This Heart Belongs To YOU - 41 (Boracay 5 - Living Playboy Monster)
💙 41
Eos's POV
"Alexa.. Dad.." Sambit ko.
Sina Alexa, Mom at Dad ang dumating. Umayos ako sa pagkakatayo saka inilapag si Chloe sa sahig mula sa pagkakabuhat sa kanya. Nginitian ko muna si Chloe bago ako humarap sa parents ko at sa kapatid ko.
"Iha.. Kanina ka pa namin hinahanap. Are you okay?" Tanong ni Mom kay Chloe.
"Ah.. Opo Tita Summer.." Nakangting sagot ni Chloe.
"Saan ka ba nagpunta iha? Buti nalang at kasama mo pala itong si Eos.." Pukaw ni Dad kay Chloe.
Bakit parang lahat sila nag-aalala kay Chloe?
"Sa dalampasigam lang po Tito Lexis.. Okay namang kasama itong si Eos kaya okay lang ako." Nakangiting sagot ni Chloe kay Dad.
"Close kayo kay Chloe Dad? Mom?" Pukaw ko sa mga magulang ko. Nilingon naman ako ng mga ito saka nginitian at tumango.
"Kuya, siya iyong kinu-kwento ko sa iyong napakagandang best friend ko! Duh!" Si Alexa.
"Hmm.." Tumatango tangong sabi ko saka ako lumingon kay Chloe. "Paano ba yan Chloe? Mukhang tadhana na ang naglalapit sa atin? Idagdag pang gwapo ako at maganda ka." Biro ko.
"Psh! Lex.. Mukhang si Marvin at siya dapat ang magkapatid.. Sila ang mayayabang eh.." Nakangising baling ni Chloe kay Alexa.
"Haha! Yaan mo na yan sissy babe.. Pero alam mo ba? Sabi niya noon sa iyo, di ka daw niya type." Si Alexa.
"Oy! Wala akong sinabing ganoon ah!" Singhal ko kay Alexa. Nagtawanan sina Dad at Mom.
"Oo nalang Kuya! Sige! Deny pa!" Inirapan ako ni Alexa saka niya hinila sa braso si Chloe. "Nako! Huwag kang papaligaw diyan kay Kuya sissy babe.. Playboy iyan! Kaya nga dinala siya dito sa Pinas ni Dad eh para daw matuto kaso, mukhang hindi pa tumitino.."
"Alex!" Suway ko. Inirapan lang ako nito saka sila tumawa ni Chloe. "Chloe.. Huwag kang maniniwala diyan sa kapatid ko."
"Sorry Eos.. Best friends kami ni Lex eh." Nakangising sabi ni Chloe sa akin kaya naman napailing nalang ako.
"Chloe!!!" Sabay sabay na bulalas ng mga barkada nila na nagsidatingan. Tumakbo ang mga ito papalapit kay Chloe saka siya niyakap.
"Ano ba iyan! Bakit hindi mo dinala ang phone mo? Lagot ka kay Tito Gav at Tita Madz." Si Aya.
"Saan ka ba kasi nag-suot?! Pinagalala mo kami!" Si Riley.
"Huwag ganun sis! Aatakihin kami sa puso dahil sa pagaalala sa iyo eh!" Si Macey.
"Babe! Ang bad mo!" Sabay na sabi ng kambal na sina Ella at Elsa.
"Pa-kiss ako Chloe! Pinagod mo ako sa kahahanap!" Si Art.
"Hep! Ako muna ki-kiss!" Si Saki.
"Gosh! You guys are so loud.. Relax.." Suway ni Chloe sa kanila dahil lahat sila ay nakahawak sa braso, kamay at balikat niya. Ang ilan pa ay niyugyog siya at hinila hila. "Breathe in.." Utos ni Chloe na sinunod naman nilang lahat. "Okay.. 1-2-3.. Breathe out.."
Bahagya akong natawa sa pinaggagagawa nila kay Chloe. Halatang lahat sila ay may care sa kanya ng sandaling iyon. Unti unting nawala ang ngiti ko nang biglang bumukas muli ang pinto at iniluwa doon si Blake na hindi maipinta ang mukha kasama sina Aiden, Logan at Faye. Nang magtama ang tingin namin ay seryoso ko itong tinitigan ngunit agad din siyang nagbawi saka lumapit kay Chloe.
"Saan ka galing? Alam mo bang lahat ng nandito ay pinag-alala mo?!" Kunot noong sabi ni Blake kay Chloe na nagpakunot sa noo ko.
"Ake.. Kasama ko naman si Eos kanina. Sorry.. Hindi ko alam na hinahanap niyo pala ako." Sinserong sabi ni Chloe.
"Tch!" Sinamaan niya ng tingin si Chloe saka ito naglakad palayo.
"Pagpasensyahan mo na si Blake Chloe.. Nag-alala lang siya ng sobra sa iyo." Si Aiden.
"Okay lang.. Sorry kamo." Kagat labing sagot ni Chloe.
"Loko iyon! Hayaan mo Chloe, kami na ni Aiden bahala sa kanya. Puntahan lang namin siya." Paalam ni Logan. Tumango naman si Chloe at matapos nun ay sinundan nga nina Logan at Aiden si Blake.
Teka.. May gusto ba talaga siya kay Chloe?? No. That's impossible..
"Baby babe.. Okay ka lang? Next time kasi magpaalam ka kung saan ka magpupunta para hindi ka na inaalala ng lahat." Malambing na tono ni Faye pero iba ang ekspresyon ng mukha nito. Parang naiinis.
"Sorry..." Muling sabi ni Chloe. "Pupunta na ako sa kwarto para matulog." Paalam niya sa amin. "Doc Carlo, kapag dumating sina Mama at Papa, punta nalang po kayo sa kwarto ko ha? May itatanong rin po kasi ako sa inyo. Salamat po." Baling ni Chloe doon sa Doc Carlo saka ito naglakad palayo. Sina Mom at Dad naman ay tinapik iyong Doc Carlo at dinala sa kusina.
"Faye.. Stop being such a bitch to Chloe! You're always like that! Tch!" Sabi ni Aya saka ito naglakad palayo.
"Bad Faye.." Sina Elsa at Ella.
"Oy oy.. Stop that.. Faye never said something bad guys.." Si Saki. Kapatid ni Faye.
"Yeah right.. Whatever.." Pagsusungit ni Aya.
"Oy Aya! Umandar nanaman iyang kamalditahan mo! Manahimik ka nga!" Suway ni Alexa dito.
"Huwag ako ang pagsabihan niyo! Iyang babaeng iyan! Pati si Blake, kinukuha niya nanaman kay Chloe! At ano nanaman?! Para maging boyfriend niya gaya ng ginawa niyang pag-agaw kay Tyler na ex ni Chloe?! Oh come on! Cut the drama! Hindi ko na kayang makipag-plastikan sa kanya. Alam niyo namang lahat na simula ng ma-hospital si Chloe at malagi doon ay siya namang atake ni Faye kay Tyler!" Inis na sigaw ni Aya.
Na-hospital si Chloe??
"Aya! Kung may magagalit dito, si Chloe iyon.. Tama na.. Wala na iyon kay Chloe.." Awat ni Alexa.
"Pero mali naman kasi si Faye Ate Alexa eh. Nakita namin ni Elsa kung paano niyang inakit noon si Tyler habang wala si Ate babe Chloe at nasa hospital." Si Ella.
"Oo.. Nakita namin. Pati na rin nung araw na makipaghiwalay si Tyler kay Chloe, nandoon si Faye at hinihintay niya ang pagbabalik ni Tyler sa kanya." Si Elsa.
"Totoo ba iyon Faye?" Si Saki.
"Kuya Saki, pati ba naman ikaw?!" Umirap si Faye. "Eh di magsikampihan na kayong lahat kay Chloe! And you know what guys.. All of you.. You're so unfair! Bakit laging si Chloe? Kahit madalas na magsungit siya, bakit laging siya?! Bakit?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Faye.
"Kasi hindi siya plastic Faye! Tch!" Inis na sabi ni Aya. "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo ring panlalandi sa ex boyfriend ko? Kung walang nagsasabi sa iyo, heto, heto ako! Sinasampal ko lang naman sa pagmumukha mo kung gaano ka kasabik na makakuha ng atensyon, lalo na ng lalake! Ni hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko, o ni Chloe ng gawin mo iyon. Ayoko ng magalit dahil sabi nga ni Alexa at Chloe wala namang pupuntahan kaya pinalipas ko. Pero ikaw, ikaw pa talaga ang may gana na mang-bitch attitude kay Chloe?? Oh come on!" Nagpakawala ng pekeng tawa si Aya. "Kung nagtatanong ka kung bakit si Chloe ang nagugustuhan ng marami, bakit hindi mo muna tanungin ang sarili mo kung anong mali sa iyo? Kaibigan mo ako kaya ko sinasabi sa iyo ito. Ngayon kung hindi mo pa rin matatanggap at mare-realize iyang mga pinaggagagawa mo, sad to say but, you might lose me as a friend. Fix yourself Faye. Hindi ka ganyan noong mga bata tayo. Kinakain ka ng inggit mo kay Chloe." Mahabang litanya ni Aya saka ito naglakad palayo.
"Faye.. Pati iyong ex ni Aya? What the hell! What happened to you??" Kunot noong sabi ni Alexa kay Faye saka ito sumunod kay Aya.
"Faye.." Tawag ni Saki sa kapatid niya.
"Kuya Saki.." Umiiyak na sabi ni Faye saka ito yumakap sa kapatid niya.
"Sssshhh.. Let's go to bed baby.." Sabi ni Saki saka sila naglakad palayo.
Puro walk out ang nangyayari ah?
Napakamot ako sa batok ng sandaling iyon. Ang dami kong nalaman tungkol sa barkada nila.
"Dude.." Pukaw sa akin ni Art. Sa lahat ay si Art lang ang naka-close ko. Gaya ko ay lapitin din kasi ito ng babae.
"What was that?" Kunot noong tanong ko.
"I don't even know dude.. Don't ask.. Girls fight I think." Sagot ni Art.
Nakita kong nagtinginan at nagbulungan sina Macey at Riley saka sila lumingon sa akin. Ilang sandali pa ay naglakad ito papalapit kung nasaan ako at si Art.
"Art, matagal mo na bang nakasama si Chloe?" Tanong ni Macey.
"Yeah.. Why? She's a childhood friend." Sagot ni Art.
"Anong ugali ni Chloe dati?" Si Riley.
"Hmm.." Bahagyang tumingala si Art na parang nag-isip. "Tahimik pero madalas ay nagma-maldita iyan. Sa mundo kasing kinalakihan namin, maraming hindi totoong tao. Kumabaga, makikipaglapit sila sa iyo kapag alam nilang mataas ang estado mo sa buhay tapos saka ka sisiraan kapag nakatalikod na. Nandoon ako ng mangyari iyon kay Chloe, kasama sina Alexa, Aya at Saki. Dahil nga sa kilalang Fuentabella Cavalier iyang si Chloe, maraming pekeng tao na lumapit sa kanya. Kaya simula noon, kami nalang na close ng pamilya niya ang kinaibigan niya. Nung makilala ko nga iyan, nagmaldita rin sa akin at sinabing, 'I'm not going to be one of your fiancé's, so leave me alone!'" Bahagyang tumawa si Art. "Pero ayun, buti nalang nalaman niyang kapatid ako ni Aya kaya naging close naman kami." Mahabang sabi nito.
"Sabi ko ugali.. Tss.. Well, anyways, kaya pala ayaw niyang malaman ng iba na Fuentabella Cavalier siya. Saka what's with that Faye?" Pagtataray ni Riley.
"Ohh.. I like you Riley.." Sabi ni Art na nagpataas ng kilay ni Riley. "Haha. Relax. I'm just kidding.. Faye and Chloe, sobrang close sila noon. Mas nauna pa nga silang maging close kesa kay Alexa eh. Hindi ko lang alam kung anong nangyari. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganyan pala silang away." Paliwanag ni Art.
Habang matamang nakikinig sa pag-uusap nila ay siya ring isip ko kung bakit hindi man lang galit si Chloe kay Faye kung ganoon ang nagawa ni Faye sa kanya. Nakakapagtaka lang.
Tch! Asar naman! Dapat hindi na ako pinag-aral dito sa Pinas ni Dad! Di ko tuloy nakilala ng maaga si Chloe..
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa terrace ng bahay nina Tito Rain ng bigla akong makarinig ng yabag papalapit sa akin. Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko si Blake na matamang nakatingin sa akin.
"Oh.. Kamusta tol?" Nakangiting bati ko dito. Gaya ng dati ay wala pa ring reaksyon ang mukha nito.
"Kamusta si Chloe? Ayos lang ba siya kanina?" Walang reaksyong tanong niya sa akin saka niya ako tinabihan sa pagkakatayo ko. Nang tumingala siya sa kalangitan ay ginaya ko nalang din ito.
"She's fine.. May sakit ba siya? Lahat ata ng tao dito nagaalala sa kanya ah." Tanong ko.
"She's sick but, not that sick. Pero komplikado pa rin ang lagay niya." Sagot ni Blake.
"Blake, galit ka ba sa akin tol? Ang daya lang. Dapat ako itong galit sa iyo ah." Pag-iiba ko ng usapan. Sa totoo lang ay matagal ko ng gustong itanong iyon.
"Hindi ako galit. Alam mo iyan Eos. Hindi ka pa ba sanay sa ugali ko?" Tanong niya dahilan para mapalingon ako dito.
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari kay Amy?" Tanong kong muli. Nilingon ako nito saka siya umiling.
"Nadisgrasya siya noong nagpunta siya ng America." Sagot ni Blake kaya naman napayuko ako at napapikit.
Hanggang ngayon masakit pa rin. Nasasaktan pa rin ako sa nangyari kay Amy. Nasasaktan pa rin akong malaman na wala na talaga siya at hindi na babalik pa. Akala ko nakalimutan ko na ng tuluyan si Amy pero hindi pa pala.
"I miss her Blake.. I miss my Boobear.." Mahinang sabi ko kay Blake saka ako tumingala para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. "Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. Sana nagawa kong ipaglaban siya noon sa iyo. Sana gumawa pa rin ako ng paraan para makuha siya sa iyo. Alam mo bang imbis na magalit ako sa iyo ay mas galit ako sa sarili ko? Oo mga bata pa tayo, pero iba pa rin ang meron kami ni Amy noon na hinayaan kong mawala. Hindi sana ako nagparaya."
"I'm so sorry Eos." Rinig kong sabi ni Blake kaya nilingon ko ito. Wala pa ring reaksyon ang mukha nito kaya napailing nalang ako. Alam kong sinsero sa paghingi ng tawad si Blake pero, hindi kaya ng isang sorry na burahin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mo siya kailangang agawin sa akin Blake.. She's my Boobear. Akin yung tawagan na iyon eh. Sa aming dalawa iyon pero pati iyon, kinuha mo sa akin. I'm sorry too dude pero, hindi ko muna matatanggap ang sorry mo." Sabi ko dito saka ako naglakad palayo.
Iyon na rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling maging isang living monster playboy.
Chloe.. Change me back.. I need you Chloe..
TO BE CONTINUED..
Sinong team Eos? Ako! haha ❤️
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro