Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 62 (The Face)

💙 62

Faye's POV

Naaawa ako kay Eos. Nagulat ako nang bigla nalang siyang umiyak kahapon. Ramdam na ramdam mo iyong sakit na nararamdaman niya kaya naman wala sa sariling niyakap ko ito saka ako sumama pauwi sa kanya nung araw na iyon.

Naalala ko nanaman iyong nangyari at napagusapan namin kahapon.

Tahimik lang kami ni Eos habang tinatahak ang daan. Ilang sandali pa ay sa isang park tumigil ang kotse at doon ay mataman lang siyang tumitig sa kawalan. Hindi ko siya magawang kausapin. Ni ayaw kong magsalita na tila ba hawak niya ang sarili niyang mundo. Mundo na ayaw niya na munang ipasilip o ipagalaw man lang sa iba.

Pero siyempre, hello! I'm Faye!

"Kung mananahimik ka diyan, at hindi ako kakausapin, mapapanis laway mo." Panimula ko.

Balak ko sanang pang muli ngunit nilingon ako nito. Ang mga mata niyang kanina ay mamula mula galing sa pagiyak ay okay na ngayon. Mataman niya lang akong tinitigan na wari'y sinisipat sipat pa ang kabuuan ng mukha ko.

"Why? Paanong kamukhang kamukha mo siya? Please explain everything to me Faye.. Please.." Inalis nito ang seatbelt niya ang lumapit pang lalo sa akin dahilan para bahagya akong mapaatras.

"E-Eos.." Sambit ko saka ko inilagay ang palad ko sa dibdib nito para pigilan siya.

"Can I kiss you Faye?" Walang reaksyong tanong nito.

He's like 5 inches away from me. Mataman lang siyang nakatingin sa mga mata ko ng sandaling iyon na para bang naghahanap din ng sagot. Bigla akong kinabahan. Hindi ko magawang humindi dahil na rin siguro sa ekspresyon ng mga matang nakikita ko sa kanya ngayon. Puno iyon ng kalungkutan. Pangungulila. Sakit na minsan ay nakita ko na sa mga mata ko.

Ganoon niya ba kamahal iyong Amy?

Unti unting pang mas lumapit ang mukha nito sa mukha ko dahilan para mapapikit nalang ako. Ilang sandali pa ay isang malambot na bagay ang naramdaman ng labi ko.

He gave me a quick peck on my lips which made me feel shivers all over my body. Nang humiwalay siya ay siya namang dilat ko at laking gulat ko ng hindi pa rin lumalawak ang distansya ng mukha namin.

"Amy.." Sambit niya dahilan para matauhan ako. Itinulak ko siya palayo saka ako bumuntong hininga.

What just happened?! We did kiss right?! OMG!

"Eos.. I'm not her.. I'm not Amy.. I'm sorry.."

"No.. I'm sorry Faye." Bumuntong hininga ito at umayos ng upo sa driver's seat. "Tangna Faye! Ang sakit sakit talaga! Hanggang sa nawala siya, si Blake pa rin, si Blake lang. Ano bang meron siya na wala ako?" Nilingon niya ako. "Ano nga ba Faye? Di ba nagkagusto ka rin sa kanya?"

"Yeah.. Pero hindi tulad ng iniisip mo kung bakit ako nagkagusto sa kanya." Sumandal ako sa upuan at lumingon sa bintana. "Gusto ko ulit magmahal, pinili ko lang siya ng ganun ganun lang. Yeah, he's handsome and all, pero nakadagdag nalang siguro iyong pagkakayakap niya sa akin saka niya ako tinawag na, Amy, gaya mo noong una tayong magkakilala. I'm like, he loves her so much that my face reminds him of her. At iyong pagkakayakap niya, ramdam mo ang pagmamahal at sobrang pangungulila doon kay Amy." Paliwanag ko saka ko siya nilingon. "I'm like, I wanted to try. Malay mo mag-work out, but it didn't."

Isang mahabang katahimikan ang nagdaan sa pagitan namin ni Eos bago ako tumikhim at muling nagsimulang magsalita.

"I just want to feel that kind of thing again. It's been a long time.. I wanted to be loved and feel appreciated. Apparently, you guys are all over with this Amy, na feel na feel ko namang ako iyon." Bahagya akong tumawa. "But then Eos, I'm not her.." Hinawakan ko ang kamay niya. "Alam ko mahirap at alam ko masakit, but you have to move on. Let go of that feelings, or kahit bawasan mo lang. Huwag mong kimkimin. Sigurado akong mas magiging masaya para sa iyo si Amy kapag nakita ka niyang nakangiti at, nagmamahal ng iba."

Umiling si Eos saka nito hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"I don't know where to start. I don't even know if I can. Tignan mo ngang buong akala ko ay may gusto ako kay Chloe pero nang malaman kong nasa kanya ang puso ni Amy, I feel hurt. I can't love her. I have this feeling I can't explain, and believe me, I don't even wanted to know." Madamdaming sabi nito.

Matapos nang usapan namin iyon ay inihatid niya na ako. Ni wala akong narinig mula sa kanya hanggang sa makarating kami ng bahay.

"Heya Faye!" Pukaw sa akin ng kaklase kong si Cindy dahilan para mapalingon ako sa kanya. "You okay? Kanina ka pang tulala diyan. Mukhang hindi darating teacher natin. You wanna go somewhere?" Yaya niya.

Sa lahat ng babaeng kaklase ko ay siya lang ang bukod tanging nagtiyaga sa pananahimik ko. Lagi niya akong kinakausap na para bang walang preno ang bibig niya kaya naman kahit papaano ay naging ka-close ko ito.

"Ano?" Tanong niya ulit.

"Too lazy to go out. It's hot." Sagot ko.

"'Kay fine.. Kwentuhan nalang tayo. May date ka na sa masquerade ball natin this coming week?" Aniya. Umiling ako. "Ha? Si Prince Blake? Hindi mo ka-date--ay! Nagbreak na nga pala kayo." Kamot ulong sabi nito.

"Ikaw? Meron na?" Tanong ko.

Ngumiti ito. "Yep. Si Incy." Kinikilig na sabi niya pa. Si Incy kasi ang pinaka-popular daw kuno sa level namin.

"Hmm. Good for you." Tanging sagot ko sa kanya.

"Faye.. May naghahanap sa iyo." Pukaw ng isang kaklase ko kaya naman napalingon ako sa pintuan at nakita doon ang nakangiting Eos.

Hmm? Okay na siya? Ang bilis naman..

"What? Don't tell me kaya kayo nag-break ni Prince Blake ay dahil diyan kay Fafa Eos?! Gyah! Ikaw na close sa mga hot na lalake rito sa school!" Nakangiting bulalas niya habang matamang nakatingin kay Eos. Napailing nalang ako saka ako naglakad papunta kung nasaan si Eos.

Nang makalapit ako rito ay mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"Hello my cutie pie!" Bati niya.

"Uhh? Hello?" Nagaalangang sagot ko saka ako kumunot noo.

Tumawa ito. "What's with that reaction? Ang epic ng mukha mo! Para kang natatae." Mas humagalpak pa ito sa tawa habang hawak ang tiyan niya.

Inirapan ko ito ngunit sa huli ay hindi ko napigilang mapangiti. He's strong enough to actually smile and laugh like this much.

"Now you're smiling.. Mas gusto kong nakangiti ka." Sabi nito nang matigilan siya sa pagtawa. "Can I hug you cutie pie?"

"No." Agad na sagot ko.

Nagpahalik na nga ako kahapon, pati ba naman yakap?! Landi much?!

"Awtsu.. Why?" Nag-puppy eyes ito dahilan para mas lalo akong mapangiti, ang cute niya na ang gwapo! Kasi naman kasi eh!

"Tigilan mo ako Eos. Mas bata ako sayo pero kung umakto ka ay parang mas bata ka pa sa akin! Baliw!" Natatawang sabi ko. Ngumiti naman ito saka niya bahagyang ginulo ang buhok ko.

"May date ka na ba?" Out of nowhere niyang tanong.

"Ha?" Napakunot ako ng noo.

"Sa Masquerade Ball."

"Ah.. Wala pa. Baka hindi na ako pumunta." Sagot ko.

"No. Go. I'll be your date. You'll be my date actually. Pupunta kasi kaming mga nasa student council eh."

"Wow! Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko?" Taas kilay kong tanong dito.

Tumawa siya saka nito inilagay sa batok ang kanang kamay niya. "Will you be my date Faye?" Nahihiyang sabi nito dahil bakas sa mukha niya ang pamumula. Bagay na ikinagulat ko at nagpangiti sa akin.

"Pa-cute ka muna." Tukso ko.

Ngumuso naman ito saka siya lumabi at muling nag-pout dahilan para humagalpak ako sa tawa.

"You want more?" Nakangiting tanong niya. Umiling naman ako saka ko siya nginitian.

"It's fine. I'll go with you." Matawa tawang sabi ko.

"Ang dami pang sinabi, papayag din naman." Nakangising sabi nito dahilan para hampasin ko siya sa balikat.

"Gusto mong bawiin ko?!" Asik ko sa kanya.

"Joke lang. Ikaw talaga, masyado kang pikon." Natatawang sabi niya saka niya ako inakbayan. "Wala kayong klase same with us dahil naguusap ang mga teachers. Tara sa mall." Yaya niya.

"No. Mainit." Reklamo ko.

"Ayaw mo sa araw? Kaya pala ganyan ka ka-putla." Komento niya.

"Whatever Eos. Ayokong lumabas. May aircon dito."

"Meron din doon Faye."

"No."

"Please?" He pleaded.

"No."

"Dali na. Bibili rin kasi ako ng tuxedo for that event. Please Faye? Ayaw mo nun? Ikaw ang unang makakakita ng ka-gwapuhan ko?" Nakangising sabi nito saka pa siya nag-pogi sign dahilan para matawa nalang ako.

"Fine.. Pero dala ko kotse ko."

"Okay lang iyon. Ipapakuha ko nalang mamaya, bigay mo nalang sa akin iyong susi." Aniya sabay lakad niya kaya naman napasunod nalang ako. Sa tangkad ba naman niya anong laban ng height ko para pigilan siya? Idagdag pang nakaakbay siya sa akin! Wow naman di ba!

Nang makarating kami sa mall ay kulang nalang hubuuan ng mga babaeng nadaraanan namin si Eos. Grabe lang kasi kung makatingin ang mga ito saka sila magpapa-cute.

Buti sana kung cute! Hindi naman! Duh!

"Ohh.. Bakit ganyan mukha mo?" Ani Eos. Nasa isang tuxedo boutique kami ng sandaling iyon.

"Gusto ka atang lapain ng mga babaeng iyan oh! Nakakaloka. Hindi man lang ba sila nahihiyang pinakatititigan ka?! Close kayo?!" Inis kong sabi.

Lumapit naman ito sa kinauupuan ko saka niya ipinatong ang dalawang kamay niya sa arm chair ng upuan na iyo. Yumuko ito dahilan para mapasandal ako sa upuan.

"Are you jealous cutie pie? Huwag kang magalala. Mas gusto pa rin kita kaysa sa kanila, saka isa pa," lumapit ito sa tenga ko, "you're the prettiest Faye.. No need to get jealous." Bulong niya dahilan para makaramdam ako ng init sa pisngi ko.

Nang humiwalay ito ay nginitian niya muna ako bago tuluyang bumalik sa pagpipili ng tuxedo na susuotin niya nga.

"What the fudge?!" Hinawakan ko ang dibdib ko at laking gulat ko nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kaya ayokong may nakakasamang ganitong klaseng lalake eh!

"Let's go." Aya ni Eos.

"Oh? Nasaan na iyong binili mo?" Tanong ko nang makitang wala naman itong dala bukod sa bag ko at bag niya.

"Pina-deliver ko sa bahay." Aniya. Tinanguan ko nalang siya bilang pag-sang ayon.

Nang ihatid niya ako sa bahay ay siyang baba niya agad ng kotse para pagbuksan ako.

"Thanks." Sabi ko rito nang makababa ako.

"You're welcome Faye." Nakangiting sabi niya.

"Pasok na ako." Paalam ko.

"Wait." Sabi nito sabay hawak sa braso ko. Nilingon ko naman siya saka ako tuluyang humarap dito.

Sinimulan niyang haplusin ang mukha ko saka siya ngumiti. Ang ilang distansyang layo niya sa mukha ko ay sinimulan niya wakasan iyon.

He kissed me..

At ang nakakagulat ay, hinalikan ko rin siya pabalik..

Nang humiwalay siya ay siyang takip ko sa bibig ko. Habang matamang akong nakatingin sa kanya ay siya namang ngiti niya.

"We just kissed.. Again.." Nakangiting sabi nito.

Ay hindi hindi!

"Faye.." Tawag niya sa pangalan ko saka niya ako matamang tinitigan. "Goodnight cutie pie.." Nakangising sabi nito saka siya sumakay ng kotse niya at pinaharurot iyon.

"Seriously?!" Kunot noong sambit ko nang mag-sink in sa utak ko ang ginawa namin. "Oh gosh! I really hate that guy!" Inis na palatak ko saka ako nagpapadyak papasok ng bahay.

TO BE CONTINUED..

Grabe lang maka-damoves Eos! Sagad! LoL

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro