Season 2 - 79 (First Day)
Chloe's POV
First day of school. Medyo kinakabahan ako. Sinong hindi? Aba! Mabalitaan ko ba namang maraming feeling artista na raw sa department na 'to! Awe. Wala na sina Macey at Riley na taga-pag-tanggol ko. Nasa kilalang school na sila kung saan ang main focus ay fashion eh.
Hawak ang kwintas na bigay ni Ake ay pumikit ako at bumuntong hininga. Bagong mukha na naman ang mga makakasalamuha ko. Bagong ugali. Bago na namang lahat. Nang dumilat ako ay pinakatitigan ko muna ang singsing na bigay ni Ake, napangiti ako. Nang muli akong tumingin sa dinaraanan ko ay muli akong huminga ng malalim.
"Kaya mo iyan Chloe!" pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Nasa hallway na ako papunta sa fine arts department at hinahanap ang room number ng first subject ko. Sinadya kong agahan dahil ayokong mag-gahol ng oras kapag ganitong first day of class. Mamaya mawala pa ako, wala pa man din akong sense of direction!
Naka-ilang tingin na ako sa mga room numbers sa labas ng classroom pero hindi ko pa rin nakikita ang room.
Nasaan na kaya si Eos? Parehas kasi kami ng codes na kinuha para nga maging kaklase ko siya.
"Gotcha'!" sambit ko nang makita ang room number ng klase ko.
THST 101 Acting Studio, our first subject.
Paano ako nagkaroon neto? Ah! General nga pala kinuha namin ni Eos. Kumbaga, pinaghalo-halo lang namin lahat ng pwede na 101 subjects. Mamaya music, mamaya naman arts, mamaya dancing, tapos filming, photography then management and production. Basically, iyon ang subjects na kinuha namin ni Eos. Halo-halo! Ang masaklap lang, meron kaming 3 subjects na history ek ek, about fine arts, in general ulit. Waaah!
"Hey! Kanina pa kita tinatawag!"
"Ay tinatawag!" bulalas ko saka ko hinarap ang tumawag sa akin. "Eos naman eh! Ginulat mo ako!" nakangusong sabi ko rito.
"Paano, kanina ka pa nagme-make face diyan na parang litong lito," natatawang sabi niya saka siya tumabi sa akin. Mahabang table kasi ang meron kami na parang hagdan ang style.
"Parang nakaka-pagod naman 'tong course kasi natin, may mga workshop pa," sabi ko rito habang nakatingin sa pink paper kung saan nakalagay ang subjects namin.
"Ngayon lang iyan kasi wala pa tayong pinaka-main na kukunin. Tignan mo, halo-halo ang ibinigay sa atin na requirement subjects, kasi nga para ma-try natin lahat. Buti nga at pinayagan tayong gawin iyon eh," he said while raising his eyebrows.
"Yeah, fine, whatever," sabi ko saka ako nangalumbaba gamit ang dalawa kong kamay.
Nag-kwentuhan pa kami ni Eos bago nagsi-datingan ang iba naming kaklase. Bawat pumasok ng classroom ay matutuon ang atensyon sa amin ni Eos. Madalas, ay puro iyon babae at alam kong si Eos ang chini-check out nila. Magbubulungan pa ang mga ito saka sila parang kikiligin.
"Artista ang peg mo agad dito Eos ah," biro ko kay Eos na ngayon ay tumitingin ng mga kuha niya sa dala nitong camera.
"Yaan mo sila," kibit balikat na sagot nito na mukhang ayaw pa-istorbo kaya hindi ko na kinulit. Unpredictable rin pala ugali nitong lalakeng 'to!
"Good morning aca-bitches!" sigaw ng isang babae na puro burloloy ang mukha, pati damit at katawan. Huwaw lang!
"Good morning!" sabay-sabay na sagot ng buong klase. Hindi ako naka-sabay eh. Sorry naman!
"I'm Fatty Patricia, but you can call me Fat-Pat! No honorifics needed. Lahat tayo rito ay pantay pantay. Mas marami nga lang akong experience kesa sa inyo kaya nasa sa inyo na kung gagalangin niyo ako o hindi. Hiya nalang ang kailangan para umayos ang mga ugali niyo!" sigaw niya sabay kanta sa huli na bahagyang nagpa-kunot ng noo ko at natawa.
"She's weird," bulong sa akin ni Eos. Hindi ko naman ito nilingon, bahagya lang akong tumawa.
"Okay, introduce yourselves. Siyempre, first day. What do you expect?" tumatawa nitong sabi.
Isa isa niyang tinawag ang mga students in alphabetical order. Lahat ng nagpakilala ay hindi ko maitatangging may itsura at kakaibang aura.
"Next, Ms. Brooch!"
"Here Miss Fat-Pat!" masiglang sigaw ng isang babae kaya napalingon ang lahat sa kanya.
Hala! Macey, is that you? Ang fashionista niya! As in different colors na talagang bagay na bagay sa kanya!
"Hi everyone! My name si Ayeka Liz Brooch! Friendly ako, pero ayoko sa mga bitch!" unti unting nagbago ang masayang mukha nito at sumeryoso, "Ayoko na plastic at kung may nakakakilala man sa akin dito, huwag na huwag kayong makikipag-kaibigan sa akin dahil lang sa talent ko or, sikat ako. I hate those kind of people." Bumalik ang ngiti nito, "But don't worry, magaling akong mangilala ng tao. Isang tingin ko pa lang sa iyo, mage-gets ko na ugali mo."
Matapos niya doon ay agad itong bumalik sa inuupuan niya.
"Wow! A hyper one," komento ni Eos habang ako ay napangiti nalang. At least hindi siya plastic.
"Ms. Cavalier!"
Agad akong tumayo at ganoon din si Eos para paraanin ako. Nang makababa ako at pumunta sa harapan ay mataman kong tinitigan ang lahat. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko saka ako ngumiti.
"I'm Chloe Maven, 17 years old. That's all you need to know." Pilit ngiting sabi ko saka ako bumalik sa pagkaka-upo. Wala! Wala akong pinagbago pagdating sa ganito. Nakakainis!
Makaraan ng ilan pang students ay tinawag na si Eos.
"I'm Eos Rhad, 17 years old. That's all you need to know."
Napangiwi ako nang gayahin niya ang pagpapa-kilala ko.
"Wait!" sigaw ng isang babae.
"Yes?" tanong ni Eos sa kanya.
"May girlfriend ka na?"
Nagsimulang mag-hiyawan ang mga babae. Aba! Siya na!
"Wala. Pero hindi iyan ang focus ko sa ngayon. I don't need one." seryosong sabi ni Eos kaya naman natigilan ako.
Ako pa rin kaya ang dahilan?
Blake's POV
Anatomy Physiology 101 agad ang pam-bungad na subject sa amin kaya naman pasimple akong napangiti. First day of class palang ay talaga namang nagugustuhan ko na ang mga subject ko.
"Can you move? Hindi mo pag-aari ang buong mesa. Dalawa sa isang mesa kaya tumabi ka."
Napa-angat ako ng ulo nang marinig ko iyon. Kunot noo ko itong pinakatitigan. Isang maputing babae, medyo wavy ang buhok, at may suot itong malaking salamin na parang wala namang grado.
"Are you deaf? Or just stupid? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?!" asik niya na mas lalong nagpa-kunot ng noo ko.
"Ayoko ng may katabi. Go away!" asik ko rin sa kanya.
"May pangalan mo ba iyang upuan?! Ha?! Sabi ng tabi eh!" sigaw niya dahilan para lumingon ang ibang kaklase namin.
"Kung gusto mong gumawa ng eksena, mukhang mali ka ng building na napuntahan. Idiot!" sinamaan ko ito ng tingin.
"Anakng! Hindi ako tatabi sa iyo kung may bakante pang upuan dito!" inis na sabi niya saka niya hinila ang upuan na kinauupuan ko sa kaliwa saka siya umupo sa tabi ko. "Stop staring! Alam kong maganda ako!"
Bahagyang napaawang ang bibig ko at napakunot noo ng husto. Ibang klase! Ibang klase!
Napailing nalang ako at buntung hiningang hinawakan ng nose bridge ko.
"Good morning class." rinig kong bati ng isang lalake na pumasok. "Go pass a 1/4 sheet of paper and write down your names. Hindi uso sa akin ang pagpapa-kilala. I'm Damian Walker, at iyon lang ang dapat niyong malaman."
Good, dahil wala na ako sa mood! Nakaka-asar ang babaeng 'to!
Nang malingon ako sa babaeng katabi ko ay kinuha niya ang 1/4 ko dahilan para mapataas akong ng kilay kasabay ang pagkunot ng noo.
"Salamat!" nakangiti pang sabi niya dahilan para mainis ako rito.
Muli akong napailing at bumuntong hininga. Sana ay magakaroon kami ng seating arrangement!
"Pass your papers. And let me remind you, kung saan kayo naka-upo ngayon, that will be your permanent seat. Iyon lang. Tutal first day, pwede na kayong umalis." aniya ni Sir Damian na mas lalong nagpa-init ng ulo ko.
Naka-ilang mura ako ng sandaling iyon. Nang mapalingon ako sa babaeng katabi ko ay mataman lang siyang nakatingin sa akin. Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.
"Don't you ever talk to me again!" asik ko sa kanya.
"Gustuhin ko man, mukhang hindi pupwede. May mga group activity in two's tayo," nakangising sabi niya saka ito tumayo at naglakad na palabas ng klase.
"What the freak?!" inis na bulong ko saka ako padabog na lumabas.
Habang naglalakad ako papuntang building nina Chloe ay napa-iling ako. Ayokong makita niyang ganito ang itsura ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko saka ako bumuntong hininga. Nasa akin ang schedule ni Chloe, dahil hiningi ko iyon. Ako naman, binigay ko nalang sa kanya ang schedule ko kaninang umaga nang sunduin ko siya.
Papalapit na ako sa klase nila nang makita kong nagsi-labasan na ang mga students doon. Meron pang ilang babae na ngumiti ngiti sa akin na para bang nagpapa-cute. Dahil doon ay naalala ko na naman ang babaeng kaklase ko kanina.
Ugh! Stop thinking about that idiot girl!
"Babybear!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakitang kasama ni Chloe si Eos. Nginitian ako ni Eos saka ito tumango kaya naman tinguan ko na rin siya. Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako sa presensya nito sa paligid ni Chloe pero nag-bitiw si Chloe ng salitang huwag akong mag-alala.
"Babebear," nakangiting bati ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo. "How's your class?"
"Okay naman. Maraming weirdos." natatawang sabi niya. "How about yours?"
Napa-iling ako, "It's fine. Meron lang nam-badtrip sa akin kanina."
"Oh? Sino?"
"I don't know her name."
"Ohh, babae? Na-badtrip ka ng isang babae?" natatawang bulalas ni Chloe, "Himala. Hindi ba siya nasindak sa killer smile mo?"
Pinitik ko siya sa noo. "Ibinuyo mo pa ako sa ibang babae."
"Aw! Hindi 'no," hawak ang noo niya, "Agawin ka man nila, aagawin kita pabalik. Iu-untog ko sila sa muscles ko!" pagbibida niya sa biceps niyang pagka-liit liit kaya naman bahagya akong natawa. "Yun oh! Nag-smile na ng bongga," aniya kaya nginitian ko nalang ito.
"Ehem love birds! Kakain ba kayo? O maglalambingan nalang?" Si Eos. Naka-ngiwi ang mukha nito dahilan para bahagya akong matawa at ganoon din si Chloe.
Naglakad na kami papunta sa main canteen. Papa-upo palang ako ay nahagip na ng mata ko ang babaeng nang-inis sa akin sa klase kanina. Wala na itong suot na glasses at mataman lang na nakatingin sa bote ng soft drinks na nasa harap niya.
Hindi gaya ng mataray na mukha niya kanina, mukhang malungkot ito.
"Sinong tinititigan mo dude?" rinig kong tanong nj Eos kaya tinuro ko iyong babae na kaklase ko gamit ang bibig. "Ohh, pretty baby," puri ni Eos.
"Not really. She's freaking idiot! She's weird and love to make a scene!" Inis kong sabi.
Narinig kong tumawa si Eos, "First time na may kainisan kang babae ah."
"Hindi rin." agad na sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa babae.
What a weird girl!
TO BE CONTINUED..
Comments! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro