This Heart Belongs To YOU - 51 (Eos and Amy)
Eos's POV (14 years old)
Nitong mga nakaraang araw malungkot ang Boobear kong si Amy. Hindi ko siya makausap ng maayos at laging nakatingin sa phone niya.
"May hinihintay ka bang tawag my Boobear?" Tanong ko rito.
"Ha? Ah.. Eh.. Wala naman.." Naiilang na sabi niya. Lumapit naman ako saka ko siya niyakap mula sa likuran niya.
Inilabas ko siya ngayon. Nandito kami sa park. Hapon na iyon kaya konti na rin ang tao.
"Kailan mo ba ako sasagutin my Boobear?" Lambing na tanong ko rito.
"Ehh.. Nagmamadali ka na ba Eos? Sorry.." Mahinang sabi niya na tama lang para marinig ko.
"Hindi naman.." Sagot ko rito saka ko siya iniharap sa akin. "Penge nalang akong kiss." Nakangiting sabi ko.
Sana pumayag!
Bahagyang tumawa si Amy saka siya pumikit at inilapit ang pisngi sa mukha ko.
Ayos!
Napangiti ako ng sandaling iyon. Ilalapit ko na sana ang bibig ko sa pisngi niya ngunit laking gulat ko nang bigla siyang humarap. Parehas kaming nakadilat ng sandaling iyon at parehas na mukhang nagulat. Agad akong umatras. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
"Ba-Bakit ka humarap?" Mautal utal na sabi ko dahil para bang may bumara sa lalamunan ko.
"A-ang tagal mo kasi akala ko-- sorry.." Nahihiyang sabi niya saka ito yumuko. Pulang pula ang tenga niya ng sandaling iyon kaya napailing nalang ako at napangiti. Hinawakan ko ang kamay nito saka ko iyon hinalikan.
"Thanks." Nakangiting sabi ko rito.
"Anong thanks? Eos naman eh.." Nakangusong sabi niya.
Ang cute cute talaga ni Amy. Ang sarap niyang panggigilan...
"First kiss mo ba iyon my Boobear?" Tanong ko rito. Nilingon niya naman ako saka siya marahang tumango. "Isa pa." Hirit ko.
"Eh?? Eos naman.."
"Please?" Pagpupumilit ko.
"Isa nalang ah?"
"Yes my Boobear.." Sagot ko. Tumingala naman siya at pumikit.
Muli ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Unti unti kong inilapit ang bibig ko sa labi niya saka iyon matagal na dinampian ng halik.
Ang lambot ng labi niya..
Nang humiwalay ako ay pareho kaming nagmulat saka kami bahagyang tumawa.
"Ang galing naman! Hindi pa kita girlfriend pero may kiss na ako." Nakangiting bulalas ko. Hinampas niya naman ako sa braso.
"Eos naman!!" Nakangusong sabi niya saka siya humalukipkip. Muli ay niyakap ko nalang siya ng napakahigpit.
"Hindi na ako makapaghintay na maging girlfriend ka my Boobear.." Bulong ko rito saka ako humiwalay sa kanya at kinuha ang kamay niya. Hinalikan ko iyon saka ako ngumiti sa kanya. Ginantihan niya naman ako ng ngiti saka niya pinisil ang kamay ko.
Ilang araw muli ang nakalipas ay mas lalong hindi ko na makausap ng maayos si Amy. Panay ang tipa nito sa phone niya pero mukhang wala naman siyang natatanggap na reply mula doon.
"Ano na nga palang nangyayari kay Blake? Bakit palagi siyang busy? Sina Aiden at Logan nalang ang nakakasama ko ah." Pukaw ko kay Amy. Nilingon naman ako nito at nakitang malungkot ang itsura niya.
"Hindi ko nga alam eh. Hindi naman na nagpaparamdam sa akin. Kapag pumupunta naman ako sa bahay nila, nasa opisina daw ng Dad niya. Nagaalala na ako sa Boobear ko. Mamaya pinapahirapan nanaman siya ng Mom niya at pinipilit na gawin ang mga bagay na ayaw niya." Mahabang sabi niya saka niya hinawkan ang kamay ko. "Puntahan mo nga siya Eos. I-check mo kung anong nangyayari sa kanya. Mamaya pati pala phone niya ay wala na sa kanya. Ano nanaman ba kasing ginagawa ng Mom niya sa kanya.." Bumuntong hininga ito saka siya yumuko.
Hinawakan ko ang ulo niya saka bahagyang ginulo ang buhok nito. I know she hates that, ngunit iyon lang ang tanging paraan para maging okay ang atmosphere naming dalawa.
"Eos naman!!" Inis na sabi niya na mas lalong nagpa-cute rito. Natawa nalang ako.
"I'll talk to him. Huwag ka ng malungkot." Nakangiting sabi ko rito. Ngunitian niya naman ako saka niya ako niyakap.
"Thanks Eos!" Bulalas niya.
What the hell are you doing Blake?!
Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa bahay nina Blake ng gabing iyon. Sakto ring kararating lang ng sasakyan nila kung saan ay lulan si Blake nun. Agad kong pinabusina ang driver namin para maagaw ang pansin nila at hindi naman ako nabigo. Huminto ang sasakyan at pumarada sa tabi. Agad akong bumaba at pinuntahan iyon. Nakita ko rin ang pagbaba ni Blake mula doon.
Nagulat ako nang makita ito. Namayat siya at naglalakihang eye bags ang meron sa ilalim ng kanyang mga mata.
"What the hell happened to you dude?!" Kunot noong bulalas ko. Nilingon niya naman ako saka ito pilit na ngumiti. Mukhang pagod na pagod siya.
"Eos.. Kamusta?" Nakangiting tanong niya.
"Ikaw ang kamusta? Masyado ka naman atang busy na pati mag-reply sa amin nina Amy, Logan at Aiden ay hindi mo magawa." Litanya ko.
"Ah. Oo. Busy. Maraming pinapagawa sa akin si Dad sa opisina."
"Huh?! Eh bakit si Kuya Dylan ay madalas ko namang makitang lumalabas?" Nagtatakang tanong ko.
"Tapos na kasi iyong kanya." Sagot niya saka ito sumandal sa sasakyan nito.
Mataman kong pinakatitigan si Blake. Mula ulo hanggang paa ay parang wala ito sa sarili niya.
"Blake, may problema ka ba?" Seryosong tanong ko rito.
"Ha?" Bahagya itong tumawa. "Wala wala.."
"Blake.." Seryosong tawag ko rito kaya naman nilingon niya ako.
"Just take good care of Amy Eos." Nakangiting sabi nito ngunit hindi iyon abot hanggang mata.
Alam ko namang matagal ng may gusto si Blake kay Amy. Alam ko iyon dahil napapansin ko rin iyon.
"Saglit dude. Lumaban ka ng patas. Okay lang naman kung ikaw ang karibal ko."
"Pero ikaw na ang gusto niya Eos." Walang reaksyong sabi niya saka siya tumayo ng maayos.
"Just do what you can do Blake. Patunayan mong totoo ang nararamdaman mo, dahil kung hindi, makukuha at makukuha ko siya sa iyo."
"Can I actually steal her then?" Seryosong tanong nito dahilan para matigilan ako. "Haha! Just kidding.. Sige na. Maaga pa ako bukas. Kailangan ko ng magpahinga." Paalam niya saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan nila at nang makasakay ito ay nilingon niya muna ako. "But I really do love her Eos.. At masakit sa akin na makita siyang masaya dahil sa iyo." Malungkot na sabi niya saka niya tuluyang isinara ang pinto.
Pero mahal ko rin siya Blake.. Kaya gagawin ko lahat para lang maging akin si Amy.
Tikom ang kamao ay naglakad ako pabalik ng sasakyan at agad na sinabihan ang driver na umuwi na. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin nina Blake, pero sadyang mahal kong talaga si Amy.
Kinabukasan ay niyaya kong lumabas si Amy ng gabi. Dala ang bugkos ng rosas ay agad kong binuksan ang gate nina Amy at laking gulat ko nang makita sina Blake at Amy na naghahalikan. Nang maghiwalay sila ay nakita ko ang pagngiti ng dalawa na mas lalong nakapagparadam sa akin ng kalungkutan. Akala ko masakit na ang makitang naghahalikan sila pero ang mas masakit pala ay ang makita silang masaya at yakap ang isa't isa.
Ang sakit sakit!
Inihagis ko ang bulalak na hawak ko sa gilid ng halamanan ni Amy at patakbong lakad ang ginawa kong paglapit sa kanila.
"Blake!" Galit na sigaw ko rito. Lumingon naman ito saka ko siya sinuntok sa mukha.
Bumagsak siya sa sahig pero agad ding tumayo at sinuntok ako.
Puro galit at sakit ang nararamdaman ko ng sandaling iyon. Lahat ng galit ko ay dala ng suntok na tinatamo ni Blake.
"Gago ka! May pa-take good care ka pang nalalaman kahapon! Tapos ngayon! Talaga namang inisahan mo akong gago ka!!" Tiim bagang na sagot ko rito habang patuloy siyang sinusuntok. Rinig ko ang awat ni Amy ngunit hindi ko ito pinansin.
Nakahiga na si Blake sa sahig habang ako naman ay nakapa-ibabaw sa kanya at patuloy na pinapatamaan ng suntok ito.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng sandaling iyon hanggang sa maramdaman ko nalang na may yumakap mula sa likuran ko. Doon ako natigilan. Nang makita ko ang duguan na mukha ni Blake ay nakaradam din ako ng galit sa sarili ko.
Nakailang mura ako sa kawalan ng oras na iyon. Tumayo ako at iniayos ang sarili ko. Si Amy na nakayakap sa akin ay unti unti kong itinulak palayo.
"I'm so sorry Eos.." Umiiyak na sabi niya.
"Sorry?! Sorry?! Shit lang! Anong magagawa ng sorry mo?! Ginago niyo akong dalawa! Akala ko pa naman okay na tayo Amy eh. Sagot mo nalang ang hinihintay ko di ba?! Anong nangyari?!" Singhal ko rito.
Napayuko si Amy nang sandaling iyon habang patuloy ang pag-iyak. Hindi ko rin naman magawang pakalmahin ang sarili ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit. Ni hindi ko magawang magpakawala ng pekeng tawa para man lang mawala ang tensiyon sa pagitan naming tatlo. Hindi ko magawa. Hindi ko kaya!
"Sorry talaga Eos.. Sorry.." Umuiiyak pa ring sabi ni Amy.
"Kahit ilang ulit kong marinig ang sorry mo Amy nasaktan na ako. Sana hindi mo nalang ako pinaasa, kasi ang sakit sakit eh."
"Walang kasalanan si Amy Eos.." Naghihingalong sabi ni Blake na pilit na tumatayo hawak ang tiyan niya.
"Alam ko Blake. Alam ko! Pero tangna lang! Ginago niyo ako!" Singhal ko.
"Eos--" si Blake.
"Tama na. Tama na muna dahil kahit anong paliwanag ang gawin niyo ngayon ay hindi ko kayang tanggapin iyon. Kahit ilang sorry pa ang sabihin niyo, hindi mawawala 'yong sakit na nararamdaman ko."
Nang sabihin ko iyon ay siya ring lakad ko palayo. Dala ang bigat na nararamdaman ko ay nagpasya akong lumayo na sa kanila.
Sadya nga atang mapagbiro ang tadhana..
TO BE CONTINUED..
Aww.. Ako nalang mahalin mo Eos! Promise! Keri lang! huhu
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro