Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 58 (Starting All Over Again)

OhmyGosh! Happy 9k reads! Ang bilis! Sobra! I'm so happy! ❤️☺️

PS: play the multimedia later sa part na may kanta. 💕 mas ramdam! hihi

💙 58

Third Person's POV

Nasa garden sina Blake at Faye ng sandaling iyon. Pareho silang nakaupo sa isang bench at nakamasid lang sa mga asul na rosas.

"Chloe's favorite/Paborito ni Chloe," sabay na sabi nilang dalawa kaya nagtinginan ang mga ito saka sila nagtawanan.

"Magbe-break lang tayo, nakakangiti ka na. Ang sama mo talaga! Masaya ka lang ganoon?" Iniripan ni Faye ang binata. Sa loob loob niya ay nanghihinayang siyang magtatapos na ang kanilang relasyon.

Ngunit hindi siya ganoon kasama para hindi palayain ang binata. May gusto itong iba at naiintindihan niya iyon. Sa isip niya ay masyado lang talaga siyang naging selfish dahil sa pagkagustong maranasan na maramdaman ang magmahal muli. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa pangawalang pagkakataon na nagkagusto si Faye ay sa isang lalake pang walang gusto sa kanya.

"Kamukha ko bang talaga iyong Amy para mapapayag kang maging boyfriend ko?" Tanong ng dalaga kay Blake. Nilingon naman siya ni Blake saka ito magiliw na nginitian.

"You two are different Faye." Sagot ng binata saka nito ipinatong ang kanyang dalawang siko sa kanyang mga tuhod at bahagyang yumuko. Nang tumingala siyang muli ay nakapatong na ang baba niya sa likod ng mga palad nito.

"Hindi mo talaga ako nagustuhan man lang?" Tanong muli ni Faye.

"I like you Faye, pero magkaiba ang pagkagusto na meron sa ating dalawa." Sagot ni Blake.

"Kahit konti?" Biro ng dalaga. Nilingon naman siya ni Blake saka ito bahagyang ngumiti.

"Go ahead. Suit yourself." Natatawang sabi ni Blake. Inirapan naman siya ni Faye saka ito nag-dekwatro at humalukipkip.

"You really like her huh?" Saad ni Faye habang matamang nakatingin sa mga asul na rosas. Nang lingunin siya ni Blake at nakitang doon ito nakatingin ay bumaling din siya doon.

"I want her but I can't have her, and yet, I can't stop thinking about her. She's so unattainable.." Panimula ni Blake na ipinagtaka ni Faye. "She once said that, Impossible can sometimes be possible, I'm still waiting for that moment to happen Faye. For me to answer that question."

"Ugh.. I can't understand you Blake.. Parang napakadali naman kasing sabihin na gusto mo ang isang tao eh. Nasa sa iyo lang kung papahirapan mo ang sarili mo." Nilingon niya ang binata na saktong nakatingin na rin pala sa kanya. "I like you. See? Napakadaling sabihin di ba?"

"Nope. It's not that simple Faye. Minsan na akong nagmahal na hindi inisip ang kahihinatnan ng pagmamahal na iyon. May nasira, may nawala, may nasaktan at may nahirapan." Madamdaming pahayag ni Blake.

Naunawaan naman ni Faye ang gustong sabihin ng binata. Bumuntong hininga si Faye saka ito umiling.

"Kapag nagmahal ka Blake, given na iyon. May masasaktan? Siyempre naman! Sa dalawang taong nagmamahalan, meron at merong may isa o dalawang tao na pwedeng masaktan. Ganoon naman na ata talaga eh." Paliwanag ni Faye. Narinig naman ng dalaga ang pagbuntong hininga ni Blake.

"Hindi mo ako naiintindihan Faye."

"Naiintindihan kita Blake! Ang hirap sa mga kagaya niyong masyadong matalino, ginagawa niyong komplikado ang isang sitwasyon na napakadali namang solusyunan! Kung may gusto ka, sabihin mo! Kung may karibal ka, ipaglaban mo! May the best man win! Sa aming mga babae, ganoon din naman kaso, siyempre mas maramdamin kami kaya mas matagal kaming magpatawad saka, depende pa rin sa sitwasyon." Litanya ni Faye na may pakumpas kumpas pa ng kamay sa ere.

"There you go. Sinabi mo na. Depende sa sitwasyon Faye, at sa sitwasyon ko, hindi ganoon kadali iyang mga sinasabi mo." Depensa ni Blake saka ito sumandal.

"Masyado ka lang mahina Blake. Para ka ring si Chloe eh. Kaibahan lang, siya ata hindi pa nare-realize ang mga nangyayari. Ikaw, alam mo na, pero ayaw mo namang kumilos. Sige lang! Kapag ikaw naunahan ni Eos, good luck nalang."

"Huh? Hindi pa ba sila?" Bulalas ni Blake na ikinagulat ni Faye. Kumunot ang noo ng dalaga.

"Hindi 'no! Isa pa, masyadong loko si Eos. Ang kulit kulit lang ng lalaking iyon! Ang hilig mang-asar! Lagi akong pinagti-trip-an! Idagdag pang lahat ng babae lagi niyang pini-please! Kung ano ano pang tinatawag niyang endearments! Eish! Nakakainis!" Inis na bulalas ni Faye na ikinagulat naman ni Blake.

Hindi inaasahan ng binata na parang close ata sina Eos at Faye. Kilala niya si Eos, hindi niya inaasar ang isang babae kung hindi ito malapit sa kanya.

Napatingin si Blake kay Faye at sinipat ng tingin ito.

Don't tell me, mukha ni Amy ang nakikita ni Eos sa kanya?

Pero teka.. Hindi pa sila? Talaga?

"Never mind that.." Muling sabi ng dalaga saka niya nilingon ang binata na may ngiti sa labi kaya naman napangiti si Faye. "Hmm.. Masaya ka na nang malaman mong hindi sila? Itsura mo!" Tumawa ang dalaga at ganoon din si Blake. "Let's start all over Blake.. Friends?" Nakangiting sabi ni Faye sa binata saka niya iniabot ang kamay niya. Kinuha naman iyon ni Blake pero hinila niya ito papalapit sa kanya saka niyakap. Ikinagulat naman iyon ng dalaga.

"Thank you so much for giving me back my freedom Faye.. Yeah, friends.." Bulong ng binata dito. Napangiti ang dalaga saka niya niyakap pabalik si Blake.

"You.. You're so clever.." Tumatawang sabi ni Faye kaya naman natawa na rin ang binata.

Sa kabilang banda, mula sa malayong distansyang higit kumulang labing limang hakbang ang layo ay kitang kita ni Chloe ang tawanan nina Blake at Faye. Hawak ang dibdib niya at pigil na pag-iyak ay tumakbo ito palayo. Nasaktan siya sa nakita.

Nasaktan ng mas higit pa sa nararamdaman niyang sakit noong makita niya ang kalungkutan sa mga mata ni Blake nang iwan niya ito sa library.

Blake's POV

Paglingon ko sa gate nina Faye nang magkahiwalay kaming magyakap ay naaninag ko ang mukha ni Chloe. Nakita ko ang pagtalikod nito at pagtakbo. Agad naman akong tumayo at hinabol ito.

"Chloe!!" Sigaw ko. Huminto naman ito saka siya humarap sa akin. Laking gulat ko nang makita siyang umiiyak.

Nilapitan ko ito at pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng palad ko.

"What happened? Bakit ka nanaman umiiyak?" Nagaalalang tanong ko rito.

Tumingala siya sa akin at matamang tinitigan ang mga mata ko.

"Tell me you're happy.." Malungkot na sabi nito na ipinagtaka ko. "Sabihin mong masaya ka na para maiwan na kita.." Humahagulgol na dagdag niya.

🎶How can I make it through the day
Without you
You have been so much a part of me
(and if you'll go)
I'll never know what to do🎶

Naguluhan ako ng sandaling iyon. Hindi ko siya maintindihan. Maski iyong nangyari sa amin doon sa library ay hindi ko naintindihan.

Ano bang gusto niyang sabihin? Anong gusto niyang iparating? Nakikita ko naman siyang masaya kapag kasama si Eos pero bakit sa tuwing kaharap niya ako malungkot ito at laging umiiyak? Bakit?!

Yumuko ako at napabuntong hininga. Nakaramdam ako ng panlulumo. Nakakaasar lang na maisip na masaya ito sa piling ng iba.

"You're leaving me? What happened to our Endlessly Chloe?"

🎶I cannot live out on my own
And just forget the love you've always shown
And accept the fate of my condition
Please don't ever go
For I cannot live my life alone🎶

"What happened to your, I'm your happiness Ake?"

"But you are my happiness. Kaya bakit ka aalis?" Kunot noong sabi nito.

"Dati iyon Ake eh. Dati iyon. Ngayon, mukhang hindi na ako.." Malungkot na sabi nito saka niya pinunasan ang luha niya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!" Asik ko rito.

Hindi siya nagsalita at mataman lang akong tinitigan. Ang bigat bigat ng kalooban ko ngayon na makita siyang ganito.

Anong bang dapat kong gawin? Hindi kaya, gusto niya na si Eos?

"Good bye Ake." Seryosong sabi nito saka siya tumalikod. Agad ko namang hinawakan ang braso niya saka ito hinila palapit sa akin.

"Are you kidding me?!" Singhal ko rito.

No. Ayoko na siyang pakawalan pa. Ngayon pang nalaman kong wala naman pala silang relasyon ni Eos, no! Hindi na. Kung kailangan kong harapin si Eos, gagawin ko. Gagawin ko ang pwede kong gawin para lang manatili sa tabi ni Chloe.

"What?!" Singhal din niya.

"Don't what me Chloe! Hindi kita maintindihan! Sinabi ko na ngang ikaw ang nagpapasaya sa akin, pero bakit aalis ka?!" Sigaw ko rito. Nakakaasar!

"Dahil hindi na nga ako ang kasiyahan mo! Mahirap bang intindihin iyon?!" Sigaw niya rin.

Binitiwan ko ito saka ako napasabunot sa buhok ko at napahilamos sa mukha ko. Sobra na akong naiinis sa kanya ng sandaling iyon.

"Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?! Ako ba ikaw?! You're so stupid Chloe!!"

"And you're an asshole Ake!!" Sigaw niya saka niya binato ang hawak na sling bag nito.

"Bakit ka nananakit?!"

"Bakit ka naninigaw kasi?!"

"Baliw ka lang Chloe?! Nakakaasar ka na ah!" Inis na sabi ko rito. "Ano bang gusto mong mangyari?! Hindi pa ba sapat ang sinabi kong ikaw ang kasiyahan ko?!"

"Hindi!"

"Then what do you wanna hear me say Chloe?! Tell me!!"

🎶Say you'll never go
Say you'll never go out my way
Say you'll never go
For we can still go on
And make it through
Just say you'll never go
Say you'll never go away🎶

Natigilan si Chloe ng sandaling iyon. Hawak niya ang ibaba ng skirt niya ay parang hindi mapakali ito. Bahagya lang siya nakayuko habang kagat ang ibabang labi niya.

"Huwag mo akong daanin sa kaartehan mo ngayon Chloe dahil nakakaasar ka lang tignan!!" Singhal ko sa kanya dahilan para mag-angat siya ng mukha na naka-kunot ang noo.

"Kasamaan talaga ng ugali mo!" Sigaw niya sa akin.

"Sagutin mo ang tanong ko! Wala akong balak patagalin ang usapang 'to!" Singhal kong muli sa kanya.

"You-- you!!" Sabi nito habang nakaduro siya sa akin. Nagpapadyak ito saka niya kinagat muli ang ibabang labi niya.

Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Patakbo itong lumapit sa akin at wala sa sariling sinalo ko siya saka ito niyakap. Bahagya pa akong napangiti nang muntik na kaming matumba.

"You're such a jerk Ake.. Just please let me stay. Don't let me go.. Promise me.." Bulong niya.

"Stay Chloe.. And I'll never let you go.. Endlessly.." Bulong ko rito saka ko siya ibinaba. Hindi ko pa siya tuluyang pinakawalan ng sandaling iyon. Hawak ang bewang niya ay mataman kong tinitigan ang mukha nito saka siya hinalikan sa noo.

"Endlessly.." Bulong niya.

The End.
-
-
-
-
-
-
Oo, ending nitong chapter na ito, dahil gusto ko nang magsimulang muli sa pinaka-umpisa.

At sa pagkakataong ito, I'll do what I wanted to do.

To stay beside her..

And hold her like this.

To be continued..

Hindi pepwedeng ending na.. Nage-enjoy pa ako sa kanila. Relax. XD

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro