tumitig ulit sa akin. "Any suggestions, President Bukhari?" she said, sarcasm dripping in her tone.
Napatingin na silang lahat sa akin, kaya bahagya akong kinabahan. "Uh..."
Wala akong maisip.
"What if we just serve them ramen noodles?" presenta ng secretary namin. She's Yuri. A half-japanese girl in our class. "My mom sells ramen and she could help us."
Michael clapped his hands dramatically. "That's a great idea!"
"And we will serve the customers... in a uniform." Makahulugang wika ni Nazrah.
"Kailangan pa nating humanap ng beneficiary para sa magiging profit natin."
"Bakit? Ilang araw nga ulit ang festival?"
"Tatlo."
Hindi ko kayang makipagsabayan sa pinag-uusapan nila. I suddenly felt stupid. Hindi naman ako taga-rito roon. I don't know the nitty-gritty about the school festivals and I couldn't even suggest a thing.
I sighed. Nang balingan ko ang wristwatch ko ay bahagya akong kinabahan nang makita ang oras.
"Uhm... guys..." I said weakly.
May iilang napalingon sa akin, habang ang iba naman ay patuloy pa rin sa pag-uusap.
"Kailangan ko nang umuwi."
"Uuwi ka na? Eh alas singko pa naman ah!" reklamo ng auditor naming si Myra.
Tipid ko siyang nginitian. "I have to be home for our daily Maghrib prayer."
Umikot ang mga mata ni Nazrah sa ere. "You can always skip. Alam mo namang nagmi-meeting pa tayo..."
"Ayos lang, Parvana. Gagawa nalang ako ng group chat para sa ating mga officers. Doon ka namin iu-update."
"Uhm..." tumikhim ulit ako. "Wala akong Facebook."
Sa sinabi ko'y napalingon na talaga silang lahat sa akin. Ang iba'y nangungunot na ang noo.
"Wala kang Facebook?"
I shook my head.
"Eh di gumawa ka!" sabat ulit ni Nazrah. "Parang Facebook lang, eh..."
"Oo nga. Sige, gagawa nalang ako mamaya pagdating sa bahay..."
"Okay. See you tomorrow!" Yuri chirped.
I nodded my head, even though I feel really guilty that I'm leaving them behind. Grabbing my mini backpack, I smiled at them once again before leaving the classroom.
"Wala na ngang na-contribute, nauna pang umuwi..."
I couldn't identify who said it, but I just closed my eyes and ignore it. If I let the hatred house my heart, it will never be pure to serve Allah wholeheartedly. I must free myself of my feelings of anger and other negative feelings, if I want to continue serving him.
Huminga ako nang malalim at naglakad na palabas. Binilisan ko ang paglalakad ko upang maabutan pa ang huling tricycle na nakaparada sa may gate.
"You're late." Baba's scowling face was the first to greet me when I got home.
"Sorry, Baba. We had a meeting at the school—"
"Wash your face, arms, and legs quickly and stop talking nonsense, Parvana." He said gruffly before turning his back at me.
Nanghihinang tango ang naging sagot ko sa kaniya bago ako pumasok sa kwarto ko at dali-daling naghanda para sa aming panalangin.
I stayed in my room for a few minutes, trying to clear my head. I pray without any distractions. I must let go of everything that's been bugging me before I serve Allah. Baba taught me that there is no other God, but Allah. Thus, we should serve him whole-heartedly, without any interference and without the stain of our worldly intentions.
Allah, you are so good to me and my family. I said inside of my head as I headed out of my room. All the glory and praise goes to you.
After our prayer, I helped Mama Normillah in the kitchen. Habang nagpupunas ako ng plato ay tahimik naman niyang tinitimplahan ang nilulutong tinolang manok.
"Mama Normillah..." I silently called.
"Hmm?" bumaling siya sa akin.
I shifted my weight on my feet. "Puwede ko po bang hiramin ang cellphone niyo?"
"My cellphone? Why?"
"Uh... gagawa po sana ako ng Facebook."
"Facebook?" tumigil na siya sa paghahalo gamit ang sandok at hinarap ako.
"Para lang po sa group chat naming class officers. Kailangan po kasi para sa preparation ng aming festival next week."
Nag-aalangan pa si Mama Normillah nang iabot niya sa akin ang Nokia. I thanked her and sat down, ready to sign up for a new Facebook account.
Wala akong mailagay sa display picture kaya all black photo lang muna. Nangangapa pa ako sa bagong Facebook. Hindi ko masyadong naiintindihan ang ibang features nito. But I know that it's a social media platform to communicate millions of people from all over the world.
Ngumuso ako at pinindot ang search bar. Nag-isip pa ako ng pangalang pwedeng i-search. Then I decided to search for Zoey's name.
Zoelline C. Monterio
Lumabas kaagad ang kaniyang account. Pinindot ko ang pinakaunang account na nakita. I smiled when I saw her baby picture as her DP. Ang malaking litrato naman sa taas ng kaniyang display picture ay yung litrato nila sa banda.
I clicked on the photo. They wore matching black shirts with letter L printed in a fancy cursive style on front. A red flannel jacket is draped across Zoey's tiny waist as she grinned widely at the camera. Katabi niya si Zeus na walang emosyong nakatingin sa camera at ang dalawa pang mga kabanda na malalaki rin ang ngisi.
Inagaw ng 98 comments ang atensiyon ko sa baba. I read some of them with my eyes squinting at the brightness of the screen. Most of them are adorations directed towards the vocalist of the band, Zeus.
Hindi rin ako nagtagal sa profile ni Zoey. I sent her a friend request. Tapos ay in-add ko na din ang mga class officers bago ko isinauli kay Mama Normillah ang phone niya.
"So, mamamalengke tayo ng ramen noodles three days before?" tanong ni Nazrah habang nakatitig sa papel.
Yuri nodded and smiled. "Pwedeng kami nalang dalawa ni Parvana ang pumunta. Ayos lang ba sa iyo, Parvana?"
"Uh... oo naman."
"Hindi magagalit ang Tatay mo?" Nazrah smirked.
"I'll ask for permission."
Naging busy na kami sa mga sumunod na araw. The last time I had lunch with Zeus was when he entered our classroom. Nakikita ko siya paminsan-minsan na dumadaan sa classroom namin, pero may mga kasama siyang lalaki at may buhat-buhat silang mga kahon. Busy din ang mga Grade 12 students para sa sarili nilang booth. I heard they are doing a marriage booth. Zoey talked endlessly about it.
"Kung makakasal man ako, dun nalang sa pinakagwapo sa Grade 12! Si Pierce!"
Natawa ako sa sinabi ni Zoey. Dalawang araw nalang ay school festival na namin. I've asked permission from Mama Normillah that I'll be home late for the preparations. Ako kasi ang naka-assign para mag-design sa booth namin.
"Bibili lang kami ng pako at iba pang mga materials, Parvana." Ani Nazrah.
"Uhm. Sure. Okay." Sagot ko naman. Hindi ako umimik kahit alam kong pang-tatlong beses na nila itong alis. I saw them buying iced coffees and then went out again.
"Kailangan pa ba natin ng mga pako?" angal ni Michael. "Ayos na 'to, ah?"
Nazrah rolled her eyes at him. "Pang-back up lang, baka maubusan. Sige, alis na kami!" aniya sabay hila kay Myra palayo.
Michael sighed and continued rolled the kartolina he is carrying. "They're just slacking off."
"Pasensiya na. I'll help you to the best I can." I assured him.
Napailing ulit si Michael. "Nauuhaw ka ba? Kanina ka pa nagtatrabaho ah..."
Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang ako."
"Ibibili kita ng maiinom." Aniya at binitawan ang hawak na gunting. "Babalik din kaagad ako."
I nodded my head gratefully and glanced at the banner we are planning to place on the top of our booth. Tapos na ang disenyo. We only have to put it up. Some of the officers have already went home. Michael is off to buy a drink and Nazrah and Myra are gone as well.
Bumuntong-hininga ako at kinuha ang kahoy na upuan. Kinuha ko na din ang tarpaulin at pumatong sa upuan saka ko inabot ang lubid sa taas. Since I am short on height, I need to tip-toe just to reach the rope. Gumewang tuloy nang konti ang upuan.
Umayos ako nang tayo at tumingkayad ulit, pinipilit abutin ang lubid.
"What are you doing?"
Muntik na akong mahulog nang biglang may magsalita. Mabuti nalang at mabilis niyang nahawakan ang beywang ko kung hindi lalagapak ako sa mga nagkalat na kartolina at ibang materials sa baba.
"Z-Zeus..." I stammered. Nakatitig siya nang seryoso sa akin, hawak pa rin ang beywang ko. Ang isang kamay niya ay naglaho sa bulsa ng kaniyang slacks na suot. Basa ang buhok nito. He must've taken a shower in the boy's locker room. I heard he's playing basketball.
Lumipat ang seryosong titig ni Zeus dun sa kamay kong naka-angat. His jaw clenched when he scanned the surroundings and saw no one.
"Bakit ikaw lang mag-isa ang nag-aayos diyan? Wala ba ang ibang mga classmates mo?"
Tipid akong ngumiti sa kaniya. "May ginagawa sila—"
"Bumaba ka diyan." Utos niya sa baritonong boses.
Tumikhim ako. "Isasabit ko pa 'to..."
"I'll do it for you. Mahuhulog ka lang." ibinagsak niya ang hawak na duffel bag sa sahig at tinulungan akong makababa. Siya na ang pumatong sa upuang kahoy na hinawakan ko naman para hindi na gumewang at walang kahirap-hirap niyang isinabit ang banner namin sa taas.
I watched him seriously do the work, his brows furrowing in concentration. Nakatingala lang ako sa kaniya na para bang sinasamba ko siya. He's just really... really out of reach. For someone like him to help me, sobrang nakakapanibago.
"Bakit mo nga pala ako gustong pauwiin nung nakita tayo ng mga magulang mo?" biglang tanong ko sa kaniya.
Mula sa pagtatali ay napatingin si Zeus sa akin, nanatiling seryoso ang mga mata.
Marahan kong kinamot ang pisngi, bahagyang nahiya sa titig niya. "I mean... uh..."
"They're nosy." He answered simply.
"Nosy?"
He shrugged. "Pakiabot ako ng gunting."
"Uhm... right!" I stuttered and quickly gave him the scissors.
Mula sa dulo ng mga mata ko'y nakita kong nagtutulakan ang dalawang sophomore patungo sa direksiyon namin. Naghagikhikan pa silang dalawa nang bahagyang nilingon sila ni Zeus dahil sa ingay.
"Naia..."
Nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Iniaabot pala ang gunting. My cheeks reddened in embarrassment as I accepted the scissors back. Nang matapos na si Zeus ay bahagya niyang pinagpagan ang mga kamay bago siya bumaba mula sa upuan.
"Anything else you need my help?" tanong niya.
Umiling ako at ngumiti. "Wala na. Salamat, Zeus."
"You're supposed to be home by now."
I craned my neck to look at him, silently admiring his defined jaw and cheekbones. "Nagpaalam naman ako kay Mama Normillah."
"To do all the work alone?" nagtaas siya ng kilay sa akin.
I chuckled. "I told you... may kinuha lang sila..."
"Parvana..."
Napalingon kaming dalawa sa bagong dating na si Michael, may bitbit na dalawang blue lemonade juice. Zeus eyed it suspiciously before he turned to me.
"Salamat, Michael..." ani ko sabay tanggap sa juice na ibinigay niya.
Nagulat ako nang biglang kunin ni Zeus ang dapat kay Michael na juice. Kumunot ang noo niya at tinitigan si Zeus.
"Thanks for this, kid." Bahagyang itinaas ni Zeus ang juice, an evil smile playing on his lips. "I really appreciate it."
"Uh... w-welcome..." nauutal na sagot ni Michael. I know he wanted to protest, but he couldn't.
"Michael, sa iyo nalang itong juice ko."
Nanliit ang mga mata ni Zeus at tinitigan si Michael, nagbabanta. Napatuwid nang tayo si Michael at mabilis na umiling.
"Hindi na! Hindi na! Hindi na pala ako nauuhaw..." tumawa pa siya.
Binalingan ko si Zeus. "Hindi ka pa ba uuwi?"
Prente siyang sumandal sa pader at sinimsiman ang juice gamit ang straw. He crossed his left ankle over his right.
"I'll wait for you to finish."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Zeus, huwag na. Gagabihin kami!" natataranta kong sagot sa kaniya.
Zeus' eyes darkened, as if I said something that would offend him. "All the more I have to wait for you." he growled in the dark.
Magtatakip-silim na. Michael nervously lifted the kartolina and then glanced at me.
"Bilisan nalang natin, Parvana..." mahina niyang wika.
I nodded my head and then put down my juice. Tinulungan ko na si Michael sa pag-aayos ng mga gamit at sa paggawa ng mga menu. Michael's phone chimed. Inilabas niya ito at kumunot ang noo sa nabasa.
"They're not coming back. Gagabihin na daw sila kapag bumalik pa sila dito. Bukas nalang nila ibibigay ang mga materials na nabili."
"Hmm. Okay."
Zeus hissed at the back. Napalingon ako sa kaniya pero mabilis ding ibinaba ang tingin ko nang makitang mukhang badtrip na ito. Natatagalan ba siya sa aming dalawa?
"Zeus... pwede ka nang umuwi." Wika ko sa kaniya. Halos wala ng tao bukod sa mga faculty teachers na nagsisi-uwian na rin. "Kaya ko naman dito."
"I'll stay." He said in an authoritative voice. I nodded my head and did not dare to argue back.
Hindi na ako kumibo at binilisan nalang ang pagtatrabaho. It took us almost 30 minutes to settle everything. By then, my stomach is growling at medyo pagod na rin ako.
"That's it. Bukas nalang natin ayusin ang iba. Aagahan ko nalang ang pagpunta rito."
I glanced at my wristwatch. It's almost 6:30 in the evening.
"Okay. Salamat sa tulong mo, Michael, ah?"
"Don't mention it." Aniya sabay hawak sa braso ko at pisil.
"Tara na." Zeus said immediately. He stared at the two of us with a lethal look on his face. Bumitiw naman kaagad si Michael sa akin na para bang napaso.
"S-Sige, Parvana... mag-iingat kayong dalawa ni Zeus pauwi."
"Sige." I grabbed my backpack and smiled at him again. "Salamat, Michael! May Allah guide you on your way back home..."
Sinundan ko si Zeus na mabilis na naglalakad sa madilim na corridor. His back looks so tense. I did not dare comment until we reached the gate. Tahimik na at wala ni isang tricycle.
"Maglakad nalang tayo papunta sa eskinita." I suggested.
Zeus glanced at me, then he nodded. He stepped aside. "Mauna ka na."
"Uhm... okay." I said and hesitantly walked. I took a deep breath as we entered the dark alley. Sa kanto nito ay baka may mga dumaang tricycle pa. Nilingon ko si Zeus. "San ka nga pala nakatira? Baka mapalayo ka pa, ah..."
"I live nearby." Was his only reply.
Tumango nalang din ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Huminto kami sa tapat ng convenience store at naghintay. Tahimik lang ako at ganun din si Zeus.
"Salamat nga pala sa tulong mo kanina..." pagbasag ko sa katahimikan.
He only nodded once and adjusted his duffel bag. "Dito ka lang," aniya at bigla nalang pumasok sa convenience store.
I stared at him. He quickly went to the beverage station. Kitang-kita ko ang pagtigil ng babaeng nakauniporme ng dilaw sa paga-arrange nang makitang pumasok si Zeus. Sinundan niya siya ng tingin.
I couldn't see what he bought. Inayawan ko ang dumaang tricycle sa harapan ko. I craned my neck to see him. Nasa counter na siya. Medyo natataranta pa ang babaeng nasa counter nang maglapag si Zeus ng dalawang maliliit na kahon ng Dutch Mill.
"T-Thank you, Sir! Come again!" rinig ko pang sabi niya nang lumabas na si Zeus. Ngumuso ako. He did not even bother to greet back the attendant. Basta nalang siyang lumabas.
"Here."
Tinitigan ko ang inabot niyang dutch mill sa akin. Tapos ay ngumiti bago ito tinanggap.
"Thank you, Zeus."
Pinara niya ang dumaang tricycle na kaagad din namang huminto sa harapan namin.
"Salamat... sa dutch mill." Nag-aalangan ko pang wika nang sumakay ako.
"Anytime." He said gruffly. Tapos ay tinitigan niya ulit ang driver sa mata. "Sa Sigaboy niyo po siya ibaba."
Tumango naman ang driver. I waved at him. Zeus remained standing as the tricycle moved. Nakangiti ako hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Doon ko pa tinusok ng straw ang Dutch Mill na ibinigay niya sa akin.
Kinabukasan ay inagahan ko ang pagpunta sa eskwelahan namin. Nagulat nga ako dahil maging si Zoey ay maaga rin ang punta at tumutulong sa booth ng classroom namin.
"Good morning, Zoey..." I greeted.
"Morning!" she chirped as she arranged the red and black bowls. "Open house ang school ngayon today. Pati ang karatig school o kahit sino ay puwedeng makapunta dito." She winked at me.
Tumawa ako at inilapag ang bag. "Talaga?"
"Parvana!" tawag ni Michael sa akin, mukhang nangangailangan ng tulong.
"Sige, mauna muna ako..." wika ko sa kaniya at dali-daling dinaluhan si Michael.
We got really busy that morning. Pumunta pa ang nanay ni Yuri para tumulong sa amin. She taught us how to boil the noodles and how to serve it with toppings. Sina Zoey naman ang nagpromote sa booth namin sa buong school.
"Parvana, kulang na tayo ng tables!" ani Myra habang busy ako sa paghihiwa ng sibuyas.
I removed my apron and went with her. Nagulat ako sa dami ng mga taong pumunta at gustong kumain. I even spotted Zeus and some of his friends at the table, eating their noodles noisily.
"Manghiram nalang siguro tayo sa faculty?" I suggested.
"Ako na dun, Parvana." Ani Michael. "Kulang na din tayo sa waiters. Pwede bang ikaw muna ang mag-serve?"
"Sure."
Umalis si Michael at ang dalawa pa naming kaklaseng lalaki. Someone from Zeus' table raised his hand. Nakangiti akong lumapit sa kanila.
"Isa pang pork ramen dito. Tsaka samahan mo na din ng Heineken."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Heineken?"
He wiggled his eyebrows at me. "Oo."
"Pero wala kaming binibentang alak..."
"Ako na diyan!" Nazrah snatched the notepad at me and smiled sweetly at our customer. Napakurap-kurap ako. She listed down the orders and went to the back.
"Nazrah..." tawag ko sa kaniya.
Binalingan niya ako at nag-angat ng kilay. "Bakit?"
My lips pursed. "Bawal tayong magbenta ng alak. We'll go straight to the guidance office kapag nalaman nilang nagbebenta tayo ng alak."
"Tanga. Ipapaalam mo naman sa kanila?" she rolled her eyes at me bago ako tinalikuran at hindi na kinausap pa.
I've become very stressed with the situation. Kinakabahan ako dahil baka may magsumbong sa amin. I am the president and I am responsible for this. For sure I'll disappoint our adviser. Tuwang-tuwa pa naman yun kanina nung makitang marami kaming mga customers.
I went back outside to take some orders. Natigil lang ang paningin ko nang may makita akong lalaking nakatayo sa labas. He stared at me and smiled afterwards.
Ngumiti ako.
He's wearing a taqiyah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro