Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

This Heart Belongs To YOU - 19 (She's a Fuentabella-Cavalier)

💙 19

Blake's POV

Laking gulat ko talaga kanina ng makita si Chloe na nakikipaglaban sa apat na lalake kaya naman hindi ko agad nagawang kumilos ng madatnan siya doon kaninang nakikipagaway. Ngunit ng makita ko ang lalakeng nagbuhat ng trash can ay agad na kumilos ang katawan ko at tinadyakan iyon.

Nang makarating kami sa bahay nina Chloe ay inalalayan ko agad itong makababa. Hawak pa rin nito ang sikmura niya ng sandaling iyon. Malamang ay doon talaga siya napuruhan siguro kanina.

"Kaya mo ba? Buhatin ulit kita gusto mo?" tanong ko dito.

"Hindi na. Palagay mo sa akin, weak?" nakangising sabi nito kaya naman pinitik ko ang noo nito.

"Kayabangan mo!"

Inirapan naman ako nito saka kami nagtuloy na pumasok sa loob. Sinalubong kami ng kasambahay nila ng sandaling iyon. Kwento sa akin ni Chloe ay madalas na kasambahay niya ang kasama niya sa bahay dahil madalas na umalis si Kuya Rex dahil sa trabaho.

"Hala Miss Chloe! Ano pong nangyari sa inyo?! Nako po! Okay lang po ba kayo?" bulalas ng kasambahay nila.

"Opo manang Nadz. Don't worry po." nakangiting sabi ki Chloe dito.

"Nako! Ano ba yan!" naguguluhang sabi nung kasambahay na nagngangalan ngang Nadz. "Ser! Ser Rex!!" sigaw niya.

"Ate Nadz naman!" suway ni Chloe.

"Aynako! Natataranta ako!" si manang Nadz.

"Manang!!!" pukaw ni Chloe dito saka niya ito hinawakan sa mga balikat nito. "Breathe in.. Breathe out.." sabi dito ni Chloe habang sumasabay pa sa paghinga ni manang Nadz. "Manang, kaklase ko pala, si Ake. Ake, si manang Nadz, kasambahay na namin siya doon pa sa America." pakilala nito.

"Good evening po.", bati ko.

"Good evening din iho. Oh siya, pasok pasok. Doon na kayo sa sala at maghahanda ako ng meryenda. Nako! Ikaw na bata ka oo!" si manang Nadz.

Sinunod naman namin ito. Hinawakan ko ulit sa braso si Chloe para alalayan itong maglakad. Nang maka-upo kami sa sofa ay siya namang baba ni kuya Rex. Patakbo itong lumapit sa amin.

"Anong nangyare? Bakit nasigaw si Manang?" tanong niya saka nabaling ang atensyon nito kay Chloe. "What the hell happened to your face?! Sinong may gawa nito?!" kunot noong sabi ni kuya Rex saka niya hinawakan ang mukha ni Chloe.

"Wala to kuya Rex." si Chloe.

"Wala?! May pasa yang mukha mo, wala?!" sigaw ni kuya Rex. "Anong nangyari sa kanya Blake?" baling sa akin.

"Nakipag-bugbugan yan kuya. Kagalitan mo nga. Isipin mo, apat na lalake pa iyon!" sumbong ko.

"What?!!!" bulalas ni kuya Rex na mas lalong nagpabusangot sa mukha niya. "Hindi ko to pwedeng palampasin. Pupunta ako ng school mo."

"Ha? Kuya naman! Huwag na!" si Chloe.

"Ako? O tatawagan ko sina Ate Madz at kuya Gav?!" si kuya Rex.

"Ugh!! Fine!!" si Chloe. She rolled her eyes and sigh.

"Ikaw! Di mo man lang ba tinulungan tong babaeng to?" pukaw sa akin ni kuya Rex.

"Nahuli na ako ng dating Kuya. Sorry." sagot ko.

"Haaay. Chloe naman. Isang taon palang ang nakakalipas eh. Alagaan mo naman na muna ang sarili mo. Okay? Lagot talaga ako kina ate at kuya nito." si Kuya Rex.

"Don't worry Kuya Rex. Regular pa rin ako sa pag-inom kaya okay lang po. Magsasabi naman ako kapag may naramdaman akong kakaiba eh." si Chloe.

A year ago? What happened? Pag-inom ng ano?

Mga katanungang gusto ko sanang itanong ng sandaling iyon pero hindi ko nagawa. Masyadong pribado na kasi ang mga iyon.

Niyakap ni kuya Rex si Chloe saka niya ito hinalikan sa ulo.

"Chloe, you're still considered as a fragile peace. Please do take care of yourself carefully. Promise me." si Kuya Rex.

"Yes Kuya. I promise." si Chloe.

Fragile? Ano daw?

"Nagamot na ba iyan?" si kuya Rex.

"Yes Kuya. Courtesy of Ake." nilingon ako ni Chloe at nginitian.

"Salamat Blake ha?" nakangiting sabi sa akin ni kuya Rex.

"Wala iyon Kuya." nakangiting sabi ko dito. Lumapit naman sa akin si Kuya Rex at ginulo ang buhok ko dahilan para bahagya akong matawa. Lagi niya kasi iyong ginagawa sa akin.

Chloe's POV

Araw ng Lunes. Hindi ko talaga nagawang pigilan si Kuya Rex sa pagpunta nito sa school. Kaya naman nandito kaming lahat ngayon sa Principal's Office kasama yung apat na lalake, si Carla, si Blake, si Logan, si Aiden, Macey at Riley. Halata sa mukha ni Carla ang takot ng sandaling iyon kaya naman nakaramdam ako ng awa.

"Totoo bang ikaw ang nag-utos sa mga lalaking iyan na saktan si Miss Cavalier, Miss Lizarde?" si Principal. Ang sabi ni Ake sa akin ay uncle niya raw iyon.

"Po? Wala po akong kinalaman dito." si Carla.

"Ha? Ikaw ang nag-utos sa amin!" yung lalake na nanakit sa akin.

"May pruweba kayo?!" si Carla.

"Pruweba?! Tch!" nakangising sabi nung isa pang lalake. "Eto po pruweba Mister Principal." iniabot ng lalake ang cellphone niya sa Principal. "Number iyan ni Clara, subukan niyong tawagan ngayon. Ang sabi diyan sa text, 'Siguraduhin niyong mare-rape niyo yung Chloe na iyon!', nandiyan din po ang pag-uutos niya kung saan kami nagkita para ibigay ang pera." paliwanag ng lalake.

Hindi ako makapaniwalang ganoon kalaking galit na pala ang meron sa akin si Carla. Gaya ko ay nakarinig ako ng ilang singhap galing siguro kina Macey at Riley.

Ipa-rape?! That's too much!

"Miss Lizarde, ano ito? Ano bang ginawa sa iyo ni Miss Cavalier?" hindi makapaniwalang tanong ng Principal.

"Inaagaw niya po kasi sa akin si Prince Blake Principal. Nilalandi niya po ang lalakeng mahal ko." nagsimula ng umiyak si Carla.

"Inaagaw? Kailan pa ako naging sa iyo Carla?!" pukaw ni Ake.

"Blake. Calm down." suway sa kanya nung Principal.

Kitang kita ang pangungunot ng noo ni Ake ng sandaling iyon. He's also clenching his jaw at the moment.

"Mister Fuentabella, ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng bata." sabi ng Principal kay Kuya Rex.

"Kirk, alam mo namang galing rin ako sa school na to. Drop the formality." sabi ni kuya Rex sa Principal. Kung tutuusin ay parang magka-edad nga ang dalawa. "Ang gusto ko lang sanang mangyari ay humingi sila ng tawad sa pamangkin ko. She's badly hurt. She's a girl! For Pete'sake! Apat na lalake ang kinalaban niya."

"Yun na nga Rex eh, apat sila at mas matindi pang galos ang natamo ng apat na lalaking iyan." natatawang sabi ng Principal.

Close sila? Tss!

"Amazona pamangkin ko Kirk." natatawang sabi rin ni kuya Rex.

Bakit pakiramdam ko naiinsulto ako ngayon?! Psh!

"Anyways, Miss Lizarde, I'll call your parents and tell everything that you've done. One week kang suspended iha. Masyadong mabigat ang nagawa mong kasalanan." si Principal.

"Po?!" bulalas ni Carla.

"Ahh, Principal." pukaw ko.

"Yes Miss Cavalier?"

"Huwag niyo na po siya i-suspend. Marami po siyang mami-miss sa klase." sabi ko dito.

"Chloe?!" si Kuya Rex.

"Kuya, okay lang. Hindi naman ako namatay." biro ko kaya binatukan ako ni kuya Rex. "Aray naman kuya eh. Psh! Seryoso po. Masyadong matagal ang 1 week."

"Are you really fine with that Miss Cavalier?" si Principal.

"Yes po." nakangiting sagot ko.

"Hmm. Miss Lizarde, humingi ka nalang ng tawad ngayon kay Miss Cavalier at mangakong wala ng mauulit na ganitong insidente." si Principal.

Hinarap ako ni Carla habang umiiyak ito. Lumapit siya sa akin at yumuko.

"I'm really sorry Chloe, and thank you." sabi nito.

"Hmm. Huwag mo nalang uulitin para walang masaktan." sagot ko dito.

"Teka, akala ko ba mahirap yang babaeng yan?!" sabat ng lalakeng nanakit sa akin.

"What?!" bulalas ni Principal at Kuya Rex ng sandaling iyon saka sila nagpakawala ng tawa.

"I've changed my mind principal. Suspend those jerks!" nakangising sabi ko.

"Ha?" sabay sabay na bulalas nung apat na lalake. I smirked at them and raised my left eyebrow.

"Sino ka ba sa akala mo? Hindi mo ba ako kilala?" sabi ng lalakeng sumuntok sa sikmura ko kaya naman nakaramdam ako lalo ng inis.

The nerve?!

"Mister!" sigaw ng Principal. "Kayo ang hindi nakakakilala kay Miss Cavalier. Bukod kina Mister Chua at Mister Lauren na anak ng may mga share dito, si Miss Cavalier ang anak ng pang-apat na may pinakamalaking share sa Drexel. Hindi na kayo nahiya dahil pinapunta niyo pa ang business tycoon na si Rexor Hart Fuentabella dito!"

"What?!" bulalas nilang lahat pwera ako, si Ake at si Kuya Rex.

"Yes. Kaya kapag nalaman to ng parents ni Miss Cavalier ay mas mabigat pang parusa ang matatanggap niyo. Say sorry!" sigaw ni Principal.

"Oh my gosh!! I'm so sorry! Like really!" si Carla.

Arte!

"Sorry Miss Cavalier!" sabay sabay na sabi nung apat na lalake saka sila yumuko sa harap ko.

Tumayo ako at tinitigan si Kuya Rex.

"This is all your fault Kuya! Tss! I hate you!" sabi ko dito saka ako nag-bow sa Principal at inis na lumabas ng Principal's Office.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro