Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 42 (Boracay 6 - Heart)

💙 42

Chloe's POV

Ang sama ng pakiramdam ko. Sumasakit ang puso ko. Lalo na nung sigawan ako ni Ake kanina.

Anong nangyayari sa akin?

Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga ng sandaling iyon. Yakap si Marvin ay panay pa rin ang hikbi ko.

Oo. Kanina pa ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit masyado ata akong naging sensitive ngayon.

"Sissy.. Stop crying already.." Masuyong pagpaptahan sa akin ni Marvin. Nakahiga kami ngayon sa kama ko. Nakaunan ako sa braso niya habang yakap namin ang isa't isa. "Ano ba kasing nangyari?" Tanong nito habang hinihimas niya ang ulo ko gamit ang braso na inunanan ko habang ang isang kamay niya naman ay hinahaplos ang likuran ko.

Oo nga. Ano nga ba kasing nangyari? Bakit nga ba ako umiiyak ngayon? Actually hindi ko rin alam. Hindi ko alam pero, ah basta! Masama lang loob ko.

Dahil kanino?

Si Ake kasi.. Bakit niya ako sinigawan ng ganoon saka sinamaan ng tingin ng sobra..

"Hindi ko alam Marvs.." Sagot ko kay Marvin.

"Tss.. Spill it sissy.. Hindi ka naman iiyak kung wala lang iyan.."

"Eh sa hindi ko nga alam eh.." Mas lalo tuloy akong napa-iyak.

"Hala sissy.. Baliw ka na kung ganoon." Rinig kong sabi ni Marvin.

Hinampas ko nga sa braso!

"Kambal naman eh! Ang sama mo!" Daing ko dito.

"Tss.. Oh siya.. Magpahinga ka na.. Lalabas na ako.." Paalam niya pero mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"No. Stay here."

"Sissy.. Mas gugustuhin kong si Alexa ang kaganituhan ko kaysa sa iyo!" Mahinang singhal niya.

"You jerk! Huwag ka ng mag-reklamo! Patulugin mo nalang ako!" Inis na sabi ko dito saka ko mas isinubsob ang mukha ko sa dibdib ni Marvin.

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas kaya naman napa-angat ako ng tingin. Nakita ko si Marvin na matamang nakatingin sa labas ng window glass na nasa likod ko.

"Naaalala mo ba nung mga bata tayo sissy?" Tanong niya. Ibinalik ko ang mukha ko sa dibdib nito bago ako sumagot.

"What about it?"

"Na kapag ganitong umiiyak ka, or ako man iyon, lagi nating ginagawa ito. Kahit naman hanggang ngayon, ako at ikaw pa rin ang takbuhan ng isa't isa. Kaso sissy, paano kapag wala ako? Sinong tatakbuhan mo?" Bumuntong hininga ito saka ko naramdaman ang bahagyang pag-higpit ng yakap ni Marvin. "Kaya gusto kong bumalik ka na sa America. Ayoko talagang iwan ka dito sa Pinas Maven. Natatakot ako para sa iyo. Ayokong mag-isa ka. Gusto ko kasama mo pa rin ako kapag nalulungkot ka. Gusto ko ako pa rin iyong hahanapin mong kayakap kapag ganitong may nararamdaman ka or kahit feel mo lang mag-drama. Ganoon kasi kayong mga babae eh. Madalas ganoon din si Alexa." He chuckled. "Pero alam mo ba sissy? Kahit gusto ko siyang makasama ng ganito kalapit, ayokong gawin minsan. Kasi pwesto 'to ng pinakamamahal kong kambal eh.."

Napangiti ako ng sabihin iyong ni Marvin. Unti unti akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya saka ako bahagyang tumawa. Kumunot naman ang noo nito saka niya ako pinanggigilang yakapin.

"Marvs! Aray! Masakit!" Natatawang sabi ko. Nang bigla tumigil ito ay muli ko siyang niyakap.

"Ayoko na munang tumanda tayo Marvs.. Sana mga bata pa rin tayo. Sana magagawa pa rin natin ang mga ganitong bagay pero, hindi naman kasi pwede." Bumuntong hininga ako saka ko siya bahagyang niyakap ng mahigpit. "Kailangan kong sanayin din ang sarili kong wala ka sa tabi ko dahil kailangan nating mag-grow. Hindi lang sa edad kundi sa pag-iisip, sa gawa, at pati na rin sa emosyong meron tayo. Lagi kong iniisip na gusto ko ng bumalik at makasama ka lagi pero, pinipigilan ko ang sarili ko. Sa totoo lang ayoko na munang umasa sa iba. Lalo na sa iyo na nakasama ko mula nang maipanganak tayo. Gusto kong mas maging matatag. Gusto kong maging okay ako kapag may nakakaharap na problema. Gusto kong maging malaya mula sa lumang Chloe. Gusto kong mag-level up! Nakakapagod maging mahina Marvs. Nakakababa ng self esteem. Ayokong maging ganito habang buhay.." Mahabang litanya ko.

"And you succeeded sissy.." Rinig kong sabi ni Marvin kaya naman agad akong lumayo sa pagkakayakap dito ay umupo.

"No way? Seriously?! Tell me about it!" Pangungulit ko.

Umupo rin si Marvin saka nito pinunasan ang mukha kong mamasa masa pa dahil sa luha.

"Naging mas masayahin ka Maven. Naging mas open ka sa ibang tao. Mas nae-express mo na ang nararamdaman mo. Mas naging matatag ka na dahil ni minsan ay hindi mo naman ako hiningan ng tulong kapag may kailangan ka. Saka akala mo ba hindi ko alam na sobrang lungkot mo noong umalis ako kasama sina Mama at Papa?" Napakagat labi ako ng itanong niya iyon. "Alam ko iyon sissy.. Pero nagawa mong piliin na manahimik at itago ang nararamdaman mo para sumaya ako. Maven, magtiwala ka lang sa sarili mong makakaya mo, makakaya mo iyong gawin. Naging ganoon ka eh, kaya naman nakakabilib ka rin. Hayaan mo, maging ako unti unti ko na ring binabago ang sarili ko. Hindi lang para sa akin kundi na rin pati sa mga taong nakapaligid sa akin. Gaya mo, ni Alexa, at nina Mama at Papa. Malapit na.." Nakangiting sabi ni Marvin.

"Pero ayoko pang tumanda!" Nakangusong sabi ko.

"Libreng maging isip bata sissy." Natatawang sabi niya.

"Oo nga, pero sa harap mo lang ako pwedeng ganoon. Paano kasi, yung iba diyan kung hindi ako sasamaan ng tingin bigla akong pipitikin sa noo o di naman kaya susungitan! Hay nako!" Kunot noong sabi ko saka ako yumakap sa tuhod ko.

"Si Blake?" Tanong niya.

"Sino pa nga ba?! Eh siya lang naman ang sobrang close ko ngayon maliban kina Macey at Riley."

"Eh si Eos?"

"Anong si Eos?" Naguguluhang tanong ko.

"Eh, sabi ni Alexa, nadatnan niya raw kayong sweet kanina sa sala."

"Ahh.. Okay lang siyang kasama. Magaan naman loob ko sa kanya." Sagot ko.

"Eh kay Blake?"

"Si Ake? Hmm.. Parang siyang love-hate feeling eh. Kunwari, gusto mong i-try sumakay ng roller coaster pero natatakot ka kaya ayaw mo. Kumbaga kay Ake, gusto kong i-try na mas mapalapit sa kanya pero--" bumuntong hininga ako saka tumingala. Hawak ang labi ko ay isang katanungan ang pumasok sa isip ko.

Pero ano nga ba?

"Pero ano sissy??" Pukaw sa akin ni Marvs.

"Pero, parang ayoko. Ayokong masyadong mapalapit na gusto ko, ah! Ang hirap i-explain!" Kunot noong sabi ko saka ako nanggigil na umakap muli kay Marvin. Napahiga tuloy kaming dalawa ulit.

"Ayaw mong ma-in love sa kanya? Iyon ba ang gusto mong sabihin?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Marvin.

Iyon nga ba ang dahilan? Hala.. Hindi naman siguro..

"H-ha? A-anong in love ka diyan?"

"Tss.. You're stuttering sissy. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Nalilito ka sa nararamdaman mo at hindi mo alam ang sagot. Ha! Kilala na kita kambal! Ganyan na ganyan ka kapag pinapipili ka between a vanilla cheesecake or a chocolate cheesecake at sa huli dalawa mo silang kukunin. Sa sitwasyon mo ngayon, anong pipiliin mo? Ang mapalapit pang lalo kay Blake at iwasang ma-in love sa kanya? O mas lalong mapalapit sa kanya at tanggaping okay lang kung mahulog ang loob mo sa kanya?" Nakangising sabi ni Marvs.

Kunot noo kong tintitigan si Marvin ng sandaling iyon saka siya hinampas sa braso.

"Peste ka! Tigilan mo ako sa love love na iyan! The last time I tried, I cried and it almost killed me. Alam mo iyan. Ayoko ng maulit iyon. Mahirap na. Saka isa pa, Faye likes Ake so, I'm out.."

"Si Faye?? Nanaman?! Sissy naman! Alam mo namang siya ang umagaw kay Tyler di ba?" Kunot noong singhal niya sa akin.

"Marvs, wala naman na tayong magagawa sa bagay na iyon. Nasaktan na ako. Hindi ko kailangang saktan pabalik si Faye para lang sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. She's a friend, and our cousin. Hindi ko maaatim na kagalitan siya. She's just doing her best to be loved by someone. Ngayon, kung nakuha niya noon si Tyler, she won. The end of the story. Ngayon tungkol kay Ake, si Ake na rin ang may hawak ng desisyon na iyon at labas ako doon. Basta ako, as long as Ake wants me to stay with him and that's what makes him happy, I'll be fine with it."

Isang malakas na pitik sa kamay ang natanggap ko kay Marvs. Kapag ganoon ang ginawa niya ay naiinis na ito sa akin.

"Insensitive!" Singhal niya. "Selfless! That's too much!"

"Masakit iyon ah!" Hinampas ko ito sa balikat. "Nakalimutan mo na ba? Nabubuhay ako para kay Ake.. Para sa kanya lamang. I mean, para sa opposite partner ha. Labas kayo nina Mama at Papa. Siyempre kasama kayo pero, kumbaga sa isang misyon, Ake is my target." Paliwanag ko.

"Tch! Nasa huli ang pagsisisi Maven. Tandaan mo iyan." Banta niya saka ito tumayo. "Wala kang kwentang kausap! Bahala ka na nga diyan!" Inis na sabi nito saka siya naglakad palabas at padabog na sinarado ang pinto. Ngunit laking gulat ko ng bigla rin iyong bumukas at iniluwa doon sina Mama, Papa at Doc Carlo.

Agad akong tumayo sa kama para salubungin sina Mama at Papa ng yakap at halik. Nag-Hi naman ako kay Doc Carlo at ginatihan naman ako nito ng ngiti.

"Loko kang bata ka! Huwag mong iiwan ang phone mo kapag lumalabas kang mag-isa! Klaro?" Kunot noong sabi ni Papa.

"Opo. Sorry Pa.."

"Anak naman eh.. Alam mo namang hindi pa okay ang kalagayan mo eh.. Maging maingat ka naman." Si Mama.

"Opo Mama.."

"Oh siya.. Carlo, check her up dude.. Dito lang kami ni Madz." Tukoy ni Mama kay Papa.

"Sige.." Sagot ni Doc Carlo dito saka siya bumaling sa akin. "Kamusta ka Chloe? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Panimula ni Doc Carlo saka nito inilabas ang stethoscope niya at inilagay sa dibdib ko. Matapos doon ay sa likod naman.

"Meron po actually Doc.. Medyo naging sensitive po ako sa nararamdaman ko. Tapos minsan po nagiging mabilis ang tibok ng puso ko, pero minsan din naman ay parang nanakit siyang bigla pero agad din namang nawawala." Sagot ko.

"Naging sensitive ang nararamdaman mo? Kailan iyan nangyayari? Anong dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso mo or iyong pananakit? Gaano kadalas?" Sunod sunod na tanong niya.

"Hmmm.. Kanina po nung sigawan ako ni Ake. Tapos yung pananakit eh nung sabihin ng pinsan ko na may gusto siya kay Ake. Tapos po magiging okay naman na iyon kapag hahawakan ni Ake ang kamay ko or yayakapin ako. Yung mabilis na pagtibok, hindi ko alam kung anong sanhi Doc. Bigla nalang nangyayari." Iiling iling na paliwanag ko saka ako nag-cross arms.

Nang wala akong marinig na sagot mula kay Doc Carlo ay nilingon ko ito at nakitang nakangiting nakatingin kina Mama at Papa. Si Mama naman ay bahagyang natawa habang si Papa ay naka-kunot ang noo.

"Iyon bang pagbilis ng tibok ng puso mo eh kapag may ginagawang sweet na gestures iyong si Ake na sinasabi mo?" Pukaw sa akin ni Doc Carlo.

"Hmmm.. Opo ata.. Pero kasi Doc, crush ko naman iyon. Nagtataka lang talaga ako doon sa part na sumakit iyong dibdib ko noong sabihin ng pinsan kong may gusto siya sa kanya." Kunot noong sabi ko.

"Ano?! Crush mo si Blake?" Singhal ni Papa na ikinagulat ko.

"Pa naman! Crush lang! Ang gwapo niya kasi noong nanood ako ng photoshoot niya. Promise! Kahit isama ko pa kayo minsan! Ang gwapo niya doon! Ang cool cool niya!" Bulalas ko.

"Anak.." Tawag sa akin ni Mama.

"Yes po Ma?" Tanong ko.

"In love ka ba kay Blake?" Tanong ni Mama.

"No way! Hindi po Ma. Crush lang. Crush.. Saka para na kaming mag-kapatid.. Para nga siyang si Marvin eh."

"Sigurado ka Chloe? Kinakabahan ako sa iyong bata ka!" Si Papa.

"Opo Pa! Malabo! Malabong mangyari iyon. Saka isa pa, may gusto si Faye kay Ake kaya, iwas muna ako ng konti." Sagot ko.

"Good.." Sabi ni Papa na para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan kung makapag-pakawala ng hangin sa kawalan.

"Chloe iha.. You're fine.." Natatawang sabi ni Doc Carlo na ipinagtaka ko. "Yung last na result mo nitong mga nakaraan lab results ay umu-okay na. Pero hindi pa rin natin ititigil ang weekly therapy mo okay? Para maka-sigurado tayo."

"Opo. Sige po. Ano pong findings niyo ngayon sa akin Doc?" Pag-uusisa ko. Muli ay nagtinginan sina Papa, Mama at Doc Carlo saka sila bahagyang tumawa.

"Advice nalang iha ang ibibigay ko.. Just go with the flow. Enjoy every moments and seize it. Lahat ng nararamdaman mo ngayon ay malalaman mo rin sa tamang panahon."

"Huh?" Napangiwi ako ng sandaling iyon.

"Basta.. Bata ka pa. Matulog ka na." Sabi ni Papa saka ito lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa noo. "Goodnight my princess." Nakangiting sabi niya.

"Makinig ka nalang sa advice ni Carlo anak. May point siya." Natatawang sabi ni Mama saka ito lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. "We love you baby.. Sleep tight.."

Nginitian ko ang mga ito saka din ako nag-goodnight at I love you. Si Doc Carlo naman ay bahagyang ginulo ang buhok ko saka sila tuluyang lumabas ng pinto.

Yehey! I'm feeling good! Okay na daw ang test results! Yes!

TO BE CONTINUED..

Haynako Chloe.. Inosente ka bang talaga o insensitive ka lang? Ano ba talaga?? haha

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro