Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 55 (Her Plan)

Happy 8k views! Ang bilis! Ang saya! Haha naabutan niya na iyong isang story ko na naiwan ko sa ere dahil na rin sa naka-focus na ako rito! huhu patawad po!

💙 55

Faye's POV

Pangalawang linggo ko na rito sa school. Sa totoo lang naboboring na ako. Mas okay pa sa US. Magulo. Maraming pwedeng puntahan samantalang dito, wala. Namimiss ko na rin si Kuya Saki dahil walang nangungulit sa akin.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa canteen para puntahan si Blake dahil nagtext itong sabay daw kaming mag-lunch.

Ang sweet ng boyfriend ko.. Hihi

"Aww!" Daing ko nang may mabunggo ako. Pagtingala ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Eos kaya inirapan ko ito.

Last week niya pa akong kinukulit at inaasar. Kainis! Speaking of makulit, siya pala ang pumalit kay Kuya Saki.

"Ang pandak mo kasi.. Hindi tuloy kita nakita.." Nakngising sabi niya.

"Masaya ka na niyan?" Nakangiti at sarkastikong tanong ko saka ko ito inirapan.

"Oo naman. Pikon ka kasi eh." Tumatawang sabi niya. Nakitawa rin ako rito. Pekeng tawa.

Hinampas ko siya sa braso. "Tabi nga! Padaan!" Inis na sabi ko.

"Ayoko nga.. Kiss mo muna ako.." Nakangiting sabi nito saka siya yumuko at inilapit pa niya ang pisngi niya sa mukha ko. Napakunot noo naman ako ng sandaling iyon.

Itinulak ko ang mukha niya palayo. "No way!" Bulalas ko. Tumawa naman ito.

"Ang cute cute mo talaga.." Nakangiting sabi niya saka niya pinisil ang dalawang pisngi ko. "Chubby chubby cheeks!" Dagdag pa niya.

"Ano ba!" Singhal ko rito sabay tapik sa kamay niya.

"Kamukhang kamukha mo talaga si Amy.."

Nang sabihin niya iyon ay natigilan ako. Ang mga mata niyang kanina ay nakangiti ay napalitan ng lungkot.

Sino ba iyang Amy na iyan? Parang narinig ko na iyon ah? Hmmm.. Ah! Kay Chloe!

"Wait.. You know Amy?" Tanong ko. "Teka.. Iisang Amy lang ba ang tinutukoy natin?" Dagdag ko.

"Huh?" Nagtatakang reaksyon niya.

"Narinig ko na iyang pangalan na iyan kay Chloe.. About the Boobear stuff.." Sabi ko rito. May sasabihin pa sana siya pero biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko namang sinagot iyon nang makitang si Blake ang tumatawag.

"Hello? Nasaan ka na?" Tanong niya nang masagot ko ang linya.

"Ah.. Papunta na diyan." Sagot ko.

"Okay. Anong gusto mong kainin? Oorder na ako."

"Kahit ano nalang."

"Okay. Bye." Sagot niya saka niya ibinaba ang linya.

Napanguso ako ng sandaling iyon. Ni minsan ay hindi man lang siya nag-a-I love you sa akin.

Bad boyfie! Tsk tsk..

Nang mailagay ko ang phone ko sa bulsa ko ay nilingon ko si Eos. Tulala ito sa kawalan na para bang may iniisip.

"Eos.." Pukaw ko. Nilingon naman ako nito. "Una na ako. Bye!" Paalam ko.

"Teka.." Pigil niya sa akin sabay hawak sa braso ko.

"Oh?"

"Anong ibig mong sabihin doon sa Boobear with Chloe and Amy?" Tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi mo mababakasan ang laging nagbibirong Eos kaya nagtaka naman ako.

"Saka na natin pag-usapan Eos. Hinihintay na ako ni Blake.." Malumanay na sabi ko rito.

Binitawan niya ang braso ko. "Okay.. Sige.." Sabi nito saka siya naglakad palayo.

"Weird.." Sambit ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa canteen.

Nang makarating ako sa canteen, as usual ay maraming nakatingin sa akin. Mga matang mapanuri, mapagmatiyag, mapangutya, lalo na ng makalapit ako sa upuan kung nasaan si Blake kasama sina Logan at Aiden. Hinalikan ko sa pisngi si Blake nang makarating ako doon, dahilan para mapalingon siya sa akin. Gaya ng dati ay walang reaksyon ang mukha nito.

Kailan ko ba siya huling nakitang ngumiti? Noon pa atang nasa Boracay kami..

"Kailan mo sasabihin sa kanilang boyfriend na kita?" Tanong ko kay Blake habang nakayakap ako sa leeg nito.

"Faye listen--"

"No.. Shut up Blake.." Pagpuputol ko sa sinabi niya saka siya hinalikan.

Sa gulat niya ay ni hindi niya nagawang kumilos. Nang makuntento ako sa halik na iginawad ko rito ay unti unti akong umatras saka sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

"Are you saying something?" Nakangiting tanong ko rito.

"What the hell did you do?!" Singhal niya sa akin na ikinagulat ko. Sinamaan niya ako ng tingin habang pinupunasan ang kanyang labi. "Look Faye, may iba akong gusto! At hindi ikaw iyon!"

"Sino? Si Chloe?!" Singhal ko pabalik. Hindi naman ito nagsalita. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka ito nag-iwas ng tingin. "No Blake. Not Chloe! Not again! Nag-away na kami dati dahil lang sa isang lalake. Ayoko nang maulit pa iyon.. Please.. Not Chloe.." Mangiyak ngiyak kong sabi.

Dahil kapag nagkataong si Chloe nga ay hindi ko na magagawa pang maging mabait sa kanya.. Gagawa at gagawa ako ng paraan para mapa-sa akin ka Blake..

"Anong ibig mong sabihin?" Rinig kong tanong ni Blake.

"Inagaw sa akin noon ni Chloe ang boyfriend kong si Tyler na ngayon ay ex na naming dalawa. Nagaway kami ng dahil doon. Kaya please Blake.. Huwag mo naman na kaming pagawayin ulit. Ayoko siyang saktan.. Ayoko na siyang saktan.." Paliwanag ko rito.

Marami ring masasakit na salita ang nasabi ko noon kay Chloe gaya ng, Mamatay ka ng malanding babae ka!, at pinagsisihan ko iyon. Ngayon, gusto kong akin lang si Blake kahit pa napansin kong close na sila.

Bakit? Hindi ba at ganoon din ang ginawa niya kay Tyler? Nauna kaming maging close! Pero anong nangyari? Anong ginawa niya?! Ni hindi man lang niya pinagbawalan o tinanggihan si Tyler!!

"Are you telling the truth?" Kunot noong tanong sa akin ni Blake.

"Kahit itanong mo pa iyan sa kanya.. Hindi ako nagsisinungaling." Humihikbing sabi ko. "Kaya Blake.. Magkagusto ka na sa iba, huwag lang kay Chloe. Ayokong masira nanaman ang samahan namin.. Not her.. I'm begging you.."

Hindi sumagot si Blake ng sandaling iyon kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba na baka nga may gusto na ito kay Chloe.

"Give me a month Blake.. Just a month.. Kapag hindi mo ako nagawang mahalin sa loob ng isang buwan, ako na mismo ang lalayo." Seryosong sabi ko rito sabay punas ng luha ko gamit ang palad ko.

"A month?" Tanong niya.

"Yes. A month."

"Paano kapag hindi ako nagkagusto sa iyo?" Tanong niya.

"I doubt that. Gagawin ko lahat para lang magkagusto ka sa akin Blake.." Pilit ngiting sabi ko rito. "Ohh.. At dahil diyan, hindi mo pwedeng kausapin o lapitan si Chloe para maging patas. Layuan mo siya. Alam kong lamang na siya kaya naman pagbigyan mo na muna ako." Muli ay pilit ko itong nginitian saka ako naglakad palayo.

"Faye.." Pukaw sa akin ni Blake habang nasa kalagitnaan ng pagalala sa nangyari sa aming dalawa sa Boracay. Nilingon ko naman ito at nginitian. "Okay ka lang ba? Ang sabi ko, kumain ka na." Saad nito.

"Yes babe.." Nakangiting sabi ko.

"I already told you. You can call me whatever you want, huwag lang babe." Walang rekasyong sabi niya saka ito kumain. Nang mapalingon naman ako kina Logan at Aiden ay nginitian ko nalang ito kaya napngiti na rin sila.

Ang cold cold naman ng lalakeng 'to!

Napanguso ako ng sandaling iyon habang kumakain.

Bakit ko nga ba nagustuhan si Blake? Wala lang. Curiosity siguro? Gusto kong malaman kung paano siyang nagustuhan ni Chloe.

Paano kong nalaman na gusto ni Chloe si Blake? Simple lang! Hindi nakikipagusap sa lalake iyang si Chloe at hindi nakikipag-akbayan o nagpapahawak iyan unless it's a family friend's friends.

Idagdag pang gusto kong malaman kung isa sa kanila ay may tapang na ipaglaban ang nararamdaman nila pero dalawang linggo na ang nakalipas ay ni isa sa kanila ay walang ginagawa. Si Blake ay sinunod talaga ako, habang si Chloe naman ay ni hindi man lang nag-usisa sa akin, kaya mas lalo akong na-challenge na paibigin sa akin itong si Blake.

Kung hindi nila kayang ipaglaban ang isa't isa, hindi naman siguro ganoon kalalim ang nararamdaman nilang dalawa.

Kaya pwede pa siguro ako..

Wala namang mawawala kung susubukan ko hindi ba?

"Are you done? Halika na. Ihahatid na kita sa klase mo.." Rinig kong sabi ni Blake pero hindi ko ito pinansin. Napanguso lang ako. "Faye!" Tawag niya sa akin dahilan para lingunin ko ito.

"Nagtatampo ako! Ang cold mo!" Daing ko.

"You choose to be with me Faye.. Deal with it or leave." Malamig na tugon niya na mas lalong napagpakunot sa noo ko.

Paanong nagkagusto rito si Chloe?! Grabe! Hindi kinakaya ng bangs ko kahit wala akong bangs!!

Inis akong tumayo at nag-crossed arms. Nilingon ko sina Logan at Aiden. "Ganito niya ba tratuhin ang baby babe kong si Chloe?!" Taas kilay kong tanong. Agad namang tumango ang dalawa na kinagulat ko. "What?!" Bulalas ko pa.

Tumawa si Logan. "Oo. Sinabihan pa niyan si Chloe ng malandi noong first time namin siyang makilala."

"At tatanga tanga!" Tumatawang dagdag ni Aiden kaya mas lalong nangunot ang noo ko at bahagyang napanganga. Nang bumaling ako kay Blake ay wala pa ring reaksyon ang mukha nito.

"How dare you to do that to her?!" Singhal ko kay Blake. Wala na akong pakielam kung gumagawa ako ng eksena.

"Hindi ako kilala ni Chloe at ganoon ka rin. May nakakagulat pa ba sa ugali ko? Sa tingin ko ay wala naman Faye." Walang reaksyong sagot nito.

"What the hell?! Are you kidding me?!" Inis na sabi ko.

Ang sarap niya lang sapakin! Kung hindi ko lang talaga siya gusto eh!

"No I'm not.. Sinabi ko na sa iyo, deal with it or leave." Saad niya.

"Paanong nakatagal sa iyo si Chloe?!" Bulalas ko. Taas ang isang kilay ko ay hindi ko na mapigilang mainis ng sagad!

Matinde 'tong lalaking 'to eh!

Lumapit sa akin si Blake. "2 weeks more Faye. Hindi ako katulad ng inakala mo." Bulong niya saka nito hinawakan ang kamay ko at hinila palayo doon.

"What?! Wait! Bitawan mo ako!" Inis na bulong ko rito. Nakaramdam na kasi ako ng hiya ng pagtinginan na kaming dalawa. "Iyong mga ngiti at kabaitan mo noong nasa Boracay, hindi ba ikaw iyon? Saan na iyon napunta?" Nagtatakang tanong ko rito habang patuloy na naglalakad papunta ata sa building namin.

"Don't assume things Faye.. Never expect anything from me. Madi-disappoint ka lang.." Makahulugang sabi nito na muling nagpanganga sa akin.

Nagkamali ba ako ng pinasukan? Oh my gosh! This jerk ass face! Naiinis na ako sa kanya!

Nasa kalagitnaan ako ng paghihimutok nang mapansin na nasa tapat na pala kami ng klase. Gaya nitong mga nakaraang araw ay panay ang tili at bulungan ng mga babae kong kaklase sa tuwing makikita nila si Blake.

Psh! Kung alam niyo lang ang ugali niya! Ugh!

I rolled my eyes and look at him. Mataman lang itong nakatingin sa akin.

"Bakit?!" Inis na asik ko.

"Go in.. Slow!" Walang reaksyong sabi niya ngunit nandoon ang diin sa salitang slow na mas napa-buwisit sa akin. I also heard him flickered his tongue bago ito tuluyang naglakad palayo.

Ugh! The nerve!! Grabe! Bilib na ako sa iyo Chloe!

"Uy wala na iyong Prince Charming mo." Pukaw sa akin ng isang pamilyar na boses.

Muli ay narinig kong nagtilian ang mga babaeng kaklase ko at nagbulungan ng salitang, Ang gwapo niya talaga!, na nagpakunot ng noo ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko rito.

"Oh.. Huwag mo akong sungitan." Tumatawang sabi niya. "May ibinigay lang ako sa class representative niyo. Bakit? Namiss mo ba ako? Ikaw ha, kasama mo lang ang boyfriend mo kanina, ngayon naman, nangangaliwa ka na. Bad girl.." Nakangiti at umiiling na sabi nito.

Wala na ata akong makausap na matinong lalake ngayon! Ugh!

"Just go away.." Walang reaksyong sabi ko rito saka ako sumandal sa bukana ng pintuan.

"Akala ko pa man din magpa-pout ka. Pout naman diyan. Cute ka kapag ginagawa mo iyon eh." Tudyo niya na nagpakunot ng noo ko.

"Tigilan mo ako Eos! Alis!" Mahinang asik ko rito saka ako naglakad palayo. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

Asar! Lakas ding mang-inis ng isang iyon! Ugh!!!

TO BE CONTINUED..

Ohh.. Ahh.. Hmm.. Okay. XD

Si Faye! Nasa multimedia! Ang cute nga niya! Haha

May chika ako! Hihi nanalo ako sa One Shot contest! Ang saya saya lang! Hihi kahit 3rd place lang iyon, malaki ng bagay para sa akin!

Again, salamat sa mga sumuporta! ❤️

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro