This Heart Belongs To YOU - 65 (The Parents)
💙 65
Chloe's POV
"Chloe Maven Fuentabella Cavalier, can I court you?" Ulit niya dahilan para itulak ko siya palayo.
"Kung nagbibiro ka Ake, hindi nakakatuwa!" Asik ko rito.
"Kailan ba ako nagbiro Chloe?" Walang reaksyong sabi nito.
Wait. Seriously?!
"Are you kidding me?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Hindi. Hindi ako naniniwala sa tanong nito. Hindi. Ayokong maniwala. Hindi pwede.
Napailing ako at napakunot noo.
"Chloe.." Tawag niya. Nang maramdaman kong papalapit na siya ay bahagya akong umatras. "What the hell?!" Singhal niya sa akin.
Iyan? Iyan ba ang nagtanong kung gusto niya akong ligawan?! Laging nakasigaw sa akin!
"Ake, nakakaasar ka na ah! Tigilan mo iyan! Hindi ka nakakatuwa ngayon! Kung pagti-trip-an mo ako, please huwag. Huwag ako! Iba nalang." Napayuko ako at napakagat labi. Hindi ko maintindihan kung bakit napakabilis ng pintig ng puso ko ngayon, na sa pagkakataong ito ay hindi ko gusto iyon.
"Iba nalang? Are you saying na iba nalang ang ligawan ko? Bakit? Akala ko okay tayo." Sunod sunod na litanya niya. Napakunot noo ako.
Seryoso ba siya?
"Pero.. Kasi.. Ano.. Eish! Hindi ka kapanipaniwala Ake." Bumuntong hininga ako saka ko siya tinitigan. "Stop this prank Ake.." Seryosong sabi ko saka ako tumakbo palabas ng school ground. Swerte namang may nakita akong taxi doon kaya agad ko iyong pinara.
Nang makarating ako ng bahay ay walang bihis akong humiga sa kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko. Ang takot na sa di malamang dahilan ay hindi na mawala sa akin.
Bakit? Bakit kailangang itanong iyon ni Ake?
Dumapa ako. Hawak ang unan ko ay nagpagulong gulong ako sa kama. Kung dati ay dahil sa kilig, ngayon ay dahil sa hindi ako mapakali. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Ake kanina. Hindi rin ako makapaniwalang ganoon na palang way ang tingin niya sa akin.
Hindi ka makapaniwala o sadyang ayaw mo lang paniwalaan?
Napairap ako sa kawalan dahil sa naisip ko.
Knock knock!
Agad akong napabalikwas ng bangon nang makarinig ako ng katok sa pinto ko. Mula doon ay nakita ko ang pagpasok ni Mama.
"Mama!" Masayang bulalas ko. Sinalubong ko ito ng yakap at hinalikan sa labi, a quick peck. "Namiss po kita! Si Papa?"
"I've missed you too baby. Nasa daan pa. May idinaan muna sa opisina bago umuwi." Mataman akong tinitigan ni Mama mula ulo hanggang paa. "Nasabi ni Manang na nagpunta ka daw sa event ng school niyo ah. Ang ganda ganda naman ng anak ko." Nakangiting sabi nito. Nginitian ko naman siya saka ako muling yumakap dito.
"Salamat po Mama.." Lambing ko saka ako napabuntong hininga. Nang makita ko si Mama ay kahit papaano nawala ang pangambang nararamdaman ko.
"How are you iha?"
"Okay naman po Ma." Humiwalay ako sa pagkakayakap saka umayos ng upo.
"Good. Oh si Blake? Ang sabi ni Manang magkasama kayo ah."
Sandali akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ni Ake. Ilang sandali pa ay napanguso ako saka humalukipkip.
"Iniwan ko doon."
"Oh bakit?" Nagtatakang tanong ni Mama.
"Eh kasi.. Alam mo ba Ma, sabi niya gusto niyang manligaw. Ayoko nga!" Nakangusong sabi ko. Narinig ko namang tumawa si Mama kaya nilingon ko siya. "Ma naman.."
"Bakit ayaw mo?"
"Eh, ang awkward! Saka baka niloloko niya lang ako! Kasi ba naman Ma, paano kong paniniwalaan iyon eh lagi siyang nakasigaw sa akin. Laging galit. Laging masungit. Malay ko bang nandoon na pala siya sa puntong, he wants to court me?! No!" Umiiling na sabi ko.
"Pero ni minsan ba hindi niya pinakitang may gusto siya sayo?" Tanong ni Mama.
"Po? Hindi ko alam." Kibit balikat na saad ko. Nakitaan ko naman ng pagtataka si Mama. Bahagya pa itong napangiwi saka siya iiling iling na napangiti.
"Anak, insensitive ka ba?"
"Hala! Hindi naman Ma! Grabe naman po kayo." Nakangusong sabi ko.
"Ah ganoon ba. Hindi ko naman alam ang masasabi ko anak kasi hindi ko naman nakikita kung sweet siya sa iyo o hindi. Hindi ko lang inakalang gusto ka niyang ligawan." Natatawang sabi ni Mama.
"Ma naman.. Parang sinabi niyo naman pong hindi ako ligawin niyan.. That's rude Ma." Himutok ko. Tumawa naman si Mama.
"Akala ko kasi ay iyong Eos ang manliligaw sa iyo dahil mas madalas mo siyang kasama noong wala kami." Komento niya.
"Ases Ma. Hindi ako pumayag."
"Eh kay Blake?"
"Hindi naman iyon seryoso. Baka binibiro niya lang ako. Impossible much kasi Ma. Imagine? Ganoon ugali niya sa akin tapos manliligaw? Kung ganoon type niya ako? Or may gusto siya sa akin? Which is so unimaginable!" Bulalas ko. Tumawang muli si Mama.
"Oh siya magbihis ka at tara sa baba. Paghandaan natin ng makakain ang Papa mo. Pagod iyon masyado. Okay lang bang magpuyat ka? Namiss ka kasi ni Mama." Lambing sa akin ni Mama kaya naman napangiti ako.
Ang tamis! hihi
"Sure Ma! Mauna na po kayo doon, sunod nalang po ako." Nakangiting sabi ko. Tumango naman si Mama saka ito lumabas na ng kwarto.
Nagpalit lang ako ng damit dahil nagdesisyon akong mag-shower nalang mamaya bago matulog. Siguradong magkakaroon kasi kami ng family bonding. Asahan mo na iyan sa tuwing kasama si Papa na uuwi.
Pagkababa ko ng sala ay agad akong dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Mama na naka-apron na at naghahanda na ng lulutuin. Nginitian ko ito saka ako lumapit kung nasaan ang ibang apron at nag-suot ng isa doon.
"Si Manang Ma?" Tanong ko.
"Hayaan mo na siyang makapagpahinga. Maghapong naglinis iyon dito sa bahay panigurado." Aniya. Tumango naman ako.
Nang matapos kaming makapagluto ay inihanda na namin ni Mama ang mesa. Matapos doon ay sabay kaming napalingon ni Mama nang may marinig kaming yabag na galing sa sala. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Papa na papalapit sa kusina kaya naman patakbo akong sinalubong ito ng yakap. Binuhat naman ako nito saka niya ako pinaliguan ng halik sa mukha.
"Papa naman! Eiw!" Biro ko.
Tumawa ito. "Namiss kita my princess!"
"Namiss din kita Papa!" Masayang bulalas ko.
Nang maibaba niya ako ay siya ring talikod niya na parang may hinahanap.
"Oh? Nasaan na ang batang iyon?" Ani Papa.
"Sino Pa?" Tanong ko na hinahanap din ang kung sino mang hinahanap nito habang si Papa ay naglakad papunta kay Mama saka niya hinalikan ito sa noo. Nginitian naman siya ni Mama at hinalikan sa labi.
Ang tamis tamis nila! Ehh!
Alam niyo iyon? Iyong tipong hindi nakakasiwang tignan? Ang cute nga eh.
"Si Blake." Sagot ni Papa kaya natigilan ako. "Blake!" Tawag ni Papa rito.
Nang mapalingon ako sa likod ko ay nakita ko si Ake na matamang nakatingin sa akin ngunit agad ding nagbawi ng tingin saka niya nilapitan si Mama para mag-bigay galang dito.
"Hi iho! Kamusta ka?" Ani Mama.
"Okay naman po." Nakangiting sagot ni Ake.
"Nakita ko iyan sa labas ng bahay palakad lakad sa harap ng gate. Ayaw pa ngang pumasok dahil nahihiya raw." Ani Papa.
Well. Duh?! 10 pm na po kasi eh 'no? Eish!
Gusto ko mang sabihin iyon ay hindi ko na tinuloy dahil alam kong papagalitan lang ako ni Papa. Sensitive iyan eh, kahit sa mga napupuna ko sa ibang tao.
Nakita kong nilingon ako ni Mama saka ito ngumiti. Ngiting alam ko ang ibig sabihin kaya naman napangiwi ako.
"Oh siya. Nagluto kami ni Maven. Kumain na tayo." Ani Mama saka siya bumaling kay Ake. "Ikaw iho? Gusto mo bang kumain or you want some snacks? Pero mas maige kung kakain ka. Light meal lang naman iyon." Alok ni Mama.
"Kakain nalang po ako Tita." Nakangiting tugon ni Ake na ni minsan ay hindi na ako muli pang nilingon.
See? See? Ganyan ba? Ganyan ba ang kaninang nagtanong kung gusto niyang manligaw?! Haynako! Nakakainis! Teka.. Bakit ba kasi ako naiinis?!
Kagat ang ibabang labi ko ay umupo na ako sa upuan. Gaya ng dati ay katabi ko si Ake, kaharap ko si Mama at nasa gitna naman si Papa. Eight seat dinning table ang meron kasi kami.
Sinimulan kong kumuha ng pagkain saka ako bumaling kay Ake. Kahit pa naiinis ako sa kanya ay hindi ako ganoon kasama para hindi ito asikasuhin. Isa pa, sanay na akong lagi itong inaasikaso. Ilang minuto ang nakalipas ay tahimik lang kaming kumain, lahat ata kami ay gutom ng sandaling iyon lalo na si Papa na kulang pa ata ang niluto namin ni Mama.
"Ma, meron pa ba?" Tanong ni Papa kay Mama.
"Tama na 'yan Pa. Gabi na. Mahirap makatulog kapag sobrang busog." Ani Mama kay Papa. Ngumuso naman si Papa kay Mama dahilan para mapangiti ako.
"Tito Gav, Tita Madz." Pukaw ni Ake sa mga magulang ko na maski ako ay napalingon sa kanya. "May sasabihin po sana ako."
"Ano iyon iho?" Tanong ni Papa saka nito pinunasan ang bibig gamit ang table napkin na nandoon.
"Pwede ko po bang ligawan si Chloe?"
Nanlaki ang mga mata ko ng sandaling iyon. Narinig ko namang tumawa si Mama kaya nilingon ko siya at nang magawi ang paningin ko kay Papa ay naka-kunot noo ito.
"Kung sa akin lang Blake, ayos lang." Ani Mama kaya naman ako rin ay napa-kunot noo na. Nang lingunin kong muli si Ake ay nakangiti na ito kay Mama.
"Tito Gav? Pwede po ba?" Tanong muli ni Ake kay Papa.
"Seriously?" Ani Papa.
"Opo." Seryosong sabi nito kaya naman nakaramdam nanaman ako ng kaba.
Iyon namaman ang napakabilis na pintig ng puso mo na akala mo'y nagwawala ng sandaling iyon.
"Anak kaya mo na ba?" Baling ni Papa sa akin.
"Po?" Naguguluhang sabi ko.
"Kung kaya mo ng magkagusto ulit ay okay lang. Matagal naman na naming kilala si Blake at alam ko kung paano ka niyang bantayan at alagaan kapag wala kami." Ani Papa.
"Pumapayag na po kayo Tito?" Bulalas ni Ake sabay tayo nito sa pagkakaupo. Nang mapansin niyang lahat kami ay nagulat sa reaksyon niya ay tumikhim ito saka iniayos muli ang pagkakaupo sa kanyang silya.
"Basta hindi mo sasaktan si Maven Blake. Alam kong alam mo nanaman ang kalagayan niya hindi ba? Hindi pa tayo sigurado sa lagay ng puso niya." Ani Papa.
"Teka teka po.. Akala ko ba bawal na muna akong magpaligaw Papa?" Singit ko. Grabe lang! Parang wala ako sa usapan nila kung magbilinan ang mga ito!
Nagtinginan sina Mama at Papa saka ngumiti at nang ibaling nilang muli ang paningin nila sa akin ay mas lalong ngumiti ang mga ito.
"Wala kami sa lugar para pigilan ang ganyang klase na nararamdaman ninyo. Ang amin lang ay gagabayan pa rin namin kayong dalawa at ituturo sa inyo ang mga limitasyon na dapat niyong sundin. Ayaw naming maging mahigpit anak dahil napagdaanan naman na rin namin iyan. Mabuti nga't nagpaalam si Blake sa amin ng Papa mo eh." Ani Mama dahilan para mapangiwi ako.
"Kaya sa huli anak, nasa sa iyo ang desisyon." Ani Papa saka ito bumaling kay Ake. "Good luck Blake." Nakangiting sabi ni Papa kay Ake saka pa ito nag-thumbs up.
Gusto kong mapa-face palm ng sandaling iyon. Gusto kong tumakbo dahil sa kung anong hiya ang nararamdaman ko kay Ake ngayon. Gusto kong sumigaw dahil para bang wala na akong lusot sa ngayon.
"Chloe.." Tawag sa akin ni Ake. "Paano ba iyan? Sisimulan ko na." Nakangising sabi nito.
"Mukha mo! Tigilan mo ako Ake!" Inis na sabi ko rito.
Ayoko! Hindi pa rin ako naniniwala!
TO BE CONTINUED..
Arte! XD
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro