This Heart Belongs To YOU - 32 (Scandal)
💙 32
Chloe's POV
Araw ng Lunes. Sinundo ako nina Riley at Macey sa bahay. Isang kotse nalang daw ang gagamitin namin dahil may pupuntahan daw kami mamayang hapon pagkatapos ng klase. Kotse ni Riley ang gamit namin ng sandaling iyon. Hindi tuloy ako maagang pumasok ngayon. Nakakapanibago.
Pagdating namin ng school ay akay akay pa rin ako ng dalawa kong kaibigan. Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi ko alam kung bakit pinagtitinginan nila kami at nagbubulungan. Ang mga titig nila ay walang paghanga kundi panghuhusga. May ilan pang tataasan kami ng kilay. Huminto sina Riley at Macey dahilan para mahinto din ako. Ako ba naman ang nasa gitna at hawak pa nila ang braso ko eh.
"Anong tinitingin tingin niyo?!" singhal ni Riley sa mga babaeng patuloy na nakatingin sa amin.
Ilang sandali pa ay nagsi-tunog ang message alert tone namin nina Riley at Macey. Kinuha ko naman agad ang phone ko at ganoon din sila.
1 video message received!
Kaagad ko iyong binuksan.
Halos ma-statwa ako ng sandaling iyon sa nakita ko. I'm kissing someone. Sa library. Napahawak ako sa bibig ko ng sandaling iyon.
Is this me and Ake?!
Sa kuha ng video ay mukha ko lang ang nakikita habang si Ake naman ay nakatalikod.
So hindi panaginip iyong sa library?! Oh my gosh!!
"Baby sis.. What's this?" si Macey.
"H-hindi ko alam.." sagot ko.
"Are you sure Baby sis? Kasi ikaw talaga to." si Riley.
"I know.. Akala ko panaginip yan!" bulalas ko.
"Calling Miss Chloe Maven Cavalier. Please proceed to Guidance office now. I repeat, Chloe Maven Cavalier, Guidance office now.." announcer.
Nilingon ko sina Macey at Riley. Bakas sa mga mukha nito na hindi sila makapaniwala sa napanood nilang video.
Now what? Hindi na nila ako papaniwalaan? Haaay..
Nagpaalam ako sa mga ito saka ako naglakad papuntang Guidance Office. Habang nasa hallway ako ay hindi ko naiwasan ang mga matang mapanghusga na nakatingin sa akin at pasimple akong tinatawanan.
"Ang landi talaga!"
"Such a whore!"
"Slut!"
"Biatch!"
Nang makarating ako doon ay nakita ko si Ake na nakasandal sa pader. Dali dali itong naglakad papunta sa akin ng makita ako nito.
"Look I'll go with you and explain everything." si Ake. Bakas sa boses nito na nag-aalala ito.
"No Ake. Gulo ko to. Ayokong idamay ka. And I'm so sorry na nagawa ko pala sayo yun. Akala ko panaginip lang ang lahat. I'm so sorry." sabi ko dito. Hindi ako makatingin dito ng diretso.
He's a Drexel at ayokong madungisan ang pangalan nito.
"Pero Chloe--"
"Ake.. It's okay. I can do this." sabi ko dito saka ako pumasok sa Guidance Office.
Pagpasok ko doon ay nakita ko ang Principal, Vice Principal at siyempre ang guidance counselor ng school.
"Sit down Miss Cavalier.." si Principal. Sinunod ko naman ito.
"What's this Miss Cavalier? Ano tong video na kumakalat?" si Vice Principal.
"Sorry po." sabi ko nalang habang nakayuko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng mga ito.
Anong sasabihin ko? Nanaginip ako at hindi alam ang nangyayari?! Asa namang papaniwalaan nila ako!
"Who's this guy?" si Guidance counselor.
"Hindi ko po kilala." sagot ko.
"What?!" bulalas nila.
"Sorry po." muling sabi ko.
"Miss Cavalier, alam mo bang malaking kakahiyan ang ginawa mong ito sa school natin? Oo. Alam naming anak ka ng isang Fuentabella Cavalier na may malaking share sa school na to pero iha, this is absurd. Alam mo bang pati apelido mo ngayon ay dinungisan mo na?" si Vice Principal.
Eh hindi ko naman talaga alam na totoo yan! Ano ba! Eish!
"I'm very sorry po." nakayukong sabi ko muli.
"We'll call your parents, and of course, we have to suspend you. 1 week suspension. Sorry but we have to do this. Wala ka rin namang maibigay na explanation. Ayaw mo ring sabihin kung sino ang lalakeng kahalikan mo dito sa video. Kailangan mong pagsisihan ang nagawa mo iha. Hindi basta basta ito." si Guidance counselor.
"Kayo pong bahala. Tatanggapin ko po kahit ano mang parusa ang ibigay niyo sa akin dahil alam ko pong mali ang nagawa ko. Sorry po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya. I'm so sorry." mangiyak ngiyak na sabi ko pero pinigilan ko iyon.
Alam kong mali ang nangyari. Alam ko iyon.
"Don't worry iha. Hahanapin din namin kung sino ang nagkalat ng video na to. Naiintindihan naman naming that's your private life pero kasi, nakita ka sa library natin at naka-uniform ka pa." si Principal.
"I'm really sorry po talaga.." iyon lamang ang mga katagang kaya kong sabihin ngayon.
Blag!
Lahat kami ay napalingon sa pinto ng bumukas iyon. Si Ake.
"Sorry to interrupt." sabi ni Ake saka ito bahagyang yumuko. "Ako ang lalaking nasa video and Chloe, she's my girlfriend."
Ha?!
Hindi lingid sa akin na lahat ng nandoon ngayon ay hindi makapaniwala.
"Blake? Seriously?!" si Principal.
"Yes Tito--err, Principal." si Ake.
"Alam mong mali na gawin niyo to sa school di ba?! What kind of student council's president are you?!" si Vice Principal.
"I'm sorry po." si Ake.
Tumayo ako at humarap sa kanila.
"Hindi po siya iyon." sabat ko.
"Ako nga yun!" si Ake.
"Hindi nga ikaw! Ang kulit mo! Sabi ng huwag ka ng mangielam eh!" singhal ko dito.
"Paano mong malalaman na ako yun o hindi kung tulog ka ng mangyari iyon?!" singhal ni Ake.
He knows?!
"Panaginip lang iyon!" singhal ko.
"Panaginip eh may video nga! Utak nga Chloe!" si Ake.
"Stop!" suway ni Guidance counselor.
"Ano? Anong panaginip? Anong hindi alam ni Miss Cavalier?" si Vice Principal.
"Ang totoo po niyan, nasa library po kami. Naidlip kaming dalawa ni Miss Cavalier. Nang magising po ako, gigisingin ko na po sana si Miss Cavalier pero natumba po siya saka napayakap sa leeg ko at yun yung video na para po kaming naghahalikan." paliwanag ni Ake.
Ha? So hindi talaga kami naghalikan? Yes! Haaaay...
"So this whole thing is just a misunderstanding?!" si Principal.
"Opo." si Ake.
"Eh bakit hindi mo sinabi Miss Cavalier?" si Principal.
"Hindi naman po kasi kapanipaniwala kapag sinabi ko pong ganoon kasi sa video po para talaga kaming naghahalikan. Ako naman po ng sandaling iyon, nanaginip kaya hindi ko rin po alam kung totoo po o hindi." Katwiran ko.
Nagtinginan sina Principal, Vice Principal at Guidance counselor. Kami naman ni Ake ay masamang nakatingin sa isa't isa.
"Eh bakit kayo magkasama sa library ng kayong dalawa lang?" si Vice Principal.
"Gaya po ng pagpapakilala ko, girlfriend ko po si Miss Cavalier. Hindi naman po masamang mag-aral kaming dalawa sa library at dala na rin po ng pagod siguro para po makatulog kami. And we're very sorry about that." si Ake.
What?! Girlfriend?! Feeling to!! Infairness, ang galing magsinungaling. Haha
"Well, according to your teachers, perfect niyo nga ang nakaraang first quarterly examination." si Guidance counselor. "So anong gagawin natin ngayon?" baling nito kina Principal at Vice Principal.
"Sa ngayon, hanapin niyo kung sino ang nagkalat ng video. Kahihiyan ang ginawa nitong pagkalat ng video na iyon. At sa video ay kitang kita ang mukha mo Miss Cavalier kaya di malabong masira ka--" si Principal.
"I'll protect her." si Ake.
Nang sabihin iyon ni Ake ay hindi ko napigilang mapangiti. Kulang nalang ay yakapin ko ito ngayon at tawaging, my hero!
"Blake, alam ba ni Ate Glady to? Alam mo namang sasamain ka di ba?" si Principal.
"I don't care about that Tito Principal. You know Mom." si Ake.
Umiling ang principal ang nginitian nito si Ake.
"Just make sure you'll be able to protect your girlfriend this time." nakangiting sabi ni Principal kay Ake saka ito bumaling sa akin. "Take good care of my nephew iha." nakangiting sabi nito sa akin.
Ha? Teka teka..
"Ah opo." naiilang na sagot ko dito.
"Parang hindi ka sigurado iha ha? haha Pinilit ka lang bang maging girlfriend nitong pamangkin ko?" natatawang sabi ni Principal kaya naki-pekeng tawa rin ako.
"Parang ganoon na nga po." sabi ko saka ako bumaling kay Ake na ngayon ay naka-kunot noo na sa akin kaya naman inirapan ko ito saka ako tumawa. "Joke lang po. Don't worry po, hindi ko pababayaan ang pamangkin niyo." nakangiting sabi ko sa Principal.
Ang awkward naman nito... Oh well...
Pinayagan naman na kaming lumabas ng mga ito ng wala silang maisip na gagawing hakbang sa ngayon. Ngunit bago pa kami makalabas ay may ibinulong si Blake kay Principal.
"To all students, please gather in our assembly hall for some announcements. Thank you." announced ni Principal.
Nagtatakang tinignan ko si Ake ng sandaling iyon habang siya naman ay prenteng naglalakad lang. Hindi ako nakikipag-sabayan dito dahil hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ako ng mga students sa hallway.
"Chloe.." tawag sa akin ni Ake saka nito iniabot ang kamay niya sa akin. Ngumiti ito at saka ako matamang tinitigan.
Am I supposed to hold that hand?
TO BE CONTINUED..
So.. What's happening here??
-- kyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro