Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4


"Parvana!"

Tumatalbog ang keychain sa bag ni Zoey as she hopped towards my direction. She grinned at me, her cheeks flushed from the heat.

Gumewang pa ito nang konti nang maglakad na kami. I looked at her worriedly.

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya.

She giggled. "Konting hang-over lang."

Ngumuso ako. "Uminom ka kagabi?"

Umirap siya sa ere. "Iniwan ako ni Zeus sa café! Ang tagal niyang bumalik tsaka pareho na ding umiinom si Wenceslao at Troy. Naki-inom nalang din ako..."

I stared at her, eyes widening in shock. "Pasensiya na, Zoey. Inihatid pa kasi ako ni Zeus kaya ka—"

"Ssh. It's okay. If anything, I've got to drink with my crush!" she winked at me and giggled again.

Napakamot nalang ako sa ulo, hindi alam kung anong isasagot sa kaniya. Every Wednesday, we're allowed to wear our civilian attire. Washday, kumbaga. Sa Thursday pa naman ang PE namin kaya napilitan akong mag-kaswal na damit.

Today, I am wearing my all-black Islamic dress with a white sheer hijab. Mama Normillah put my hair on a bun earlier before I went to school. Isinukbit ko ang pink pastel kong mini backpack at sinulyapan ulit si Zoey.

Biglang nangunot ang noo nito habang naglalakad kami sa corridor, ang mata'y nasa mga kumpulan ng estyudante sa Grade 12 building.

"Holy shit."

I winced when she suddenly cursed. Sinundan ko ang tingin niya at dumapo iyon kay Zeus. Kasama niya si Wenceslao, nakatambay sa labas ng classroom habang may kausap na babae.

I couldn't see her face, though, kasi nakatalikod siya sa amin. But she's got a honey blonde hair that is braided elegantly and a black shoulder bag. Based on her height and skin complexion, I can tell that she's a foreign.

"Bakit?" mahina kong tanong kay Zoey.

Huminto sa paglalakad ang kaibigan ko at mas lalo pang kumunot ang noo. Tapos bigla nalang niya akong hinila, mabilis na naglalakad patungo sa Grade 12 building.

"Zoey!"

"Hi, Zoey!"

She ignored some of her friends who called her. Dire-diretso ang kaniyang lakad hanggang sa marating na namin ang classroom nila Zeus. Doon pa sila napatingin sa aming dalawa.

Tumikhim si Zoey, dahilan upang mapalingon ang Amerikana sa amin.

Hilaw siyang ngumiti dito. "Nandito ka ulit?"

The blondie smiled kindly at her. "It's nice seeing you again, Zoey."

Nagtaas lang siya ng kilay at walang sinabi. The girl turned to me and smiled, too.

"I suppose this is your friend?"

"Salaam. I am Parvana Naia Bukhari..." I politely said, even though I got awkward with Zeus' intense stare at me. Or so I thought. Kung anu-ano nalang ang pinag-iisip ko...

"Hi. Katey Goldman." Tipid niyang wika. She took my hand and let go quickly after a single shake. Tapos dumapo ang tingin nito kay Zoey na nakasimangot na sa kaniya. "You've grown a lot, Zoey."

"Yeah, right." Sarkastiko nitong sagot at binalingan na sina Wenceslao at Zeus. "Alis na kami."

Zeus nodded his head, finally tearing his gaze off me. Nag-isang sulyap siya sa babaeng kausap kanina at nagkibit-balikat nang tumunog ang bell.

"I guess I can't walk you to the faculty, Katey. Magsisimula na ang klase namin..." narinig kong wika niya.

The girl opened her mouth to speak. Mabilis akong hinila ni Zoey palayo sa kanila at nakipagdutdutan sa mga estyudanteng tarantang pumapasok sa kani-kanilang classroom.

Hanggang sa makapasok kami sa sariling classroom ay hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo ni Zoey.

"Sino yun, Zoey?" hindi ko na mapigilan ang sariling magtanong.

"Ex ni Zeus." Umirap pa ito sa ere at pinaypayan ang sarili, bago ibinaba ang bag at naupo. "Akala ko nabura na sa mundong ibabaw ang babaeng iyon, bumalik pa talaga!"

"Huh?"

I tilted my head to study her. Why is she being mad at the girl? She seems nice... and friendly. She even shook my hand when I introduced myself to her!

"Napaka-ilusyunada kasi ng babaeng iyon tsaka naiinis ako sa kaniya. Isang linggo din kaming nag-away ni Zeus nung pinagseselosan niya ako noong sila pa, kesyo palagi daw kaming magkasama ni Zeus..." then she groaned. "I was really glad when her father came and brought with her with him to NYC. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon nagpakita na naman ang babaita..."

Humalumbaba ako at pinagmasdan si Zoey na mukhang naha-highblood na talaga sa babaeng foreigner.

"At isa pa, tinawag niya akong ampon!" she gritted her teeth in anger.

"Ampon?"

Nag-seryoso ang mukha ni Zoey at bumuntong-hininga.

"Alam ko naman kasi na ampon lang ako..." humina ang boses niya at yumuko, dahilan upang mataranta ako. "But she didn't need to rub the salt on my wound, you know?"

"Zoey..."

She gave me a sad smile. "Hindi naman talaga ako totoong Monterio, Parvana. But I love my foster parents so much and my siblings... Her, calling me an adopted wench, made Zeus broke up with her."

I stared at her, my mouth hanging open.

"Kaya ba siya umalis...?"

Zoey shrugged, but I could see the corners of her eyes are welling up in tears. "I don't know. Isang taon na din nung nangyari yun. Siya lang kasi ang sineryoso ni Zeus na babae pero siya din ang pinakamaldita sa lahat!"

Itinikom ko ang bibig ko. I tried to imagine Zeus with a girlfriend. Of course, it would be someone as pretty as her. Magkasingtangkad lang sila. Hindi mo mapapagkamalan na nakabababatang kapatid na babae niya si Katey kapag magkatabi. And she is really beautiful with almond eyes and few freckles dotting her nose.

"Kung bumalik siya dito para makipagbalikan kay Zeus, ewan ko nalang talaga!" she opened her bag and pulled out a mirror. Zoey examined her eyes and rubbed her eyelids. Bahagya itong namumula.

"You shouldn't let your hatred of other people prevent you from being just, Zoey..." banayad ko siyang nginitian. "I forgot the verse, but Mama Normillah once cited it to me while reading the Quran last weekend."

"Hmm." She glanced at me and sighed. "I envy your pure and simple mind. Kung sana hindi ko magawang magalit sa kaniya."

Nginitian ko nalang siya at hindi na nagawang sumagot pa nang pumasok na si Ms. Corazon para sa aming unang subject. Bumalik si Zoey sa upuan niya at nakinig na rin. But even as she directed her gaze to our teacher, I can tell that she's upset.

I chewed my lower lips. She must be going through a tough time, huh? Guess I'd be including her in my prayers this afternoon.

"Huwag na tayong sumabay sa kanila. For sure, Katey would insist to eat with them. Nababanas ako sa pagmumukha niya!" she lamented on our lunch period.

Tumango ako at inusog ang upuan ko palapit sa kaniya. "Dito nalang tayo kumain?"

Nakangusong tumango si Zoey at inayos ang pagkakaupo, saka inilabas ang kaniyang lunchbox. Apat lang kaming nanatili sa classroom upang kumain. Two of them are boys who I still didn't know the names of.

"Kapag hindi tayo sinipot ng TLE teacher natin, daan tayo sa café mamaya?" ani Zoey habang sumusubo ng kanin at ulam niyang tocino.

I nodded my head. "Sure..."

"Zoey..."

Muntik na siyang mabilaukan nang biglang may tumawag sa kaniya. I turned and froze when I saw Zeus, Wenceslao, and the guy named Troy entering the classroom. Napatingin ang dalawa kong kaklaseng lalaki sa kanila pero kaagad din namang nag-iwas ng tingin.

"Oh, nasaan ang girlfriend mo? Anong ginagawa niyo dito?"

Nagtaas ng kilay si Zeus kay Zoey. Ang matamlay nitong backpack ay nakasukbit sa kaniyang malapad na balikat. I eyed his bag suspiciously. Bakit parang wala atang laman?

"Katey is only her to gather her remaining papers. Hindi naman siya magtatagal." Sagot niya. He dragged a wooden desk and stopped right beside me. Tsaka siya naupo doon.

I glanced at him. Sobrang laki niya para sa wooden desk na iyon. Palagay ko nga ay kaya niya iyong masira kung gugustuhin niya. I swallowed and then turned to my food.

"So... did your Baba found out about your little escape plan last night?"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang magsalita si Zeus, at malapit pa talaga sa tainga ko! My heart hammered and with trembling fingers, inusog ko palayo nang konti ang upuan ko sa kaniya.

He rose an eyebrow again, a smile of amusement playing on his lips.

"H-Hindi naman..." I said silently. "Wala naman siyang nalaman."

"Mm-hmm. That's great." He said in his usual baritone voice. Kakaiba talaga ang boses niya kapag nagsasalita at kumakanta. Kapag nagsasalita kasi siya, parang inaantok na kung ano. Kapag kumakanta naman, rinig na rinig mo ang gaspang sa dulo ng boses niya.

Zoey glanced at me, then she frowned at Zeus. "Stop hitting on Parvana already, Zeus!" a scowl came across her cute little face. "I know you. Parang underwear lang ang pagpapalit mo ng mga babae. Parvana is too good for you..."

Sa sinabi niya'y humalakhak si Wenceslao at nakipaghigh-five pa kay Troy. Nawala ang ngiti sa mukha ni Zeus at tumikhim.

Natapos ang lunchtime na puro pang-aasar lang ang lumalabas sa bibig nilang apat. Nakikitawa rin naman ako, pero hindi ko pa magawang mang-asar sa kanila kasi nga nahihiya pa. I've only met them for less than a week, and yet they are including me in their lunchbreak!

Nung panghapong klase na namin ay dinalaw na ako ng antok. Humalumbaba ako habang pilit na iniintindi ang sinasabi ng matandang lalaking guro namin sa Filipino. He's talking about passive and active voice in a sentence. Maganda naman ang speaking voice ni Sir, kaso nga lang, para kang hinihele upang matulog.

I glanced outside. Nagtagal ang tingin ko sa labas ng classroom namin, pinipilit gisingin ang diwa nang biglang may dumaan.

Zeus slowly lifted the box of milk to his lips, sucking from its small straw while his other hand disappeared on the pockets of his dark blue slacks. Napatitig ako sa kaniya. He's really tall for a Grade 12 student. Tsaka, bakit siya dito dumaan? Eh puwede niya naman tawirin diretso ang canteen mula sa Grade 12 building.

He walked slowly, staring straight ahead. I blinked. Seryoso ang mga mata nito na para bang may iniisip na malalim.

"Bukhari!"

"Yes, Sir!"

Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako nang di oras, dahilan upang magtawanan ang mga kaklase ko. Uminit ang pisngi ko nang sinimangutan ako ng aming guro.

"Kanina pa kita tinatawag, Binibining Bukhari. Ano bang tinitingnan mo diyan sa labas, ha?"

As if on cue, most of my classmates turned towards the corridor and saw Zeus staring at our classroom, still sipping on his milk. My cheeks reddened, lalo pa nang maghiyawan ang ilan sa kanila.

"Crush niya, Sir!"

"Uy! Na-fall na ata si Parvana kay Zeus!" sigaw ulit nung makulit na mataba kong kaklase.

Mas lalo akong namula at napahiya. Kumunot lang ang noo ni Zeus dahil sa ingay at kantiyawan ng mga kaklase ko sa kaniya, pero nagpatuloy ulit sa paglalakad palayo.

I turned to my teacher. He gave me a disapproving look.

"Ipaliwanag ang pagkakaiba ng karaniwan at di-karaniwang ayos ng pangungusap..." aniya sa istriktong boses.

I sighed in relief. Buti nalang at umalis na siya. I don't think I can answer properly with his eyes sending bullets to me.

Maybe I'm just getting used to being around with boys. Baba prohibited me from playing with the opposite sex when I was still a little girl. That's why I don't know how to act around them. Unlike Zoey who's so carefree with them, she must've grown up with boys. Saglit akong naiinggit sa kakayahan niyang makipagsabayan sa kanila, samantalang ako ay mukhang isdang naghihingalo pagkatapos maalis sa tubig sa tuwing kinakausap o tinitingnan ako ni Zeus.

"Umiinom din ba kayo ng kape?" Zoey giggled as we walked hand in hand towards the gate. Tama nga ang sabi niya, hindi pumasok ang panghuling subject namin kaya may isang oras pa ako bago makauwi sa bahay para sa daily prayer namin.

I smiled kindly at her. "Actually, Islam invented the coffee."

Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin. "Weh? Di nga?"

I nodded my head. "Totoo. If you do a proper research about it, coffee originated to the early Muslim descendants."

Inakbayan ako ni Zoey tapos inilapit niya ang mukha sa akin. "Wow. The more I get to know you, the more I am impressed by you, Parvana. You live by your Islam faith in every little thing you do. Samantalang ako..."

"I guess living with my strict Baba made me like this." I shrugged.

Bumalik kami sa café kung saan sila nagperform. Ang panghapong liwanag na tumatama sa malalaking bintana ng café at pumasok sa loob ay mas nagpatingkad sa retro-style interior design nila.

I appreciated the old paintings hung on the wall for the first time. Madilim kasi kagabi, tsaka maingay kaya hindi ko na naigala ang paningin ko.

Isa pa, Zeus was there... performing. It is hard to tear your gaze off him and appreciate the place when he got us all wrapped in his little fingers.

Napailing nalang ako.

"Dalawang Frappuccino please..." ani Zoey nang lumapit sa amin ang isang waitress.

Nginitian siya ng babae. They must be regular here. Nagpi-perform at ginagawang tambayan. Sabagay, ang lapit lang din naman kasi sa school namin.

"Meron naman akong kapatid na lalaki at babae sa bahay, but for some reason... I got closer to Zeus as we grow up."

Napabaling ang tingin ko kay Zoey nang bigla siyang magsalita ulit. She glanced at me and then smiled. I nodded my head, encouraging her to continue.

"Kuya Leon is... kind of busy with his life. Puro surfing lang naman ang laman ng utak nun. And Ate Behati... well, she's nice to me. Hindi niya nga lang ako masabayan sa mga gusto ko. Mommy introduced me to playing the piano when I was a kid. Nakahiligan ko na rin. And when I found out that someone in our neighborhood is playing the piano, too, naging magkalapit na kaming dalawa ni Zeus."

Our order arrived after a short while. I eyed the chocolate cakes on display but hesitated dahil baka ma-short na ako sa budget. Hindi ko pa naman alam ang presyo ng in-order naming Frap.

"Her mother is my mommy's close friend. Sometimes, I would spend the entire day at their house, playing the piano together, than I am in the mansion."

I sipped on my coffee, thinking about the life Zoey had knowing that she's an adopted child. Siguro ay mahirap. I am the only child in our family and received the utmost care and attention from my Mama Normillah and Baba. I should be really grateful. I should be an obedient daughter to them, hindi yung tinatakasan ko lang sila kapag gusto ko.

Bigla tuloy akong na-guilty.

"You did mentioned that your family migrated here, in the Philippines." Ani Zoey. May tiningnan siya saglit sa kaniyang cellphone bago niya ito ibinaba at tumitig sa akin. "What was your life back then?"

I shrugged. "It's not grand, but we live in a community that follows a strict Islamic faith. Mama Normillah couldn't wear her hijab there. She's required to wear Niqab, especially if she's out in the public with Baba."

"Niqab?"

"It's a type of Muslim attire that covers everything but the eyes."

"Oh..."

"And... the community leaders are very strict. Once you committed a mistake, you will be whipped in front of public."

Halos maibuga ni Zoey ang iniinom niyang kape sa sinabi ko. "Whipped in front of public?"

I nodded my head. "I had a friend back there... her name is Talia. And she has a boyfriend. The community leaders found them cuddling in public and as punishment, they got whipped 15 times."

Nanlaki ang mga mata ni Zoey sa gulat. "I-I didn't know that kind of punishment still exists..."

I shrugged. "Maybe it's the reason why my Baba is very strict when it comes to me. He doesn't want me to get into trouble. I cried watching my friend got whipped at that time, but I can't do anything."

Tumahimik si Zoey at hinayaan akong ikuwento ang naging buhay ko sa Aceh. Truth be told, I am somewhat relieved and in pain that we left that country. Dito kasi, walang ganung batas. And my Mama Normillah could wear hijab in the public. Baba just stayed strict, having been raised by strict parents as well. He is deeply religious and obeys what is written in the Islamic law.

Mama Normillah and I are simply followers of the faith. But Baba lives and breathes the Islamic faith. There is a big difference.

"Zoey!"

Nagulat si Zoey nang biglang may tumawag sa kaniya. Nilingon niya ito at nanlaki ang mga mata.

A tall guy with tan skin sauntered towards our table, scowling.

"What the hell are you still doing here? Alam mo bang kanina pa naghihintay si mommy sa iyo?" anas niya dito.

"S-Sorry, kuya... napasarap lang ang kuwentuhan naming dalawa ni Parvana."

He glared at his sister before glancing at me.

"Si Parvana nga pala—"

"Let's go."

She sighed in resignation before nodding her head. Zoey mouthed sorry at me.

"Will you be okay?"

"I can go home from here." I assured her and smile.

"Okay... sorry talaga, ah?"

"It's okay. I'm fine."

Nagpaalam na si Zoey sa akin at sumunod sa kaniyang kuya. Pinanuod ko silang sumakay sa naghihintay na SUV sa labas bago ito mabilis na umandar palayo.

I finished my Frap and paid for it. Lumabas na din ako ng café at nagpalinga-linga, naghahanap ng tricycle na puwedeng masakyan.

"Naia?"

Inayos ko ang bag ko bago nilingon ang tumawag sa akin. Sa boses pa lang nito ay alam ko na kung sino siya.

And besides, Zeus is the only one who's calling me by my second name...

"Hi, Zeus." Ngiti ko sa kaniya, napansing ibang grupo na naman ang kasama niya ngayon.

Ngumisi kaagad ang lalaking katabi niya at mabilis na lumapit sa akin, dahilan ng pagkagulat ko.

"Hi, din. Ako si Ramel—"

"Huwag mong hawakan." I blinked when Zeus immediately grabbed his arms before it could reach mine. Masamang titig ang ibinigay niya sa kaibigang nagpakilala bilang Ramel.

"Ito naman, nagpapakilala lang ako, eh..." tawa niya sabay baling sa akin.

"Kahit na. Bawal siyang hawakan," mariin na wika ni Zeus.

"Bakit?" then he glanced at me again, at my Islamic dress and my hijab, before he turned to Zeus. "Dahil Muslim?"

Zeus pursed his lips and finally let go of his arms.

"Since when were you interested with Muslim girls, Zeus?" halakhak ng isang nahuling lumapit sa amin.

Zeus turned to him and then glared again. Hindi ito pinansin ng kaibigan.

"Sabagay, you dated Nazrah before..." makahulugang wika ni Ramel, tapos ay nginisihan niya ako. "Nice meeting you...?"

"Parvana." I answered.

"Parvana. Sa sunod nalang tayo mag-shake hands kapag wala na si Zeus." Tawa pa niya.

Umigting ang panga ni Zeus na nakatitig sa dalawa. "Umalis na nga kayo. Tsk."

"Anong umalis? Diba ang usapan magbibilyar pa tayo—"

"Wala na pala ako sa mood." Mabilis niyang tugon sabay baling sa akin. "Tara na, Naia..."

I nodded my head and then waved weakly at them, before I followed him. Nakatingin lang ang dalawa niyang kaibigan sa amin habang naglalakad kami palayo.

"Wouldn't they get mad at you?" tanong ko kay Zeus habang pinipilit na sabayan ang bilis ng paglalakad niya. "They wanted to play billiard with you."

"Forget it. They're a bunch of assholes I shouldn't hang out with." Anito na may talim sa boses.

Tumakbo ako nang bahagya upang masabayan siya, dahilan upang mapatingin sa akin si Zeus. Nagtaas siya ng kilay. I smiled at him.

"Where are we going?"

"Ipapasakay kita."

"Thank you. Rahimakallah, Zeus."

Hindi siya kumibo. I don't suppose he understood what I said pero tango lang ang isinagot niya. Bumalik kami sa sakayan sa harap ng eskwelahan namin kung saan kumpulan ang mga tricycle.

"Ano nga palang ginagawa mo roon sa café?" tanong sa akin ni Zeus habang nakatayo kaming dalawa.

I glanced at him. "I was with Zoey. But her brother came and then I decided to go home right after."

May tricycle na dumaan at nagtanong ang driver kung saan kami, pero imbes na sumagot ay umiling lang si Zeus.

"You were with Zoey?"

"Yes, Zeus."

"Nasasanay ka nang gumala, ah?"

I flushed, and then cleared my throat. "H-Hindi naman masyado... hindi ko pa kasi 'to nagagawa nung bata pa ako kaya..."

"I'm not saying it's a bad thing. I'm just saying, you might get into trouble if you keep on doing that." He said. May dumaan ulit na tricycle pero inignora na naman niya.

"Right..."

"You're from Aceh?"

I nodded my head.

"Kaya pala..." he muttered.

"Zeus!"

Bigla nalang siyang napamura nang huminto ang sasakyang ginamit niya kagabi sa harapan namin. The windows rolled down and revealed a good-looking couple inside. Bahagyang kumunot ang noo ng babae at napatingin sa amin.

"What are you doing here?" he hissed.

Nagtaas ng kilay ang babae. "Is that how you treat your mother, Zeus Vincenticus?"

Nanlaki ang mga mata ko at nagpabaling-baling ang tingin sa kanilang tatlo. The man on the driver's seat looks so much like Zeus. An older version of him.

"Good afternoon po! I am Zeus' friend. Parvana Naia Bukhari..." masigla kong bati sa kanila.

Makahulugang ngumiti sa akin ang nanay ni Zeus. "His friend? Hmm?"

Nagkatinginan silang mag-asawa.

"Umuwi na nga kayo!" medyo pagalit pang wika ni Zeus. Humalakhak ang tatay niya sa driver's seat.

"San ka ba uuwi, hija? Ihahatid ka na namin."

"No!" maagap na tugon ni Zeus. "Umuwi na kayo... ako na ang magpapasakay sa kaniya..." mariin niyang wika. Hinawakan niya ang braso ko at hinila palayo sa kinatatayuan namin kanina.

"Zeus..."

He muttered angrily under his breath bago siya pumara ng tricycle. Lumabas na ngayon ang nanay niya sa sasakyan at humalukipkip, taas ang kilay na nakamasid sa aming dalawa.

"Pakyaw na 'to, Kuya..." ani Zeus at naglabas ng pitaka. Kumuha siya ng 50-peso bill mula dito at iniabot sa driver. "Larga na. Sa Sigaboy niyo po siya ibaba..."

Nagulat ako nang makitang may pagbabanta pa sa tono ng boses ni Zeus at sa mga mata niyang nanghahamon sa driver na kung may gawin mang masama sa akin ay malalagot talaga sa kaniya. He's very intimidating.

Tumango ang driver. "Pero Zeus—"

He did not let me protest. Tinapik lang niya ang gilid ng tricycle at umandar na ito palayo. Awang ang bibig kong nakatitig sa kaniya na nakatayo lang at pinapanuod kaming lumayo.

After a few seconds, he turned towards the waiting car for him. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro