Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 60 (Boobear Who?)

💙 60

Chloe's POV

Nasa kalagitnaan kami ng pagkanta ng The Lord's Prayer sa simbahan nang bigla akong hilahin ni Ake palapit sa kanya, okay lang sana kaso, pati si Eos ay ganoon din ang ginagawa kaya inis kong hinila ang dalawang kamay ko at ibinaba iyon.

"Huwag niyo akong mahawakang dalawa! Nasa loob tayo ng simbahan! Umayos nga kayo!" Inis na bulong ko sa kanila.

Sa huli ng diskusyon namin kanina ay wala akong nagawa kundi ang isama silang dalawa. Pareho pa nilang dala ang kotse nila dahil si Ake ang may sakay sa akin papunta rito at mamayang paguwi naman ay si Eos din.

Kanina pa sila nagsasamaan ng tingin. Kulang nalang ay upakan nila ang isa't isa. Okay lang sana kung hindi ko napapansin, pero hello?! Lagi akong nasa gitna at ako iyong laging naiipit. Sila na matangkad di ba?!

Paglabas namin ng simbahan ay para akong may body guard. Tinalo pa nila si Papa at Marvin kung makadikit sa'kin. Iyong dalawang paa ko, naging anim!

"Kapag hindi kayo umayos na dalawa sasamain na kayo sa akin!" Asik ko saka ko sila inirapan.

Inilabas ko ang phone ko at isa isang tinext sina Macey, Riley, Aiden at Logan. Hindi ko na kayang makasama silang dalawa, iyong tatlo lang kami.

Lahat naman sila ay nag-reply ng, Okay. Nakahinga ako ng maluwag.

"Saan na tayo bae?" Tanong ni Eos.

"Iyan ka nanaman sa bae mo! Ang korny mo!" Natatawang sagot ko. "Tara doon sa Angels Cafe." Yaya ko.

"Chloe.." Tawag sa akin ni Ake kaya nilingon ko ito.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang pangit mo! Stupid!" Kunot noong sabi niya saka siya naunang maglakad. Naningkit naman ang mga mata ko ng sandaling iyon dahil sa inis.

Ano nanamang problema 'nun?! PMS nanaman! Eish!

"Huwag kang maniwala sa kanya bae, you're beautiful." Ani Eos. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ewan ko sa inyong mga lalake! Eish! Nakaka-imbyerna kayo!" Asik ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Bae naman.. Huwag mo akong sungitan.. Kahit si Blake nalang.." Nakangusong sabi niya.

Err-- cute. Tss!

Bumuntong hininga ako. "Sorry. Tara na." Yaya ko rito saka kami sumunod kay Ake.

Teka.. Yayain ko rin kaya si Faye?

Muli kong inilabas ang phone ko at dinayal ang number ni Faye. Nang mag-ring iyon ay agad din niyang sinagot.

"Hello baby babe?" Si Faye sa kabilang linya.

"Baby babe. Busy ka?" Tanong ko.

"No. Why?"

"Come with us. Nasa labas kami."

"Ha? With who?"

"Eos, Ake, susunod na rin sina Riley, Macey, Logan at Aiden."

"Ehh? Puro kayo matatanda!" Tumawa ito.

"Aw! Aray naman baby babe.." Napanguso ako.

"Haha. Sige sige. Saan kayo?"

"Angels Cafe."

"Got it baby babe. Maliligo na ako. Bye. Later." Paalam ni Faye saka nito binaba ang linya.

Pagkapasok ko ng Angels Cafe ay agad kong hinanap si Tita Mamsi. Remember? Iyong Manager dito na kakilala ng parents ko. Ngunit napanguso ako nang hindi ko siya nakita.

"May hinahanap ka?" Tanong ni Eos.

"Yeah.. Pero wala siya.." Sagot ko.

"Tss!" Ani Ake. Inirapan ko naman ito.

Manigas siya! In his face!

Kapag ganitong naiinis ako, nako! Hindi talaga ako makakausap ng maayos!

"Baby sis!"

Napalingon ako sa entrance ng Angels Cafe at nakita doon sina Macey, Riley, Logan at Aiden. Patakbo akong nilapitan ng mga sis ko, saka kami nag-beso beso.

"What the hell?!" Ani Ake.

"Oy dude! Haha! Pasimple ka pa ah! Ano 'to? Love triangle date?" Tumatawang sabi ni Logan kay Ake saka siya bumaling kay Eos. "Long time no pansin brad!" Nakangiting sabi niya kay Eos. Ngumiti naman si Eos saka siya tinanguan.

"Ganoon daw brad kapag gwapo!" Ani Eos.

"Asus! Nagsama sama na ang mga mayayabang. Layo na tayo baby sis!" Ani Riley. Kasama si Macey ay sabay nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinila sa dati naming pwesto doon sa Angels Cafe. Bahagya naman akong natawa nang makaupo kami.

"Ang bilis niyo ah. Bakit kayo sabay sabay?" Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Eh maagang natapos iyong modeling namin, kaya ayun. Tapos sinundo kami nina Logan at Aiden kaya heto.." Mangiti ngiting sabi Macey.

"Yeah yeah.. Sure sis.." Binigyan ko sila ng nakakalokong ngiti at nakangising inirapan saka kami nagtawanang tatlo.

Mukhang gumaganda nanaman ang samahan nitong apat. Sana wala ng magbago.

"Chloe.."

Napaangat ako ng ulo nang marinig kong may tumawag sa akin. Oo. Angat, dahil doon ko narinig ang pinanggalingan ng boses. Ngunit laking gulat ko nang dumausdos ang tungki ng ilong ko sa ilong nito na siyang dahilan na rin siguro ng pag-atras niya. Agad naman akong yumuko at nagiwas ng tingin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ayiiie! Nakita namin iyon Blake!" Tumatawang sabi ni Macey.

"The moves like Blake?" Natatawa ring dagdag ni Riley.

I heard Ake flickered his tounge. "Ha-ha funny. Tch!" Ani Ake sa dalawa. "Chloe, susunduin ko lang si Faye. Hindi niya raw alam papunta rito." Paalam ni Ake saka ito naglakad palayo.

Hindi pa ako nakakasagot eh.. Tss.. Oh well..

"Kamusta na pala iyong dalawang iyon?" Ani Macey. Nagkibit balikat naman ako saka ako tumungo sa bar counter para mag-order.

Bigla akong nawala sa mood.. Bakit? I mean, naiinis ako, oo, pero? Ay! Ewan!

"We'll have chocolate ice coffees over there kuya." Pukaw ko sa bartender doon. "Pakisamahan na rin po ng isang buong medium size na black chocolate cheesecake and crackers." Dagdag ko pa. Ngumiti at tumango naman siya saka ito naglakad patungo sa may coffee makers.

Napagpasiyahan ko munang maupo doon sa bar counter. Narinig ko ang pagkukulitan ng iba habang nasa upuan ang mga ito.

"Bae.."

Lumingon ako rito.

"Oh Eos?"

"Wow! Alam mo nang ikaw ang tinatawag ko ng bae ah." Tumawa ito kaya naman napangiti nalang din ako.

"Loko ka talaga.." Umiiling na sabi ko.

"You okay? Matamlay ka ata?" Aniya.

"Huh? Hindi naman.. Okay lang ako.. Bakit?" Tanong ko.

"Pansin ko lang. Kanina kasi kunot noo mo tapos ngayon para kang robot na nawalan ng battery.." Aniya. Nakangiti pa rin ito saka siya tumabi sa stool chair na katabi ng inuupuan ko sa may bar counter.

Bahagya akong tumawa. "Sira. Okay lang ako. Promise. Teka, matagal na ba kayong magkakakilala nina Aiden at Logan?" Tanong ko. Napansin ko kasi kaninang close naman ang mg ito.

"Yeah. Kaklase ko sila nung nag-highschool ako." Aniya.

"Ohh.." Tumatango tangong sagot ko.

"Oh yeah.. About that Chloe.." Aniya.

"Hmm?" Iniharap ko ang stool na naiikot paharap sa kanya saka ako nag-dekwatro.

"You know Amy?" Tanong niya na dahilan para bahagyang manlaki ang mga mata ko.

"You know her?" Bulalas ko.

"Yeah.. Amy.. She's my Boobear.." Nakangiting sabi niya saka ito bumuntong hininga. "Naging kaibigan mo ba siya?"

Natigilan ako ng sandaling iyon sa narinig ko.

"Wait.. You said, your Boobear??" Ulit ko.

Mataman naman akong tinitigan ni Eos saka ito bahagyang napangiti. "Yeah.. Ang cute ng tawag ko sa kanya ano?" Nakangiting sabi niya.

"Boobear mo siya.. Teka.. Naguguluhan ako.." Nasapo ko ang sintido ko.

Make my Boobear happy.

Nang maalala ko ang wish na iyon ni Tammy ay mas lalo akong naguluhan.

Dalawa ang Boobear niya? Pero hindi.. Para kay Ake iyong sulat eh. Kaso, sabi doon sa wish, make my Boobear, so hindi si Ake si Boobear? Si Eos? Never namang sinabi ni Tammy doon sa sulat niya kay Ake ang salitang Boobear, no. Wait. Hindi nga ba? Hindi ko maalala..

Napatayo ako ng sandaling iyon at napahawak sa bar counter.

"Chloe? Hey.. Are you okay?"

Nilingon ko si Eos at mataman itong tinitigan.

"Ulitin mo nga iyong sinabi mo about Amy.." Mataman kong tinitigan si Eos na walang kakurap kurap. Seryosong kailangan kong malaman ito.

Dahil kung si Eos ang Boobear niya, ay dapat si Eos ang papasayahin ko ngayon..

Pero paano na si Ake?

"Na ano? That Amy is my Boobear? Bakit? May kinalaman ka ba kay Amy?" Seryosong tanong na rin sa akin ni Eos.

No.. It can't be..

"Baby babe!!"

Sabay kaming napalingon ni Eos sa pinanggalingan ng boses na iyon. Isang naka-dress at napaka-cute na Faye ang sumalubong sa akin ng yakap. Sky blue ang bestida niyang suot na talaga namang nagpatingkad pa sa maputi niyang kulay. Nang yakapin niya ako ay niyakap ko rin siya pabalik.

"Why are you talking to that guy?" Tanong ni Faye sabay nguso niya kay Eos. Nang tignan ko naman si Eos ay napangiti ito saka siya natawa.

"Bakit? Selos ka?" Nakangising tanong ni Eos kay Faye.

"In your face!" Inirapan siya ni Faye.

Nakailang palitan pa ng asaran at bangayan ang dalawa bago ako bumaling sa lalake na nasa likuran lang ni Faye.

"Ake.." I mouthed.

Nakatingin ito kina Faye at Eos na ngayon nga ay nagbabangayan. Bahagya itong nakangiti lalo na nang mabaling ang mga mata niya kay Faye.

Anong gagawin ko kapag hindi pala ikaw ang lalaking dapat kong pasayahin?

Napatingala ako at nagpakawala ng buntong hininga. Habang nakapikit ay inalala ko kung may nabasa akong Boobear sa sulat ni Tammy kay Ake.

Please.. Please.. Sana may mabasa akong Boobear doon.. But still..

Nilingon ko si Eos na ngayon ay tawa ng tawa dahil sa pang-aasar kay Faye.

How about Eos?

Kaya ba nakaramdam ako ng kakaiba nang makita ko si Eos sa unang pagkakataon Tammy? Siya ba ang Boobear mo?

TO BE CONTINUED..

Ohoo.. Natagalan. XD enjoy the brainstorming xD

Ehem! Eos and Blake sa multimedia! Waaah!

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro