This Heart Belongs To YOU - 48 (Wrong Turns)
Ate jhandyjha this chap is for you! Muah! Lovelots and thanks much! ❤️
💙 48
Blake's POV
"Blake.. Babalik na ang pinakamamahal mong si Chloe!" Rinig kong sabi ni Logan ngunit hindi ko ito pinansin. Mas nilakasan ko pa ang volume ng iPod ko para lang makaiwas dito.
Nang mag-iwas ako ng tingin at mapalingon sa pinto ay napako ang paningin ko doon. Gaya ko ay mukhang natigilan din si Chloe sa pagpasok nito. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin na para bang ayoko siyang mawala ngayon sa paningin ko.
I've missed her so much..
Binigyan ako ng simpleng ngiti ni Chloe saka ito bumaling papunta sa upuan niya. Nakita ko ang paglapit sa kanya ni Logan at ganoon din ni Aiden. Mukhang nagkakatuwaan pa ang mga ito dahil panay ang tawa ni Chloe ng sandaling iyon.
And again.. I'm lost.. That smile.. Her smile..
Hindi pa nakakaupo si Chloe ay siya ring dating nina Macey at Riley. Sinalubong nila ng yakap ito at halik sa pisngi. Napayuko ako ng sandaling iyon at napapikit. Nandoon nanaman ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko sa tuwing masisilayan si Chloe. Ang hirap ipaliwanag, masyadong magulo.
Masyadong komplikado.
Ilang sandali lang ay may naramdaman akong nagalis ng earphone ko kaya naman nakaramdam ako ng inis. Masamang tingin ang agad na ipinukol ko sa gumawa nun pero agad ko ring binawi.
"Hello.. Blake Jayce.." Nakangiting bati niya. "Ayiie.. Kamusta kayo ni Faye? Ikaw ha! Nabalitaan ko, magta-transfer na raw siya next week dito. Ases.. I'm happy for you two." Masayang sabi niya na nagpalumo sa akin.
She called me Blake Jayce?!
Nag-iwas ako ng tingin saka ako umiling. "Go away Chloe.." Madiin na sabi ko rito.
"Ay.. Ang aga aga. Kasungit! Fine.. Ingat.." Rinig kong sabi niya saka nga ito naglakad palayo.
Chloe..
Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang akapin. Gusto ko siyang hindi na pakawalan pa.
"Chloe!" Sigaw ng isang lalake na base sa boses ay kilala ko kaya napalingon ako roon. Si Eos. Nasa bukana ito ng pintuan.
Patakbong pumunta doon si Chloe saka niya ito nginitian.
"Bakit? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Pumayag na nga akong magpahatid eh.." Rinig kong sabi ni Chloe.
"Para ka kasing bola na palaging nagmimintis." Nakangiting sabi ni Eos kay Chloe.
"Ha? Bola?" Si Chloe.
"Oo.. Ikaw yung tirang palagi kong nami-miss." Si Eos. Ngumiti naman si Chloe ng sandaling iyon saka siya bahagyang tumawa.
Someone! Stop them! Tch!
Napakunot noo ako ng sandaling iyon saka ako nag-iwas ng tingin at tumingin sa bintana.
"Guys.. Alagaan niyo itong si Chloe ha! Papakasalan ko pa 'to!" Rinig kong sigaw ni Eos sa klase na mas lalong nagpa-inis sa akin.
Napuno ng kantiyawan ang loob ng classroom na namin ng sandaling iyon.
"Ha? Akala ko ba boyfriend ni Prince Blake si Chloe?" Rinig kong tanong ng isang kaklase namin kaya naman hindi ko na napigilang tumayo at harapin sila.
"We broke up. Last two weeks. I guess, ganoon lang ako kadaling palitan." Nakangising sabi ko saka ako humarap kina Chloe. "Right Chloe?"
"Huh? Hindi ah. Ikaw pa rin ang nag-iisa sa puso ko Blake Jayce.. Ikaw talaga! Panay ka biro.." Nakangiting sabi niya dahilan para makaramdam nanaman ako ng munting kasiyahan. "Kaso guys, gaya ng sabi niya, break na nga kami. Sinubukan lang namin kung compatible kami pero mukhang hindi pala. At huwag kayong maniniwala dito kay Eos, lahat ata ng babae rito sa school sinabihan niya ng ganoon di ba?" Nakangiting dagdag niya.
"Haha! Loko ka Chloe!" Natatawang sabi ng isa naming kaklase sa kanya.
"So love mo pa rin si Prince Blake Chloe?" Tanong ng isa pa naming kaklase kaya naman muli akong napatingin kay Chloe.
Unti unti ay may gumuhit na ngiti sa labi ni Chloe.
"He'll always be my special someone." Nakangiting sabi nito sa akin saka siya lumingon sa iba. "Special child. Bleh!" Tumatawang dagdag niya.
Nang sandaling iyon ay hindi ko siya maintindihan. Ni hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o nagbibiro siya.
"Aww Chloe.. Pangalawang beses mo na akong binasted. Iyong pangalawa, sa harap pa ng maraming tao?" Drama ni Eos na hawak pa ang dibdib niya na para bang nasaktan kaya napailing nalang ako.
"Baliw ka kasi. Tara doon sa labas. Gumagawa ka na ng eksena rito. Libreng intindihin ang salitang hiya. Haha!" Sabi ni Chloe saka niya hinila palabas ng classroom si Eos.
"Ayiie.. Ang cute naman nilang dalawa!"
"Hindi ah. Mas cute sila ni Prince Blake!"
"Kwela rin pala si Chloe ano? Parang okay siyang maging friend. Hehe!"
"Oo nga eh. Ang bait pa niya."
Napailing nalang ako at napaupo ng marinig ko ang mga bulunganga iyon. Ilalagay ko na sanang muli sa tenga ko ang earphone ko pero hindi ko naituloy dahil tumambad sa harap ko sina Aiden, Logan, Riley at Macey.
"Look Blake, ano bang problema niyong dalawa? Akala ko pa naman nung lapitan ka na ni Chloe ay magiging okay na kayo. Bakit mo nanaman siya sinusungitan?!" Mataray na singhal sa akin ni Riley kaya napailing ako.
"Blake, hindi ka na namin maintindihan. Saka ano iyong sabi ni Chloe kanina sa iyo? I mean iyong tanong niya kung kamusta na kayo nung Faye? Close ba kayo?" Si Aiden.
"She's my girlfriend." Walang alinlangang sagot ko. "Kung pwede lang, huwag niyo ng mababanggit sa akin si Chloe dahil sabi sa akin ni Faye, ayaw niya ng may kung ano pa akong koneksyon kay Chloe. Pakisabi na rin sa kanya iyan." Walang rekasyong sabi ko saka ako tumayo at lumabas ng classroom.
Nakakailang hakbang na ako papunta sa sa coffee vending machine nang mahagip ng mata ko sina Chloe at Eos. Yakap ni Eos si Chloe habang si Chloe naman ay nakatakip ang mukha na nakahilig sa dibdib ni Eos.
"Sshhh.. Stop crying already Chloe.." Rinig kong sabi ni Eos kaya naman nagtaka ako.
Bakit siya umiiyak? Kanina ay okay naman siya. Nakangiti pa nga siya di ba? May ginawa ba sa kanya si Eos?! Sh*t! You bastard--
Maglalakad na sana ako papalapit pa sa kanila pero natigilan ako nang biglang yumakap si Chloe kay Eos.
"Eos.. Bakit ganito? Ang sakit. Bakit?" Rinig kong sabi ni Chloe habang humahagulgol ito.
Ikinuyom ko ang palad ko ng sandaling iyon saka ako tumalikod at naglakad palayo sa kanila.
I like Faye but, why am I feeling like this to Chloe?
Chloe's POV
Wala na. Wala na iyong dating kami ni Ake. Malabo ng mangyaring maibalik ang samahan namin dati. Nasasaktan na talaga ako. Lalo na kaninang ipinagtabuyan niya ako ng harap harapan at kulang nalang ay sabihin niyang, ayaw niya na akong makita.
"Sabi na eh.. May gusto ka kay Blake eh." Rinig kong sabi ni Eos habang pinatatahan ako nito. Unti unti akong kumawala sa pagkakayakap niya saka ko ito pilit na nginitian.
"Gusto ko ba talaga siya? Hindi ko alam Eos. Ang alam ko lang, masyado akong napalapit sa kanya kaya ngayon ganito ang epekto niya sa akin. Sobra akong nalulungkot. Parang nawalan ako ng kuya o importanteng tao sa buhay ko." Paliwanag ko rito.
"Oh siya.. Tama na ang iyak. Magsisimula na ang klase." Nakangiting sabi niya saka niya pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.
"Thanks Eos." Nakangiting sabi ko rito saka ako suminghot.
"Yuck Chloe!" Humagalpak siya sa tawa.
"Tseh! Maka-yuck naman 'to!" Kinuha ko iyong panyo niya sa vest saka ko iyon siningahan.
"Chloe naman! That's my favorite handkerchief!" Kunot noong sabi niya.
"Oh gusto mo iyo na ulit?!" Irap ko dito sabay abot ng panyo sa kanya.
"No thanks." Nandidiring sabi niya kaya napangisi ako. Nilapitan ko ito saka ko inilapit ang panyo. "Chloe! What the hell are you doing?!" Singhal niya sa akin. For the first time ay nakita ko itong maninghal kya mas lalo akong napangisi. "Stop Chloe! Huwag kang lalapit!" Suway niya sa akin dahil mas lalo ko itong nilapitan dahilan para tumakbo ito na siya namang habol ko.
Halos nalibot na ata namin ang building naming iyon kakatakbo. Tawa pa rin ako ng tawa habang hinahabol ito dahil kunot na kunot ang noo niya dahil sa pandidiri.
Ganito lang naman ang gusto ko sana sa buhay ko. Iyong walang pinoproblema. Bata pa kami. Sa ngayon siguro ay isasantabi ko na muna ang nararamdaman ko kay Ake. Kung ano man itong nararamdaman ko.
Pagka-transfer ni Faye rito, I'll give them a week. Kapag nakita kong masaya na si Ake, ako na ang kusang lalayo.
Kung kinakailangan kong ibaon sa kung saan ang nararamdaman ko ngayon, gagawin ko.
Panahon na para makabawi rin ako kay Faye..
*******
"Baby sis anong sasabihin mo sa amin?" Si Macey. Nasa bahay kami ngayon dito sa may sala. Nakaupo kami sa nilagay kong cushions doon. Tinawag ko sila para sabihin ang lahat tungkol sa amin ni Ake. Para na rin hindi nila sabihing hindi ko sila pinagkakatiwalaan. Nagtatampo na sila eh. Hehe!
"Well.. Alam niyo namang may hinahanap ako sa Drexel di ba?" Panimula ko. Tumango naman sina Riley at Macey. "It's Blake." Sabi ko.
Kitang kita ko ang pagkabigla ng dalawa. Tila hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"Are you kidding me?!" Bulalas ni Riley habang bahagyang nakatakip ang bibig niya sa kanyang labi.
"No, I'm not." Sagot ko saka ko sinimulang i-kwento sa kanila kung paano ko nalaman na si Blake ang Boobear na hinahanap ni Tammy. Sinabi ko rin sa mga ito ang pinaka-importanteng kahilingan ni Tammy.
"So ngayong may girlfriend na si Blake, aalis ka na?" Malungkot na tanong ni Macey. "Ang daya mo naman baby sis.."
"Ehh.. Hindi naman sana ako aalis kaso, it's Faye."
"Oh? Ano iyong kay Faye?" Si Riley.
"Well.. May nagawa akong kasalanan sa kanya." Panimula ko.
"Ano?" Tanong ni Macey.
"I stole the man that she loves. Tyler, my ex." Sagot ko.
"Ha?! Teka.. Akala ko ba siya ang nang-agaw?" Bulalas ni Riley.
"No.. Saan niyo narinig iyan?" Kunot noong tanong ko. Sinimulan naman nilang i-kwento ang naging sagutan nina Aya, Alexa at Faye noong nasa Boracay kami. "What?!" Bulalas ko.
"Yeah.. Kaya parang ang lumalabas na masama ay si Faye." Si Macey.
"No. Hindi ganoon ang nangyari." Umiiling na sabi ko. "Ako ang nakasakit kay Faye.. Kaya this time, ayokong maging sagabal sa relasyon na meron sina Faye at Blake."
"Huh? Paano kang magiging sagabal? Eh magkaibigan naman kayo?? Hindi niya ba maiintindihan iyon?" Si Riley.
"Look, it's not that simple." Sagot ko saka ako bumuntong hininga.
"Dahil may gusto ka kay Blake?" Diretsahang tanong ni Macey kaya nilingon ko siya.
"Meron ba Chloe? May nararamdaman ka ba para sa kanya?" Kunot noong back up question ni Riley. "Saka, bakit mo nga ba inagaw iyong Tyler kay Faye?"
Napayuko ako saka umiling, ngunit ang pagtulo ng luha ko ay hindi ko napigilan ng sandaling iyon.
TO BE CONTINUED..
Ohh.. Bad girl Chloe.. Why?? Why did you do that? Hmm..
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro