Chapter 2
Chapter 2
Abot-abot pa rin ang tahip ng puso ko kahit na nilisan na ni Zeus ang aming classroom. Ang namumulang mukha ni Ms. Corazon, dulot ng pang-aasar ni Zeus kanina ay unti-unti nang nawala. She cleared her throat to get the attention of everyone.
"Class, you have a new classmate..." anunsiyo niya sa istriktang boses.
Tumahimik ang iilan sa mga kaklase ko at muling dumapo ang tingin sa akin. Ms. Corazon smiled encouragingly at me.
"Come here and introduce yourself to the class, Parvana..."
Tumango ako at inayos ang bahagyang kusot sa uniporme bago ako tumayo at nagpunta sa harapan. Lahat ng mata nila'y nakatutok ngayon sa akin. I smiled nervously.
"Good morning... my name is Parvana Naia Bukhari. I... uh... I'm already 14 years old."
"Parvana, you have a Muslim sister over there..." Ms. Corazon said, gesturing to the girl at the back row. Tinitigan ko siya. She's not wearing a hijab. In fact, I immediately noticed that her skirt is a little shorter than the rest of us. "Albeit this is a Catholic school, we accept our Muslim brothers and sisters with our warmest welcome."
Tipid akong ngumiti kay Ms. Corazon at tumango. "Thank you, Ma'am."
"Would you like to sit there?" alok niya sa akin.
Binalingan ko ulit ang babaeng Muslim at nahuli siyang iniirapan ako. Offended by her catty gesture, I shook my head almost immediately.
"A-Ayos lang po ako sa upuan ko, Ma'am."
"Alright, then." She gestured towards my seat. "Take a seat and we will start our class."
Mabagal akong nagtungo sa aking upuan. Ang irap ng babaeng Muslim sa akin ay nagtagal sa isipan. I'm starting to think that she doesn't like me at all, albeit meeting for the first time. I sighed inwardly. I guess I'd lose my only Muslim sister here inside the classroom.
"Hi..."
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may bumulong mula sa aking likod. Nagsasalita na ngayon si Ms. Corazon ukol sa takdang-aralin na wala akong kaalam-alam. Nilingon ko ang bumulong sa akin at nakita ang nakangising mukha ng magandang babae na tinabihan si Zeus kanina.
"My name is Zoelline." She whispered, her cute glossy lips moving slowly. "But you can call me Zoey..."
I smiled at her, relieved that someone is finally being nice to me.
"Parvana..." wika ko sa kaniya.
She smiled wider. Bahagya pa niyang inusog ang kaniyang upuan para mapalapit ang kaniyang mukha sa akin tapos bumulong ulit.
"Anong skincare routine mo?"
"Huh?" namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
Maingay na humagikhik si Zoey. Kinabahan kaagad ako. Buti nalang ay abala pa sa pagsusulat si Ms. Corazon sa pisara.
"Ang kinis-kinis kasi ng mukha mo..." nagtagal ang titig niya sa aking mukha, dahilan upang pamulahan ako ng pisngi. "Tapos ang ganda-ganda mo pa..."
"T-Thank you."
"Pero seryoso... ano nga skincare routine mo?"
"Miss Monterio!"
Napaigtad kaming dalawa sa dumagundong na boses ni Ms. Corazon. My heart raced when I saw her squinting her eyes at us.
"Recite the preamble." Anito sa nakasimangot na mukha.
Natatawang tumayo si Zoey mula sa kinauupuan. She cleared her throat and glanced at me, winking before she turned to our teacher.
"We, the sovereign Filipino people..."
Nalunod ang boses ni Zoey dahil sa matinding kaba ko nang tinawag ng teacher. I heard bits and pieces of the preamble as she recited it in front of everyone. She recited it with utmost confidence and smirked when she was done.
"Stop talking in my class, Miss Monterio... masyado ka nang naiimpluwensiyahan sa mga kalokohan ni Mr. Ferrer." Anito bago siya pinaupo.
"Hayaan mo lang si Ma'am, bitter kasi yan kay Zeus." Bulong nito sa akin nang umupo.
I silently giggled at what she said. Bakit kapag siya ang nagbibiro ay gumagaan ang pakiramdam ko? Pero kapag yung Zeus, para na akong aatakihin sa sobrang kaba.
We had three classes that morning before the bell rang, indicating that our classes are over. Mabagal ang ginawa kong pag-aayos sa mga gamit ko, walang ideya kung saan kakain ng lunch.
"Parvana..." untag sa akin ni Zoey. She hopped in front of me and I noticed that just like my other Muslim sister in class, her skirt is shorter, too. That, or mine is just a tad longer than everyone else's.
"Yes, Zoey?"
"Eat with us." Hinila niya ang braso ko. "Sa ilalim kami ng puno ng mangga kumakain madalas, kasi maraming tao at punuan sa canteen."
I nodded my head.
"May baon ka ba?"
"Uh... oo."
"Good." Pansamantala niya akong binitawan upang sikupin ang kaniyang hanggang beywang na buhok at itinali. Bahagya pang ngumiwi ang mukha nito at pinunasan ang namuong pawis sa kaniyang noo. "Ang init talaga dito sa room..."
Matapos ligpitin ang mga gamit ay sumunod na ako kay Zoey sa labas. Maingay ulit ang corridor dahil sa pagsisilabasan ng mga estyudante at biruan nila sa isa't-isa. Nanatiling nakahawak ang kamay ni Zoey sa aking braso habang hila-hila niya ako patungo sa quadrangle.
Nilagpasan namin ang maliit na gym at ngayo'y patungo na sa malaking puno ng mangga malapit sa isa pang building ng eskwelahan. May grupo nang nakaupo doon.
Zoey turned to me and grinned. "Mga kaibigan ko sila, huwag kang mag-alala, mababait yun!"
I nodded and smiled at her while walking. Ramdam ko kaagad ang pagtama ng tingin ng mga taong nakaupo sa puno ng mangga. There were three of them. Dalawang lalaki at isang babae.
"Hi!" Zoey greeted. Binitawan na niya ang aking kamay nang huminto kami sa kanilang harapan. "I brought a friend,"
She gestured towards me. Nginitian ko silang tatlo. The other guy with a green ID sling frowned at his food before looking up at me. Tipid niya akong nginitian.
"This is Leviticus," turo niya sa lalaking mukhang grade 7 pa ata. "Kapatid siya ni Zeus..." tapos isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi niya. "Yung kanina...?"
Tumango ako sa sinabi niya, bumalik ang pamumula ng pisngi. "Ah... oo."
"Levicitus, sister in law mo..." inakbayan niya ako at humalakhak.
Bored akong tiningnan ni Leviticus. Then he scoffed. "Levi. Hindi Leviticus." Anito sa naaasar na boses.
Ngayon ay naiintriga nang nag-angat ng tingin sa akin ang isa nilang kasama na lalaki. Matangkad ito at may slit ang isang kilay. Mapanuri niya akong tiningnan.
"Si Zeus? Pinopormahan niya?"
Tawa lang ang isinagot sa kaniya ni Zoey saka siya umupo.
"Knowing my brother, he flirts with all the girls in school. Ano pa bang bago, Kuya?" ani Levi sa lalaking tawa din ang isinagot sa sinabi niya.
"Wenceslao nga pala..." aniya sabay abot ng kaniyang kamay sa akin.
"Parvana Naia..." ngiti ko sa kaniya.
Aabutin ko na sana ang kamay niya nang may biglang humarang. Nagulat ako nang makita ang kamay ni Zeus na nakahawak sa akin at pinanlilisikan na ngayon ng mata ang isang kaibigan.
"Kamay mo, Wen, hindi ka pa nanghuhugas..." anito sa baritonong boses.
Feeling electrocuted by his touch, mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin at namimilog ang mga matang nakatitig sa kaniya. Napakamot siya sa batok at mabilis na nawala ang kunot sa noo.
"Sorry. Hindi ba kayo puwedeng hawakan?"
"Anong hindi? Eh kung saan-saan nga napapadpad ang kamay mo nung kay Nazrah eh," the other girl supplied. Zeus chuckled.
Siniko ako nang mahina ni Zoey dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. "Nazrah is the other Muslim girl in the classroom. Yung hindi nagsusuot ng hijab."
"Bakit nga pala hindi nagsusuot ng hijab ang isang yun?" tanong ng babae pero ang mga mata niya'y nakadirekta sa akin. "Okay lang ba yung ganun?"
I smiled at her. "Wearing hijab is a religious choice. And wearing hijab is not just covering the hair. It is meant to cover as much skin as possible."
"Ahh..." tumango-tango ang babae.
Naupo si Zeus sa harapan ko. With his long legs spread wide apart, he pulled out his lunchbox from his knapsack. Napansin kong hindi na niya dala ang kaniyang gitara ngayon.
"Let's eat." Zoey announced, at isa-isa na nilang nilabas ang kanilang baunan.
I pulled out mine, too. Inihanda ito ni Mama Normillah sa akin kanina bago ako umalis ng bahay. I only have money for my fare and some snacks kaya hindi ko rin kayang bumili ng lunch ko sa cafeteria.
Seryosong binuksan ni Zeus ang kaniyang baunan. I eyed the fried porkchop immediately. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ibinaba ulit ito sa kaniyang pagkain. Tapos ay binalingan niya ang kapatid na may parehong ulam. Nilingon niya si Wenceslao.
"Palit tayo." Aniya.
Kumunot ang noo ni Wenceslao sa sinabi ng kaibigan. "Huh?"
"Palit tayo ng lunch. Porkchop ang ulam ko."
"Eh isda 'to—"
Hindi na niya pinatapos ng pagsasalita si Wenceslao. Mabilis niyang dinampot ang kaniyang baunan mula sa hita at ipinalit sa kaniyang lunchbox. Kumunot ang noo ng kaniyang kapatid sa inakto ng kuya.
"Anong ginagawa mo, Kuya?"
"Mas gusto ko pala ng isda." Ani Zeus na nakatingin sa akin. "I'm suddenly allergic to pork."
Sumabog ng tawa ang isang babaeng kasama namin, tumalsik-talsik pa ang kanin mula sa bibig dahilan ng pagmumura ni Levi sa harap ng pagkain.
"Mga galawan mo, Zeus!" kantiyaw niya.
Pati si Zoey ay nakitawa rin. Levi groaned out loud.
"This is the last time I am going to eat with you." he rolled his eyes in annoyance. "You guys are disgusting."
My eyes widened at his harsh words. Kaagad niya itong binawi nang makita ang ekspresiyon ko sa muhka.
"Except you, Ate Parvana..."
"Uh..." hindi ako nakasagot kaagad.
"Kain na tayo!" ani Zeus at binalingan ulit ako. "Naia, ano bang sinasabi kapag kumakain na? Dasal o ano?"
"Bismillah is fine..." I smiled politely to him.
"Alright. Bismillah..." he uttered seriously. Pumula ang pisngi ko at yumuko sa pagkain. Ibinulong ko din iyon bago ko kinuha ang kutsara't tinidor.
"Trying hard ka, Zeus. Hindi ka naman Muslim, eh." Komento na naman ng isang babae kanina.
She's really talkative and noisy and yet, I still don't know her name.
Ngisi lang ang isinagot sa kaniya ni Zeus at sinimulan nang kainin ang pagkaing inagaw niya mula sa kaibigan. Mukhang natuwa naman si Wenceslao sa panibagong ulam niya at kaagad na itong nilantakan.
"Bakit ka nga pala sa Catholic school lumipat, Parvana?" tanong sa akin ni Zoey habang ngumunguya. "May ibang non-sectarian naman na eskwelahan?"
"Uh... ito kasi ang pinakamalapit sa bahay namin."
"Sabagay, hassle nga talaga kapag malayo ang bahay mo ano?"
"That, and I need to go home before sunset."
"Bakit? Curfew?" pang-uusisa pa niya.
"Not really. We always have our Maghrib prayer every after sunset."
"Magh—ano?" kumunot ang noo niya.
"Maghrib." I said again.
"So you're required to be indoors then, before sunset?" si Zeus naman ang nagtanong.
"Uh... oo." Mahina kong sagot, bigla ulit kinakabahan na kinakausap na naman niya ako ngayon.
"Hmm. No social life, then? Parties?"
Kumunot ang noo ko saka marahang umiling.
"Huwag ka nang umasa, Zeus." Sabat na naman ng babae. "For all we know, strict ang parents nitong si Parvana. Atsaka, walang magulang na gustong mapalapit ang anak nilang babae sa iyo."
Ngumuso si Zeus. "Grabe ka, Sheryl, ha."
Tawa lang ulit ang isinagot ni Sheryl sa kaniya. Siniko ako ni Zoey dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
"Diba bawal kayong mag-asawa ng hindi Muslim?"
Nawala ang ngiti sa mukha ni Zeus at nagseryoso ito nang tumingin sa akin, naghihintay ng sagot.
I nodded my head. "We are encouraged to marry Muslim men."
Nagtaas ng kilay si Zoey at tiningnan si Zeus. "Rinig mo yun, Zeus?"
"Wala bang exception?" tanong niya kaagad.
"Eh bakit yung si Nazrah, nakikipaglandian dito kay Zeus?"
"Uhm... hindi ko alam. Yung lang ang sinabi ni Mama Normillah sa akin. Most of the time, Muslim men can marry non-Muslim women. But Muslim women are highly encouraged to marry Muslim men."
"Ay?" ngumiwi si Sheryl bago nagpatuloy sa pagkain.
Tumahimik na si Zeus at sumeryoso ang mukha, ibinagsak ang tingin sa kinakain bago nagpatuloy.
"So... a marriage of a Muslim woman to a non-Muslim man is considered... a taboo?" Si Wenceslao.
"Hmm. Oo." Tumango ako. "It goes against to what the Qur'an is saying."
Nagpatuloy ako sa pagkain. Most of them are noisy but Zeus didn't say a thing until lunch ended. I wonder if I have offended him. Hindi na umiimik at mukhang nabadtrip.
"Hayaan mo na yun, bipolar ang mokong na iyon." Ani Zoey kinahapunan nang tanungin ko siya kung ayos lang ba si Zeus.
"Sigurado ka?"
"Mm-hmm. O baka stressed out lang kasi magpi-perform ulit kami bukas nang walang maayos na practice?" tumawa si Zoey. "But... nah. Zeus is never stressed out when it comes to performance and his music. He knows that the crowd is going to love him, kahit na tumayo lang siya diyan at mangulangot. Ganun siya kagwapo."
Tumango lang ako sa sinabi ni Zoey. She insisted na ihahatid niya ako sa gate at pasasakayin ng tricycle bago niya puntahan si Zeus para sa kanilang practice. I've just learned that Wenceslao, Zoey, Zeus, and the other guy named Troy (who still have no face to me) are in the same band. Pinangungunahan ito ni Zeus. Both Wenceslao and Zeus are Grade 12. Samantalang si Troy naman ay Grade 10 at ang pinakabata ay si Zoey na Grade 9 pa lamang.
Busy sa kaniyang cellphone si Zoey habang naglalakad kami palabas. Ibinulsa niya din ito at kaagad na naghanap ng tricycle na masasakyan ko.
"Kuya, ihatid mo siya sa Sigaboy, ah?" ani Zoey at tinapik-tapik pa ang gilid ng tricycle bago ito umandar.
I waved goodbye at her and then settled on my seat. Medyo naiinitan na ako sa panghapong araw pero binawi naman iyon ng malamig na hangin dulot ng mga matatayog na puno sa lugar.
When I arrived home, Mama Normillah is already preparing our praying rug. I greeted her and immediately washed my face, legs, and arms before I changed into a comfortable clothing. Inayos ko ulit ang aking hijab at lumabas na ng kwarto.
Baba is already there. We stand next to him and started our prayer by saying "Allah-hoo Akbar" meaning "Allah is Great..."
I closed my eyes and suspended both of my hands to level my shoulders. Then, I rested my left hand on my chest and my right hand over my left hand.
"Subhaan-Allaah wal hamdu Lillaah wa laa ilaaha ill-Allaah wa Allah-hoo akbar wa laa hawla wa la quwtaa illa Billaah..."
Nangunguna ang baritonong boses ni Baba sa pagsambit namin ng dasal. I freed my mind of the things that had been bothering me and focused on praying and praising Allah, in the peace and silence that our house brings.
"Allah-hoo Akbar..."
We bowed down to the raku and recited the "Subhana rab-bi yal adheem" three times before we raised up and straightened our hands.
"Sami Allaah hoo-liman hamidah..."
And in our standing position, we prayed.
"Rabbanaa wa lak al-hamd..."
I closed my eyes as I became more aware of my surroundings—the silent melody of the wind chimes, the cool afternoon air caressing my cheeks, and my heart beating calmly inside of my chest.
I prayed to Allah and seek for forgiveness. For being offended of how my classmates have treated me earlier, I could've been more understanding. For the silent judgement in my head as I mingle with the other kids. And for the things I have been ungrateful for this day.
The silent prayer in our house went on, until my Mama Normillah turned to me and whispered.
"As Salaam-u alaikum wa rahmatullah..." then she turned to my Baba and recited the Salaam again.
The maghrib prayer ended by performing the three rakats fardh of the Salat Al-Maghrib. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos naming manalangin.
"Would you like some Basbousa with almond, Parvana?" Mama Normillah asked me.
Nang makatayo si Baba ay mabagal siyang naglakad patungo sa aming terazza. Binalingan ko ang aking ina.
"Yes, Mama-jan..."
"Come, help me in the kitchen," malumanay niyang wika.
Sumunod ako sa kaniya patungo sa aming maliit na kusina. The house we bought is just good enough for the three of us. Baba and Mama Normillah shares the biggest room in the house while I sleep on the other room with pink wallpapers. Mama Normillah placed some yellow curtains with tiny red flowers imprinted on the fabric and gave me here favorite scarf when we got her, just to help me stop crying due to separation from my friends.
"Mama Normillah..." ani ko habang inihahanda niya ang panghimagas sa tatlong platito. She turned to me and gave me a kind smile.
"Hmm?"
"Interfaith marriage is forbidden in our faith... right?"
"Yes, Parvana." Ibinalik niya ang kaniyang tuon sa ginagawa. "Why?"
I nibbled my lower lips. "I saw a Muslim girl in class today, but she's not wearing a hijab."
"It is her choice, Parvana. Remember that wearing hijab shows commitment to the Islam faith. No one is forcing anyone to wear head scarves if they don't want to."
"And... she dates non-Muslim boys."
Suminghap si Mama Normillah at mabilis na napatingin sa akin. "Parvana, you are too young to be talking about relationships!"
"Naitanong ko lang naman po, Mama Normillah..."
Her lips pursed before she eyed me suspiciously.
"When I grow up, am I to be wed with a Muslim boy, too?"
"Of course, Parvana!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang dumagundong ang boses ni Baba sa aking likuran. Nang lingunin ko siya ay nanliliit na ang mga mata nito sa galit at iritasyon sa akin.
"Why are you talking about nonsensical things?"
"Baba..." Mama Normillah said gently. She signaled me to shut my mouth before Baba gets really mad. Tumungo ako at hindi kumibo. "Our daughter is just asking. She's growing up. Kids at her age ask about a lot of things. They want to know more and explore."
"The only thing she should explore is how to behave like a good wife in the future!" mariin nitong asik sa akin. "I don't even get why you send this girl to school. You should just let her stay here, covered, and train her to be a wife!"
"Baba, please..."
Nanghahapdi ang dibdib kong dahan-dahang umalis sa kusina. Naulinigan ko ang nagbabadyang pagtatalo ni Mama Normillah at Baba nang dahil sa akin. I went to my room and shut the door, my heart feeling heavy inside of my chest.
Nahiga ako sa kama at tumitig sa puting kisame. Sighing to myself, I got up again and removed my hijab. I gently remove the band and let my braided hair hung loose. Sinuklay ko gamit ang aking mga daliri ang umaalon kong buhok at napatitig sa salamin.
Allah would surely grant me a nice Muslim boy to marry in the future. My God guides me from the moment I was born and I am sure that He will also help me to become a good wife to my future husband. It pains me to think that up until now, my Baba is against my studies.
Nanatili ako sa kwarto ko at hindi nag-atubiling lumabas sa takot na mapagalitan na naman ni Baba. Pagkatapos nang ilang sandali ay narinig ko ang marahan na pagkatok sa aking kwarto. I quickly grabbed my hijab and covered myself before rushing to throw the door open.
Mama Normillah smiled at me.
"Hindi mo pa nakakakain ang panghimagas mo, Parvana..." aniya sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa platitong dala niya at ngumiti. Mama Normillah stepped inside my room and scanned the surroundings. She taught me how to always keep my room clean and organized. Mama Normillah believes that a clean room can also promote a clean mind and pure thoughts.
"Pagpasensiyahan mo na ang Baba mo. He is going through a difficult phase right now. I hope you won't get tired of understanding him."
"It's okay, Mama Normillah. Baba's got a point."
Mama Normillah gently caressed my cheeks. "I know, Parvana. But you can't live your life according to what your Baba says. I want you to study and become a successful woman of your own. Becoming a wife and motherhood will come, but I want you to stand on your own feet. Your success should not depend on your husband or any other man."
Tumango-tango ako at inilapag ang platito sa aking hita, nawawalan na ng ganang kainin ito.
"Now, do your homework and I'll be back at the kitchen, preparing our dinner. Tatawagin lang kita kapag kakain na."
"Yes, Mama-jan..."
Tumayo siya at inayos saglit ang kaniyang hijab bago nagtungo sa aking pintuan. Bago pa man niya ito naisarado ay hindi ko mapigilan ang sariling magtanong.
"Mama-jan?"
"Yes, Parvana?"
I nibbled my lower lips and looked away.
"Nung nag-desisyon ka pong pakasalan si Baba... kahit muslim siya..." I swallowed. "D-Do you think that it's the best decision you've made? Don't you regret it?"
Mama Normillah smiled gently at me again. Her eyes told me that she knows about the confusion and battle going on inside of my head right now.
"Parvana... marrying your Baba and embracing the Islam faith is my choice. You are the sailor of your own ship, my young girl. Sometimes, you make tough decisions for the one that you love..."
Mama Normillah's words rang inside of my head even before I went to sleep that night. I know the rules. I am aware of the boundaries and I ought to follow it, as a girl who had been raised by Islamic parents and lived in a Muslim community since birth.
Confusions of interfaith marriage never crossed my mind until today. It bothers me that fear is starting to take place inside of my chest, knowing that I should only marry a Muslim boy when the time comes.
What if... what if I fall in love with a non-Muslim boy? Is he willing to convert his religion for me? But it will still be considered a taboo. And my Baba will never accept it.
The far of my young heart's decision had now consumed me that when I went to school the next morning, I didn't wear my usual smile.
"Parvana..." I heard Zoey's singsong voice from behind.
Napakurap ako at nilingon siya. Nginisihan niya ako nang makita at mabilis na ikinapit ang kaniyang braso sa akin.
"Manuod ka sa amin mamaya! Magpi-perform kami sa surf café..." wika niya sa akin.
"Kayo... nila Zeus?" nag-aalangan kong wika.
"Yup! Our friends will be there, too. And there will be drinks." She wiggled her eyebrows.
Hilaw na ngiti lang ang tanging naibigay ko sa kaniya. We are forbidden to consume alcohol aside from our non-pork diet. As defined by our Islam faith, women are ought to act modest and shall never be seen in places like... bars and clubs.
"Pasensiya na, Zoey... we always have our Maghrib prayer at 6 pm..."
Ngumuso si Zoey sa sinabi ko at umayos ng tayo, sinusuri ang mukha ko.
"Eh pagkatapos niyong magdasal?"
"My Baba will surely whip me if he finds out that his daughter had gone out of house after sunset."
Zoey groaned. "Really?"
"Yes."
"Sayang naman. Kung ganun ay marami ka palang performances namin na mami-miss mo?"
Tawa lang ang isinagot ko sa kaniya. I had been ignorant of a night life as all my quiet nights are spent inside the house, or inside my room. I am either reading a book or doing my homework kaya wala akong karanasan sa kung ano man ang ginagawa ng mga tao kapag sila ay nasa bar.
"Takas ka nalang... sige na. Zeus would surely be glad to have you watch him perform. Crush ka nun, eh."
Pumula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Thankfully, she failed to notice the twin spots of crimson that occupied my cheeks as she continued to try and convince me.
Nagtapos ang araw na iyon na puro nalang pangungumbinsi ni Zoey na panuoring silang mag-perform ang lumalabas sa kaniyang bibig. She ate her lunch with me but returned quickly to their practice room para sa performance nila mamayang gabi.
"Sige na, Parvana..." ungol niya habang naglalakad kami palabas ng gate. I have never seen Zeus today. Ang nakababata lang niyang kapatid na sabay naming kumain ng lunch kanina at si Sheryl.
"Pasensiya na talaga..."
Lupaypay ang mga balikat niya at ngumuso nang ipinara niya ako ng tricycle. I could see the disappointment in her eyes.
"Babawi nalang ako sa susunod..." ani ko bago sumakay ng tricycle.
Nang makarating ako sa bahay ay labis kong binagabag ng mga sinabi ni Zoey. I have never seen them perform. Yung sa classroom lang. Pero sa adorasyon ng masa sa kanila at sa lamig ng baritono at magaspang na boses ni Zeus, alam kong magaling talaga ang kanilang banda.
Maybe the dire need to see them and the curiosity of what a café looks like at night gave me the courage to approach my Mama Normillah after our Maghrib prayer.
Tumikhim ako, bahagyang nanginginig ang mga labi sa kaba.
"Mama Normillah..."
"Yes, Parvana?"
My heart thundered inside of my chest as I shifted my weight on my chest. Sa nauutal na boses ay lumabas din ang mga salitang gusto kong sabihin.
"P-Pwede po ba akong lumabas ngayong gabi?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro