Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 63 (Masquerade Ball 1)

💙 63

Chloe's POV

Matapos kong maglagay ng konting make up ay malaya kong inulugay ang buhok kong medyo kinulot ko sa dulo. Nang tumayo ako ay siya ring harap ko sa full body mirror na nasa kwarto saka ko pinagmasdan ang suot kong yellow color Disney Belle like dress pero maikli lang iyon na isang dangkal ang taas mula sa tuhod ko. Napangiti ako ng sandaling iyon.

"Ang cute ng dress," I giggled.

Matapos akong makuntento roon ay kinuha ko ang maskara na gagamitin ko. It's black like the mask of a cat woman.

"Ang ganda mo naman iha," ani Manang nang makababa ako ng hagdan. Nginitian ko ito ng ubod tamis saka pa ako yumuko at nagbigay galang na parang prinsesa.

"Thank you po Manang," nakangiting sabi ko rito.

"Sayang naman hindi ka makikita ng mga magulang mo," umiiling na sabi nito.

"Manang, okay lang po. Madalas naman na nila akong makitang nakasuot ng ganito noong nandoon pa tayo sa US di ba?"

"Pero dalaga ka na ngayon iha.. At isa pa," tumingin ito sa likuran ko, "Isang napaka-gwapong binata ang susundo sa iyo."

Nang lingunin ko ang tinutukoy ni Manang ay nakita ko doon si Ake. Naka-sky blue itong tuxedo at talaga namang napaka-gwapo niya. Hapit na hapit iyon na mas lalong nagpalabas ng kakisigan niya. Napangiti ako rito saka ako lumapit sa kanyang kinatatayuan. Walang reaksyon ang mukha nito habang matamang nakatingin sa akin.

Sinimulan kong kumaway sa harap ng mukha nito ngunit tila pati iyon ay hindi effective. Walang ano ano ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha nito dahilan para mapaatras siya.

"Ayon! Gumalaw ka rin." Bahagya akong natawa.

"W-What are you doing?" He cleared his throat.

Umikot ako saka ako mahinhin na nag-pose hawak ang makabilang laylayan ng dress.

"Am I cute or what?" Taas babang kilay na tanong ko rito.

Ngumisi ito. "It's fine."

"Ang sweet mo talaga ano?" Sarkastikong sabi ko saka ako ngumuso.

"Yeah, I am. Let's go my princess Babebear," ngumiti ito at iniabot ang kamay niya sa akin.

"Ayiiie.. Maging sweet ka buong gabi ah?" Biro ko. Bahagya rin itong tumawa gaya ko.

Nang makarating kami sa Masquerade Ball kung saan event nga iyon ng mga freshmen at sophomores, ay hindi ko napigilang mamangha sa lugar. Nag-aagaw ang diml lights na kulay pink, blue at violet doon. Napaka-swabe rin ng tugtog na nakapaibabaw ngayon.

"Kayong member ng student council ang nag-organize nito?" Bulong ko kay Ake habang naglalakad kami papasok sa loob. "This is amazing!"

"Yeah. Lahat ay nagtulong tulong para sa event. Nga pala, matapos nating tumugtog mamaya, uuwi ka na ba?" Tanong nito. Hindi ko naman siya inabalang lingunin dahil iginagala ko ang paningin ko sa kabuuan ng nasabing lugar.

Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang assembly hall.

"Maybe... I don't know.. It depends," nakangiting sagot ko sa kanya nang bumaling ako rito. Nang gawin ko iyon ay saka ko lang napansin ang mga matang nakamasid sa aming dalawa ni Ake.

"Who is she?"
"Ang ganda niya."
"Teka, iyan ba iyong girlfriend ni Prince Blake?"
"Oo ata. Iyong kahalikan niya sa video."
"Super bagay sila."

Ilan lang iyon sa narinig ko. Napayuko ako at tila biglang nakaramdam ng hiya. Hangga't maaari ay ayokong nakakaagaw ako ng atensyon.

"Hey.. What's wrong?" Tanong ni Ake saka niya iniangat ang mukha ko.

"Bigla akong kinabahan na ewan. Nahihiya ako Ake.." Naiilang na sabi ko rito.

"Why?"

"I don't know," kibit balikat na sagot ko.

"Don't be. You look wonderful." Nakangiting sabi nito dahilan para mapakagat ako sa aking ibabang labi para mapigilan ang pagngiti. Ngunit sa bandang huli ay bigo ako dahil napailing nalang ako at napahagikgik.

"Kinilig ka nanaman." Panunukso nito.

"Ngumiti lang, kinilig na?" Inirapan ko ito.

Bahagya siyang tumawa. "Whatever you say Chloe.."

Nanahimik ako at pinagmasdan ang ngiting meron si Ake ngayon. Napaka-gwapo niya talaga. Idagdag pang naka-brush up pa ang buhok niya ngayon kaya naman napaka-neat niyang tignan.

"Ang gwapo mo ngayon Babybear.." Nakangiting sabi ko rito. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya saka siya umiling.

"Well, I'm Drexel's Prince after all." Pagyayabang niya kaya naman hindi ko napigilang mapakunot noo saka tumawa. As I rolled my eyes ay nahagip ng mga mata ko si Faye, kasama si--

"Eos?" Bulong ko.

Hindi ko namalayang nakapako na pala ang tingin ko rito. He really looks like a Prince Charming. Idagdag pang kulay puti ang suot na tuxedo nito na bumagay sa red dress na suot ni Faye.

Ang cute nila..

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Ake ngunit agad niya rin akong hinawakan agad dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"What? Pupuntahan ko lang sina Eos at Faye." Saad ko.

"No. Don't go." Walang reaksyong sabi nito dahilan para magtaka ako.

"Why?"

Hinila niya ako pabalik sa kinatatayuan niya saka niya hinapit ang bewang ko.

"You like Eos don't you?" Tanong nito.

"Yeah.. May problema ba doon?"

Natigilan si Ake sa sagot ko, bagay na hindi ko inaasahan. Unti unti akong pinakawalan nito saka siya naglakad palayo at iniwan ako doon na nagtataka sa kinilos nito.

"Problema 'nun?" Bulong kong tanong sa sarili ko.

"Baby babe!" Rinig kong sigaw ni Faye kaya napalingon ako sa gawi nito saka napangiti.

Nang magsimula siya maglakad palapit sa akin ay ganoon din ang ginawa ko. Nag-beso beso kami at nagyakap nang magkalapit kami saka ko siya tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda ganda mo baby babe.." Bulalas ko. "Ang cute cute mo pa!" Bahagya kong pinisil ang pisngi nito.

"Ouch! Baby babe naman." Nakangusong daing niya saka niya hinawakan ang pisngi nito.

Nilingon ko si Eos at nginitian ito, ngunit hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya. Nag-iwas siya ng tingin saka siya lumingon kay Faye.

"Faye, kukuha ako ng maiinom natin." Nakangiting sabi nito kay Faye saka siya tumalikod.

"What happened to him?" Tanong ko kay Faye.

"What about him?" Tanong niya.

"Well, hindi man lang niya ako nginitian." Sabi ko saka ako nag-crossed arms.

Nag-kibit balikat si Faye. "Baka wala sa mood. Di ko rin siya gets minsan eh. Napaka-komplikado ng ugali niyan."

"Speaking, same with Ake."

"Oh yeah.. Where is my ex boyfriend?" Natatawang tanong nito.

"Somewhere." Simpleng sagot ko saka ako luminga linga para hanapin siya ngunit bigo ako.

"Oh, nag-away kayo?" Tanong ni Faye. Agad naman akong umiling. "Eh bakit hindi kayo magkasama?"

"Bigla nalang siyang umalis."

"Ahh.. Nga pala, bakit ka nandito? Akala ko memebers lang ng student council ang invited dito." Aniya.

"Tutugtog ako mamaya with Ake."

"Really?" Bulalas niya. "Yay! Maririnig ko nanaman ang boses mo." Nakangiting sabi niya.

"Di ka pa ba nagsasawa?" Biro ko.

"Hindi 'no. Huwag ka lang sasayaw ha? Kay Marvin napunta ang talent na iyon." Natatawang sabi niya.

Inirapan ko ito saka ako bahagyang tumawa. "I know.. Sorry naman kung parehong kaliwa ang mga paa ko."

"Okay lang baby babe. Bawing bawi naman sa boses ang pagtugtog mo ng kung ano anong instruments." Nakangiting sabi niya saka niya niayakap ang braso ko.

"Siyempre iyon lang ang pwede kong gawin noong mga panahon na, alam mo na. Mahina ito." Turo ko sa dibdib ko. Tumango naman siya saka niya ako niyakap sa bewang ko.

Ilang sandali pa kaming nag-kwentuhan bago ako nag-desisyong pumunta na sa may back stage. Nang makarating ako doon ay nandoon ang lahat ng members ng student council maliban sina Eos at Ake. Nginitian ko ang mga ito. Isa isa naman silang ngumiti saka bahagyang yumuko pa ang mga lalake.

"Hi! You're Chloe right?" Bati ng isang babae. "I'm Avery by the way, their secretary." Pagpapakilala niya sabay abot ng kamay niya. Kinuha ko naman iyon saka ko siya nginitian.

Isa isang nagsitayuan ang mga ito at gaya ni Avery ay napagpakilala sila. Si Ace, the Vice President, at ang iba ay representatives ng bawat year level.

"Oh Jayce. Nandiyan ka na pala." Ani Avery.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakita nga doon si Ake.

Wait.. Jayce? Tinawag siyang Jayce ni Avery? Akala ko ba para lang iyon sa espesyal na tao? Kung maaalala ko ay sinabi niya iyon sa nung magkatext kami.

"Avery.. Okay na ba ang lahat?" Ani Ake na hindi man lang nag-abalang lumingon sa akin. Ilang sandali pa ay magkasama na sina Avery at Ake at naglakad palayo dahil ata sa pinaguusapan nila.

Kibit balikat naman akong lumingon mula sa likod ng stage. Kita ko doon ang malaking grand piano na siguro'y gagamitin namin mamaya ni Ake.

"Chloe? Can I call you Chloe? Or would you prefer Maven?" Pukaw sa akin ni Ace.

"Either, you choose." Nginitian ko ito. Bahagya naman akong napangiwi nang bigla itong manahimik at mataman lang na tinitigan ang mukha ko. "Ace?" Tawag ko sa kanya. Umiling naman ito saka niya inalis ang suot niyang glasses at agad ring ibinalik iyon nang ilang ulit niya ipikit ang mga mata niya.

"Sorry.. Maven nalang itatawag ko sa iyo. " Aniya.

"Ha? Bakit ka nagso-sorry? Sige. Ikaw bahala." Saad ko.

"Never mind." Umiiling na sagot niya.

"Aha!" Bulalas ko ng maalala ko ang mukha niya. "Ikaw iyong nag-piano doon sa Angels Cafe. Ano na nga iyong kinanta mo?" Nakangiting tanong ko rito saka ako umupo sa stool chair doon.

"Kailan? Palagi ako roon eh."

"Really? Nice. Ewan. Hindi ko maalala. Pero iyong song, ganito," I started humming 'coz I don't know that song.

"Ahh.. Di Na Natuto by Gary V." Nakangiting sagot niya.

"Ohh.. Never heard.. That time lang. Parinig nga ulit." Pangungulit ko.

Wala sa ugali ko ang mangulit pero ayos kasing kausap itong si Ace dahil wala siyang angas o yabang na dating. Bagay na gusto ko sa isang lalake. Iyong magaan lang kausap.

"Ha? Huwag na nakakahiya." Umiiling na sabi nito.

"Dali na.. Kahit iyong simula lang.."

"Okay ka palang kausap ano Maven?" Nakangiting sabi niya.

"Oo naman. Bakit? Ano ba ako sa akala mo?"

"Akala ko mataray ka at hindi namamansin. Alam mo na," humawak ito sa braso niya saka niya iyon hinimas.

"Ahh.. Mukha ba akong mataray?" Natatawang tanong ko. Agad naman itong tumango. "Bad ka." Nginusuan ko ito.

Bahagya siyang tumawa. "Maven--"

"Chloe!"

Sabay kaming napalingon ni Ace sa tumawag sa akin. Si Ake, katabi niya ng sandaling iyon si Avery. Ako man ang tinawag ni Ake, kay Ace naman ito seryosong nakatingin.

"Bakit?" Tanong ko ngunit nabaling ang tingin ko kay Ace nang tumayo ito. "Oh saan ka pupunta Ace?"

"May aasikasuhin pa pala ako Maven. Sa susunod nalang ulit. Bye." Nakangiting paalam niya.

"Why are you with him?" Tanong sa akin ni Ake nang malapitan niya ako.

"Iniwan niyo kaya kaming dalawa rito. Iyong representatives naman biglang umalis din."

"Tch!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Problema mo?" Taas kilay kong tanong dito. Kanina pa ako naiinis sa kanya kung tutuusin.

Siya na nga itong nangiwan kanina! Siya pa may ganang magsungit?! Adik lang?!

TO BE CONTINUED..

Ohh.. Para kayong aso't pusa! Diusmio marimar! XD

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro