
This Heart Belongs To YOU - 13 (Angels Café)
💙 13
Chloe's POV
Pagdating ko ng klase ay agad akong sinalubong ng yakap nina Macey at Riley. Hindi ko maitatangging ikinatuwa ko iyon. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag may ganitong mga klaseng tao ang nakapaligid sa iyo. Oo, kailan lang kami nagkasama at naging close, pero ang kinaganda ay tanggap talaga nila ako at ganoon din ako sa kanila.
Riley is always the mature, open and honest one. Macey is the jolly, giggler, and funny one. Kapag pinagsamasama ko kaming tatlo ay para kaming shake na may iba't ibang ugali, kumbaga sa lasa, Macey is the sweet flavor, Riley is the after sour taste, and me? Ako yung yelo. Tawa lang. Pwera biro, ako yung artificial flavor na bumabagay at nakikisama sa kanila.
Nang humiwalay sila sa pagkakayakap ay sinipat nila ang kabuuan ko. May oras pa naman silang gawin iyon dahil may 15 minutes pa kami before every subject.
"Sinaktan ka ba ni Clara?! Naku! Makakatikim na talaga sa akin yang babaeng yan!" nanggigigil na sabi ni Riley.
"Sabihin mo sa amin, ano bang nangyari? Ang narinig lang kasi namin sinugod ka ng dahil nanaman daw kay Blake?!" si Macey.
I started laughing, dahilan para maka-ramdam ako ng sundot sa aking tagiliran na mas lalong nagpatawa sa akin ng sandaling iyon.
"Stop! Haha! Stop! Okay okay, magkukwento na ako! Haha!" tumatawang sabi ko. Literal dahil hindi nila ako tinitigilang kilitiin ng sandaling iyon. Nang makuntento sila ay hinila nila ako sa may coffee vending machine.
"Spill." si Riley.
"At please, tagalog.", si Macey.
Bahagya muna akong tumawa kaya naman sinamaan nila ako ng tingin. Nang makahinga ako at tumikhim ay sinimulan ko ng mag-kwento. Puro, 'what?! No way! Really?! OMG!', ang mga reaksyon nila ng sandaling iyon.
"So parang nag-date kayo nung Saturday? Oh my gosh!" bulalas ni Macey na may kasamang kilig pa.
"Date? Hindi naman. Mabait lang talaga siya at sinamahan niya ang nawawalang bata, which is Me." natatawang sabi ko.
"But he's not like that. Literally. Not at all." si Riley.
"Well, he is and he did." kibit balikat na sabi ko.
Nagtinginan sina Macey at Riley na may pagtataka pa rin sa kanilang mga mukha. Para bang shocking news ng sobra ang narinig nilang balita mula sa akin.
"Kung nakakuha ng ganoong pictures si Carla, malamang nasa news ka ngayon." si Riley.
"What?!" kunot noong bulalas ko.
"Hala! Hindi pa talaga kilala ang kinaladkad nito sa mall." natatawang sabi ni Macey kaya naman mas kumunot ang noo ko.
"Wait.. Seriously?!" sambit ko.
"Oo nga. Nasa news ka na. Media lang ang may mga nakukuhang ganoong klaseng litrato. Sabi naman namin sa iyo di ba? He's a Drexel na kilala dito sa atin at maging sa ibang parte ng Pilipinas. At idagdag pang model nga siya kaya nakikita rin siya sa isang sikat na clothing store sa malalaking mall dito sa Pinas." paliwanang ni Macey.
"So, bawal na siyang makipag-date or lumabas kung ganoon?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi naman sa bawal, it's just that, dapat kilalang tao rin ang kasama nito kasi magsisimulang magkalkal ng infos ang mga press at muling hahanap ng kung anong pwedeng mapiga sa katauhan ng babaeng kasama ni Blake. May pinangangalagaan kasing reputasyon ang mga Drexel's." bahagyang lumapit sa akin si Riley saka ito tumingin sa papligid na para bang tinignan muna kung may makakarinig ng susunod niyang sasabihin. "He's like the puppet of Drexel's." bulong nito.
"Puppet?" bulong ko rin. Tumango naman ang dalawa saka nalungkot ang mga mukha nila.
"It all started noong biglang mawala ang kuya niya. Iniasa na sa kanya ang lahat mula noon." si Macey.
"Ang dami niyong alam about kay Ake ah." biro ko dahil napaka-tensyon na masyado ng mga narinig ko mula sa kanila.
"Teka nga, kanina ka pa Ake ng Ake. Kailan pa naging Ake ang pangalan ni Blake?" si Riley.
"Ah, I gave that nick name. Ake, parang ache lang."
"So dapat may tawag ka sa kanya ganoon?" nanunuksong tanong ni Macey na may nakakalokong ngiti.
"Hindi naman. Wala lang iyon." depensa ko.
"Crush mo siya noh?" nakangising tanong ni Riley.
"Crush? Hindi ah. Dalawang tao lang ang crush ko. Si Deib Lohr Enrile at Augustus Waters." nakangiting sabi ko saka ako napahawak sa pisngi ko na parang kinikilig.
"Ha?" sabay nilang sabi.
"Sino yun? Taga-America ba?" si Macey.
"Hindi. Nasa wattpad si Deib, si Augustus nasa libro." natatawang sabi ko kaya naman sabay nila akong hinampas sa balikat. "Aww! Bakit?" kunot noong sabi ko.
"Tseh! Tao ang kailangan namin, hindi fictional character." si Riley.
"Akala ko naman boylet mo na." si Macey.
"Ahh, tao. Hmm. Si Ansel Elgort at James Reid kung ganoon ang crush ko." nakangiting sabi ko.
"Who's Ansel? James Reid? Artista naman iyon eh. Di ba pwedeng yung kilala namin in person?" si Riley.
"Pero wagi ka kay James Reid sis! Nakasama namin siya minsan sa modeling, kyaaaaah! Ang abs at ang muscles! The smile! Hay nako! Maloloka ka!" si Macey.
"Really?" bulalas ko. "Nakasama niyo na siyang mag-model?"
"Oo. Sa Teensy Vogue Magazine dito sa Pinas." si Riley.
"Awe! Kainggit." nakangusong sabi ko.
"Eh di sumama ka na rin sa aming mag-modeling." si Macey.
"Nako. Asa naman ako. No thanks. Walang wala ang mukha ko sa ganda niyo." sabi ko saka ako nakaramdam ng bahagyang pagbatok. "Hoy! Kanina pa kayo nananakit ah!" reklamo ko.
"Masanay ka na." natatawang sabi ni Riley. "Anyways, your pretty Chloe. Hindi ka lang pala-ayos gaya namin. Kumabaga, your simple but stunning."
"Tama si Riley. Nasanay ka lang siguro sa mukha mo kaya hindi ka na nagagandahan." natatawang sabi ni Macey kaya tinapik ko siya sa balikat. "Aw!"
"Psh! Edikayo na! Psh!" kunot noong sabi ko sa mga ito saka sila nagtawanan. Sa huli ay nakipagsabayan na rin ako sa mga ito.
Pagdating namin ng klase ay bonggang stares from my classmates ang natanggap namin. Ang ilan ay para bang nagtataka kung anong nangyari sa akin at ang iba naman ay nagbubulungang parang may nagawa akong masama.
"Yan ang ka-date ni Blake? Ugh! So ugly!"
"Hindi na siya nahiyang kaladkarin kung saan saan si Blake!"
"Ka-bago bago lang ang kapal na ng mukha!"
"Sino ba siya sa tingin niya?! Ugh! So feelingera!"
"At malandi!!"
Ilan lang iyan sa mga narinig ko sa kanila. Lalapitan na sana nina Riley at Macey ang mga ito pero agad ko silang pinigilan.
"Hayaan niyo sila. Magsasawa rin ang mga yan." sabi ko sa dalawa kaya naman napa-buntong hininga nalang ang mga ito saka sila yumakap sa akin. They really love to hug me. With that thought, napangiti nalang ako.
*****
Niyaya akong lumabas ngayon nina Macey at Riley matapos ng klase. Sa Angels Cafe daw kami pupunta ngayon dahil may masarap daw na inumin doon na gusto nilang ipatikim sa akin. Pampaalis bad vibes daw galing sa mga pesteng chismosa sa school, that's what they said.
Nang maka-upo kami sa may bar counter ay mataman akong tinititigan ng isang lalaking naka-polo, nasa 40's na siguro. Mataman niya akong pinagmasdan na para bang may bakas na pagkamangha sa mukha. Nagtinginan kaming tatlo nina Riley at Macey ng sandaling iyon saka ako muling bumaling sa kanya.
"Uhmn, excuse me.. But it's rude to stare po." magalang na sabi ko dito. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
"Maddie.." sambit niya.
"Po?"
He just called my mother's name.
"Anong pangalan mo iha?" tanong niya.
"Chloe Maven po." sagot ko.
"Anak ka ba ni Gav at Madz?" muling tanong niya.
Nanlake ang mga mata ko ng sandaling iyon.
"You know my parents?" bulalas ko. "Ah, hello po ulit. Opo. Anak po nila ako." nginitian ko ito. He sounds like bisexual.
"Sabi na eh. Kamukhang kamukha ka ng ina mo. Lokong babae iyon. Hindi na nagawi dito. Nasaan na sila?" tanong nito.
"Kababalik lang po nila ng states eh." sagot ko.
"Hmmm.. Masipag pa rin silang magtrabaho." nakangiting sabi nito habang umiiling. "I'm Mamsi by the way. Kaibigan ko ang Lola Marci mo at anak anakan ko ang mama mo." pagpapakilala niya.
"Really? Wow! Chloe Maven po." nakangiting sabi ko saka ko inilahad ang kamay ko at tinanggap niya naman iyon.
"Anong gusto niyo? Sagot ko na." nkangiting sabi nito.
"Ah, hindi na po. Nakakahiya." sabi ko.
"Siyempre may kapalit." natatawang sabi nito.
"Po?" nagtatakang tanong ko.
"Well, do you know how to play a piano?"
"Ah. Opo. Tinuruan po ako ni Mama." nakangiting sabi ko.
Naalala ko noong bata pa ako. Madalas akong nasa bahay. Kami ni Mama at si Marvin habang si Papa ay nasa trabaho naman. Tinuruan kaming dalawa ni Marvin na tumugtog ng piano ni Mama. Hindi ko napigilang mapangiti ng maalala ang nakaka-miss na sandaling iyon.
"Play there. And please do sing a song." nakangiting sabi niya.
"Po? Nako po! Okay lang na tumugtog ako, pero hindi po ako biniyayaan ng boses eh." nahihiyang sabi ko.
"Please?" sabi nito with matching pleading gestures pa kaya naman napangiwi ako at saka bumuntong hininga.
"Sige na nga po. Pero pag hindi niyo nagustuhan, please lang, pigilan niyo po agad dahil once po na nasa harap na ako ng piano, wala ng makakapigil sa akin." biro ko. Na may halong konting katotohanan.
Nilingon ko sina Macey at Riley. Kitang kita sa mga mata nila ang pananabik na makita akong tumugtog.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng piano. Mainam na tinipa ko pa iyon bago ako nagsimula. The notes just swept me away, further than anyone else. It made me close my eyes and gently start opening it again. Muli kong nilingon sina Mamsi, Macey at Riley ng sandaling at ngitian ang mga ito.
Nasa intro na ako ng magbukas ang pinto ng cafe dahilan para bahagya akong mapalingon doon. Agad din naman akong nagbawi ng ang huling nota na napindot ko ay panimula na ng kanta. Ang totoo ay walang intro ang kantang iyon, sinubukan ko lang bagalan iyon pero the pace of the song is actually a bubbly one.
I started.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro