Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 6 (Ala-wattpad Scene)

💙 6

Chloe's POV

Bago magsimula ang klase kinabukasan ay laking gulat ko ng higitin nina Macey at Riley ang dalawang braso ko saka ako kinaladkad papunta ng banyo pagkarating ko ng klase. Ang alam ko ay first bell palang ang naririnig ko. Dahan dahan nila akong binitiwan ng makapasok kami ng banyo at pinalabas lahat ng babae na nandoon saka nila ini-lock ang pinto. Napakunot ako ng noo ng sandaling iyon at mataman kong tinignan ang mga ito. Para silang balisang manok na ilang minuto nalang ay mangi-ngitlog na. Bahagya akong natawa ng maisip ko iyon kaya naman napukaw ko ang atensyon ng dalawa at kunot noo nila akong tinitigan.

"What?" tanong ko sa kanila.

"Is that true?" panimula ni Riley.

"True what?" nagtatakang tanong ko.

"Na maaga kayong pumasok ni Blake kahapon at naglibot dito sa school ng magkasama?" si Macey.

"Ha? Wait. Is that what you heard? When? Where?" kunot noong tanong ko.

"Kanina. Pagpasok na pagpasok ni Carla galit na galit at hinahanap ka sa amin. Tell us the whole story. Kasi mas maniniwala kami sa iyo kesa dun sa Carla at sa mga minion niyang iyon." si Riley.

"Oh. Okay. Well, yesterday I didn't know that we start our class late, so-"

"Teka, tagalog Chloe. Kahit slang ka. Okay lang." si Macey. Hindi ko mapigilang matawa ng sandaling iyon kaya naman tinapik nila ako sa braso.

"Aww!" daing ko saka nila ako tinitgan ng masama. "Psh! Anyways, about that, maaga akong pumasok, ganitong oras din. Then makalipas ng ilang minuto, dumating din siya. So, I asked him why he's here so early, at sabi niya, maaga daw talaga siyang pumapasok araw araw." nakita ko ang pagtango tango nilang dalawa kaya naman itinuloy ko ang kwento at ng matapos ay parang nabunutan ng tinik ang mga ito sa dibdib dahil sa lalim ng hiningang pinakawalan nila.

"Okay. Okay. Malinaw na lahat. Pero ang pinagtataka ko. Hindi ka man lang sinigawan ni Blake na lumayo sa kanya at hindi siya nag-abalang tanggihan ka? Hindi siya ganoon." umiiling na sabi ni Riley.

"Well, it happened and he did." sabi ko.

"Wow! Hindi talaga ako makapaniwala na hindi ka man lang niya iniwan sa ere. Eh samantalang kami ni Riley, kahit naging boyfriend na namin sina Logan at Aiden hindi niya kami masyadong pinapansin. Papansinin ka man tatango lang o kaya sasamaan ng tingin kapag bibiruin mo." si Macey.

"True that! Kay Amy lang talaga makulit at masayahin ang lalakeng iyon." si Riley.

"Makulit? Masayahin?" sunod sunod na ulit ko.

"Yep. Jolly siya katulad nung dalawa. Nagbago lang iyon simula nung iniwan siya ni Amy sa ere." si Macey.

"What happened?" pag-uusisa ko.

Nagtinginan naman sina Riley at Macey na para bang tinitimbang nila kung sasabihin nila o hindi.

"It's okay if you guys don't wanna tell me." nakangiting sabi ko sa kanila kaya naman kumalma ang mga mukha nito.

"Not now Chloe. Malalaman mo nalang sa tamang panahon." si Riley. Tinanguan ko naman ito at nginitian.

"I don't need to know everything Riley, so it's fine. Really." sinserong sabi ko.

Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko kailangang malaman ang lahat. Sapat ng ako ang pinaniniwalaan ngayon nina Riley at Macey.

"Okay. Ready to go out?" si Macey.

"Yes naman! The heck?!" nagpakawala ano ng tawa kaya naman bahagya na rin silang tumawa.

"Don't worry, we're here." si Riley.

"Kung labanan lang naman, magaling kami diyan." si Macey.

"Gosh! You too are such a sweethearts!" nahihiyang sabi ko at pakiramdam ko ng sandaling iyon ay pinamulahan ako ng mukha. Ngumiti naman silang dalawa bago kami lumabas ng banyo.

Pagkapasok na pagkapasok ng classroom ko palang ay sinalubong na ako ni Carla at mukhang nadagdagan ang minions nito.

"Malandi ka talaga ano?! Napakalandi mo!!!" sigaw sa akin ni Carla kaya naman napailing nalang ako.

Walang mangyayari kung papatulan ko ito. Saktong nag-ring ang second bell kaya naman mas lalong dumami ang studyante sa klase.

"Ano?! Hindi ka makapagsalita?! Ang kapal mo naman para kaladkarin si prince Blake kung saan saan at dito pa talaga sa loob ng school ha! Kilala mo ba siya?! Kilala mo ba kung sino ang nilalandi mo?! Sino ka ba?! Kaninong pamilya ka muchacha ha? Sinong nagpasok sa iyo dito bilang isang scholar?" pagbubunganga ulit ni Carla sa akin.

What?! Anong scholar?!

"Scholar?" paguulit ko.

"Oo. Scholar ka! Feeling mo! May pa-english english ka pang nalalaman! Bukod kay Blake ay wala ng nakaka-perfect ng surprise quiz dito! At yung quiz natin kahapon, perfect mo lang naman! Scholar lang ang nakakagawa nun!" bulyaw niya pang muli kaya mas lalong nangunot ang noo ko.

"So you were saying that I am a scholar because I got a perfect score on my quiz yesterday?" sarkastikong sabi ko.

"Miss Carla, dinudugo po ang ilong ko. English siya ng bongga! Slang po!" sabi ng isa niyang minion kaya naman di ko napigilang bahagyang matawa.

"Aba't! May lakas ka pa talaga ng loob para tumawa?!" sigaw sa akin ni Carla saka ako dinuro duro nito kaya naman hindi ko na napigilang mapataas ng kilay at sumeryoso. Mataman kong tinitigan si Carla na ngayon ay parang natigilan ng titigan ko siya, dahil kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ito nakabulagta sa harap ko. Ayokong naduduro ako ng kung sino. It's disrespectful as a human being.

"You done?!" seryosong sabi ko dito.

"H-hindi ako t-takot sa iyo!!" nauutal na sabi niya.

"Oh, you're afraid now?!" nakataas kilay na sabi ko.

"How dare you!" sabi nito saka niya itinaas ang kamay niya sa ere, akmang sasampalin niya ako pero agad ko iyong hinarang at mariin na hinawakan dahilan para mabakasan ang mukha nito na nasasaktan ito sa ginagawa ko.

"You don't know me well Miss Carla. I already allowed you to shout at me but pointing your finger in front of my face and this hand that suppose to land on my cheek?! That's not gonna happen. Never." kalmadong sabi ko ngunit bakas doon ang banta. Hindi nakaligtas ang mga mata nitong nabakasan ng takot.

Nang bitawan ko ang kamay niya sakto naman tumunog na ang bell kaya bago ako naglakad papunta sa upuan ko ay nginisian ko si Carla. Inirapan naman ako nito at naglakad na rin paupo sa kanyang upuan. Pagka-upo ko ay napalingon ako kung nasaan sina Blake, Logan at Aiden. Bakas sa mga mukha nila ang pagkamangha at pagtataka. Nang magtama ang mga mata namin ni Blake nakipag-staring contest ako dito. Hindi naman iyon tumagal ng bigla itong magbawi ng tingin.

"Wow! Ang taray mo sis!" bulong sa akin ni Macey. Nakalimutan ko palang kasama ko sila kanina.

"Akala ko kailangan mo ng resbak mukhang hindi naman pala." nakangising sabi ni Riley.

"Nah. Later on, I'll need you two. I know that it's not gonna end there. Pa-wattpad naman kasi dito." natatawang sabi ko kaya naman bahagya na rin silang tumawa.

Nang matapos ang klase at sumapit ang lunch break ay muli akong pinuntahan ni Marvs sa klase para sunduin ito at gaya ng dati ay kasama ko sina Macey at Riley.

"Marvs, sa Sabado pasyal tayo." yaya ko dito saka ako lumingon kina Macey at Riley. "Sama kayo.", yaya ko.

"Wow! Tagalog! haha Sure!" si Macey.

"Nalibot niyo na ba dito?" si Riley.

"Nope. That's why I'm asking you guys to join us." natatawang sabi ko.

"Now, that's rude Maven." natatawang sabi ni Marvs.

"Rude? Seriously?" nag-aalalang tanong ko kina Macey at Riley.

"Duh! Hindi naman kami ganun ka-sensitive, pero, ganyan talaga pananalita niyo ano?" si Riley.

"What do you mean?" tanong ko.

"Minsan di namin alam kung biro o hindi." si Macey.

"No way." umiiling na sabi ko. "I'm so sorry. It's just that I'm always talking to this guy and sarcasm is our thing." paliwanag ko.

"Haha! Okay lang. Alam naman naming gaga ka minsan." natatawang sabi ni Riley.

"Tama ka diyan! Wirdo pa kamo!" natatawang sabi rin ni Macey.

"Now, that's rude." biro ko saka ako bahagyang tumawa kaya naman nakisabay nalang ang mga ito sa akin.

****

Gaya ng napagusapan ay nagkita kita nga kaming apat sa bahay ng dumating ang Sabado. Ibinigay ko kasi sa kanilang dalawa ang address namin kaya naman sila nalang ang pumunta sa bahay.

"Aba! Ang bongga ng bahay!!", bulalas ni Macey.

"Thanks young lady."

Sabay sabay kaming napalingon nina Macey, at Riley sa nagsalitang iyon. Si Uncle Rex. Or kuya Rex. He prefer that. Nakangiti itong sinalubong kami.

"Kuya Rex, meet my friends, I mean, me and Marvs friends. This is Riley, and this one si Macey. Guys, meet my uncle, Rexor or Rex for short." pagpapakilala ko.

"Hello po. Inglisero rin po ba kayo? Or do you understand tagalog?" nakangiting sabi ni Macey.

"Both. Pinoy eh." natatawang sabi ni kuya Rex.

"Ang ganda po ng bahay niyo." si Riley.

"Salamat, pero pag-aari to ng Kuya Gavin, papa nila." tukoy sa amin ni Kuya Rex.

"Ahh.." sabay na sabi nina Macey at Riley.

"Oh siya, mauuna na ako. Ingat kayo sa lakad niyo. Call me if you need anything okay?" bilin sa akin ni Kuya Rex saka niya ako hinalikan sa pisngi saka ito tuluyan ng nagpaalam sa amin. Pagkasarado ko ng pinto ay biglang nagtilian sina Macey at Riley na ikinagulat ko. Kunot noo ko silang tinitigan.

"What just happened?" tanong ko.

"Ang gwapo gwapo ng uncle mo!! Kyaaah!!!" bulalas ni Macey kaya naman nanlake ang mga mata ko.

"Super hot pa! Ano ba yan! Lahi ba kayo ng nagga-gwapuhan at nagga-gandahang nilalang?!" si Riley.

Nang sabihin iyon ni Riley ay napailing nalang ako saka napangiti.

"So maganda ako?" biro ko.

"You are! Hindi namin kailangang itanggi dahil kitang kita naman! Si Marvs pa nga lang! Ay kalowka ang pamilya mo! What more kapag nakilala na namin ang Mom at Dad mo! Isama pa ang buong angkan mo!" si Macey.

"Hey.. That's too much compliment." natatawang sabi ko.

"Too much?! Dahil too much din ang pagmumukha niyo! Grabe! Ang hot talaga ni uncle Rex mo!" si Riley.

"Hoy ikaw ha! Napaghahalataan ka ah!" biro ko.

"Okay lang. Pwede kami. hihi Ilang taon na ba siya?" si Riley.

"23." sagot ko.

"Bata pa! 1-2-3, 7 years lang tanda niya sa akin!!! Waaaah!" si Macey.

"What was that noise?! It's f*cking annoying!" sigaw ni Marvs. Nakababa na pala ito mula sa kwarto.

"Hey! Watch your mouth you pigheaded!" singhal ko dito. Bahagya naman itong umayos saka padabog na bumalik sa kwarto.

"Ay! Takot sayo? haha" si Riley.

"Takot niya lang na isumbong ko yan na may girlfriend siya." nakangising sabi ko.

"Gumagaling ka na mag-tagalog ah! Pero may pagka-slang pa rin." si Macey.

"I'll get used to it soonest." nakangiting sabi ko saka ko sila inaya sa sala at doon maghintay. Sinabi ko kasing baka matagalan si Marvs dahil mukhang kagigising lang nun.

Umakyat ako ng kwarto para tignan ito. Ilang beses ko ng kinatok ang pinto niya pero walang sumasagot doon, kaya naman pumasok na ako. Nakita ko si Marvs na nakabalot sa kumot.

"Hey, are you okay?" tanong ko dito.

"I wanna go back." bulong nito na sakto lang para marinig ko.

"What happened?" nag-aalalang tanong ko.

"I miss her so much.. I wanna see her."

Nang sabihin iyon ni Marvs ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nito. Si Alexa.

So we need to go back huh?

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro