Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 39 (Boracay 3 - Unknown Feelings)

💙 39

Chloe's POV

Tignan mo iyong Blake na iyon! Bigla akong hindi na pinansin! PMS king!!!

Nasa tabi kami ng dagat ngayon nang mapagpasiyahan ng mga magulang namin na magkaroon ng barbecue party. Katabi ko si Marvin sa kanan at si Eos sa kaliwa. Ang masungit na si Ake naman ay masayang nakikipag-usap kay Faye ng sandaling iyon. Medyo dumidilim na ang paligid kaya naman nakaka-relax ang hampas ng sariwang hangin.

"Oy! Nagseselos ka?" Pukaw sa akin ni Eos kaya nilingon ko ito.

"Selos? Kanino?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh di ba, boyfriend mo si Blake? Eh bakit si Faye ang kasama niya ngayon at talaga namang sweet?" Tanong ni Eos saka ito sa gawi nina Blake.

Selos? Wala naman..

"Selos.. Hmm.. Oo.. Nagseselos ako.." Pagsisinungaling ko. Ngumuso pa ako para kunwari ay naiinis nga ako.

"Sinungaling ka talaga.." Sabi nito dahilan para mahampas ko siya sa braso.

"Ang sama mo ah!" Natatawang sabi ko.

"Ewan ko ba kung anong pakulo niyo." Nakangiti at umiiling na sabi niya.

"Huwag kang ganyan. Bina-bad luck mo naman relasyon namin eh." Nakangusong sabi ko.

"Ang cute cute mo talaga ano?" Nakangiting sabi ni Eos.

"Enebe.. Stop me.. I'm grinning from ear to ear.. Thank you though.." Pa-bebe na sabi ko. Alam niyo iyon? Yung parang kaka-kabit lang ng brace? Yung tipong, 'shtop me.. mashaket..'

Hindi ko napigilang tawanan ang sarili ko ng gawin iyon. Para lang akong tanga. Nang lingunin ko si Eos ay tumatawa na rin ito.

"Nakakatuwa ka naman palang kasama eh.. Bakit hindi ka ganito sa tuwing tayong dalawa lang?" Tanong niya.

"Kashee.. Kashee, nahihiya ako sheyo." Natatawang sabi ko with matching make face pa na parang naka-brace nga.

"Stop Chloe! You're making me laugh! Hard!" Humagalpak sa tawa si Eos ng sandaling iyon habang ako ay natatawa rin sa pinaggagawa ko.

"Okay okay.. Tama na.." Awat ko habang nakahawak sa panga ko. Mamaya kasi, baka kung anong kabaliwan nanaman ang gawin ko.

"Haaa!" Buga niya ng hangin sa kawalan saka siya tumingin sa akin. "I really like you.." Nakangiting sabi niya.

"Stop flirting.. May boyfriend ako!" Nakangising sabi ko.

"Baka, fake boyfriend?" Umiiling na sabi niya.

"Hala ka! Ang bad mo talaga! Tsk tsk.. Malala na iyan.." Biro ko saka ako lumingon sa gawi nina Ake at Faye. "He's important to me.. I love Ake.." Nakangiting sabi ko.

Faye's POV

Habang masayang nagtatawanan sina Eos at Chloe ay hindi lingid sa kaalaman ko na matamang nakamasid si Blake mula sa kinauupuan nito.

"Blake.. Ayaw mo ba talaga sa akin?" Pukaw ko sa kanya ngunit hindi ako nilingon nito. "Blake.." Lambing ko dito saka ako yumakap sa braso niya. Nang gawin ko iyon ay nilingon ako nito.

"Are you saying something?" Tanong niya ngunit umiling nalang ako saka ako sumandal sa balikat niya.

Napaka-amo talaga ng mukha ni Blake pwera nalang kapag wala ito sa mood tulad nalang noong papunta kami dito. Wala itong kinakausap maliban kay Chloe. Puro nalang si Chloe.

Sino ba naman kasing hindi magkaka-gusto sa pinsan kong si Chloe? Eh super perfect na iyan. Nakakainggit nga minsan dahil halos lahat ng makakasalamuha niyang lalake ay maakit sa pagtataray nito, na kabaligtaran ko. She's actually our rebel babe, while I'm the princess babe.

"I said.. I like you.. Be my boyfriend already.." Lambing ko dito.

"Sorry.. I can't.." Nakangiting sabi nito saka niya marahang tinapik ang ulo ko.

"Why?" Tanong ko.

"You're just 14 right?"

"So?"

"That's why I can't date you Faye, and I'm not planning to date anybody right now.." Nakangiting paliwanag niya.

"Do you like Chloe?" Walang alinlangang tanong ko. Nilingon nito ang gawi nina Chloe at Eos saka siya ngumiti.

"She's my other half.." Walang reaksyong sabi niya.

"Alam kong hindi mo naman talaga siya girlfriend eh.."

"She's not.. But I need her.." Sagot nito.

"You need her? Ginagamit mo siya?" Nakangising sabi ko. Mukhang mas lalo kong nagustuhan ang salitang iyon tungkol kay Chloe. Madalas kasi ay ang naririnig ko ay, I like her so much coz she's a perfect 10!

Well.. So Blake is actually different? Why? How?

"Ginagamit?" Kunot noong tanong niya.

"Hindi ba? Eh bakit mo siya kailangan?" Tanong ko. Bahagya ko pang kinurap kurap ang mga mata ko dahilan para mapatingin siyang lalo sa akin.

Sinumulang haplusin ni Blake ang mukha ko saka ito ngumiti. Bahagya pa akong napapitlag nang ilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.

"Amy.. You really look like her.." Nakangting sabi nito habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng mukha ko. "Do you really wanna be my girlfriend Faye?" Tanong niya.

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng sandaling iyon dahil mukhang mapapasaakin na si Blake.

"Yeah.." Nakangting sagot ko.

"Are you staying?" Tanong niya.

"If you want me to." Sagot ko.

"If you'll stay, you'll be my girlfriend." Nakangting sabi niya.

"No way??" Bulalas ko.

"If you'll stay Faye.." Walang reaksyong sabi niya.

"I'll stay.. I'll stay!" Natutuwang sabi ko saka ko siya niyakap sa leeg. Narinig ko ang pagtawa nito kaya naman mas lalo akong napangiti. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin na mas lalo kung ikinatuwa.

I just have to tell my parents that I'm staying. For good. For Blake.

Blake's POV

My heart is not beating fast but I'm actually okay to be Faye's boyfriend, coz, she really looks like Amy. The way she smiles, the way she moves her lips and blink her eyes. The way she laugh and holds me like I'm her possession.

I kinda like it.

"Pero paano si Chloe?" Tanong ni Faye nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

What about Chloe?

Nilingon ko siya at masaya itong nakikipagtawanan kay Eos. Hindi ko gusto ang nakikita ko pero habang nakikita siyang masaya ay hindi ko rin magawang hindi sumang-ayon sa nararamdaman kong panlulumo.

Hindi ko siya pwedeng angkinin lang ng ganun ganun lang lalo na kung nakikita kong kaya niyang maging masaya sa piling ng iba.

But why Eos anyway?!

Parang deja vu na kasi ang nangyayari. Parang ganito rin ang sitwasyon ko, ni Amy at ni Eos noong panahong magkakasundo kami.

Eos.. He's important to Amy too.. Naging maramot lang ako at inangkin si Amy.

Na alam kong pagkakamali ko.

Napabuntong hininga ako ng sandaling iyon at yumuko.

Kaya ko bang pakawalan si Chloe ng ganun ganun lang? Kaya ko bang mawala siya sa akin? Kakayanin ko ba?

"No matter what, I'll stay Blake. Believe me.. I'll stay.." Bulong sa akin ni Faye dahilan para lingunin ko siya.

Niyakap ako ni Faye at ramdam ko ang seguridad na hindi ko maramdaman kay Chloe. Yes, Chloe will stay coz that's what I wanted to. But what about her? What about her feelings? What if she likes Eos like Amy did before but I snatched her away from him?

Amy.. Anong gagawin ko? So all this time, kay Eos ba talaga tumitibok ang puso mo?

Niyakap ko pabalik si Faye saka ko isinubsob ang mukha ko sa leeg nito. Hindi siya si Chloe. Iba ang amoy niya. Iba ang aura niya. She's not Chloe, and she's not Amy.

"Chloe.."

"May gusto ka na talaga kay Chloe Blake?" Rinig kong tanong ni Faye.

Do I like her? Yeah I do.

"Yeah.." Sagot ko.

"Do you love her?" Muling tanong ni Faye.

Do I love her? She's special to me. She's my important person. My other half. My happiness.

Do I love her?

I don't know yet..

"I don't know.." Bulong ko kay Faye. Humiwalay sa pagkakayakap si Faye saka nito hinawakan ang mukha ko.

"Let me love you Blake.. Let me in.." Masuyong sabi ni Faye, and again, all I can see is Chloe's face.

Wait.. Bakit mukha ni Chloe?

"Ehem! Chloe! May gitara dito! Kanta ka!" Sigaw ni Art na barkada ni Chloe kaya napatingin ako kay Chloe. Nakangiti ito sa kaibigan niyang si Art at para bang bata na excited makahawak ng gitara dahil patakbo itong pumunta kung nasaan si Art.

"Sure!!" Bulalas ni Chloe. "Ohh! Walang tutukso sa boses ko ah! Mamaya sabihan niyo nanaman ako ng monster!" Singhal niya sa mga kaibigan niya kaya napangiti ako habang ang iba ay nagtinginan sa isa't isa at nagtawanan.

"Daming arte! Kanta na!" Si Riley.

"Opo!" Masiglang sagot ni Chloe saka siya umayos sa pagkakaupo. Inalis ko ang kamay ni Faye na nakahawak sa akin saka ako bumaling kay Chloe.

Habang matamang nakatingin sa kanya ay bumaling ng tingin sa akin si Chloe saka ito ngumiti.

"Ake! Dito ka muna sa tabi ko!" Nakangiting sabi niya.

Agad naman akong tumayo at nilapitan ito. Napuno ng tuksuhan ang paligid pero hindi ko iyon pinansin dahil na kay Chloe lang ang atensyon ko ng sandaling iyon. Nang makaupo ako sa tabi niya ay napangiti ako. I really love her smell. It makes me calm.

"Kakantahan ko ang boyfriend ko! May isa kasi diyan na hindi naniniwala sa amin!" Anunsiyo ni Chloe sabay lingon niya kay Eos at nakangiting inirapan niya ito.

Ang totoo ay alam naman talaga nilang lahat na hindi kami ni Chloe. Ayoko lang talagang malaman ni Eos.

Nagiging selfish nanaman ba ako?

"Boyfriend.." Tawag sa akin ni Chloe saka siya ngumiti. "Bakit malungkot nanaman ang mga mata mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Tama na lambingan! Start na!" Sigaw ni Logan kaya naman nagtawanan ang lahat pati na rin kami ni Chloe.

"Smile.." Bulong niya kaya nakangiti ko itong tinanguan.

Nang magsimulang mag-strum ng gitara si Chloe ay nanahimik ang lahat. Ang mga magulang naman na kasama namin ay naagaw din ang pansin nun kaya lumapit ang mga ito.

[play YouTube media]

"..I can't wait til I get you on the floor, good-looking
Going out so hot, just like an oven
And I'll burn myself, but just had to touch it
It's so fly and it's all mine.."

Sa iyo na nga ba ako Chloe?

"..Hey baby, we don't mind all the watching
Cause if they study close, real close
They might learn something
He ain't nothing but a little doozy when he does it
You're so fly tonight
And as long as you've got your suit and tie
I'ma leave it all on the floor tonight
And you got fixed up to the nines
Let me show you a few things
All pressed up in black and white
And I'm dressed in that dress you like
Love is swinging in the air tonight
Let me show you a few things
Let me show you a few things
Show you a few things about love
While we're in the swing of love
Let me show you a few things
Show you a few things about love.."

Show me then Chloe.. Show me..

"..Stop.. Let me get a good look at you.."

Sinipat ako ng tingin ni Chloe saka kinindatan. Bagay na mas lalong nagpangiti sa akin.

"..Ooo so fly never know why, oh you fancy
Go on and show 'em who you call daddy
I guess they're just mad cause, they wish they had it
My killer, my thriller, yeah you're a classic
And you're all mine tonight.."

Yeah Chloe.. I am yours.. But, are you mine? Does that heart of you belongs to me?

Napuno ng palakpakan ang nang matapos si Chloe. Ang ilan ay lumapit sa kanya para yakapin ito at sakalin sa yakap at paliguan ng halik kaya naman bahagya akong lumayo.

"Ang galing galing mo sissy babe!" Si Alexa.

"That's my twin!" Si Marvin.

"Chloe!" Sabay na bulalas nina Riley at Macey saka nila siya patakbong inakap.

"She's too perfect.." Rinig kong sabi ng katabi ko. Si Faye.

"She'll always look perfect in my eyes Faye.." Nakangiting sabi ko dito.

"Pero boyfriend na kita. At simula ngayon, ayoko ng titingin o lalapit ka sa kanya. We had a deal." Walang reaksyong sabi nito kaya naman seryoso ko itong tinitigan.

Nawala ang sweet na aura nito ng sandaling iyon.

"Kapag hindi mo tinupad iyon, I will hate her even more." Sabi ni Faye saka siya naglakad palayo.

What now?!

TO BE CONTINUED..

Huwag kang pumayag Blake! Ano ba!! Tss!

-- kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro