This Heart Belongs To YOU - 53 (You Beside Me)
💙 53
Chloe's POV
Nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa ni Ake ng sandaling iyon. Pareho kasi kaming nagbabasa at nagte-take down notes ng mga informations na kailangan namin para sa activity. Ang ilang ingay na maririnig? Kaluskos ng ballpen habang nagsusulat kami at ang paglipat ng bawat pahina ng librong hawak namin.
Sobrang nakakapanibago. Hindi ako sanay na nakaupo rito sa may table. Mas sanay ako na sa sahig nakaupo at nakasandal lang sa book shelf, nagbabasa at minsan ay natutulog.
Kasama siya..
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay siya ring sarado ko ng libro. Inilapag ko sa mesa ang ball pen na hawak ko saka ako sumandal at pumikit. Itiningala ko pa ang ulo ko nang maramdaman ko ang pananakit ng leeg ko.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong tanungin kung kamusta siya. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko siyang mayakap gaya ng dati. Gusto kong pagmasdan ang mukha niya habang payapang natutulog ito.
Napakarami kong gustong gawin at sabihin kaso, hindi pwede. Sa tuwing maiisip kong hindi na pwedeng mangyari ang mga iyon ay tila ba laging naninikip ang dibdib ko. Kumikirot iyon sanhi ng kalungkutang nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko at mataman iyong pinakiramdaman. Normal naman ang pagtibok nito kung hindi ako nagkakamali, pero bakit parang may kulang? May malaking espasyo na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"I'm done. Let's go." Rinig kong sabi ni Ake kaya naman agad akong nagdilat at iniayos ang gamit ko. Tumayo ako at sumunod dito sa book aisle na pinagkuhanan namin kanina ng libro.
Pagkalabas namin ng library ay huminto sa harap ko si Ake saka ito pumihit paharap sa akin at para bang sinipat ako ng tingin.
"Give me that paper. I'll summarize it." Walang reaksyong sabi nito sabay lahad ng kamay niya. Agad ko namang iniabot sa kanya ang papel. Nang makuha niya iyon ay naglakad na ito palayo.
Naiwan ako doon na pinagmamasdan lang ang kanyang likuran. Itinaas ko sa ere ang kamay ko na para bang inaabot siya.
"I miss you so much that it hurts.." Bulong ko sa kawalan. Ang luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo ay nag-unahan na sa pagdaloy sa mukha ko.
Napasandal ako sa pader ng sandaling iyon saka ako umupo. Wala na akong pakielam kung may makakita sa akin.
Nahihirapan na ako. Nasasaktan na ako ng sobra.
Bakit? Bakit ganito?!
Sinuntok suntok ko ang dibdib ko ng sandaling iyon. Mas gugustuhin ko pang masaktan ng pisikal kesa emosyonal.
"Tama na! Tama na! Ayoko nang masaktan pa!" Ngitngit ko sa sarili ko habang patuloy ang pagsuntok sa dibdib ko.
"Chloe! Baby sis! Stop! What are you doing?!"
Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita ko sina Macey at Riley.
"Riley.. Macey.." Humahagulgol na saad ko saka ko sila niyakap. "Ang sakit sakit.. Ayoko na.. Hindi ko na kaya.. Ayoko na.."
"Sssshhhh.." Pagpapatahan sa akin ni Macey.
"Baby sis.." Si Riley. Ramdam ko ang awa ng dalawa dahil sa mga boses nito.
"Akala ko kaya ko eh.. Akala ko matatag na ako eh.. Akala ko okay lang eh.. Kaso hindi.. Hindi pala.." Muling sabi ko. Hindi naman nagsalita ang mga ito at patuloy lang ang paghaplos nilang dalawa sa likuran at ulo ko. "Kung alam ko lang na ganito.. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.. Sana..."
Sana namatay nalang ako noon pa.. Sana hindi ko nalang tinanggap ang puso ni Tammy..
"Hush hushh.. Tara sa clinic baby sis.." Masuyong sabi ni Riley.
Unti unti nila akong itinayo ng sandaling iyon. Maya maya ay naramdaman ko nalang ang pagpupunas ni Macey sa mukha ko gamit siguro ang panyo niya.
Pagpasok namin ng clinic ay inihiga nila ako sa kama. Nang makahiga ako doon ay kahit papaano naging ayos ang pakiramdam ko.
Riley's POV
Nagtinginan kami ni Macey nang makita naming nakatulog agad si Chloe matapos naming maihiga ito sa kama. Nakakaawa siya kanina ng makita namin. Akala pa man din namin ay tungkol sa sakit niya ang tinutukoy ni Blake kanina.
Pagpasok ni Blake ng classroom ay agad kong hinanap si Chloe ngunit hindi niya ito kasama. Dirediretso rin si Blake papalapit sa amin. Gaya ng dati ay wala ng reaksyon ang mukha nito.
"Riley.. Si Chloe, check her. Nandoon siya sa tapat ng library." Sabi ni Blake saka ito naglakad palayo.
"What?!" Bulalas ko. "Anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw ko sa klase. Wala na akong pakielam kung gumagawa ako ng eskandalo.
"Just go. Now!" Seryosong sabi nito kaya naman mas lalo akong kinabahan.
"Macey! Tara!" Tawag ko kay Macey na kausap ni Logan ngayon.
"Saan?" Tanong niya ng makalapit ito.
"Si Chloe.." Sambit ko. Gaya ko ay nagalala na rin ito.
Nang madako kami sa hallway papuntang library ay nakita namin si Chloe na sinasaktan ang sarili niya. Patakbo akong lumapit dito at laking gulat ko nang makitang umiiyak din siya.
"Ano ba 'yan! Ano ba kasing nangyari?!" Pukaw sa akin ni Macey. "Grabe.. Naaawa ako kay Chloe. Akala ko pa man din ay okay lang siya. Hindi naman niya pinapakitang malungkot siya nitong mga nakaraang araw."
Tama si Macey. Hindi talaga namin nakakitaan ng kalungkutan si Chloe. Ngayon lang. Ngayon lang siya nag-burst out ng ganito. Nakakalungkot. Ni hindi man lang namin siya matulungan.
"I know.." Napailing ako. "Akala ko rin okay lang siya sa sitwasyon nila ni Blake. Pero nang makita ko siya kanina, ramdam ko kung gaano siyang nasasaktan.."
"Sis.. Anong pwede nating gawin for her?" Si Macey.
"Sa ngayon siguro, mas okay na hindi na muna talaga maglapit sina Chloe at Blake dahil maski itong si Blake ay mukhang apektado rin. Nga lang hindi halata sa mukha niya." Tugon ko rito.
"So, ilalayo natin sila sa isa't isa?" Tanong ni Macey.
"Hangga't maaari sis. Alam ko kung gaano kahirap ang layuan ang taong gusto mo. Alam ko. Kaya kakailanganin niya ng tulong natin." Saad ko.
Oo. Alam ko dahil ganoon ang ginawa ko kay Aiden dati. Alam ko dahil napagdaanan ko na rin iyon. Ang sabi nila mga bata pa raw kami para maramdaman ang ganitong bagay at napaka-imposible raw na makaranas kaming masaktan, pero sadyang hindi ata alam ng mga nakakatanda na may tinatawag kaming emosyon. Mas madali kaming masaktan dahil first time namin iyon. Mas madali kaming umiyak dahil iyon lang ang alam namin na paraan para mailabas ang sakit na nararamdaman namin. Mas madali kaming magmahal dahil wala pa naman kaming alam tungkol sa mga bagay na pwedeng mangyari gaya nalang ng, sakit na pwedeng idulot nito.
We just go with the flow dahil nga lahat ng nararanasan namin ay bago sa amin. Hindi namin iniisip ang mga kakalabasan o kahihinatnan ng mga gagawin namin dahil nga, wala pa kaming alam doon, hanggang sa maranasan nalang namin. Sa pangalawang pagkakataon ay doon kami magdadalawang isip sa mga hakbang na gagawin namin.
Iyon ang paniniwala ko.. Iyon ang pagkakaintidi ko sa mga bagay bagay na ngayon nga ay nararanasan na namin habang tumatanda na kami at nagkakaroon ng tamang pag-iisip.
Ngunit pagdating sa nararamdaman ay tila hindi ko pa mapagtanto kung paanong hindi namin iyon mapigilan. It just happened! Like, bang! Again, I'm madly in love with Aiden.
Ngunit sa pagkakataong ito ay mas maingat na ako at hindi na padalos dalos.
Nilingon ko si Chloe habang mahimbing itong natutulog. May luha pa rin ang kanyang mga mata. Muli ay nakaramdam ako ng awa dito. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luhang iyon.
"Sis.. Naaawa ako kay Chloe.. Kapag ata ginawa nating paglayuin sila ay magiging mas masakit iyon para sa kanya." Mahinang sabi ni Macey.
"Mukhang okay naman siya kapag wala si Blake eh. Tignan mo, saka lang naman siya naging ganito nang magsama sila." Depensa ko.
"Ehh.. Ewan sis.." Si Macey.
"Just go with the flow sis.. Just go with the flow. Force nothing.. Let it happen. If something happens, we'll be here for her. To support her.." Saad ko.
"Sis naman! Pwede namang tagalog eh.. Pinadugo mo pa ang tenga at ilong ko.." Nakangusong bulalas ni Macey kaya nilingon ko ito saka tinaasan ng kilay.
Baliw talaga 'tong babaeng 'to..
Macey's POV
Naintindihan ko naman ang sinabi ni Riley. Ayoko lang pati kaming dalawa ay madala ng lungkot ni Chloe. Malungkot na nga si Chloe, pati ba naman kami? Siyempre dapat hindi. Kami dapat iyong good vibes!
Pero real talk.. Naaawa ako kay Chloe. Noong makita ko siya kanina, kulang nalang ay sakalin niya ang sarili niya! Naloka naman ako!
Buti nalang ay agad naming pinuntahan siya ni Riley.
Ako ang nasasaktan para kay Chloe at Blake. Alam kong kahit ganoon si Blake ay pati siya apektado. Hindi ko kasi malaman kung ano bang problema nung si Faye.
In love ba talaga siya kay Blake? Agad agad?! May sapak naman ata iyon! Imposibleng meron ngang love at first sight! Ay! Never mind. Gwapo nga pala si Blake.. Hihi
Hindi ko talaga maiwasang magalala ngayon para kay Chloe. Hindi pa kasi siya okay sa pagkakaalam ko dahil tuwing weekends ay patuloy pa rin ang pagpunta nito sa hospital.
Paano kung lumala ang sakit niya? Paano kung sa sobrang lungkot na nararamdaman niya bigla nalang siyang mag-break down?
Nakakaimbyerna naman kasi itong si Faye! Hay nako! Gaya ko ring talandi!
Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa ngayon ay iyong side ni Blake. Oo, sabihin na nating kamukhang kamukha nga nitong si Faye iyong Amy. Nakita na rin kasi namin iyon at nakasama pero hindi naman gaano kaya hindi rin kami naging close dito. Idagdag pang noong mga panahon na iyon ay kay Logan lang talaga ang paningin at atensyon ko.
Pero sapat na nga bang talaga iyon para magustuhan ni Blake agad si Faye? Agad agad?! As in sagad?! Aba! Matinde! Imposible naman! To the point na ni ayaw niyang lapitan si Chloe na dati naman ay ni ayaw niyang mawaglit sa paningin niya.
Napahawak ako sa pisngi ko nang sandaling iyon saka ako nangalumbaba sa ibabaw ng tuhod ko na ngayon habang matamang nakatingin kay Chloe.
"Tara na muna sa klase sis. Tapos na ba yung sa inyo ng partner mo?" Pukaw sa akin ni Riley.
"Oo. Tapos na. Ikaw ba?" Balik na tanong ko.
"Oo. Tara. Mag-report na muna tayo then balik nalang tayo rito." Sabi ni Riley saka ito tumayo at nagsimula nang maglakad. Sumunod nalang din ako sa kanya.
Pagkapasok namin ng classroom ay napansin kong napatingin sa akin sina Blake, Logan at Aiden. Paglingon ko kay Riley ay dirediretso itong naglakad patungo kay Blake. Laking gulat ko nalang ng kuwelyuhan niya si Blake at sinamaan ng tingin.
"Gago ka rin ano?! Alam mo na ngang hindi maganda ang pakiramdam ni Chloe iniwan mo pa siyang mag-isa doon?! Paano kung may nangyari na sa kanya nung iwan mo siya?! Ha?!" Galit na galit na singhal ni Riley kay Blake.
Hinawakan ko siya sa braso at ganoon na rin si Aiden pero agad niya rin kaming tinabig.
"Kaya nga tinawag ko kayo di ba?" Walang reaksyong sagot ni Blake.
"Oo! Tinawag mo kami! Nandoon na ako! Pero paano kung huli na ang lahat?! Leche ka! Kung ayaw mo siyang tulungan bilang Chloe, tulungan mo siya bilang tao! Alam mo naman ang kalagayan niya tapos lalayasan mo?! Tangna mo!" Umiiyak na sabi niya.
Lahat kami ay natigilan dahil sa mga sinabi ni Riley. Kitang kita ko sa kanya ang galit. Lumapit ako rito at kaagad siyang niyakap. Iniyuko ko ang ulo niya sa balikat ko at ginabayan siya sa paglalakad palabas muli ng classroom, pero bago pa ako lumabas ay nilingon ko ang guro namin.
"Ah Ser! Hihi Pasensya na po! Dadalhin ko siya sa clinic. Nandoon din po si Ms. Cavalier dahil masama ang pakiramdam niya. Pa-excuse nalang po." Paalam ko rito. Tumango naman siya na halatang naguguluhan sa nangyari.
Haaay.. Ano na bang nangyayari? Nakakalungkot naman oh..
TO BE CONTINUED..
Ako rin. Nalulungkot na. T^T
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro