Season 2 - 99 (Enough)
Air's POV
Nasa kalagitnaan ako ng padi-dribble ng bola nang bigla akong harangan ni Blake at depensahan. Nginisian ko siya saka ako umiling.
Too slow. Tch.
Inihakbang ko ang kanang paa ko papunta sa kanya na akala niya ata ay susugod ako kaya naman umatras siya.
Wrong move!
Umatras ako saka tumalon. 3 points shot, fadeaway.
"Woooo! Go Air! Go Air!" Boses iyon ni Ayeka kaya napalingon ako sa gawi niya. Nakita ko naman si Chloe na hindi sa akin nakatingin kaya naman napailing ako. Patakbo akong lumapit sa gawi nila nang tumakbo na ang team ko papunta sa court ng nursing department.
"Miss Cavalier!" Tawag ko kay Chloe. Agad naman siyang lumingon sa akin kaya napangiti na lang ako. "Cheer me," I demanded.
"Why?" Nagtatakang tanong niya.
"Coz I want to hear your voice. Kapag hindi mo ginawa, hahalikan kita mamaya. Sisiguraduhin kong hindi na 'yon indirect kiss sweetie," nakangising sabi ko sa kanya. Mukha namang naasar ito kaya inirapan niya ako.
Nangingiti ngiti naman akong tumakbo at pinuntahan si Blake para bantayan 'to. Nakita ko ang masamang tingin nito saka siya umiling. Ilang sandali pa ay nag-dribble ito at paatras na tumalon.
Fadeaway.
I tried to block it, but he's tall as me. Hindi ko iyon naabutan dahilan para ngisian niya ako lalo na nang makapuntos siya.
Napangisi ako. May laban siya sa akin kaya naman mae-enjoy ko ang laban na'to.
End of 3rd quarter. Lamang lang kami ng tatlong puntos.
"Kaya niyo 'yan team!" Sigaw ni Ma'am Yssa. Ewan ko ba kung bakit siya ang coach namin. Wala naman siyang alam sa laro. "Just do whatever you can! Believe in yourself!" Dagdag pa niya kaya naman napailing nalang ako.
Ang senior namin ang nagsilbing coach ng sandaling iyon. Magaling siya gaya namin nina Eos at Kai, he's the point guard. Matapos niyang sabihin kung sino-sino ang babantayan ay bumalik na kami sa kanya kanyang pwesto. Nasa kanila ang bola kaya naman on defense kami. Nang maipasa kay Blake ang bola ay kaagad na naging matalas ang paningin ko.
Nakailang dribble na siya at ilang paikot niya ng bola sa pagitan ng kanyang mga binti. Isang hakbang paharap ang ginawa niya saka siya tumalikod para bantayan ang bola. Tatalon na sana ito kaya naman naka-ready na rin akong tumalon ngunit namali ang talon ko lalo na ang pagbagsak ko.
Shit!
Malakas ang impact ng pagbagsak ko dahilan para makaramdam ako ng pananakit sa paa, malapit sa ankle ko. Nang subukan kong tumayo ay isang malakas na sigaw ang napakawalan ko dahil sa sakit na naramdaman ko.
Narinig kong pumito ang referre at kaagad na may tumulong sa akin.
"Air! What the hell?! What happened?!"
Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Chloe. Bakas sa mukha nito ang pagaalala kaya napangiti ako. Swerte ko na pala 'to.
"Chloe, stay. Ouch!" Pagda-drama ko pa para mapaniwala siya. Hawak ang paa ko ay hinawakan ni Chloe ang kamay ko.
"Eish! Okay okay. I'll stay!" Aniya. "Somebody help him," sabi niya sa mga tao na nandoon saka niya agad na ibinalik sa akin ang paningin niya kaya mas lalo akong napangiti. "Anong nginingiti ngiti mo? Nasaktan ka tapos nakangiti?! Pinagloloko mo ba akong Hangin ka?!" Asik niya dahilan para mas lalo akong mapangti na labas ang mga ngipin. "You're so weird," nakangiting sabi niya saka siya umiling at tumayo nang may tumulong na sa akin na magbuhat para ihiga ako sa stretcher.
"Ang daldal mo," puna ko sa kanya saka ako pumikit habang pilit na iniinda ang sakit ng paa ko.
Nang magising ako, na hindi ko man lang namalayang nakatulog ako, may isang kamay na nakahawak sa kamay ko. Agad kong nilingon kung sino iyon. Unti unti akong napangiti nang makitang si Chloe iyon.
"Yo," tawag ko sa kanya. Nakayuko kasi ito at para bang napakalalim ng iniisip.
"Oh, gising ka na pala," aniya.
"Why are you holding my hand?" Tanong ko.
"Ikaw 'tong hindi bumitaw sa kamay ko kanina kahit anong pilit kong hila. Kaya yun, nagpaiwan na lang ako rito," aniya sabay hila niya sa kamay niya na agad ko naman hinila pabalik. "Bakit?"
"Uhmn, I need water?" Pagsisinungaling ko.
"Okay. Let go of my hand and I'll get you a bottle of water downstairs," aniya.
"I've changed my mind," agad na sagot ko saka ko siya hinila papunta sa akin. Na-out balance naman siya dahilan para pabagsak siyang mapadapa sa ibaba ko. "Ouch!" Daing ko nang magalaw niya ang binti ko.
"Ayan kasi! Masyado kang maharot!" Kunot noong sabi niya. Nang tatayo na siya ay agad kong isinubsob ang mukha ko sa leeg niya.
She always smell so good..
"I'm comfy. Don't go away yet and let me sleep," halos pabulong kong sabi sa kanya.
"Okay okay. Just let go of me. I'll stay here," rinig kong sabi niya.
"No. This is fine," I said as I pulled her closer to me.
"Air! Ano ba!" Aniya sabay tabig tulak niya sa akin. Kaagad ko naman siyang binitawan. Nang titigan niya ako ay para bang maiiyak na naman siya.
"I'm sorry," agad na sabi ko.
"I'll come back later. Kukuhanan kita ng tubig," iwas tinging sabi niya saka siya naglakad palabas ng clinic.
Shit. I messed up.
Chloe's POV
Nang maramdaman ko ang hininga ni Air sa leeg ko ay biglang pumasok sa isip ko si Ake. Bigla ko siyang na-miss. Out of nowhere ay para siyang hinahanap ng buong katawan ko.
I miss hugging him, and him hugging me back.
I miss him.
Napaupo ako sa labas ng clinic at doon ko pinakawalan ang nagbabadyang luha ko kanina. Ilang beses na nagtama ang mga mata namin sa court kanina pero ilang beses niyang iniwasan ang mga tingin ko. Gusto ko siyang i-cheer kanina pero hindi ko magawa.
Nakakalungkot. Ang laki ng nagbago sa pagitan naming dalawa. Parang ang layo-layo niya na.
Hindi ko na siya maabot.
Napabuntong hininga ako saka ako mariing pumikit. Nang idilat kong muli ang mga mata ko ay tumayo na ako para kunin ang bote ng tubig na hinihingi ni Air kanina.
Matapos kong makabili sa vending machine ay kaagad na rin akong bumalik ng clinic. Pagkapasok ko ay nakita ko si Air na nakatagilid na nakahiga sa kama.
"Air?" Pukaw ko sa kanya.
"What?" Sagot nito na hindi man lang lumilingon sa akin.
"Yung tubig--"
"Leave it there and go away," aniya na ikinagulat ko.
Ano na namang nagawa ko?!
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala akong panahon makipagusap. Magpapahinga pa ako," malamig na tugon niya.
Kainis 'to! Kanina okay naman kami ah!
"Nireregla ka ba?! Daig mo ba babaeng meron ah!" Asik ko sa kanya.
"Whatever. Go out." Walang kabuhay buhay na sabi nito saka siya nagtalukbong ng kumot.
Parang bata na inaway o pinagalitang ng magulang ang itsura niya ngayon. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti.
"Air. . ." Malambing na tawag ko sa kanya saka ako humakbang papalapit dito at unti unting ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa kanya.
"I said go away!" Asik niya.
Binatukan ko nga!
"Aw! Para saan 'yon?!" Asik niyang muli kasabay ng pagharap niya sa akin.
"Ang arte mo ah! Para kang babae! Bakla ka ba?!" Kunot noong sabi ko sa kanya. Mas kumunot naman ang noo niya dahilan para paningkitan ko siya ng mga mata.
"Do whatever you want. Just don't talk to me."
Napakasungit!
Inirapan ko ito saka ako umupo sa tabi niya. Walang upuan dito eh.
"Air, paano mag-move on? Mukhang mas mahihirapan ako ngayon eh. Ang sakit sakit kasi." Napasinghot ako nang bigla na namang mag-unahang bumagsak ang mga luha ko.
"Stop being weak. Be strong to control your emotions like right now," aniya saka ito dahan dahang bumaling paharap sa akin. "Stop crying for him. He doesn't deserve your tears. Stop remembering him. Just stop! Lahat ng may kaugnayan sa kanya, itapon mo! Ibaon mo sa pinakamalalim na parte ng puso at utak mo kung kinakailangan! Laging kang umiiyak! Nakakairita!" Asik niya sa akin dahilan para mangunot ang noo ko. "Stop thinking that he'll be back and get you. Acknowledge, accept and let go of your feelings Chloe. Fine, you're hurt that's why you're crying but c'mon! Hindi ka niya kayang ipaglaban! Magising ka na sa katotohanang iyon!"
Aray. Grabe. Kung bala lang ng baril ang bawat salita ni Air ay kanina pa ako naliligo sa sarili kong dugo pero may point siya.
Napabuntong hininga ako at umiling. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pinangako sa sarili kong last na 'yon. Tama na muna. Bukod sa mabigat sa kalooban ay mukhang ikakasama lang 'yon ng kalagayan ko sa ngayon.
May kamay na humaplos sa likuran ko saka niya tinapik ang ulo kong nakayuko ngayon.
"He can live without you, so learn how to live without him Chloe," rinig kong sabi ni Air dahilan para mapayakap ako sa leeg niya at doon ay muli akong napaiyak.
Hindi ko pa talaga kaya. Masyado pang masakit. Ang sakit sakit! Sobra na kulang ang salitang masakit. Lahat ng pinagdaanan namin, yung pinagsamahan namin, ganoon na lang ba kadaling kalimutan 'yon? Iyong halos isang taon na nakasanayan mong kasama siya ay gano'n na lang ba kabilis malilimot?! Hindi eh!
Nakakaramdam ako ng galit kay Ake, pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong maniwala sa bawat salitang binitawan niya noon na ngayon ay hindi ko ma muling maririnig sa kanya.
Ito ba ang rason kung bakit ko siya nakilala? I always believed that everything happens for a reason, but this one? This one is too much! Napakasakit!
"You're too weak. Don't make me feel like I have to protect you every time Chloe," bulong ni Air saka niya ako niyakap. Ramdam ko rin ang marahang pagtapik nito sa ulo ko.
Nang oras na iyon ay iniiyak ko na ang lahat ng luha na meron ako at pinangako sa sarili kong iyon na talaga ang huling araw na iiyakan ko si Ake.
Kailangan kong mas maging malakas.
Kailangan kong mas maging matatag.
Ayoko mang aminin pero ayoko rin sa ugali kong napakahina ko sa mga ganitong klaseng bagay.
Ayoko na. Tama na.
Pagkahatid ko sa kay Air sa apartment niya ay umuwi na rin ako agad. Hindi kasi siya makakapagmaneho ng sandaling iyon dahil ang paa na na-sprain niya ay ang paang ginagamit niya sa pagmamaneho, you know, yung pag-apak sa gas pedal and break! Alangan namang paa ang nasa manubela. Tss!
"Oh anak? Ginabi ka ata?" Sinalubong ako ni Mama sabay halik niya sa pisngi ko.
"Sorry Ma. Hinatid ko si Air. Na-sprain siya kanina habang nagba-basketball siya," pag-amin ko.
Nanahimik naman si Mama at mataman akong tinitigan.
"Air Moon? Anak, bago mo ba siyang boyfriend?" Tanong ni Mama.
"Po? Hindi Ma," agad na sabi ko.
"Anak, he looks like a playboy. Mag-ingat ka sa kanya."
Kailan pa naging judgmental si Mama?
"Ayaw niyo ba kay Air, Ma? Okay naman siya ah?" Pagtatanggol ko kay Air. Maski kasi noong nasa hospital, matapos siyang pasalamatan nina Mama at Papa ay hindi na siya muli pang kinausap. Nung gabi naman na hinatid ako ni Air sa bahay galing sa pag-i-stargazing ay ni hindi man lang siya binati nina Mama at Papa.
"Hindi ko rin alam anak. Iba ang pakiramdam ko sa kanya," ani Mama na hinawakan pa ang baba niya na tila iniisip kung bakit.
"Ma, that's rude. Kayo ang nagturo sa akin na huwag akong manghuhusga ng tao." Seryosong sabi ko kay Mama.
"Anak, marami siyang hikaw sa sa tenga. Marami siyang suot na singsing. Idagdag pang ganoon ang ayos ng buhok niya, parang, gangster--"
"Mama! That's so not nice. Minsan niya ng iniligtas ang buhay ko kaya bakit ganyan kayo kung makahusga sa kanya?" Mahinang asik ko kay Mama saka ako yumuko. "I'm sorry po Ma, pero mali na talaga ang sinasabi niyo. I'm going upstairs and rest." Paalam ko saka ako naglakad paakyat ng kwarto.
I can't believe it. Paanong ganoong ang tingin nila kay Air? Kasalanan niya bang maging bad boy look? Tss.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro