Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 96 (I wish..)

~~There are certain things in life that are better off unknown..~~

Chloe's POV

Ang sabi ni Doc Carlo ay dala lang stress ang dahilan ng atake ko na iyon kaya naman halos isang linggo akong hindi pumasok. Madalas akong puntahan nina Ayeka, Air, Eos at Kai dahil kahit papaano ay kailangan namin mag-rehears para sa University Week next week.

"Chloe, may problema ba kayo ni Blake?"

Napalingon ako sa kaliwa ko at nakitang matamang nakatingin sa akin si Eos. Pilit ko siyang nginitian saka ako umiling at tumingin sa malayo.

"Wala naman," sagot ko sa kanya. Kasabay nun ay ang pakiramdam na parang may pumiga sa puso ko dahilan para kumirot iyon ng sobra. Huminga ako ng malalim saka iyong pinakawalan sa kawalan.

"You're lying. I saw him. With that girl," ani Eos na nakaagaw ng pansin ko kaya muli ko siyang nilingon.

"Hmm, si Janeen ba? Ka-group niya 'yon kaya madalas niya talagang kasama," sagot ko.

"Nakalambitin sa braso ni Blake kagrupo?! Do you think I'm that stupid to believe that?! Kilala natin si Blake! Hindi siya basta bastang nakikipag-close sa mga babae!" Mahinang singhal sa akin ni Eos.

Kagat ang ibabang labi ko ay napayuko ako. Oo. Alam ko 'yon. Hindi basta bastang may nakakalapit na babae kay Ake at ganoon pa talaga ka-close. Hindi ko na naman maiwasang mamuo ang luha ko ng sandaling iyon pero agad akong pumikit para pigilan 'yon.

Ang sakit naman oh!

"Break na ba kayo?" Tanong muli ni Eos.

"No, they're not. Hindi pa ba halata? May iba na yung boyfriend niya. Tanga ka na lang kung hindi mo 'yon makukuha."

Sabay kaming napalingon ni Eos sa gawi ni Air nang magsalita siya.

"What?! That's impossible!" Bulalas ni Eos.

"But it happened." Kibit balikat na sabi ni Air saka siya tumabi sa tabi ko. "Makipag-break ka na Miss Cavalier. Masasaktan ka lang lalo kapag pinatagal mo pa at hindi mo pinalaya ang sarili mo," ani Air.

"No. Kilala ko si Blake. Alam ko kung gaano niyang kamahal si Chloe!" Protesta ni Eos.

"People change and so do feelings. Lalo na kung may malanding nakapaligid," walang alinlangang sabi ni Air.

Napayuko ako at muling napaisip. Isipin ko pa lang na makikipag-break ako kay Ake ay sobra na akong nasasaktan.

Masakit isipin na 'yong nakasanayan mong tao sa tabi mo ay bigla-bigla na lang mawawala. Nami-miss ko na si Ake. Nami-miss ko 'yong dating kami. Nami-miss ko yung ako lang at siya ang magkasama at wala ng iba. Nami-miss ko ang mga ngiti niyang ako ang dahilan. Nami-miss kong maging masaya kasama siya. Ang sakit sakit naman oh! Bakit gan'to?!

"Hindi. I don't believe that. Sigurado akong may hindi tayo alam sa nangyayari," rinig kong sabi ni Eos.

"Tangna! Parang hindi ka lalake ah? Kapag masaya at napapangiti ka ng ibang babae maliban sa girlfriend mo, hindi ka pa ba nagtataka? And tell me Chloe. Look at me." Nag-angat ako ng paningin kay Air at nakita ako ang panlalaki ng mga mata nito ngunit agad din 'yong bumalik sa dati. "Kailan pa kayo huling nagusap ni Blake?" Tanong niya.

"Nung do'n sa club," sagot ko. Laking gulat ko naman ng biglang hawakan no Air ang baba ko at itaas iyon. Naglabas ito ng panyo at marahang pinunasan ang luhang hindi ko man lang namalayang tumulo na pala.

"Stop crying. He doesn't deserve your tears!" Asik niya. "See? Ilang linggo na 'yon na nakalipas Eos! Ba't naman ako hindi magpaparamdaman sa girlfriend ko at hindi man lang kakamustahin kung may pake pa ako sa kanya? Utak dude!"

Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Biglang hinigit ni Eos ang kwelyo ng damit ni Air dahilan para mapatayo ako at awatin sila.

"Wala kang alam tungkol kay Blake kaya huwag kang magsasalita ng ganyan!" Singhal ni Eos kay Air.

"Wala akong pakielam sa kanya. Dito ako sa babae may pakielam dahil nakikita ko siyang nasasaktan na hindi naman dapat! Wala siyang ginagawang mali! Eh 'yang pinagtatanggol mo? Nakita mo na't lahat-lahat na may kasamang ibang babae at nagtatawanan sila, ipagtatanggol mo pa?! Gago ka?! Ha?!" Asik din ni Air kay Eos.

Isang suntok ang pinakawalan ni Eos ng sandaling iyon. Tinamaan ang pisngi ni Air dahilan para buong lakas kong itulak si Eos at harangan si Air.

"Ano ba! Tama na! Problema ko 'to! Labas kayo! Kaya pwede ba? Huwag kayong magsakitan sa harap ko!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Anong nangyayari?"

Sabay sabay kaming napalingon sa likuran ni Eos nang may magsalita roon. Si Ayeka.

"Anong nangyayari?!" Ulit niya ngunit pasigaw na ang pangalawang beses na pagtatanong niya.

"Itanong mo diyan sa boyfriend mong sira ulo! Tch! Let's go Chloe!" Ani Air.

"Anong let's go? Eh nasa bahay namin tayo?" Tanong ko habang patuloy akong kinakaladkad ni Air palabas ng bahay.

"Sakay!" Utos niya sa akin nang mabuksan niya ang pintuan ng kotse niya. "Dali!" Sigaw niya dahilan para mapitlag ako at sumunod sa gusto niya.

Nang makapasok siya sa loob ay nagtataka ko siyang tinitigan. Bakas ang galit sa mukha niya kaya hindi ko siya magawang kausapin.

Ilang sandali lang ay pinaandar niya na 'yon. Ilang minuto na ang nakalipas nang tahakin namin ang daan.

"Call your parents," aniya.

"Why?"

"Just call them!" Asik niya saka niya ako sinamaan ng tingin. Nakakatakot!

"Ito na nga, oo na." I rolled my eyes as I dialed my Mama's number. "Hello Ma? Ma--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang hablutin ni Air ang phone sa kamay ko.

"Ma'am Cavalier, this is Air Moon Cameron, I'm with Chloe. Baka po gabihin kami mamaya, ipapasyal ko lang po siya. -- opo, okay po. --- hmm! 10 pm sharp po, makakaasa po kayo. ---opo. Salamat po." Matapos niyang kausapin si Mama ay ibinato niya sa akin ang phone ko.

"What the?!" Bulalas ko. "Aray ha!"

"Shut up. Stay still." Walang reaksyong sabi nito saka niya mas binilisan ang pagmamaneho.

"Where are we going?" Tanong ko.

"Somewhere," aniya.

"Air?"

"Hmm?"

"Hindi ka naman rapist 'di ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sakto namang nasa stop light kami kaya kunot noo akong tinitigan nito.

"What the-- what the fvck?!" Asik niya sa akin.

"Di hindi! Kailangan magmura?!" Inirapan ko siya saka ako humalukipkip at pumikit na lang. Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok.

"Yo we're here," rinig kong sabi ni Air kasabay ng malakas na paghampas niya sa braso ko. Unti-unti naman akong dumilat. Hawak ang braso ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Nakalabas na kasi ito ng kotse.

"Ba't ang brutal mo?!" Asik ko sa kanya nang tuluyan akong magising.

"Ang tagal mong magising! Kadiri ka pa, naglalaway ka," walang reaksyong sabi niya kaya naman napahawak ako sa pisngi ko para siguraduhin kung meron nga akong laway doon.

Shete! Meron nga!

Agad ko iyong pinunusan saka ako kagat labing lumabas. Nakakahiya, eish!

"Come here. Sit beside me."

Maka-demand 'to daig pa boyfriend eh 'no?!

Napairap na lang ako pero sumunod naman ako sa kanya. Umupo kami sa hood ng kotse niya. Jeep style naman kasi iyong car niya eh, at kung hindi ako nagkakamali ay, wrangler ang jeep niya.

Nang maka-upo ako sa tabi niya ay siya namang higa niya.

"Higa." Utos na naman niya. Iiling iling na lang akong sumunod sa kanya. "Look up," aniya.

Nang tumingala ako ay hindi ko mapigilang mamangha sa nakita ko. Ang daming mga butuin sa langit at lahat iyon ay kumikislap kislap pang talaga.

"Amazing. Ang ganda! I can even see the constellations," sambit ko.

Hindi ko mapigilang humanga ng sandaling iyon sa ganda ng kalangitang nakikita ko.

"Ay! May shooting star! Ay meron ulit!" Masayang bulalas kong muli. "It's so beautiful Air," muling puri ko sa nakikita ko.

"Yes. So beautiful," rinig kong sabi ni Air kaya nilingon ko siya at laking gulat ko nang makitang sa akin siya nakatingin. "Medyo gumaan na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

Unti-unti akong napangiti. May angking kabaitan talagang taglay 'tong lalaking 'to kahit hindi halata. Napailing ako at muling tumingin sa kalangitan.

"Yeah. Thanks Air," sinserong sabi ko sa kanya.

"Good." Rinig kong sabi niya.

Ilang sandali ko pang tinitigan ang kalangitan na iyon hanggang sa maalala kong bigla ang wish list ni Tammy.

Go stargazing.

Done Tammy. Ang kaso ay hindi si Ake ang kasama ko. Pasensya na pero, mukhang hindi ko na magagawa ang iba pa kasama ang Boobear mo. Tammy, anong nangyari sa amin? Bakit nagkaganoon? Bakit bigla na lang na ganoon Tammy? Bakit?

Nag-unahang bumagsak ang luha ko ng sandaling iyon pero hinayaan ko lang.

Tammy, magsusumbong na ako sa'yo ha? Si Ake eh. Si Ake, masaya na sa iba. Ang sakit sakit Tammy. Sobra!

Suminghot ako at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang luhang iyon gamit ang likuran ng kamay ko.

"Makipaghiwalay ka na Chloe. Masyado ka ng nasasaktan," rinig kong sabi ni Air kaya nilingon ko siya.

"Sobrang mahal ko siya Air. Hindi ko kaya."

Doon bumuhos pang lalo ang luha ko. Ramdam ko ang bawat kirot sa puso ko ng sandaling iyon. Hindi ko mapigilan na maging maingay ang pagiyak kong iyon. Kulang ang salita para masabi ang sakit na nararamdaman ko. Ang pangungulila ko kay Ake. Ang pagmamahal ko kay Ake.

It's excruciating.. Parang ang hirap maging buo ulit. Kapag nawala si Ake ay malaking puwang sa puso ko ang mawawala. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

"Kaya mo Chloe." Rinig kong sabi ni Air kaya nilingon ko siya. "Kayanin mo. Accept the fact and face your fears. Go to him. Tell him. Lahat ng nararamdaman mo ngayon sabihin mo sa kanya. Lahat ng mga katanungan sa isip mo, itanong mo. Makuha mo man lahat ng sagot, alam kong hindi iyon magiging sapat. Don't expect things like a happy ending. He'll say sorry and you'll forgive him? Wake up Chloe! Don't act like you're stupid 'coz I know you're not."

"Madaling sabihin Air eh. Wala ka kasi sa kalagayan ko!" Asik ko sa kanya.

"Believe me Chloe. Alam ko ang pakiramdam na 'yan dahil isa 'yan sa dahilan kung bakit ako pumayag na maging exchange student dito sa Pinas," aniya saka ito tumingala. "Learn to let go of things that hurts you Chloe, 'coz if it's really meant for you, hindi ka na sana nasasaktan ng ganyan ngayon."

Nagbawi ako ng tingin kay Air saka ako huminga ng malalim.

Sana hindi ko na lang nakita sina Ake at Janeen.

Sana wala na lang akong alam.

Sana hindi ko na lang nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na lang ako nagmahal ulit.

I wish..

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro