This Heart Belongs To YOU - 8 (Date?)
💙 8
Blake's POV
Nasa byahe na kami papuntang mall nitong si Chloe nang biglang makatulog ito, kaya naman napagdesisyunan kong magpa-ikot ikot muna kami kung saan saan bago dumiretso sa mall dahil mukhang napagod ito.
Wala naman talaga akong balak kaninang tulungan ito. Bago kami nagkasama ngayon ay nakita ko siyang lilinga linga sa park. Pagtingin ko sa likod ko para magpaalam na pupuntahan ko si Chloe ay wala na yung dalawang bugok na kasama ko. Nung una ay sinundan ko lang muna si Chloe at ilang sandali pa ay napansin kong parang may hinahanap ito kaya naman nilapitan ko siya at tinanong kung nawawala siya. Hindi naman ako nagkamali dahil tama ang hinala ko. Akala ko nung una ay mamimilit ito na magsumiksik sa akin at magpatulong dahil parang mangingiyak ngiyak na ito ngunit nagkamali ako. Hinayaan niya akong maglakad matapos niyang makitawag sa akin at nagsimula siya ulit na maghanap. Doon ko siya nilapitang muli at ako na ang nagalok na samahan ito. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng sense of responsibility ng makita siyang nag-iisa at naliligaw pa.
Sense of responsibility.. Again.. The hell with this Sense of Responsibilities!!!
Habang naglilibot kami sa park ay wala itong kibo. Ni hindi man lang ito namamangha sa mga sceneries na nakikita namin kaya naman nanibago ako. Parang matamlay ito. Naisip kong tanungin kung may problema pero tumanggi lang ito. Nang mag-aya naman itong kumain kanina ay hindi ko makalimutang sinabihan niya akong gwapo. Hindi ko tuloy napigilang mapailing muli at mapangiti. Muli ay bahagya akong natawa ng maalalang tanungin nito kung date ang pagpunta namin ng mall. Tinawanan ko siya kanina at sinabihang, in her face.
Silly girl..
Nakailang ikot na rin ako kaya naman napagdesisyunang magparada na sa parking lot sa loob ng mall. Nang maiayos ko ang sasakyan ay doon ko sinimulang gisingin si Chloe. Mahimbing pa rin itong natutulog kaya naman ako na ang nag-alis ng seatbelt niya. Dahan dahan ko iyong tinanggal para hindi ito matamaan sa mukha ngunit hindi ko inaasahang madulas ang kamay ko at mapasubsob sa mukha nito. Napapikit ako ng sandaling iyon at naramdaman nalang ang labi ko sa labi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko. The next thing I know ay agad akong lumayo saka ako napabuntong hininga.
Sh*t! Damn it!
Nang lingunin ko ulit si Chloe ay payapa pa rin itong natutulog.
What the heck?! Hindi man lang nagising?
"Chloe? Hey.." sabi ko dito saka ko siya marahang tinapik sa pisngi. "Chloe.." ulit ko pero hindi pa rin ito nagigising.
Hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha niya ng sandaling iyon. Ang kamay ko na kanina'y tinatapik ang pisngi niya ay kusang kumilos para haplusin ang mukha nito.
Pinadaan ko pa ang hinlalaki ko sa kanyang mga labi na kanina lang ay nahalikan ko ng hindi sinasadya. Ang malambot niyang labi.
Damn! What are you doing Blake Jayce?! Are you out of your mind?! Wake her up!!!
Yun ang utos ng utak ko pero mag pumipigil din sa aking gawin iyon. Napabuntong hininga nalang tuloy ako at napahawak sa sintido ko.
"Chloe.." tawag ko muli sa kanya at sa pagkakataong ito sa balikat ko siya tinapik. Hindi naman ako nabigo dahil dahan dahan itong gumalaw at unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Hey, we're here." pukaw ko dito kaya naman nilingon niya ako at nginitian saka ito tumango.
Agad akong bumaba ng kotse para sana pagbuksan ito pero huli na ang lahat. Iinat inat pa ito ng makalabas siya sa kotse.
"Parang ang layo naman ng pinuntahan natin?" sabi nito.
"Hmm." sagot ko nalang dito.
"Meron ba silang parang Dave & Busters dito na parang amusement center? Or movie muna tayo? Or meryenda?" sunod sunod nitong tanong.
"Nakatulog ka lang naging madaldal ka na." nakangising sabi ko dito.
"Recharge babe. Recharge." natatawang sabi nito.
"Babe?" kunot noong sabi ko.
"Oh, sorry. Kapag kasi may mga nakakasama ako, natatawag ko silang babe. Sorry. Sorry talaga." bakas naman dito na pinagsisisihan niya talaga ang pagtawag nun kaya naman umiling nalang ako.
"It's fine." sabi ko dito.
Fine?! Anong fine Blake Jayce?! Nababaliw ka na ba?! Tilian ka nga lang ng babae para ka ng manununtok?!
Napailing ako ng sandaling iyon ng may maliliit na boses ang nagtatalo sa utak ko.
"Sorry talaga. Komportable ka lang kasing kasama." pukaw nito sa akin.
"Komportable?" ulit ko.
"Hmm. Parang wala ka naman bagay na gagawin sa akin na hindi ko magugustuhan." nakangiting sabi nito kaya naman parang sinundot ang aking konsensya.
Hinalikan mo siya kanina Blake!
Aksidente iyon! Siraulo!
Aksidenteng ginusto mo?!
Napahawak ako sa nose bridge ko ng sandaling iyon. Kung may nakakarinig lang ng pagtatalo sa utak ko ngayon ay sasabihan na siguro nilang nababaliw na ako.
Pagpasok namin ng mall ay palinga linga lang si Chloe. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghawak niya sa laylayan ng tshirt na suot ko. Dahilan para matigilan ako kaya naman nabunggo ang mukha niya sa braso ko.
"Aww! What?" kunot noong sabi nito habang sapo ang ilong niya.
"What are you doing to my shirt?!" kunot noong tanong ko dito.
"There's a lot of people here. Mamaya mawala ulit ako. Mahirap na. I don't have my phone with me." naiilang na sabi nito.
Napabuntong hininga ako ng sandaling iyon saka umiling. Walang ano ano ay kinuha ko ang kamay nito at hinawakan iyon saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
"What do you think your doing?" kunot noong tanong sa akin ni Chloe.
"Para kang bata. Lagi kang nagwa-wonder habang naglalakad. Mas okay ng ganito kesa nakahila ka sa tshirt ko." sabi ko dito.
"Ahh, okay." kibit balikat na sabi nito saka siya muling luminga linga kung saan saan kaya naman bahagya nalang akong napangiti.
Wala man lang siyang pakielam na magka-holding hands kami ngayon? Weird talaga tong babaeng to.
Ilang sandali pa ay kung saan saan niya na ako hinila. Ngayon naman ay nandito kami sa isang clothing shop. Hawak ko pa rin ang kamay niya ng sandaling iyon pero naramdaman ko ang pagbitaw niya saka niya itinaas ang isang polo at itinapat sa akin.
"Nice. Bagay sayo." nakangiting sabi niya sa akin.
"I don't need that." sabi ko dito.
"Don't worry. Hindi naman para sa iyo." sabi nito kaya naman napakunot noo nalang ako. "Miss, I'll have a medium size of this one." pukaw niya sa saleslady na nandoon.
"Nice choice po Maam. Bagay po sa boyfriend niyo." sabi ng saleslady sabay tingin sa akin.
Boyfriend?!
"Di ba po? Kaso ayaw niya kaya ibibigay ko nalang sa iba." nakangiting sabi nito. Tinanguan naman siya ng saleslady saka ito tumingin naman sa dress section. Nang makapili siya ay humarap ito sa akin saka niya itinapat ang dress sa kanya. "Pretty right?" tanong nito.
Sinipat ko ng tingin ang kabuuan niya ngayon. Ilang segundo ko pang ginawa iyon saka ko ibinalik ang tingin ko sa mukha niya.
"Yeah." tipid na sagot ko kaya naman nginitian niya ako saka ito muling nagbalik sa pagtingin ng mga damit.
Nang makapagbayad siya ay ako na ang nagbitbit ng paper bags nito.
"Hey, ako na." pukaw niya sa akin.
"It's fine." sagot ko dito saka ko hinawakang muli ang kamay niya.
"Gentleman ka pala?" sabi nito habang naglalakad kami.
"Well, I'm raised to be one." sagot ko.
"Hmm.. you're a great man Ake." rinig kong sabi niya kaya naman nilingon ko siya.
Gaya ng dati ay palinga linga pa rin ito sa paligid, at ang mukha niya kaninang matamlay ay mukhang okay na ngayon. Nakangiti na kasi ito sa tuwing may makikitang kamangha mangha.
Sumunod namin naming pinuntahan ay ang Quantum. It's a place where you can play different kinds of games, eat, sing and dance. Okay. An arcade center.
"Basketball Ake oh! Laro ka dali!" sabi nito. Para itong bata na atat na atat makakita ng pagsu-shoot ng bola kaya naman napailing nalang ako.
"Okay. Wait here. I'll go buy some tokens." paalam ko dito saka ako bumili ng tokens.
Bakit ko nga ba to ginagawa? Paano akong nakakapag-tiyaga sa babaeng ito?
Pagkabili ko ng tokens ay agad ko siyang binalikan. Nakita ko ang mukha nito na parang malalim nanaman ang iniisip at walang kasiyahan sa mababakas sa kanyang mukha. Malapit na ako sa kanya pero tila hindi man lang ito aware.
"Hey. You okay?" pukaw ko dito.
"Ha? Ah, yeah." sagot nito na may pilit ngiti sa kanyang mga labi. "May naalala lang ako."
"Hmm. Okay. Marunong ka niyan?" tanong ko dito saka ko tinuro ang basketball ring para maiba ang usapan. Mukhang ayaw kasi nitong pag-usapan ang kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon.
"Ah, hindi eh. Ikaw muna maglaro. Magchi-cheer ako muna ako."
"Sige." sabi ko dito saka niya kinuha ang paper bag sa akin.
Nakailang shoot na ako. 93, 105, -- 115.
"Wow! Walang mintis! Ediwow!" bulalas niya kaya naman bahagya akong natawa.
"Try it." alok ko.
"Sige."
Start.
77, 83, 98, -- 112.
Nanlaki ang mga mata ko ng sandaling iyon. Hindi ko inaasahang mapantayan niya na halos ang score ko.
"Wow! No sweat!" bulalas niya.
"Akala ko hindi ka marunong?" kunot noong sabi ko.
"Hindi naman talaga. Nangapa lang ako." sabi nito habang tinataas taas pa ng sabay ang dalawang kilay niya.
"Ang yabang." sabi ko.
"Yabang agad?" ulit niya kaya naman bahagya nalang akong napailing at napangiti. "Nag-smile ka!" bulalas niya.
"So?" sagot ko dito.
"Ang gwapo mo kapag ngumingiti o tumatawa. Dapat madalas mong gawin yan. Akala ko walang ibang reaksyon ang mukha mo eh. Kaya natawag kitang ice prince." natatawang sabi nito.
"Judgmental." nakangising sabi ko.
"Di naman. Pwedeng first impression lang? Ikaw ba naman ang masabihan ng malandi kapag nagtanong ka lang nung first day eh. Abnormal ka kasi. Daig mo pa ayaw mahawakan o makausap." paliwanag nito.
"Ang weird mo talaga." umiiling na sabi ko dito habang siya naman ay inirapan ako saka ito tumawa.
Okay rin pala tong kasama.
Bahagya akong napangiti ng sandaling iyon saka napailing sa naisip. Ngunit hindi ko maitatangging nage-enjoy ako ng oras na to.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro