Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Season 2 - 86 (Scene)

Third Person's POV

Last scene na ng mini movie nila Chloe, Air, Eos, Kai at Ayeka. Wala na ang mga studyante nung oras na iyon kaya naman naka-set up na lahat ng kailangan nila.

Dalawang camera ang pina-ikot ngayon ni Eos sa loob ng classroom. Hawak ni Ayeka ang isa habang si Kai ay may hawak na malaking karton para sa hangin na effect dahil ang balak nilang gawin, kapag maghahalikan na sina Air at Chloe ay liliparin ang manipis na kurtina at haharangan ang dalawa. Ang lalabas dapat sa camera ay anino lang nilang naghahalikan saka magyayakapan.

Wala sa sarili si Chloe nang sandaling iyon. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang gawin ang eksena na iyon kasama si Air. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila nagkaka-ayos. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya magawa. Sa tuwing susubukan nito ay babarahin siya ng binata o hindi naman kaya ay pagsusungitan.

Sa kabilang banda ay matamang tinititigan ni Air si Chloe. Alam niyang noong unang beses pa lang niyang makita ito ay iba na ang dating sa kanya ng dalaga at naagaw na ni Chloe ang pansin niya. Ngunit ayaw niyang mapalapit sa dalaga kaya naman kun-todo iwas ito kay Chloe. Subalit talaga namang pursigido ang dalaga na makipag-ayos sa kanya na pinangangambahan niya. Ayaw talaga niyang magkaroon ng ugnayan kay Chloe at hangga't maari ay gusto nitong layuan ang dalaga.

Ipinilig ng binata ang kanyang ulo saka bumuntong hininga. Si Eos naman na nag-aayos ng camera ay hindi naiwasang mapalingon kay Air na ngayon nga ay nakatitig sa nakatalikod na si Chloe.

Don't tell me he likes her?

Matamang tinitigan ni Eos ang bawat galaw ni Air ng sandaling iyon.

"Hoy. Ang sabi ko, si Chloe ang hindi mo pwedeng titigan, dapat ba kitang pagbawalan na tumitig din kay Air? Ano ka ba? Lalake ka bang talaga o bakla?" Pukaw ni Ayeka kay Eos kaya naman kunot noo siyang nilingon ng binata.

"What the hell are you talking about?!" Mahinang asik ni Eos kay Ayeka.

"Eh paano, kanina ka pangnakatitig kay Air!" Ani Ayeka. Pinisil naman ni Eos ang pisngi nito dahilan para titigan siya ng masama ni Ayeka. Napangiti nalang ang binata nang gawin iyon ng dalaga. Sa loob loob ni Eos ay cute si Ayeka sa tuwing naiinis o di kaya'y sinasamaan siya ng tingin nito.

"Baliw. May napansin lang ako kay Air Moon," ani Eos na nakakuha ng pansin ni Ayeka. Muling nilingon ni Eos si Air na mataman pa ring nakamasid kay Chloe. "Don't you find it weird? Na lagi niyang tinititigan si Chloe? Idagdag mo pa roon sa aksidente na nasagip niya agad si Chloe? Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ang sama pa rin ng pakikitungo niya kay Chloe. Doble nga iyon kaysa sa trato niya sa atin," paliwanag ni Eos kay Ayeka na dahilan para tumango tango ang dalaga at tumingin na rin kay Eos.

"Baka crush niya si Chloe," ani Ayeka.

Nagkibit balikat si Eos. "Maybe, or nacha-challege lang siya kasi may talent si Chloe. Pansin ko kasing lagi niyang sinisita lahat ng ginagawa ni Chloe. Pagalit man niyang sabihin o parang pang-i-insulto, lagi naman siyang may point. Sa kabilang banda, sinusunod naman siya ni Chloe."

"Or, crush niya lang talaga," ani Ayeka kaya naman napalingon si Eos dito. "Oh bakit? Selos ka?"

Unti unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Eos. "Hindi. Nandiyan ka na eh," aniya na nagpangiti naman sa dalaga.

"Ikaw ah! Pa-fall ka! Siguraduhin mo lang na sasaluhin mo ako! Bibitayin kita kapag hindi mo ako sinalo!" Banta ni Ayeka dito dahilan para matawa si Eos.

"Are you willing to wait?" Sinserong tanong ng binata kay Ayeka.

Hindi malaman ng dalaga ang mararamdaman niya nung oras na iyon. Kung titili siya ay mukhang kulang pa iyon sa sayang nararamdaman niya.

"Eos naman eh. Mag-start na nga tayo," pag-iiba ng topic ni Ayeka saka siya tumalikod kay Eos at pigil na tili itong naglakad palayo. Hindi lingid sa kaalaman iyon ng binata kaya naman natawa na lang siya.

"Okay guys, let's start." Sigaw ni Eos sa kanila kaya naman nagsi-puntahan na ito sa kanilang pwesto.

"Ready? Lights. . . Camera. . . Action!" Sigaw muli ni Eos. Hudyat na nagsimula na ang scenario na isho-shoot nila.

Scene. Dapit hapon na at magpapaalam na si Chloe kay Air. Susuko na si Chloe sa nararamdaman niya para sa binata. Unti unting pumatak ang luha na kanina pa nagbabadyang tumulo sa mga mata ni Chloe. Magkaharap silang dalawa ni Air sa may bungad ng bintana. Matamang nagtitigan sa mga mata ang dalawa at talaga namang bigay na bigay sa eksena.

"Air, hindi mo ba talaga ako magagawang mahalin? Kasi ako, mahal na mahal talaga kita eh. Sa sobrang pagmamahal na meron ako para sa iyo ay pati pagmamahal ko sa sarili ko, wala na. Ubos na. Kaso naisip ko, mukhang wala naman ata talagang patutunguhan ang nararamdaman kong 'to." Ilang beses na humikbi ang dalaga. "Pero kahit na ganoon, mahal na mahal pa rin kita. Sobra, kahit ang sakit-sakit na. Ang hirap mong mahalin Air eh. Ganoon ka na ba talaga kamanhid?"

Yumuko si Air saka ito nagpakawala ng buntunghininga. Sa eksena ay nasasaktan siyang makita na nasasaktan niya si Chloe. Nang muling tumingala si Air ay may luha na ang mga mata nito. Bahagyang ikinagulat iyon ni Chloe ngunit agad rin itong nakabawi.

"Chloe, paano kong magagawang magmahal ng iba kung sarili ko mismo hindi ko kayang mahalin? Paano kitang mamahalin kung sa sarili ko palang ay hirap na hirap na akong gawin iyon?" Madamdaming sabi ni Air. "Chloe, alam ng Diyos kung gaano kitang gustong mahalin. Kaso ito eh," tinuro ni Air ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya, "Ito ang problema. Ayaw niyang makisama!" Umiiyak na sabi ni Air habang sinusuntok ang dibdib niya.

Hindi mapigilang mamangha ni Chloe kay Air ng sandaling iyon. Talagang magaling siya, sa isip-isip niya. Ngunit hindi nagpatalo ang dalaga. Hinawakan ni Chloe ang kamay ni Air saka niya inilapat ang palad ng binata sa pisngi niya.

"Air, huwag kang padadala sa nararamdaman mong kalungkutan. Magtiwala ka sa sarili mong kaya mo. Nandito ako Air. Mananatili ako hangga't kailangan mo ako. Please, trust me. Believe me Air, hinding hindi kita iiwan. Ganoon kita kamahal. Ang gusto ko lang gawin mo ngayon ay magtiwala ka sa akin." Drama ni Chloe.

Natigilan si Air ng sandaling iyon sa ginawa ni Chloe. Wala kasi iyon sa script at mukhang alibi ang gestures na ginawa ng dalaga. Nang matauhan si Air ay inihawak niya pa ang isang kamay sa pisngi ng dalaga. He cupped her face and pulled it slowly towards her. Nang gawin iyon ni Air ay siya namang kumpas ng kamay ni Eos kay Kai, senyas na lakasan ang pagkakapaypay para lumakas kunwari ang hangin.

"I will Chloe." Ani Air.

Ilang inches nalang ang layo ng mukha ni Air kay Chloe ng sandaling iyon. Hindi naman naiwasan ng dalaga ang kabahan sa kabila ng drama na namamagitan sa kanila, habang si Air naman ay nagdadalawang isip kung hahalikan niya bang talaga si Chloe o hindi. Hindi alam ni Air kung dala lang iyon ng eksena pero pakiramdam niya ay para bang may laman ang bawat katagang sinabi ni Chloe. Unti unting napangiti si Air, saka siya pumikit at inilapit pang lalo ang mukha niya kay Chloe. Sa isip ng binata, magaling si Chloe bilang actress dahil nadala siya sa script na sinunod ni Chloe.

"And, cut!" Sigaw ni Eos.

Chloe's POV

Agad akong umatras mula sa pagkaka-dikit ng noo ko sa noo ni Air nang marinig kong sumigaw si Eos. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Akala ko talaga ay hahalikan ako ni Air! Muntik ko na siyang itulak kanina nang madikit ang noo ko sa noo niya.

Nakaka-asiwa! Hindi ako komportable! Lalo na nang makita ko siyang ngumiti! Juicecolored! Hindi na dapat maulit iyon! Simula ngayon, hindi ko na crush si James Reid! Solid Ake nalang ako! Delikado ako rito!

Hawak ang dibdib ko ay naglakad ako palayo sa kanila.

"Chloe!" Rinig kong tawag sa akin ni Kai kaya nilingon ko ito. Laking gulat ko na lang nang bigla niyang isubo sa akin ang chocolate na hawak niya.

"Ang galing niyo! Hanggang ngayon, naiiyak ako," ani Kai. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti. Ang cute cute niya talaga. Para ko siyang baby brother.

"Sakto lang naman Kai," sagot ko sa kanya.

"Grabe--grabe! Nakakaiyak!" Ngumangawang sabi ni Ayeka na ngayon ay nakayakap kay Eos.

Ases! Tiyansing! Haha!

"Good job guys!" Ani Eos. "Let's celebrate. Sagot ko."

Ha? Hala, 'di ako pwede.

"Eos, hindi ako pwede," agad na sabi ko saka ako lumapit sa kanilang dalawa ni Ayeka.

"Bakit?" Tanong niya.

"Eh, sabay kaming uuwi ni Ake eh." Sagot ko sa kanya.

"Di yayain mo siya."

Napalingon ako sa likuran ko nang magsalita si Air. Oo teh! Si Air! Nagsalita! Ng kusa!

"Huh?" Kunot noong reaksyon ko.

"What?" Walang reaksyong sabi niya naman kaya napairap ako.

"Oo nga. Yayain mo na lang siya Chloe," ani Kai.

"Please? Dali na," pangungumbinsi ni Ayeka.

"Fine." Sagot ko kaya naman masayang pumalakpak sina Kai at Ayeka. "Teka, tatawagan ko na lang siya," paalam ko sa kanila saka ko inilabas ang phone ko sa bulsa ko at tiniwagan nga si Ake.

"Yes Babebear?" Agad na sagot ni Ake sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"Babybear, magse-celebrate kami nina Eos, sama ka?"

"Speaking Babebear, hindi pala tayo pwedeng magsabay ngayon. May pupuntahan ako kasama iyong mga ka-group ko. May kailangan kaming tapusin na report ngayong gabi sa bahay," aniya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang marinig iyon kay Ake. Ang tagal na nung huli kaming magkita. Lagi na siyang busy at ganoon din ako. Bakit ganoon? Nasa iisang school lang naman kami pero bakit pakiramdam ko ang layo layo na namin sa isa't isa?

"Babebear, nai-imagine kong kagat mo na naman ang ibabang labi mo at naka-simangot. Don't be sad okay? Gagawa ako ng paraan para makapagkita tayo this week. I promise," ani Ake sa kabilang linya. Hindi nabawasan ang naramdaman kong panlulumo ng sandaling iyon. "Babebear, ----hoy Blake! Dalian mo nga! Imbis na matapos na 'to eh! ----Pwede ba Janeen?! Nakikipag-usap ako sa girlfriend ko! Lumayo ka nga! --- Hello Babebear? Sorry about that."

May kung anong parang tumusok ng ilang ulit sa puso ko nang marinig ko ang boses nung Janeen sa kabilang linya. Ibig sabihin ay magka-group sila? Eish!

"It's fine," hindi ko mapigilang malungkot, "Sige na. Sorry kamo sa istorbo diyan sa kagrupo mo. Call me when you get home, or just text me kung sobrang busy ka talaga. Kahit smiley face lang okay na. I love you Babybear." Huminga ako ng malalim. "I miss you so much Ake."

Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Ake sa kabilang linya. "Nasaan ka?"

"Ha? Nandito pa sa classroom," nagtatakang sagot ko. "Hello? Hello Ake?" Tinignan ko ang phone ko at nang makitang ibinaba niya ang linya ay napa-kunot noo ako. "Tignan mo 'tong lalaking 'to! Hanggang ngayon, bastos pa rin!" Asik ko sa phone ko.

"Anong sabi?" Si Eos. Lumingon ako sa kanila saka ako pilit na ngumiti.

"He's busy. Hindi na rin kami magsa-sabay na uuwi," sabi ko sa mga ito saka ako napa-upo sa ibabaw ng desk.

Naramdaman kong may yumakap sa mula sa likuran ko at naamoy ko agad ang pabango ni Ayeka.

"Awe. Yaan mo na. After naman nito, may ilang free hours na tayo. Pwede mo na siyang puntahan sa building nila," ani Ayeka na nakayakap nga sa akin habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Oo nga Chloe. Don't be sad. Here, eat." Ani Kai pero agad kong tinakpan ang bunganga ko saka ako mabilis na umiling.

"No more chocolates. Bawal sa akin ang laging kumakain ng matamis," sabi ko sa kanya.

"Chloe!!"

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto kung saan nanggaling ang boses na iyon. Mula roon ay nakita ko si Ake kaya naman unti unti akong napangiti at halos talunin ko na ang desk na inuupuan ko para lang salubungin ito. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at ganoon din siya.

"I'm so sorry I made you sad Babebear," rinig kong sabi niya habang mahigpit siyang nakayakap sa akin.

"Wala iyon. Sobrang saya ko naman na ngayon eh," sabi ko rito. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa buhok ko saka siya humiwalay mula sa pagkakayakap niya.

Mataman lang kaming nagtitigan ng sandaling iyon at ilang minuto pa ang lumipas bago kami napangiti. Makita ko lang siyang okay ay okay na ako. Makita ko lang ang mga ngiti niya, sapat na para mabuo ang araw ko.

Ganito ko na pala kamahal si Ake?

TO BE CONTINUED..

Comments loves! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro