This Heart Belongs To YOU - 46 (Uncertain Issues)
Eos's POV
Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik kami galing ng Boracay. Ilang araw na ring hindi ko makausap ng maayos si Chloe. Lagi itong tulala at ni hindi mo alam kung ano ang naiisip. Hindi naman siya malungkot. Wala ngang reaksyon ang mukha niya eh. Tahimik na siya noon ngunit di hamak na mas tahimik siya ngayon.
"Chloe.. Pwede ba kitang i-date?" Tanong ko rito. Nandito kami ngayon sa Angels Cafe at nakatambay. Wala kasi kaming pasok ng hapon ngayon dahil may teacher's meeting sa school.
"Sure. Kailan?" Sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng sandaling iyon. Hindi ako makapaniwalang pumayag siya.
"Seriously?! You're not kidding right? Narinig mong maigi iyong tanong ko 'di ba?" Bulalas ko.
Bahagya siyang natawa saka ito umiling. "Oo nga. Ilang araw mo na akong kinukulit eh."
Napangiti ako. Nakita ko na rin na tumawa ito kahit papaano. "Tumawa ka." Puna ko.
"Oh? Bawal ba?"
"Hindi naman. Na-miss ko lang." Nakangiting sagot ko rito. Muli ay nginitian niya ako saka ito bumaling sa may glass wall at para bang tinignan ang mga taong naglalakad doon.
Sinundan ko ang tingin niya saka ako nangalumbaba sa mesa. Inabot ko ang straw ng iniinom kong milkshake gamit ang labi ko saka iyon sinipsip.
"Saan tayo pupunta bukas Eos?" Pukaw na tanong sa akin ni Chloe kaya nalingon ko siya. Nakatingin na ito sa akin ngayon habang pinaiikot niya sa dalawang kamay ang phone niya.
"Saan mo gusto?" Tanong ko saka ako umayos ng upo. Iniusog ko ang upuan ko palapit sa kanya saka ko inilabas ang phone ko.
"Hmm.. Gusto ko iyong may Kart Racing.. Matagal ko na gustong subukan iyon eh." Sagot niya kaya ini-on ko ang phone ko saka ako dumiretso ng Google para hanapin ang pinakamalapit na Kart Track.
"Here you go.. Boomland Kart Track. Maaga nga lang tayong babyahe saka kailangan natin mag-sama ng adult para mag-drive. Bawal pa ako lumabas ng city natin eh." Sabi ko rito saka ko pinakita sa kanya ang nakita kong Kart Track place sa phone ko.
Nang sandaling iyon hindi ko mapigilang matitigan si Chloe ng malapitan dahil inilapit nga nito ang ulo niya para tignan ang phone ko. Malayo man o malapitan, ang ganda niya pa rin. Hindi nakakasawang titigan. Lalo na iyong mata niyang parang laging nangungusap.
"Sige.." sabi nito sabay angat sa mukha niya kaya naman bahagya siyang napaatras dahil nagkalapit ang mukha namin. "Sorry.." Nahihiyang sabi nito saka siya umusog ng pagkakaupo.
Natawa tuloy ako. "Okay lang. You smell nice.." Nakangiting sabi ko rito ngunit parang natigilan siya. Sumeryoso ang mukha nito saka siya nag-iwas ng tingin at uminom ng chocolate coffee na in-order niya kanina. "May nasabi ba akong masama?" Tanong ko.
Nag-angat siya ng paningin saka siya umiling. "Wala." Pilit itong ngumiti. "May naalala lang akong nagsabi nung sinabi mo."
"Si Blake?" Tanong ko at muli ay natigilan siya.
Hmm. Sapul!
Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa dahilan para mag-iwas siya ng tingin sa akin saka siya palihim na bumuntong hininga. Lahat ng galaw niya napapansin ko. Ultimo ata pagkibot ng labi niya sa tuwing maririnig niya ang pangalang Blake kapag magkasama kami ay nakikita ko. Paano ba namang hindi, eh sa lagi ko siyang tinititigan.
"Do you like Blake Chloe?" Walang alinlangang tanong ko rito.
Nilingon niya ako saka siya umiling. "No. Bakit mo naman naitanong 'yan?" Bahagya siyang tumawa, tawa na tila iba sa tawa niya kanikanina lang.
"Para alam ko kung sino ang magiging karibal ko." Nakangiting sabi ko rito dahilan para mapangiti siya saka umiling.
"Ang hilig mo talagang magbiro."
"Seryoso ako Chloe.."
"Ases Eos ha.. Tigilan mo ako." Bahagya siyang umirap saka ito nagpakawala ng mahinang tawa.
"Paano nga kung ligawan kita Chloe?" Seryosong tanong ko rito. Nangalumbaba pa ako sa mesa gamit ang dalawang kamay ko saka ko siya nginitian.
"Eos, gwapo ka na, kaya huwag ka ng magpa-cute diyan." Tumawa ito saka niya ginaya ang ginawa ko. "Hindi ako nagpapaligaw. Sorry." Nakangiting sabi niya.
"At talagang nakangiti ka pang mambasted.. Silly.." Bahagya tuloy akong natawa. "Bakit naman hindi ka nagpapaligaw?"
"Kasi hindi muna ako magbo-boyfriend."
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Kasi ayaw ni Papa."
"So kung papayag si Tito Gavin, papayag ka na rin?"
"Hindi pa rin."
"Ang daya mo naman."
Bahagyang tumawa si Chloe saka ito umiling at umayos ng upo. "Ah basta.. Ayoko na muna."
"Ayaw mo ba sa akin? Hindi mo ako type?"
"Huh? Ikaw? Hindi ko magiging type?! Joke mo na ba 'yan?" Nagtakip ito ng bibig gamit ang likod ng palad niya saka tumawa. "Ang ganda ko naman masyado kapag hindi kita naging type." Umiiling na sabi niya.
Napangiti ako ng sandaling iyon saka ako umupo ng maayos. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko saka ako tumingin sa labas.
"You're so strange.. Akala ko pa naman magiging girlfriend na kita agad. Pumayag ka kasing makipag-date sa akin."
"Ngee? Friendly date iyon. Ikaw ha! Nilalagyan mo na pala ng meaning.."
Nakaramdam ako ng panlulumo ngunit agad ko ring nginitian si Chloe. "Sure.. I'll accept it. Basta mai-date kita." Nakangiting sabi ko rito.
Hindi sumagot sa akin si Chloe nang sabihin ko iyon. Mataman niya lang akong tinitigan saka ito ngumiti.
"Ganyan ka ba talaga ka-sweet sa babae? Ilang babae na ang nasabihan mo ng ganyan?" Tanong niya.
Natawa naman ako. "Wala pa. Ikaw palang kasi ang tumanggi sa akin, and for the first time, ako ang nag-ayang lumabas."
"Aba! Ikaw na chickboy!" Biro niya.
"Haha! Yeah yeah.. Hindi ko na itatanggi. Totoo naman." Umiiling na sabi ko.
"Iyan ang lalake! Umaamin." Bahagya itong tumawa saka siya nag-ayos ng gamit niya. Hawak ang bag nito ay tumayo siya saka niya ako nginitian. "Tara na. Uwi na tayo." Yaya niya kaya tumayo na rin ako.
Nang makasakay kami ng kotse ay pareho kaming tahimik at nakikinig lang ng kanta. Napag-alaman kong pareho pala kaming mahilig sa RnB music, nga lang, siya puro si Ariana Grande habang sa akin naman ay Chris Brown.
"Ingat ka." Paalam niya nang bumuba siya ng kotse.
"Yes boss!" Nakangiting sagot ko rito. Ngumiti rin ito saka niya ako kinawayan bago siya naglakad papasok ng gate nila.
Hinintay ko munang mawala siya bago ko muling pinaandar ang sasakyan ko ngunit pagkaayos ko ng rear view mirror ay napansin ko ang isang sasakyan sa hindi kalayuan. Mukhang nakaparada ito doon pero may tao. Nilingon ko iyon mula sa aking likuran at pinagmasdang maigi kung sino ang nandoon.
"Blake?" Tanong ko sa kawalan. Napakunot noo ako ng sandaling iyon saka ko inihinto ang makina ng sasakyan at nag-alis ng seatbelt. Bumaba ako mula sa sasakyan ko at naglakad papunta sa sasakyan ni Blake.
Nagpalit ba siya ng sasakyan?? Bakit black ito? Blue ang sasakyan niya ah..
Malapit na ako sa sasakyan niya nang biglang magbukas ang pinto nun at bumaba ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko.
"Wala lang." Walang reaksyong sagot niya saka niya inilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya at sumandal sa kotse niya.
"Wala lang si Chloe kung ganoon?" Nakangising sabi ko.
"I'm not talking about Chloe."
Umiling ako saka bumuntong hininga. "Blake, kung nagaalala ka kay Chloe, puntahan mo siya. Hindi iyong nandito ka at minamatiyagan kami."
"I can't.. May girlfriend na ako." Wala pa ring rekasyong sabi niya.
Napakunot noo ako ng sandaling iyon. "I know! At iyong girlfriend mo, naihatid ko na."
"Tch! Alam kong alam mong hindi ko girlfriend si Chloe Eos." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Huh? Eh sinong girlfriend ang tinutukoy mo?" Kunot noong tanong ko rito.
"Si Faye."
"What?!" Bulalas ko.
"Yeah.. And as his boyfriend, ayoko siyang saktan o suwayin man lang. Sabi niya layuan ko na raw si Chloe kaya naman gusto kitang maka-usap ngayon." Seryosong sabi nito saka siya umayos ng pagkakatayo. "Take care of her Eos. Huwag na huwag mo siyang sasaktan." Nilingon nito ang bahay nina Chloe. "She's important to me.."
Apat na salita. Apat na salitang tila nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam. It's so meaningful.
Don't tell me..
"Do you like Chloe?" Seryosong tanong ko rito. Nilingon naman ako ni Blake saka niya ako matamang tinitigan.
"Like I've said, may girlfriend na ako."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko Blake."
"Hindi pa ba sagot na tinanggap kong maging girlfriend si Faye dahil gusto ko siya? Labas na si Chloe doon."
"Gusto mo siya? O dahil kamukha niya lang si Amy kaya ka pumayag na maging boyfriend niya?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Blake ngunit agad din siyang nakabawi. Umiling ito saka siya bumuntong hininga.
"Blake wala na si Amy. Hindi si Amy si Faye! Wake up dude! Alam ko kung gaano mo kamahal si Amy, pero hindi naman tama na--"
"Faye is Faye Eos." Madiin na sabi niya. "Aalis na ako." Sabi nito saka niya binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan, ngunit bigla niya akong nilingon muli at matamang tinitigan. "Please don't hurt her.."
Pagkasabi niya nun ay pumasok na ito sa loob ng sasakyan niya. Nang paandarin niya ang makina ay sinundan ko lang iyon ng tingin. Ilang minuto rin akong naiwang nakatayo doon bago ako magpasyang bumalik sa loob ng sasakyan ko.
Hawak ang manibela ay napayuko ako doon saka bumuntong hininga.
She likes Chloe.. No.. Change that.. She loves Chloe.. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya.. Pero bakit si Faye ang girlfriend niya?
Sinimulan ko ng paandarin muli ang sasakyan ko saka ako nagmaneho pauwi. Habang nasa daan ay naalala ko tuloy noong una kong makita si Faye doon sa America. Nakilala ko na kasi ito noong nagbakasyon ako doon.
"Amy? Amy!" Bulalas ko saka ko niyakap ang isang babaeng naka-suot ng pink dress.
"Kuya!" Suway sa akin ni Alexa saka niya ako hinila. "What are you doing?! Idiot!"
"Huh?! What?!" Kunot noong sabi ko rito.
"Why did you hug Faye?! Do you know her?!" Taas kilay na tanong sa akin ni Alexa.
"Faye??" Pag-uulit ko.
"Yeah.. She's Faye.. And who's Amy by the way??" Pagpapakilala niya sa babaeng niyakap ko.
"Ha? Faye ang pangalan niya? Wow! Magkamukhang magkamukha kasi sila nung babaeng gusto ko." Bulalas ko. "Sorry sorry.." Baling ko doon sa Faye.
"It's fine.." Nakangiting sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Kamukhang kamukha niya kasi talaga si Amy.
"Hoy Kuya! Bata pa iyan! Iyang mata mo nanaman kulang nalang maghugis puso!" Singhal sa akin ni Alexa pero hindi ko ito pinansin. Nakatingin pa rin kasi ako doon sa Faye.
"Ang galing! Makwento nga ito kina Blake, Logan, Aiden at Amy!" Nakangiting sabi ko.
Now I remembered.. Tsk tsk.. Faye.. Anong binabalak mo?
TO BE CONTINUED..
What?! Girlfriend na talaga ni Blake si Faye?! Wth?! Anong nangyari?! Ohh..
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro