Season 2 - 91 (Devil's Club)
Janeen's POV
Ilang araw na akong walang tulog. Masama ang pakiramdam ko. Mabigat ang buong katawan ko. Napabuntong hininga ako nang maalala ang nangyari nitong nakaraang linggo. Naalala ko ring pinag-trip-an ko si Blake nung araw na iyon at inagaw ang phone niya nang ilabas niya iyon mula sa bulsa niya. Saktong paglabas ko ng laboratory room kung nasaan kami, ay nasa tapat ng lecture room iyong girlfriend nga ni Blake.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak na inisin iyong girlfriend ni Blake last week. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ako pinapansin ni Blake.
Yes. I like him. Hindi ko talaga malaman kung anong biglang pumasok sa utak ko para halikan siya. It's our second kiss actually. Iyong una ay nangingiti pa akong naalala.
Naabutan kong natutulog si Blake sa klase pagkatapos ng PE naming mga babae. Ang alam ko ay hindi siya pumasok sa PE namin dahil ipinatawag daw siya sa office. Nilapitan ko siya habang natutulog at matamang tinitigan.
Napaka-gwapo niyang talaga. Napaka-matipuno ng braso at dibdib. A very broad shoulders, na kahit sinong babae ay hihilingin na madikit sa kanya at pakiramdaman ang yakap nito.
Nakasandal siya sa upuan na nasa pader habang natutulog. Nakayakap ang mga braso niya sa kanyang sarili. Ngumingiti pa ito habang nasa kalagitnaan ng pagtulog.
Hindi ko mapigilang mas lalo pang lumapit sa mukha niya at pinakatitigan ang kabuuan ng kanyang mukha. Ang mahaba niyang pilik mata. Makapal na kilay. Matangos na ilong. Manipis at pinkish na labi, na daig pa ang akin.
"So beautiful," mahinang bulong ko. I started to run my fingers to his nose.
"Chloe," sambit niya na nagpangiti sa akin. Mahal na mahal niyang talaga 'yong girlfriend niya.
Nang makuntento akong titigan ito ay ipinadaan ko ang daliri ko sa labi niya. Hindi ako nagkamali. Napakalambot nun. Wala sa sarili ay mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya saka ako pumikit at dinampian ng halik ang labi nito.
"Blake 'yong-- Janeen?!"
Napaatras ako at nang tumalikod ako ay nakita ko roon si Zac. Napairap ako saka napailing at naglakad palayo kay Blake na tulog pa rin hanggang ngayon.
Palabas na sana ako ng classroom nang biglang hablutin ni Zac ang braso ko papalapit sa kanya.
"Why did you do that?" Kunot noong asik niya sa akin.
"So what?" Taas kilay na sagot ko rito.
"You're such a bitch! Alam mong may girlfriend 'yong tao!" Muling singhal niya kaya napakunot ako ng noo.
"I know that dumbass!" Hinablot ko ang braso ko saka ako naglakad palayo. Habang naglalakad palabas ng hallway ay naka-ilang mura na rin ako dahil sa totoo lang ay pinagsisihan ko ang ginawa ko.
Palabas na nang classroom si Blake kaya naman hinabol ko ito at hinarang. Sinamaan niya naman ako ng tingin at para bang diring diri na madikit sa akin.
"Blake, I'm so sorry. Hindi ko--"
"Shut it Janeen. Wala akong panahon para pakinggan ang mga sasabihin mo," aniya sabay tulak niya sa balikat ko para makadaan siya.
"I already said I'm sorry--"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang sakalin ang leeg ko at galit na galit na itinulak ako sa pader. Lahat tuloy ng nandoon ay natahimik at pinanood kami habang si Zac naman ay pilit na inaawat si Blake.
Kapos hininga kong pilit na tinatanggal ang kamay nito ngunit sadyang malakas si Ake.
"Isa pang lapit mo sa akin, gagamitin ko kung anong meron ako para ipatanggal ka sa school na 'to! Dahil sa'yo ay hindi kami ayos ni Chloe ngayon! Dahil sa'yo ni hindi niya ako kinakausap! I hate you so much that I don't care if I kill you right now!" Nanggigigil na sabi niya.
"Blake!"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang girlfriend ni Blake na tumatakbo palapit sa amin. Agad na binitawan naman ako ng Blake saka niya hinarap ang girlfriend niya.
Nag-palipat lipat ng tingin sa akin at kay Blake si Chloe. Bakas ng pagaalala ang mukha niya nang mapatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan nito ang pisngi ko.
"Are you oka-damn! She's sick!" Bulalas niya saka niya hinampas sa balikat si Blake. "Carry her." Utos niya kay Blake pero sinamaan lang ako ng tingin ni Blake saka ito umirap.
"I got her." Rinig kong sabi ni Zac saka niya ako binuhat na parang pang-bagong kasal.
Hindi na ako makagalaw ng sandaling iyon dahil pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga. Bago pa man akong mawalan ng malay ay naririnig ko ang pagtatalo ni Blake at Chloe dahil sa akin.
She's too nice.
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nagpupunas sa mukha ko. Basa iyon pero ni hindi ko masabi kung malamig iyon o hindi.
"Kamusta pakiramdam mo?"
"Bakit ka nandito? Di ba dapat ay galit ka sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Galit ako Janeen pero mas galit ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang sabihan si Ake na huwag kang ganunin," aniya saka nito inialis ang bimpo sa noo ko at pinalitan ng bagong pigang bimpo.
"Masyado kang mabait Chloe. Hindi mo alam kung sino ako o anong balak ko sa relasyon niyo ni Blake," seryosong sabi ko.
"Janeen, sinabi ko na sa iyo. Ang akin, akin lang. Ngayon, kung ipipilit mo iyang kagustuhan mong mapalapit kay Ake, wala akong magagawa. But still, respect what we have, our relationship, and respect yourself. Hindi sa lahat nh oras ay mapipigilan ko si Ake na gawin ang ganoon sa iyo. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo," aniya saka siya bumaling sa likuran niya kung nasaan ang sofa. Paglingon ko roon ay nandoon si Blake at Zac. "At ikaw! Ake naman. Hindi porket galit ka kay Janeen ay mananakit ka na! Pinagsabihan na kitang mali 'yon! Pinaiiral mo na naman 'yang kakitiran ng utak mo!" Bakas sa boses ni Chloe na naiinis ito.
"Can you blame me Chloe? Ayaw niya akong tigilan!" Asik ni Blake.
"Eh 'di lumayo ka lang ng lumayo!" Ani Chloe.
"Lapit nga siya ng lapit!" Si Blake.
"Eh 'di lumayo ka pa rin. Isa pang sabi mo ng lapit, hindi na talaga tayo magbabati. Hmp!" Inirapan siya ni Chloe dahilan para matawa ako.
They're too strong. Akala ko no'ng una ay magagawa kong makuha si Blake dahil gan'on naman ang mga lalake 'di ba? Kapag maganda ka, magagawa mo silang maakit kahit pa meron na silang girlfriend. Tulad ng babaeng 'yon na umagaw sa boyfriend ko!
"Chloe," tawag ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at pinakatitigan. Ang ganda niya palang talaga. "I'm sorry."
Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Chloe saka siya umiling.
"Sa totoo lang masama pa rin talaga ang loob ko. To think na hinalikan mo sa harap ko si Ake? Ang sarap mong sabunutan 'teh! Sagad eh! Kaso, wala naman akong mapapala kapag nakipag-away ako sa'yo. Bukod sa masasaktan din ako dahil alam kong hindi ka papatalo, makakasakit din ako. Kaya nah, never mind. Si Ake lang naman 'yan. Sayang ganda natin," nakangiting sabi nito saka siya lumabi nang biglang sigawan siya ni Blake.
Kalog din pala siya?
Napangiti ako ng sandaling iyon sa kanya. Akala ko ay puro lang siya ganda. Akala ko war freak siya. Akala ko suplada at parang laging magagalit. Iyon ang mga first impression ko sa kanya. Akala ko sa likod magandang mukhang meron siya ay makikita ko ang isang bitch attitude nito pero wala.
Ilang sandali pa ang nagtagal ay umalis na sina Chloe at Blake sa clinic. Oo. Dito nila ako dinala.
"She's nice, and beautiful. No wonder, Blake liked her." Rinig kong komento ni Zac kaya naman napalingon ako sa kanya. Nandito pa pala siya. 'Kay!
Inirapan ko ito saka ako pumikit.
"Unlike you, right Janeen?" Nasa himig nito ang pangaasar ng sandaling iyon kaya naman nakaramdam ako ng inis.
Lagi nalang siyang na-epal sa buhay ko! Ano bang problema ng lalaking 'to?!
"Umalis ka na nga! Hindi kita kailangan dito!" Asik ko sa kanya saka ko siya tinalikuran. Itinaas ko ang kumot ko saka ako huminga ng malalim. Masakit pa rin ang ulo ko at ramdam ko ang malakas na pag-pintig nun nang gawin ko iyon.
"Wow! Wala man lang thank you? Thank you so much huh?!" Pagpaparinig niya.
"Eh 'di thank you! Bye!" Sabi ko rito.
Ba't naman ako magte-thank you sa kanya?!
Aning lang Janeen? Siya bumuhat sa'yo kanina!
So? Ba't sinabi ko bang buhatin niya ako?! Siya 'tong nag-volunteer!
Ang sama ng ugali ko, tss!
"What a bitch." Rinig kong sabi niya kaya naman napadilat ako ng mata at napataas ng kilay. Pangalawang beses niya na akong tinawag na bitch ah!
Eh di sagutin mo!
Wala akong lakas! Tch!
Ah bahala ka!
Siya ang bahala sa buhay niya! Wala akong balak patulan 'yan!
At para akong tanga na kinakausap ang sarili ko kaya naman muli akong pumikit na lang.
"Hindi ka sasagot?" Rinig kong tanong niyang muli pero ni hindi ko namagawang gumalaw o magsalita. Hindi talaga kaya ng katawan ko makipagtalo kahit pa ang daming sinasabi ng utak ko.
"You're such a mess." Rinig kong bulong niya na bahagyang nagpa-pitlag sa'kin saka ko naramdaman ang paghalik nito sa ulo ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang yabag nito palayo at ang pagbukas-sara ng pinto kasabay ng pagdilat ko sa mga mata ko.
What the?! Ano iyon?!
Alas-nuwebe ng gabi. Papunta na ako sa part time job ko. Buti na lang ay okay na ang pakiramdam ko nang makapag-pahinga ako ng maayos at makatulog ng ilang oras. Pagpasok ko ng Devil's Club ay dumiretso na ako sa may locker room at nagpalit. Bartender ako roon ng iba't ibang klase ng alak. Matapos ko roon ay nagpunta na ako sa labas at agad na dumiretso sa loob ng bar counter.
"Hey. Same drink."
Nilingon ko ang boses na iyon saka ako napa-simangot. Nakita ko lang naman iyong mayabang na Air Moon na siyang sikat na DJ sa bar na 'to. Hindi ko makakalimutang kinuhanan niya ako ng video nung nakaraang linggo nang maka-away ko si Chloe. Siguradong ipang-aasar niya na naman sa akin 'yon!
"Here," walang reaksyong abot ko sa kanya ng JD rocks or Jack Daniel's on the Rocks. Gabi gabi niya iyang order bago siya pumunta sa pwesto niya.
"Kamusta maging kontrabida? May napala ka?" Nakangising tanong niya sa akin kaya naman inis na inirapan ko ito saka ko pinag-krus ang dalawang braso ko sa dibdib ko.
"Kung mang-aasar ka lang. Maghanap ka na lang ng iba Air," pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"You're not pretty, so don't do that." Poker face na sabi nito saka siya tumayo dala ang order baso niya.
Gago! Next time lalasunin na talaga kitang lalake ka!
Kulang na lang ay ibato ko sa kanya lahat ng bote roon sa inis ko.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro