Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 89 (Why?)

Blake's POV

Buti na lang wala iyong instructors namin ng pang-hapon kaya dumiretso ako sa bahay nina Chloe. Hindi na raw kasi siya pumasok sabi nina Eos kaya naman bigla akong kinabahan.

Dali-dali akong pumasok sa bahay nina Chloe nang makarating ako roon. Naka-ilang tawag na ako sa pangalan niya pero walang sumasagot kaya naman sa kwarto niya ako dumiretso. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang himbing na natutulog.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya roon. Umupo ako sa tabi niya saka siya pinagmasdan. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ganoon kagalit kanina. Nung una ay noong may mga nakalaban din siyang lalake lalake dahil kay Carla. Iyong pangalawa ay iyong kanina.

"Galit ka ba sa akin Babebear?" Bulong ko sa tenga nito. Nang lingunin ko siya ay nakita ko siyang bahagyang nakadilat saka siya ngumiti at yumakap sa akin saka siya muling pumukit.

Napangiti ako ng sandaling iyon. Umayos ako ng pagkakahiga saka siya iniayos na humiga sa braso ko. Naramdaman ko naman ang pag-siksik niya sa akin dahilan para mas lalo akong mapangiti. Maya maya lang ay naramdaman ko pa ang pag-amoy niya sa akin.

"My Babybear. . . I love you," nakapikit ngunit nakangiti niyang sabi. Napailing nalang ako at nakangiting hinalikan ito sa noo niya.

Ito, ganitong bagay ang ayaw kong makita ng iba lalo na ng ibang lalake. Nakaramdam ako ng galit kanina dahil isipin ko pa lang na may kasama siyang ibang lalake at ganito siya kahimbing matulog ay nagaalala na ako.

She's too kind, and innocent. Akala siguro nung Air na iyon ay hindi ko napapansin ang paraan ng pagtitig niya kay Chloe. Been there, done that, and I fell in love with her. With just merely looking at her like this.

"If only I could be with you all the time Babebear," bulong ko sa kanya saka ako umayos ng higa at isinandal ang pisngi ko sa ulo niya at pumikit.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Na iyong tipong gusto ko siyang ipagdamot sa lahat. Kung pwede ko lang talagang diktahan siya sa lahat ng ginagawa niya ay ginawa ko na.

"Blake?"

Napadilat ako ng mata saka ko inilibot ang paningin ko sa kwarto. Nanlalaking matang agad akong napabitaw kay Chloe at unti unting inialis ang kamay ko sa kanya.

"It's fine. Don't wake her up," ani Tita Madz. Gaya ng sabi niya ay hindi na nga ako bumangon. "Anong nangyari sa mukha mo?" Nag-aalalang tanong ni Tita.

"Gawa po 'to ni Chloe, inawat kasi akong nakipag-away kanina eh mas sinaktan niya pa ako." Tumawa si Tita. "Nga po pala, sorry Tita kung naabutan niyo kaming ganito" paghingi ko ng paumanhin sa Mama ni Chloe.

"Blake iho, magiging prangka na ako ha?" Panimula ni Tita saka siya tumabi sa kabilang side ni Chloe. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng sandaling iyon. Hinaplos niya ang buhok ni Chloe saka siya napangiti. Kitang kita ko roon kung gaano niya talaga kamahal si Chloe. "She's our princess. Hangga't maaari ay ayaw naming may mangyaring masama sa kanya, sa inyo, na pwede niyong pagsisihan. Having sex--"

"No Tita. Wala pa po sa isip ko ang ganyang bagay!" Nanlalaking mata na sabi ko kay Tita sabay wagayway ko pa ng kamay ko sa ere na para bang may kasalanan akong nagawa.

Tumawa si Tita Madz saka ito umiling. "Okay. I believed you. Mas okay nang maaga kong masabi at maaga kitang mapagsabihan. Masyadong inosente sa maraming bagay si Chloe," tinitigan niya si Chloe, "Lahat ng gestures na ipinapakita mo sa kanya, para sa kanya ay wala lang iyon. Insensitive siya kung napansin mo," tumatawang sabi ni Tita kaya naman bahagya na rin akong natawa dahil totoo ang sinabi nito.

Naalala ko nga noon, kung hindi ko pa sinabing gusto ko siyang ligawan ay ni hindi niya ata malalaman na may gusto ako sa kanya.

"Tama po kayo diyan Tita," pagsang-ayon ko saka ako umiling. Nang lingunin ko si Tita Madz ay hinahawi nito ang buhok ni Chloe.

"Kagabi, may lalake raw na iniuwi niya sabi ni Manang. May sakit daw at hindi raw alam ni Chloe kung saan nakatira iyon kaya dito niya dinala. Please iho, don't let her. Masyadong delikado sa kanya ang ganoong bagay. Ikaw lang at si Eos ang pinagkakatiwalaan kong lalake na nakapaligid kay Chloe." Hinawakan ni Tita Madz ang pisngi ko at hinimas iyon. "Tinuturing na kitang anak iho, dahil alam kong wala kang gagawing masama sa kanya na ayaw namin ng Tito Gavin mo. We trust you. Pangaralan mo si Chloe. Matalino kang bata, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin hindi ba?"

Napangiti ako at agad na tumango. Masaya akong pinagkakatiwalaan ako ni Tita Madz. Naiintindihan ko sila dahil nga sa nag-iisang babaeng anak nila si Chloe. Ako nga na lalake ay laging pinagsasabihan ni Dad, si Chloe pa kaya?

"Makakaasa po kayo Tita." Nilingon ko si Chloe at tinitigan ang buong mukha niya. "Para sa akin po, makasama ko lang siyang ganito, kuntento na ako. Makita ko lang siyang masaya, napapangiti niya na ako. Hindi ko kailangan ng higit pa roon para lang maramdaman ko o iparamdam sa kanya kung ano mang nararamdaman namin para sa isa't isa."

Naramdaman ko ang bahagyang paggulo ni Tita Madz sa buhok ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin.

"You really love her huh? Napaka-honest mo iho. Ako noon, nahihirapan akong mag-express ng nararamdaman ko para sa Tito Gavin mo. Bilib ako sa iyo na ganyan ang nararamdaman mo kay Chloe," aniya. Tumango tango naman ako saka nginitian si Tita Madz.

Yeah, I really do love her and respect her so much. Gusto kong pangalagaan kung anong meron kami ngayon, na sana, hindi magbabago sa paglipas ng panahon.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Tita Madz. Bago ito umalis ay ibinilin pang gisingin na si Chloe dahil darating na mamaya maya si Tito Gavin. Ang sabi ni Tita ay pupunta raw kasi sila para sa monthly check up ni Chloe kay Doc Carlo. Sa pagkakaalam ko ay okay na raw ang monthly kaysa iyong dati na every weekend dahil okay naman na raw ang lagay ni Chloe. Nang ibalita nga sa akin iyon ni Chloe ay sobra akong natuwa.

"Chloe. . . Hey sleepyhead, wake up." Marahan kong tinapik tapik ang pisngi nito dahilan para bahagya siyang gumalaw. "Kapag hindi ka gumising, hahalikan kita hanggang sa magising ka," bulong ko pa sa kanya saka ako mahinang natawa.

"Ake. . ." Mamaos maos na sambit nito na para bang kiniliti ang puso ko nang marinig iyon. Hindi ko mapigilang isipin na, paano kaya kung araw-araw kong marinig iyon at tuwing gigising ako sa umaga ay siya ang makikita ko?

I pursed my lips and kissed her forehead. Nang gawin ko iyon ay dumilat na ito. Naka-ilang beses pa siyang dumilat at pumikit bago siya tuluyang mag-dilat ng mga mata. Isang ngiti ang pinakawalan niya sa kanyang mga labi ng sandaling iyon. Muli ay naramdaman ko na namang bumilis ang pintig ng puso ko. Lahat ng simpleng gawin niya ay talaga namang kakaiba ang dating sa akin, lalo na sa puso ko.

Mas lalo ko siyang minamahal araw-araw. Pwede pala iyon?

"Kanina ka pa ba rito?" Tanong ni Chloe saka ito sumiksik sa kilikili ko. I don't know why, but she really loves to do that. Napansin ko lang.

"Yeah. Nandito parents mo."

Agad na napabalikwas ng bangon si Chloe saka ito patalon na tumayo at patakbong lumabas ng kwarto. Naiwan naman ako roon na nagtataka sa ginawa nito.

Tch! Hindi man lang ako hinintay para sabay kaming bumaba!

Kamot ang ulo ko ay bumangon na rin ako. Nang maayos ko ang damit na suot ko at ang buhok ko ay lumabas na rin ako ng kwarto ni Chloe.

Malapit na ako sa hagdan nila ngunit may narinig akong hikbi nang madaan ako sa isang silid.

"Mama, I'm scared. . . Bakit po ganito? Akala ko oaky na po?" Boses ni Chloe iyon.

Scared? What? Why?

"Ssshh. . . Calm down iha. Hayaan mo, tatanungin natin iyan okay? Pasensya na kung ngayon lang kami nakauwi." Boses ni Tito Gavin.

Ilalapit ko pa sana ang tenga ko sa pinto ngunit nang marinig ko ang mga yabag nila paplapit ay pasimple akong lumayo at naglakad na pababa ng hagdan.

"Blake iho? Nandiyan ka pala." Boses ni Tito Gavin. Tumigil naman ako sa paglalakad saka ko siya nilingon. Pagtingin ko sa kaniya ay nakita kong nakayakap si Chloe kay Tita Madz habang subsob ang mukha niya sa dibdib ni Tita.

"Opo Tito." Nakangiting sagot ko sa kanya saka ako bumaling ulit kay Chloe.

"Ah, iho. Namiss niya kami. Iyakin ang prinsesa namin, pasensya na," ani Tita Madz.

Oh, so iyon ang dahilan? Natatakot ba siyang wala ang parents niya sa tabi niya? Bakit hindi man lang niya nasasabi sa akin?

"Okay lang po iyan Tita," sagot ko kay Tita na siya ring lingon ni Chloe sa akin saka siya bumaling ulit kay Tita. Nakita kong tinanguan niya si Chloe. Nang gawin iyon ni Tita ay lumapit sa akin si Chloe saka siya yumakap sa akin. "Hey, what's wrong?" Tanong ko rito. Nakita ko namang bumaba na sina Tito at Tita kaya naman niyakap ko na rin si Chloe.

"I just feel sad," humihikbing sabi nito. Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Why is that?" Tanong ko sa kanya.

"Ake, what if there's no Endlessly between us anymore?" Rinig kong tanong niya na tila nagpaguho sa mundo ko.

Para bang hiniwa ang puso ko ng sandaling iyon. Sinundot na para bang hindi nasasaktan ngunit nagdurugo. Natigilan ako at para bang namanhid sa kinatatayuan ko.

Anong sinasabi niya? Anong gusto niyang iparating?

Ngunit bago ko pa man tanungin ang mga iyon ay muli siyang nagsalita.

"I love you Ake. I really love you but. . . I think we should break up," aniya.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro