Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 92 (Trauma)

Chloe's POV

Ilang araw ko ng sinusungitan si Ake pero bilib din naman akong hindi talaga siya papatinag na ikinatuwa ko. Lakas din kasi ng tama nun! Mapanakit ng babae ang loko! Hindi niya talaga pinalampas si Janeen!

Nasa bahay ako ngayon at nagliligpit sa kwarto nang mahagip ng mga mata ko ang box kung saan nakalagay ang wish list ni Tammy. Napangiti ako at kinuha iyon. Iisa pa lang pala ang natutupad ko roon kung susumahin, at meron pang siyam na natira.

"Sorry na. . . Kung nagalit ka, 'di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo. Pipilitin kong magbago. Pangako sa iyo. Sorry na. . . Nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na. Sa ugali kong ito, na ayaw magpatalo. At parang sirang tambutso na hindi humihinto. Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga. Hindi ako nagiisip, nauuna ang galit. Sorry na talaga, sa aking nagawa. Tanggap ko na'ang mali ako, huwag sanang magtampo, sorry na. . ."

Mangiti ngiti ako ngayong pinapanood si Ake na naggigitara sa may bungad ng pinto ng kwarto ko. Nagulat na lang ako nang may biglang kumanta mula roon kaya kanina ay agad ang lingon ko. Naka-V neck shirt ito ng kulay red kaya naman litaw na litaw ang matipunong dibdib at balikat niya. Idagdag pang parang style na bahagyang nakataas ang laylayan ng manggas ng shirt niya kaya pati muscles nito sa braso ay nakalabas. Ako na may model na boyfriend! Ang sarap niya lang titigan. Maging ang puting pants niya ay naka-taas ang laylayan kaya naman kita mo ang medyo hairy na legs nito.

"Sorry na. . . 'Wag kang madadala, alam kong medyo nahihirapan ka. Ang ibigin ang ang isang katulad kong parang timang na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan," pagpapatuloy niya sa kanta niya na ngayon ay unti unti na siyang lumalapit sa akin.

Napangiti ako habang patuloy pa rin itong kumakanta. Talaga namang saktong sakto ang bawat ng lyrics ng kanta sa paghingi niya ng tawad! Naptakip ako ng labi ko gamit ang ilang daliri ko saka ko pinag-krus ang mga hita ko ay pinakatitigan lang siya hanggang sa makalapit ito ng husto saka tumalikod. Pagtingin ko roon ay may nakita akong maliit na bugkos ng rosas na kulay blue sa may bulsa ng pants niya sa likod. Sa likuran naman ng damit niya at may maliit na poster na nakasabit.

Sorry na po Babebear. I miss cuddling with you. Mahal pa rin kita kahit napaka-sungit mo. (,)

Bahagya akong natawa nang mabasa iyon. Bahagya niya pang iginalaw galaw ang butt niya na para bang sumesenyas na kunin ko ang blue roses doon. Nang kunin ko iyon, ay agad siyang humarap na sakto namang tapos na ang kanta.

"Sorry na?" Nakalabi niyang sabi sabay papikit pikit pa ng mga mata niya na para bang bata na nanghihingi ng candy.

I crinkled my nose as I pursed my lips. Pinaningkitan ko pa siya ng mata saka siya dinilaan. Napailing naman ito at napangiti na para bang nag-e-enjoy akong panoorin.

Lokong 'to!

"Sa isang kondisyon," sabi ko rito saka ako umayos ng upo.

"Anything you want," aniya.

Kinuha ko ang wish list ni Tammy at iwinagayway iyon sa ere. "Let's do these."

"What's that?" Nagtatakang tanong niya saka siya umupo sa tabi ko.

"Tammy's wish list," sagot ko sa kanya. Nang lingunin ko siya ay malaking pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ang nakita ko. Bahagya itong lumungkot.

Siguro ay namimiss niyang talaga si Tammy.

Hinagod ko ang likuran niya kaya naman napalingon siya sa akin. Nginitian ko naman siya saka ako bumaling sa papel na hawak niya.

"Let's do it for Tammy actually. Matagal na dapat iyan pero laging nawawala sa utak ko. Masyado mo kasing okupado ang isip ko," biro ko pa saka ako lumingon sa kanya.

Bahagya siyang nakangiti at mataman akong tinitigan na para bang nangungusap pa ang kanyang mga mata.

"I'm really thankful that I have you now Chloe. At dahil iyan kay Amy," aniya sabay halik nito sa noo ko. "Mahal na mahal kita," muling sabi niya nang titigan niya ang mga mata ko.

"Mahal na mahal din kita Ake," nakangiting sabi ko sa kanya saka ko siya niyakap.

Nang maghiwalay kami ay nag-ngitian kami saka kami bahagyang tumawa. Sumandal ako sa balikat nito saka namin binasa ang wish list ni Tammy.

1. Candlelit dinner in the beach.
2. Go to Paris and Japan.
3. Run a marathon.
4. Fly in a hot air ballon.
5. Go stargazing.
6. Get a dog.
7. Drink a liquor.
8. Do a charity work.
9. Dress up like an anime.
10. Make my Boobear happy. Make sure that he'll be happy with someone he really loves.

"Seriously? Anong naisip ni Amy para gawin ang number 9? Isama pa ang 7? Pati rin 'tong 6! I hate dogs!" Reklamo ni Ake kaya naman bahagya akong natawa.

"Sana multuhin ka ni Tammy. Ang sama sama mo!" Hinampas ko nga siya sa braso.

Bahaya siyang tumawa. "I'm just kidding. But still, I don't really like dogs," aniya.

"Why? They're cute!"

"Well yeah. But not if they will always poop every where and make you clean that up," umiiling na sabi niya.

"Arte mo. Sa akin na lang mag-i-stay, don't worry."

"Nah, gagawa tayo ng schedule," nakangiting sabi niya saka ito tumayo hawak ang kamay ko. "Let's do the number 8 today."

"Ohh, where?" Tanong ko.

"Sa Children's Hopital, public iyon."

Hospital. . . Hmm. . .

"Hey, may problema ba?" Tanong niya nang hindi ako maka-sagot agad.

"Ha? Ah wala," umiiling na sagot ko.

Paano kong masasabi kay Ake na sobrang ayaw ko talaga ng hospital kung halata namang gustong gusto niya roon?

Pinalabas ko muna si Ake para naman makapagbihis ako. Matapos kong magkapagpalit ng isang yellow floral dress na hanggang ankle ko ang haba ay nag-suot na rin ako ng doll shoes. Itinali ko ang buhok ko saka inilugay ang bangs na meron ako.

Pagkababa ko ng hagdan ay mataman lang na nakatingin sa akin si Ake kaya naman bahagyang akong napangiwi. Mukhang hindi niya ata nagustuhan ang suot ko.

"Pangit? Sobrang speechless lang?" Nakangusong tanong ko.

Umiling siya saka niya iniabot ang kamay niya para hawakan ang kamay ko. "You're beautiful Chloe," nakangiting saad niya kaya naman unti unting akong napangiti.

Ilang minuto rin ang binyahe namin bago kami makarating sa children's hospital na sinasabi ni Ake. Pagkababa namin ng sasakyan ay hindi ko mapigilang mapahanga sa itsura ng lugar na iyon. Parang hindi siya hospital. Para siyang malaking playhouse doll dahil sa mga iba't ibang kulay ng pintura nito.

"It's so cute!" Bulalas ko. Naramdaman ko namang hinawakan ni Ake ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya at nakitang nakangiti ito sa akin.

Hinigit niya ako sa bewang habang naglalakad kami papasok ng hospital na iyon. Agad siyang binati ng mga nurses doon ng makapasok kami. Hindi sila katulad ng nurses sa isang hospital. Gaya ng kulay ng instrakturang iyon ay makukay din ang mga damit nila at may kasing laki ng debit card na naka-sabit sa kaliwang dibdib nila kung saan nakalagay ang mga pangalan nila.

"May maitutulong po ba kami sa inyo?" Tanong ng isang Nurse.

"Nurse Charm?" Panimula ni Ake. Mukhang binasa nito ang name plate nung nurse.

"Yes Sir?"

"Public children's hospital ito hindi po ba?" Tanong muli ni Ake.

"Yes Sir."

"Pwede po ba kaming gumawa ng charity works dito?"

Nagliwanag ang mukha ng nurse nang itanong iyon ni Ake. Agad na nagpaalam ito na tatawagin niya ang head nurse nila para raw ipaalam ang magandang balita.

Isang matandang babae ang lumapit sa amin. Hindi ito naka-uniform pero may name plate rin siya.

"Hi. I'm Anna Cruz, ako ang may hawak sa hospital na 'to. Nasabi ni Nurse Charm na gusto niyong gumawa ng charity works dito sa hopital?"

Nagtinginan kami ni Ake saka kami tumango.

"Ilang taon na ba kayo?" Tanong ni Nurse Anna.

"17 po," sagot ni Ake.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Nurse Anna na tila hindi makapaniwala na 17 lang kami.

"Alam ba ito ng mga magulang niyo? Wala pa kayo sa hustong edad para sa ganitong gawain mga anak," ani Nurse Anna.

"So kailangan pa po namin ng parents consent?" Tanong ni Ake.

"Oo iho. Hindi basta basta ang gagawin niyo," ani Nurse Anna.

Tinapik ko ang balikat ni Ake saka siya nginitian. Nang bumaling ako kay Nurse Anna at nginitian ko ito.

"Sige po. Magpapaalam po muna kami. Pero sana po ay payagan niyo po kaming malibot itong hospital kung okay lang po?" Saad ko.

Ngumiti si Nurse Anna saka niya kinuha ang mga kamay ko. "Oo naman iha, tara." Sabi niya saka niya tinapik ang kamay ko saka binitawan.

Gaya ng sabi ni Nurse Anna ay inilibot nga niya kami sa hospital. Tahimik ng sandaling iyon at halos lahat ng mga bata ay napapatingin sa amin. Hiwalay raw ang months to 3 years old sa mga 4 years old pataas. Nasa 4 years old pataas kami kaya naman may ilang bibong mga bata ang kumakaway kaway pa sa amin at bumabati.

Sa isang kama na nasa sulok ng hospital ay may nakaagaw ng pansin ko. Mga mata na para bang ilap sa marami pero nagawa akong titigan ng sandaling iyon.

"Ake, sumama ka na muna kay Nurse Anna, may pupuntahan lang ako," paalam ko kay Ake. Tumango naman ito saka siya sumunod kay Nurse Anna.

Nilapitan ko ang batang babae na nasa sulok ng kwarto.

"Hi," bati ko sa kanya. Hindi ito sumagot at mataman lang akong tinitigan. Napalingon ako sa may paanan ng kama at nakita roon ang pangalan niya. Pati na rin ang sakit niya.

Name: Cleona Reese
Diagnosis: Acute Coronary Syndrome (Heart Disease)
Age: 6 years old
Gender: Female

Napapikit ako nang mabasa ang daignosis ng bata. Isang napakapait na alaala ang parang nanumbalik sa akin. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay na ilang ulit kong ibinukas sara kasabay ng ilang ulit na paghinga ng malalim.

My trauma.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro