Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 52 (Story of Us)

JaneenPerpenia para sa iyo ito ❤️

💙 52

Chloe's POV

"Huy! Tulala ka nanaman diyan baby sis!" Pukaw sa akin ni Macey.

Matapos kong mag-kwento sa nakaraan namin ni Faye ay nagpasyang matulog dito sa bahay ang dalawa.

Yay! Sleep over!

"Paano, iniisip ata na may nagawa siyang kasalanan kay Faye eh wala naman." Singit ni Riley na nagsusuklay ng buhok niya sa tapat ng vanity ko. Naka-suot na kami ng pajama, which is lahat ay akin, at nakapag-shower na rin.

"Huh?! Parang hindi niyo naman ata naiintindihan iyong kwento ko.." Kunot noong sabi ko.

"Baby sis.. Gets namin. Pero hindi mo naman inagaw si Tyler eh, ayon sa kwento mo, si Tyler ang unang umamin, na-in love ka lang. Tapos! Pero hindi mo siya inagaw.. Okay?" Paliwanag ni Macey.

"Saka pwede ba! Lalake lang iyan! Hindi pinagtatalunan ang mga lalake. Jusko! Ang dami daming lalake diyan sa tabi tabi." Inis na sabi ni Riley kaya bahagya akong natawa at ganoon din si Macey.

"Pero sis, ikaw ba? Naghanap ka ba ng iba bukod kay Aiden? Di ba hindi? Kasi nag-iisa lang si Aiden. Parang ako, kung kani-kanino ako nagkaka-crush pero iisa pa rin ang laman ng heart ko, si Logan my loves lang." Nakangiting sabi ni Macey sabay yakap nito sa sarili.

Tama siya. Nag-iisa lang si Ake. Iba pa rin ang napaparamdam niya sa akin. Ibang saya na hindi ko magawang mai-kompara kahit kanino. Kahit pa kay Eos.

"Ayan ka nanaman sa kalandian mo sis!" Irap ni Riley kay Macey. Napanguso naman si Macey saka niya ito binato ng unan. "Aw! Haha Maiba tayo.. Hindi mo pa nasasagot iyong tanong namin kung may gusto ka kay Blake o wala baby sis." Baling niya sa akin.

"Sa totoo lang.. Hindi ko alam." Sagot ko saka ako humiga at tumingin sa kisame. "Ayokong madaliin kung anong nararamdaman ko. Kung ano man itong nararamdaman ko, diyan na muna siya. Mga bata pa tayo. Marami pang pwedeng mangyari." Tugon ko.

Ngunit sa kabila ng sagot kong iyon ay isang katanungan din ang pumasok sa isipan ko.

Tatagal pa ba ako?

Napapikit ako at napa-buntong hininga. Ang dami ko pang gustong maranasan. Ang dami ko pang gustong i-enjoy sa buhay. Ngunit kung tadhana nga naman ang nakahawak ng kapalaran mo, may magagawa ka ba?

Paano kung bukas o makalawa ay huling araw ko na pala? Huling araw ko na pero, hindi ko man lang matukoy kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Nararamdaman ko nga ba? O nararamdaman ni Tammy?

Ang hirap naman kasi eh. Isa pa 'tong nakakagulo sa isip ko. Hindi ko matukoy kung puso ko ba ang tumitibok kapag may masasayang nangyayari kapag kasama si Ake o, puso pa rin ni Tammy. Ngunit ayon sa nabasa ko, hypothalamus ang responsable pagdating sa nararamdaman, so ako ba talaga ang masaya kapag kasama ko si Ake?

Ahh! Ang gulo!

Kinuha ko ang unan ko at niyakap iyon saka ako pumikit. Makailang beses akong gumulong pabalik balik mula pakanan at pakaliwa.

Para akong tanga!

"Hoy baby sis! Masyado kang nagsosolo! Pwedeng ilabas mo iyang nasa utak mo?!" Singhal ni Macey kaya naman napaupo ako.

"Mahirap sis eh. Gusto niyo ilabas ko nalang utak ko?" Biro ko.

"Sure baby sis.. Pwede na ba itong curler pambutas sa sira ulo mong ulo?" Sarkastikong tanong ni Riley kaya nginusuan ko ito at inirapan.

"Ahh basta.. Bahala na.. Ewan.. Hindi ko alam.. Ang alam ko lang, kailangan ko na munang iwasan si Ake. Mukha rin kasing ayaw niya akong lapitan o kausapin."

"Speaking baby sis, sabi pala niya, ayaw niya na raw magkaroon ng kahit anong koneksyon sa iyo, dahil iyon daw ang utos 'nong Faye." Ani Macey.

Muli ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Para nanamang may maliliit na karayom ang tumutusok doon dahilan para mapahawak ako roon.

"Baby sis.. Are you okay?" Bulalas ni Riley. Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Yeah.. Pagod na ata ako masyado. Tara, tulog na tayo." Yaya ko saka ako humiga sa kama. Sumunod naman ang dalawa saka nila ako pinaggitnaan.

Buti nalang malaki ang kama ko..

Napangiti ako nang maipikit ko ang mga mata ko. Laking pasasalamat ko dahil nasa tabi ko sina Riley at Macey na handa akong damayan kahit kailan.

*****
Araw ng Lunes. Nakita ko si Faye sa canteen at tila may hinahanap ito. First day niya kaya naman naisip kong kausapin ito.

"Baby babe!" Tawag ko rito. Nilingon niya naman ako at nginitian.

Ang cute cute talaga ni Faye! Nakakagigil iyong ka-cute-an niya!

Nang makalapit ako rito ay agad ko siyang niyakap. Matapos noon ay sinipat ko siya ng tingin.

"Ang cute naman ng uniform mo. Bagay sa iyo." Nakangiting sabi ko rito. Third year kasi siya kaya iba ang kulay ng uniform niya sa uniform ko ngunit parehas din ang disenyo.

"I know right." Nakangiting sabi niya saka siya umikot pa kaya naman bahagya akong natawa. "Nga pala, nakita mo ba si Blake?" Tanong niya.

"Ah, oo. Nandoon oh." Turo ko sa usual place nina Ake kapag nasa canteen sila.

"Thanks baby babe. Puntahan ko na siya." Nakangiting sabi niya kaya naman tinanguan ko nalang ito at nginitian. Hinintay ko munang makalapit siya kay Ake bago ako tumalikod.

Muli ay nandoon nanaman ang kirot.

"Baby sis.. Tara na! Malapit na matapos ang lunch!" Tawag sa akin ni Riley.

"Yeah.." Nakangiting tugon ko rito saka ako naglakad papunta sa table namin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Matapos naming kumain ay agad na rin kaming bumalik ng classroom. Saktong second bell na kaya naman nandoon na lahat ng kaklase namin.

"Hi Chloe!" Bati ng isang babaeng kaklase ko. Ngnitian ko naman ito at tinanguan. Mamaya maya pa ay mas maraming bumati sa akin kaya naman napakunot ako ng noo at nakaramdam ng pagkailang.

"Sis.. May nangyayari bang hindi ko alam?" Tanong ko kay Riley.

"Artista ka na raw." Tumatawang sabi niya kaya naman inirapan ko nalang ito. Madalas talaga ay hindi siya matinong kausap.

"Psst!" Tawag pansin ko sa kaklase kong nasa likod ko sa may kanan. Nilingon naman ako nito at nginitian. "May chismis ba tungkol sa akin dito sa classroom?" Prangkang tanong ko sa babae.

Tumawa ito. "Wala wala. Marami lang nagkaka-gusto na sa iyo ngayon kasi kwela ka raw at hindi fake kung kumilos." Nakangiting sabi niya.

"Ay! Bongga ka naman pala baby sis! Sikat ka na." Singit ni Macey.

"Yeah. Mostly ng girls dito ay idol ka." Nakangiting dagdag pa ng kaklase kong iyon.

"Huh? Huwag naman. Hindi bagay.." Nahihiyang sabi ko.

"At iyan pa.. Signature mo na iyang pagkagat mo sa labi mo. Lahat ata mg babae rito eh ginagaya iyan." Tumatawang sabi niya. "Pwera ako ha? Hehe."

Nginitian ko nalang ito saka ako nagpasalamat. Matapos ko itong kausapin ay napayuko ako. May naalala nanaman ako sa, kagat labing topic. Si Ake. Siya ang unang nakapansin sa habit kong iyon noong nasa mall kami.

Nang mag-angat ako ng ulo ay tinapik tapik ko ang dalawang pisngi ko.

Wala kang mapapala kung malulungkot ka Chloe.. Kaya mo iyan! Fighting!

Ngunit hindi ko rin maitatangging miss na miss ko na si Ake. Ni minsan ay hindi ko na nilingon ito o pinadaanan man lang ng tingin kahit pa gustong gusto ko iyong gawin.

Sinunod ko lang naman ang gusto niya, na huwag ko na siyang kausapin at lapitan pa. Tama na rin siguro itong umiwas.

Inilabas ko ang iPod ko at pinatugtog ang playlist ko doon. Pati iyon ay nagbigay ng alaala sa akin. Naalala ko noong kasabay ko pang pumapasok si Ake saka niya ako ihahatid pauwi. Laging playlist ko ang pinatutugtog ko sa kotse niya.

Now Playing: The Story Of Us by T.Swift

🎶How'd we end up this way?
See me nervously pulling at my clothes and trying to look busy, And you're doing your best to avoid me🎶

Napapikit ako ng sandaling iyon. Pakiramdam ko ay tutulo nanaman ang luha ko.

🎶Oh, I'm scared to see the ending,
Why are we pretending this is nothing?
I'd tell you I miss you but I don't know how,
I've never heard silence quite this loud🎶

Miss na miss ko na si Ake..

Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko saka ako yumuko sa desk. Nagpakawala ako ng buntong hininga at ilang ulit na umiling.

🎶And we're not speaking,
And I'm dying to know is it killing you like it's killing me, yeah?
I don't know what to say, since the twist of fate 'cause we're going down,
And the story of us looks a lot like a tragedy now.🎶

"The end." Sabay ko sa kanta ni Taylor Swift.

Yeah.. The End.. Tapos na ata talaga ang sa amin ni Ake.

Nang marinig ko ang third bell ay iniayos ko na ang iPod ko at ibinalik sa loob ng bag ko. Matapos doon ay nagangat ako ng paningin ko na sakto namang paupo na rin si Ake sa upuan niya. Sa harap ko na upuan lang kasi ito nakaupo kung maaalala niyo. Agd akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa guro na kararating lang.

"Good afternoon class." Bati ng guro. "We'll be having an activity today. Ako ang magsasabi kung sino sino ang makakapareha niyo. Dalawang tao lang naman ang kailangan sa activity na gagawin ngayon kaya, by partner ang tatawagin ko." Paliwanag ng guro saka ito nagsimulang magtawag ng pangalan.

Ano ba iyan.. Mas okay pa iyong discussion.. Ayokong may ginagawa! Haha Katamaran!

"And lastly, Mr. Drexel and Ms. Cavalier, sa library kayo kumuha ng infos na kakailanganin ninyong dalawa."

"No/No." Sabay na sambit namin ni Ake pero hindi ko nalang iyon pinansin.

"Ah, Sir, pwede po bang mag-isa nalang ako?" Suhestiyon ko.

"Kung pwede po ay ganoon rin ako." Si Ake.

"Kung may problema man kayo sa isa't isa, huwag niyong idamay ang pagbibigay ko ng mga dapat niyong gawin. Guro ang nasusunod sa paaralan, hindi istudyante." Seryosong sabi ng guro namin.

Aw! Saklap! Nakalimutan kong terror pala siya!

Hala.. Paano 'to..?

Napabuntong hininga ako ng sandaling iyon. Tatayo na sana ako para lapitan si Ake nang biglang humarap ito sa akin na siyang dahilan para bahagya akong mapapitlag.

"Let's go." Walang reaksyong yaya niya saka ito tumayo. Agad na rin naman akong tumayo at sumunod dito.

Kung anong bilis ng lakad niya habang nakasunod ako ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko itong kakausapin.

I-suggest ko kayang hiwalay nalang naming gawin iyong activity?

"Ake--Blake." Tawag ko rito. Huminto naman siya at nilingon ako.

Ses! Pisti kang puso ka! Kalma!

"Kung gusto mo, hatiin nalang natin iyong gagawin tapos hiwalay na tayong gumawa." Suhestiyon ko. Hinintay ko siyang magsalita pero ilang minuto na ang nakalipas ay mataman pa rin itong nakatingin sa akin.

"You know what Ms. Cavalier? Kung ako lang ang masusunod ay ayoko nang makasama ka pa. Ni makausap ka ay ayokong gawin. Kaya huwag kang mag-alala. Matapos nito, wala kang maririnig na salita mula sa akin." Walang reaksyong sabi niya ngunit iba ang nakarehistrong emosyon sa mga mata niya.

I know him too well..

At alam kong malungkot ang mga matang iyon.

Magsasalita pa sana ako ngunit agad itong tumalikod.

Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay nakaramdam ng kirot. Mas nasaktan ako nang makita ang mga mata niya kesa sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

Lahat ng iyon ay tagos sa puso ko.

TO BE CONTINUED..

Aynako tadhana.. Masaklap ka talaga minsan. Tsk tsk! XD

Masyado akong affected sa chap na 'to. Machaket! T^T kaya matutulog na ako. T^T

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro